Nang pumasok sila sa bahay nang dalawang matanda. Napasin agad ni Elizabeth na tila ba t home na at home ang pulis sa bahay nang dalawang matanda. Hindi naman niya iyon binigyan nang gaanong pansin dahil sa sinabi naman nito kanina na dinadalhan niya nang pagkain ang mga ito dahil wala nang ibang pamilya maliban sa apo nila. Habang tinitingnan niya ang matandang babae na may mataas na lagnat. Narinig nila ang pag-uusap nang matandang lalaki at nang Pulis. Minungkahi nang pulis na ipalibing na nila kaagad ang apo nila. Kapag pinatagal pa nila iyon sila lang ang mahihirapan. Sa ngayon, nasa bahay nang Kapitan ang burol nang batang babae dahil sa hindi naman maasikaso nang dalawang matanda ang gawaing iyon dahil sa kanilang katandaan. “Kumusta ang asawa ko?” Tanong nang matandang lalaki n