Suspicion

1494 Words
Hindi naging huli ang pagkikita nina Elizabeth at ang pulis sa bahay nang batang itinuturing nila susi sa kaso nang batang ginahasa at pinatay. Ilang beses niyang binalikan ang bahay nang mag-ina at sa pagbalik niya sa bahay na iyon parati niyang nakikita ang pulis. Napapansin din niya inihahatid nito at sinusundo ang bata patungo sa paaralan. Ilang beses niyang sinubukang lapitan ang mag-ina dahil sa sinabi ni Ella na may nalalaman ito sa nangyari kay Ana. Kaya lang naka bantay ang pulis. Dahil sa pagdikit nang pulis sa batang babae lalong tumitindi ang hinala Ni Elizabeth na may itinatago ito at bagay na ayaw nitong malaman nila. Napapansin naman ni Alexander ang masyadong pagiging busy ni Elizabeth at ang parating pagsama nito sa Batang si Ella. Minsan sinasamahan nito ang bata sa presinto para dalawin ang ama nito. Naalala niya ang pag-uusap nil ani Elizabeth noong nakaraang gabi. Naisip niyang baka, hindi parin tinitigilan nang dalaga ang kasong iyon. “What do you think you’re doing.” Wika ni Alexander na lumapit kay Elizabeth habang may ginagamot itong isang batang nasugatan mula sa pagkakahulog sa isang punong kahoy. “Cleaning his wounds.” Wika nang dalaga saka humarap kay Alexande. Bigla siyang napakagat nang labi nang makita ang seryosong mukha ni Alexander mukhang hindi ito ang tinutukoy nang binata. “Nurse Sophia.” Tawag ni Alexander kay Sophia. “Yes. Doc.” Wika nang dalaga saka lumapit sa kanila. “Tend to his wounds.” Wika nito na ang tinutukoy ay ang batang ginagamot ni Elizabeth. “And you. Let’s talk.” Wika nang binata saka tumalikod. Napatingin naman si Elizabeth sa binata saka bumaling kay Sophia. “Take care of him.” Wika ni Elizabeth na akmang susunod sa binata. Pero bigla siyang pinigilan ni Sophia. “I’ll be fine.” Wika ni Elizabeth saka tinanggal ang kamay nang kaibigan. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya. Sinundan niya ang binata hanggang sa pumasok sila sa opisina nito. Naptigil ang dalaga nang biglang huminto si Alexander saka humarap sa kanya. “Are you still sticking your nose on that case?” Tanong ni Alexander sa dalaga. Napakagat lang nang labi si Elizabeth dahil ang totoo ay hindi niya mapigilan ang sarili niya. Lalo na kapag nakikita niya si Ella at ang Ama nito sa presinto. Hind niya maiisip na ang isang tulad ni Castro ang may kasalanan sa pagkamatay nang batang si Ana. “You should stop involving yourself with that case. Hindi mo trabahong makiaalam sa trabaho nang pulis.” Wika ni Alexander napatingin siya sa dalagang tahimik. “Are you even listening.” Anang binata. “I am.” Mahinang wika ni Elizabeth. But I can’t promise anything. Dagdag nang isip niya. “Walang Officer Ben Havier dito?” gulat na wika ni Alexander nang magpunat siya sa presinto. Dahil sa nakikita niyang involvement ni Elizabeth sa kaso. Hindi na rin niya natiis na pumunta sa presinto at magtanong tungkol sa pulis. Hindi rin siya mapakali lalo na at nakikita niyang balisa ang batang si Mila sa presinsya nito. May Pagkakataon noon na sinundan ni Alexander si Elizabeth at Ella sa bahay ni Mila at tuwing nagpupunta doon si Elizabeth parating nandoon ang pulis, Bagay na pumukaw nang pagdududa niya. “Paano namang walang nakakakilala sa kanya?” Tanong ni Elizabeth. Nang marinig ni Alexander ang boses nang dalaga bigla siyang napalingon dito. “What are you doing here?” tanong nang binata sa dalaga. “I should ask the same thing Doctor.” Wika nang dalaga sa binata. BIglang naningkit ang mat ani Alexander dahilan para bahagyang mapaatras ang dalaga. “Nagdala ako nang pagkain para kay Castro. Hindi makakapunta dito si Ella.” Wika ni Elizabeth at ipinakita ang dalang pagkain. “How about you? Why are you---” “I am just checking something.” Pag-iwas nang binata sa dalaga saka bumaling sa pulis. “There must be a misunderstanding. Nagpakilala siyang Police officer. He must be working here.” Wika ni Alexander sa pulis sa front desk. “Wala hong pulis na ganyan ang pangalan dito sa presinto. Baka mula sa kabilang bayan.” Wika nito. “Pwede ba yun?” Biglang wika ni Elizabeth. “I mean. Bakit namna siya magpupunta dito kung hindi niys jurisdiction ang lugar na ito.” Dagdag nang dalaga. Dahilan para mapatingin si Alexander sa dalaga. The dots are not connecting. Iyon ang nasa isip ni Alexander. Mukhang hindi ito simpleng kaso lang. At hindi niya nagugustuhan ang pagiging misteryoso nang pulis na iyon. They should be careful lalo na si Elizabeth na mahilig sumama kay Ella. Mas Mabuti kung hindi na sila mag hahalungkat tungkol sa kasong iyon. The more they go deep into that case. Mas marami silang misteryong natutuklasan. This might not be good for them. “Do you think it’s a little suspicious?” Wika ni Elizabeth kay Alexander habang naglalakad sila pabalik sa hospital. Bigla namang natigilan si Alexander at tumingin sa dalaga. “You should really stop involving yourself in this case. I mean it.” Wika nang binata. “But---” “You highness. You are stubborn I know that. Do you really have a death wish?” Deklara nang binata. “What?” tanong nang dalaga dahil sa pagkagulat sa sinabi nang binata. “You can’t help them. Kahit na maghalungkat ka sa kasong ito. You won’t bring that child back to life. What would you get out of what you are doing? Recognition?” anang binata. “No.” wika ni Elizabeth. “That child was killed brutally. And do you think she deserve less? If there is she deserves justice.” “It’s not your job. How many times do I have to tell you that.” “I am just trying to help.” “You are being nosy. That is simply it.” Wika nang binata. “I know you hate me and you don’t like me. But---” “This is not a question or discussion about how I see you. This is about you being nosy. Princess.” Wika nang binata. Napatiim bagang naman ang dalaga dah isa sinabi nang binata. Mukhang Malabo nang magkasundo silang dalawal he is always against her and what she is doing instead of understanding her. “I am not being nosy. I am just trying to help.” “Right, convince yourself that you are doing that. Cause for what I can see. You are just but creating another mess.” Wika nang binata sa kanya. Talagang masyadong malalim ang galit nito sa kanya. And would look into what she is doing as a mess. ***** Hapon nang pabalik na si Elizabeth sa Tinirirahan nila nang salubungin siya nang batang si Mila. Ang batang sinasabi nang anak ni Castro na siyang susi sa kaso nang batang ginahasa. Nagulat pa si Elizabeth nang makita ang batang babae. Ilanga raw na niya itong gustong makausap pero hindi siya makahanap nang tyempo dahil sa pagiging bantay sarado nito mula sa pulis. Nagtaka pa siya dahil hindi nito kasama ang pulis na dati naman kasa-kasama nito. Walang araw na hindi ito binabakuran nang pulis. “Mila! Bakit?” Tanong ni Elizabeth sa batang babae. Sa halip na sumagot hinawakan nito ang kamay nnang dalaga at hinila. Tila nais nitong isama si Elizabeth sa isang lugar. HIndi naman tumutol ang dalaga dahil sa gusto rin niyang makausap ang bata. Inisip niya ito na ang pagkakataon na pwede niyang makausap ang bata at tanungin tungkol sa mga nangyari sa kaklase nito at kung may alam ito sa mga nangyari sa kaklase niya. Napansin ni Elizabeth ni Dinala siya nang batang babae sa sementeryo malapit ito sa lugar kung saan Nakita ang katawan nang batang si Ana. Bigla siyang naguluhan. Bakit siya doon dadalhin nang batang babae? Biglang tumigil sa paglalakad si Elizabeth. “Bakit tayo dito pumunta?” tanong nang dalaga sa bata. “H-hindi mo ba pwedeng sabihin sa kin ang nalalaman mo tungkol sa nangyari kay Ana? Alam kung may alam ka. May tumatakot ba sa iyo? Sabihin mo? Siya ba?” tanong ni Elizabeth. Ngunit hindi sumagot ang batang babae. Nakatinigin lang ito sa kanya “Huwag kang matakot. Poprotektahan naman kita. May mga kaibigan akong tutulong sa atin. Tutulungan ka nila. Hindi ka dapat matakot.” wika ni Elizabeth at nilapitan ang batang babae. “HIndi ka na dapat nakialam.” wika nang batang babae dahilan para magulat si Elizabeth. Napaatras siya at biglang kinilabutan Sa pag-atras niya. Bigla siyang tumama sa isang matipuno katawan. Taka siyang napatingin sa taong tinamaan niya. Nang humarap siya isang nakakatakot na ngisi ang nakita niya bago nagdilim ang paningin niya. Isang malakas na suntok sa sikmura ang naging dahilan nang pagkawala nang malay nang dalaga. Nang mabuwal si Elizabeth. Agad naman siyang sinalo nang lalaki sa harap niya. Nahintakutan ang bata habang nakatigngin sa lalaki. Bakas sa mukha nang batang babae ang labis na takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD