Palubog na ang araw. Isang oras na lang at lilipad na pabalik ng Maynila si Dean. Naghihintay na rin sa helipad ang private chopper niya. Nakapagpaalam na rin siya sa pamilya at mga kaibigan niya. Pero feeling niya ay may kulang pa. Parang may naiwan o may nakalimutan siya. Hanggang sa namalayan na lang ni Dean na nasa bukana na siya ng makipot na kalsadang papunta sa bahay nina Joanna. Siguro dahil kahit sa huling sandali, umaasa siyang matutupad niya ang pangako sa sarili at sa puntod ng mga magulang ni Joanna na hinding-hindi ito susukuan. Maya maya'y nakita ni Dean si Joanna na humahangos na naglalakad palabas ng kalsada. Nanaig ang pride niya nang makita siya ng dalaga. Gusto niyang bumalik sa loob ng kotse at humarurot palayo. Pero tila napako si Dean sa kinatatayuan niya. "Dean!