Bumigat ang talukap ng mga mata ni Joanna nang dampian siya ng halik ni Dean sa noo, habang masuyong hinaplos-haplos ang buhok niya. Nakasandal siya sa hubo't hubad nitong katawan, habang siya naman ay natatakpan ng kumot ang hubad ding katawan. Kakatapos lang nilang pagsaluhan ang sinasabi ni Dean na Corkscrew position. Pagkatapos nila kanina sa lababo ay binuhat siya ni Dean papunta rito sa kuwarto niya. Ang balak sana nilang pagpapahinga ay nauwi nga sa Corkscrew. "Ano naman ang tawag mo sa posisyon na ginawa natin kanina sa lababo?" Pilyang tanong ni Joanna kay Dean nang bahagya niya itong tingalain. Naningkit ang mga mata ni Dean nang malisyoso itong ngumiti. "Bakit? Mas gusto mo ba 'yon?" Napahagikhik si Joanna. "I'm just curious. Lahat kasi ng posisyong ginawa natin ay pinangal