Outrage

1521 Words
Dahil sa nangyari, Hindi natuloy ang seminar nina Alexander sa mga residente nang lugar. Bumalik din sila sa bahay nang mayor at halos lahat sa kanila tahimik at ang iniisip ay ang nangyari sa araw na iyon. Walang isa man sa kanila ang makapaniwala sa mga nangyari. “I hope this place will suffice.” Wika nang mayor nang dalhin inya ang mga volunteer doctors at nurse sa isang bahay. “Dati kong bahay ang isang ‘to. Malapit din sa Clinic kaya sa palagay sa advantage para sa inyo. Gumagana din ang tubig at kuryente dito. Pinaayos naming ang mga silid para sa inyo.” Wika pa nang Mayor. Dinala niya ang mga volunteer sa isang bahay kung saan sila pansamantalang mananatili. “Thank you.” Wika ni Alexander. Napansin naman nang Mayor na tila malayo ang iniisip nang mga doctor at para bang balisa sila sa mga nangyari nang araw na iyon. “Myrna. Samahan mo sila sa loob nang bahay at ituro mo sa kanila ang mga gagamitin nilang silid.” Wika nito sa kasambahay na siyang inutusan niyang maglinis sa bahay. Tumango naman ang babae sa mayor. “Doctor Alexander. Kung gusto mo. May guest room naman kami sa bahay. Sapalagay ko matutuwa si Laylah at Emily kung nandoon ka matagal na panahon ka din nilang hindi Nakita.” Wika pa nito. “It’s okay. I will stay with my team. Masyado na naming kayong naaabala. Dadalawin ko sila kapag may pagkakataon.” Wika pa nito. Ngumiti naman ang mayor sa sinabi nang binata saka tumango. Inihatid nang tingin ni Alexander ang grupo niya habang sumusunod kay Myrna papasok nang bahay. “Mayor.” Wika in Alexander sa lalaki. “Regarding Mama Ems condition----” putol na wika nang binata. “Gusto mong malaman kung anong nangyari sa kanya? At bakit siya nakatali sa Wheelchair?” Agaw nito. Simple namang tumango si Alexander sa lalaki. “She had a car accident 2 years ago, apparently, may damage daw ang spinal cord niya kaya walang lakas ang ibabang bahagi nang katawan niya.” Wika nito. “The last thing she want is for you to worry about her. Lahat kayo apektado parin sa nangyari kay Elize.” Anito. “Kahit hindi niya sabihin. Nakikita kong gabi-gabi pa rin niyang iniiyakan ang larawan ni Elize. She placed all her dreams and hopes sa anak niya.” Wika pa nito. Alam ni Alexander kung anong ibig sabihin nangyari. Alam niyang kung gaano kahalaga para kay Emily ang mga pangarap ni Elize. And for it to be cut short dahil sa isang aksidente. Talagang mahihirapan itong matanggap. “Paano. Iwan n akita. Gumagabi na rin, Para makapagpahinga kayo.” Wika nito sa binata at tinapik ang balikat nito. “Thank you Again. Dadalawin ko si Mama Em. Kapag hindi na busy sa clinic.” Wika pa nito. “Bukas ang tahanan ko saiyo.” Wika nito saka nagpaalam sa binata. Nang makapasok si Alexander sa loob nang bahay. Nakita niya ang mga doctor at nurse na nakaipon sa komerdor habang tila malayo ang iniisip. Napakunot naman ang noo nang binata saka lumapit sa mga ito. “What’s going on?” Tanong ni Alexander na lumapit kay Margarette at Celine na nakatayo malapit sa Mesa at nakatingin sa mga doctor at nurse. “Ako lang ba, or the way he talked, it seems that he has mental illness.” wika ni Summer. Na bumasak nang katahimikan doon. Napatingin naman si Alexander sa dalaga dahil sa labis na patataka. “Do you really think he can do such a thing? Masyadong mahirapan paniwalaan.” Wika ni Lemuel. “Why are you having this conversation anyway?” Biglang tanong ni Alexander dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya. “Chief, You were there right? Sinamahan mo ang mga pulis. And who saw----” “And? What is that suppose to do with our mission here? I was not aware na hindi na pala panggagamot ang trabaho niyo kundi ang mag imbestiga.” Wika nang binata. “Go to sleep. Maaga pa tayo bukas. Kesa kung ano-anong iniisip niya. Matulog nalang kayo.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa isang silid. Sinundan naman nila nang tingin ang binata. “Just leave him be.” Wika ni Celine. “Just like he said. Let’s go to sleep.” Wika pa nito saka nagpatiuna sa silid nang mga babaeng doctor. **** Normal naman siya noon una, Kaya lang simula nang umalis siya sa pagsusundalo naging ganyan na siya. Iniwan din siya nang asawa at anak niya nang muntik na niyang masunog ang bahay nila.” kwento nang kapitan. Nasa presinto noon si Elizabeth at Alexander kasama ang Mayor dahil sa kaso. May mga bagay na itinanong sa kanila ang mga pulis kaya naman nagpunta doon si Alexander at Elizabeth kasama ang Mayor. Nang dumating sila nandoon na ilang residenteng nakakakilala sa suspect at biktima at Kapitan nang Brgy. “Ikaw? Ikaw ang gumawa sa kanya noon?” Asik nang isang ginang. “Naging mabait sa iyo ang mga matanda pero ito ang ginanti mo sa kanila. Masahol ka pa sa hayop.” wika pa nito at inatake ang lalaki. Sunod-sunod na sampal ang ginawad nito sa lalaki. Panay naman ang awat nang pulis sa ginang. May lumapit na mga kalalakihan sa lalaki saka kinuyog ang lalaki. Nabuwal sa lupa ang lalaki at walang ibang nagawa kundi ang sabihing wala siyang ginawang masama habang tinatakpan nang kamay ang ulo. “Stop it!” galit na wika ni Alexander at pumagitna. Hindi niya maaatim na makitang sinasaktan nila ang isang walang labang lalaki. Kahit pa ito ang primary suspect wala pa namang ebedinsiya na ito nga ang gumawa nang krimen. He is as clueless as they are. “Tama na ho yan. Hindi naman siya makakalaban at nahuli na siya. Hayaan na nating ang batas ang magparusa sa kanya.” wika nang isang pulis sa mga nag-aamok na residente. Lumapit naman si Elizabeth sa lalaki at isang pulis para tulungang tumayo ang kawawang lalaki saka pina-upo sa isang upuan. “Batas? Nakita niyo ba ang ginawa niya sa batang iyon?” asik nang ginang. “Sige Ikulong niyo siya. Bitayin siya kung iyon ang nararapat sa isang walang pusong katulad niya. Nagpapanggap na isang lalaking wala sa katinuan ngunit hayok sa laman. Hindi ka na naawa sa bata.” Wika nang ginang at sinubukang hampasin ang lalaki ngunit pinigilan ni Alexander ang kamay nito. Taka namang napatingin si Elizabeth sa binata. Kung hindi pinigilan nang binata ang ginang siya dapat ang haharang sa kamay nito. “I know you are furious because of what happen, pero hindi makakatulong kung bubugbugin niyo siya.” wika ni Alexander. “Dapat sa kanya pinapatay.” asik nang ginang. “Naging mabait sa kanya ang mga tao dito dahil sa kapansanan niya pero ano itong ginanti niya?” wika pa nito. “Tama na yan!” maawturidad na wika ni Alexander nang akmang susugurin ulit nang ginang ang lalaki. “Do you think beating him to death will give youthe justice that you wanted. If that’s what you think and will satisfy you anger, then go ahead. Walang pipigil sa inyo. But know, that you will also face the consequences of your actions.” Wika ni Alexander saka lumayo sa pagkakaharang sa lalaki para bigyang daan ang babaeng gustong sugurin ang lalaki. Ngunit dahil sa sinabi ni Alexander. Hindi na muling sinugod nang babae ang lalaki. Sa halip ay napakuyom ito nang kamao. Napatingin lang si Elizabeth sa binata. He looks cool kahit na tila galit ito. Nakita niyang simpleng napabuntonghininga ang binata. “Intern.” Wika ni Alexander saka tumingin kay Elizabeth. Napatingin lang ang dalaga sa binata at hindi sumagot. “Hey.” Untag nang binata sa dalaga then he snaps his finger sa mukha nang dalaga. Dahilan naman para tila magising ito. “Yes Doctor.” Nagkukumahog na wika nang dalags. “I didn’t bring you here just to sleep.” Iritadong wika nang binata. “Treat his wound bago tuyo bumalik sa clinic.” Wika nang binata. “Yes.” Mabilis namang wika nang dalaga saka kinuha ang dala nilang medical bag. Isa din sa mga dahilan nang pagpunta nila sa presinto ay upang tingnan ang ilan sa mga naka detain doon. Napapatingin lang si Alexander sa dalaga at sa lalaki habang panay ang daing nito habang ginagamot ni Elizabeth ang mga paso nito sa mukha at kamay. “I would like to ask you a few questions about that man.” Wika ni Alexander sa kapitan nang barangay. Gusto niyang malaman kung anong nangyari dito at kung anong kinalaman niya sa nangyari sa batang babae. “Walang problema. Doon tayo sa loob.” Wika nang chairman at naglakad patungo sa isang opisina kung saan nandoon din ang hepi nang pulis sa barangay. Alam niyang hindi siya pulis para mag imbestiga pero hindi Makaya nang konsensya niya na walang gawin. Parang sa loob niyang gusto niyang mapatunayan na walang kasalanan ang lalaki at gusto rin iyang bigyang nang hustisya ang batang babae. Para sa lolo at lol anito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD