Conversation

1552 Words
Sinamahan ni Elizabeth ang batang babae na puntahan ang bahay nang batang si Mila upang kausapin ito at tanungin sa kung anong nalalaman nito sa nangyari sa kaklase nito na si Ana. Nasa dulo nang barangay ang bahay nang bata. Kasama nito sa bahay ang ina nito. Ang ina nito ay isang babaeng nagpapabayad sa paglalaba nang mga damit nang mga tao sa lugar nila. Nang dumating sila sa bahay nang bata naabutan nila ang pulis na nakita ni Elizabeth sa bahay nang matandang lolo at lol ani Ana. Nagtaka pa siya nang makita ito doon. Masyado naman yata itong mabait para sa isang provincial police, He is not only taking care of sa mga matanda maging sa batang si Ana at sa ina din nito. “Dr. Elizabeth. Anong ginagawa mo dito?” takang tanong nito nang makita sila ni Ella na dumating sa bahay nina Mila. Nasa isang sulok ang batang babae at hindi lumalabas nang bahay tila natatakot. Nasa labas nang bahay ang nanay nito at kinakausap ang pulis nang dumating sila. Napansin agad ni Elizabeth na tila takot na takot ang mag-ina. “Kakausapin ko sana si Mila. May gusto lang akong tanungin sa kanya.” Wika ni Elizabeth saka napatingin sa takot na mukha nang in ani Mila. Bakit naman ganoon ang takot nang mga ito. Saka siya bumaling sa pulis. Hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Kahit siya nagsisimula na ding kabahan. Napaigtad pa siya nang bigla nalang siyang hawakan sa kamay ni Ella. “Bakit mo sila gustong makausap? Tungkol saan?” tanong nito. Lalo naman siyang naguluhan. Bakit naman nito gustong malaman. Siguro it’s an instinct bilang isang pulis. “Don’t get me wrong. Nagtataka lang ako.” Wika nito nang makita ang ekspresyon nang mukha niya. “N-nothing special really.” Wika ni Elizabeth. Naisip niyang mas mabuting wala siyang sabihin. Hindi niya gusto ang pakiramdam mula sa mga tingin ang pulis. Kinikilabutan siya. “Nagpunta ka ba dito para tanungin sila tungkol sa kaso ni Ana?” deresahang sabi nito. Bigla namang natigilan si Elizabeth. “Dr. Elizabeth. Hindi trabaho nang isang doctor ang maghalungkat nang mga kaso, hindi ba? Mas makakabuti s aiyo kung hindi ka makikialam.” Bakit pakiramdam ni Elizabeth may tono nang pagbabanta ang boses nang lalaki. Lalo naman niyang naramdaman ang mahigpit na hawak ni Ella sa kamay niya. She was shaking at nanlalamig din ang kamay nito. Dahilan para taka siyang mapatingin sa batang babae. “I think we should go back.” Wika ni Elizabeth saka tumingin sa bata. Simpleng tango naman ang tinugon nito sa kanya. “Officer Ben. Mauuna na kami. Mukhang hindi Maganda ang pakiramdama ni Ella. Ihahatid ko muna siya sa bahay nila.” Wika ni Elizabeth. “Tayo na.” wika ni Elizabeth saka inakay ang batang babae. Simple siyang napatingin sa in ani Mila bago sila umalis ni Ella sa bahay nito. Bakit pakiramdam niya hindi tama na umalis siya sa bahay na iyon. Her eyes is screaming for help. Pero bakit? Pulis naman ang kasama nito bakit parang natatakot pa ito sa halip na mging kampante. “Sa susunod nalang natin balikan si Mila.” Wika ni Elizabeth nang ihatid niya sa bahay nila si Ella. Papaalis na sana siya nang biglang hawakan ni Ella ang kamay niya. Taka naman siyang napatingin sa batang babae. “Do you still need anything?” tanong nang dalaga. “Huwag kang masyadong maging malapit sa lalaking yun Doctor. Hindi siya mabuting tao.” Wika nito saka binitawan ang kamay niya saka nagmamadaling tumakbo papasok nang bahay nila. Taka namang napatingin si Elizabeth sa batang babae. “Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.” Wika ni Elizabeth habang nakaupo sa isang upan sa harden sa labas nang bahay na tinutuluyan nila. Nakatingin siya sa Ilaw sa loob nang cystal ball nang Music box niya Habang nakikinig sa musika mula doon. Ito ang music box na regalo sa kanya ni Alexander nang kaarawan niya. Sa loob nang crystal ball ay ang dalawang paru-paru. Tuwing may iniisip siya, naging habit na niya na pakinggan ang musika mula sa music box na iyon. Para bang tinutulungan siya nang musika mula doon na mag relax at makapag-isip. Minsan kapag hindi rin siya makatulog nakikinig lang siya sa musika mula sa music box. Naglalaro sa isip niya ang sinabi ni Ella at ang ekspresyon nang mukha nang pulis. Hindi mapagtanto kung anong ibig sabihin noon. Ang takot sa mukha nang mga ito habang kasama ang pulis. Gusto niyang malaman kung bakit. Dahil sa kakaisip. Itinungo niya ang ulo sa mesa. “It’s late. What do you think you’re doing here.” Isang baritonong boses ang narinig ni Elizabeth. Dahilan para iangat n iya ang ulo niya saka tumingala. Nang tumingala siya sakto namang nakadukwang sa kanya ang mukha nang may-ari nang boses. Napamulagat siya nang makita ang mukha nang Binatang si Alexander. At sa gulat niya bigla siyang tumayo. Dahil sa biglang pagtayo niya. Tumama ang ulo niya sa mukha nang binata. Narinig niya ang mahinang daing nang binata. Lalong nagulat si Elizabeth sa nangyari saka natuptop ang bibig niya nang makitang napahawak sa mukha niya ang binata at sa bahagi nang ilong nito. “Oh My. You’re bleeding.” Nagpanic na wika ni Elizabeth nang makita ang pulang likido sa kamay nang binata habang nakatakip ito sa ilong. Dahil sa taranta, agad na kinuha ni Elizabeth ang shawl niya saka kinuha ang kamay ni Alexander saka pinunasan dugo sa ilong at kamay nito. Napatingin lang si Alexander sa dalaga dahil sa ginawa nito. “I’m sorry. You startled me. I thought everyone’s sleeping.” Wika ni Elizabeth habang idinadampi ang shawl sa ilong ni Alexander. “It’s enough I’m fine.” Wika ni Alexander saka pa simpleng itinaboy ang kamay nang dalaga. Nakita niya ang nag-aalalang mukha nito. He bet hindi naman nito ginusto ang nangyari. Talagang nagulat ito nang makita siya. Hindi siya makatulog kaya naisip niyang lumabas para magpahangin nang makita niya ang dalagang nasa harden at nakikinig nang musika mula sa music box. Simple siyang napatingin sa music box na nasa mesa. Ito ang music box na iniregalo niya sa dalaga. Hindi niya akalaing nasa dalaga pa rin ang music box na iyon. “Why are you here anyway. Everyone’s resting. Why are you still awake?” Tanong nang binata saka simpleng inilagay ang kamay sa ilong niya at tiningnan kung dumudugo parin iyon. “I am just thinking.” Wika ni Elizabeth. “Thinking?” tanong nang binata saka tumingin sa dalaga. “Ano naman iniisip mo for you to stay awake this late?” tanong nang binata. Napatingin si Elizabeth sa binata. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin dito. He might push her again to go back. “Why are you looking at me like that?” tanong ni Alexander nang makita ang tingin ni Elizabeth sa kanya. “I am thinking if I have to tell you.” Matapat na wika nang dalaga dahilan para mapatingin si Alexander sa mukha niya. “I mean, you will tell me to go back regardless. So, I am conflicted if I have to tell you.” Pa nang dalaga. “Are you doing something sneaky?” Tanong nang binata. “No. Why would I. I mean. It’s not like that.” Anang dalaga. “Remember the police we meet last time?” tanong nang dalaga. Naningkit naman ang mata ni Alexander saka napatingin sa dalaga. “I am not sure if he is just a good man or what. He takes care of Ana’s grandparents. And he also takes care of Mila. The girl we saw last time. However ------” “Are you trying to play a detective role?” Agaw nang binata. “No. Not that.” Maagap na wika ni Elizabeth. “I just notice, that Mila and her mom is scared of him. For some reason. It makes me wonder. And Ella, she told me not to get to close with him.” Anang dalaga. “Ella?” tanong ni Alexander. “She is the daughter of Castro. Remember the guy, whom they are suspecting as the assailant?” wika ni Elizabeth. “You highness. Looks like you are into this case.” Wika nang binata. “It’s not your Job. Let the police handle this. Just focus on your work.” Wika ni Alexander. Napatingin naman si Elizabeth sa binata. Is he not going to tell her to go back? Iyon ang nasa isip niya. “You are looking at me with that baffled face again.” “I was thinking you would tell me to just go back.” Wika nang dalaha. “I still want you to go back.” Wika nang binata saka napatingin sa mukha nang dalaga. “Go to sleep.” Wika ni Alexander saka tumalikod. Napatingin lang si Elizabeth sa Binatang naglakad papasok sa loob nang bahay. Lihim siyang napangiti. It was their first time talking without him pushing away or asking her to leave and go back. Kung makakapag-usap lang sana sila nang ganito ni Alexander nang mas madalas. She would be happy. Hindi na siya nag-aasam na maibabalik ang dating trato nito sa kanya. But him treating her as equal would be enough for her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD