TBSM: Kabanata 5

1154 Words
Medyo naiilang si Isabel sa lugar na kanilang pinasukan ni Nanay Alona. Mula sa highway ay pumasok sila sa makitid na daan, hindi niya alam kung ano ang tawag doon pero parang eskinita iyon. Marami ang nakatira doon kahit na napakasikip ng lugar sa bawat dadaanan nila. Marami ang pintuan, maliliit din na silid na tila bahay dahil may mga nakatirang tao. Halos magkakatapat at magkakatabi angga pinto. Kahit napakakitid na iyon ay may mga nakatambay pa rin sa gilid-gilid, nakaupo sa tabi at tila ba artista siyang pinagmamasdan ng mga ito. Masangsang din ang amoy na hindi niya mawari kubg ano ang amoy na iyon. Pero hindi siya nagpahalata na nababahuan siya. Nakaramdam siya ng pangamba at konting pagkailang sa mga taong nakamasid sa kanya. Kakaiba kasi kung makatingin pero alam niya na kailangan niyang makisama sa mga taong naninirahan doon kung nais niya na maging ligtas. Ibang iba ang lugar na iyon sa kinalakhan niyang lugar lalo na sa kanilang malawak na lupain, dito sari-saring tao ang nasisilayan niya. May mga nag-iinom, may mga nagyuyosi habang nakahubad, may mga ginang na nagkwekwentuhan sa gilid. May mga naglalaba, may naliligo, lahat na yata ng klase ng tao ay nandun nasa lugar na iyon. Hindi naman sa minamaliit niya ang mga ito pero sa nakalakhan kasi niyang lugar ay wala siyang nakikitang gano'n kaya medyo naiilang siya pero hinamig niya ang kanyang sarili. Alam kasi niya na hindi maaaring umasta siya doon sa nakasanayan niya. Kailangan niyang makisama sa mga ito at kumilos ng katulad ng mga nakatira doon para maging welcome siya sa lugar na iyon. Lalo na ngayon, kakaiba ang tingin ng mga ito, pero mukhang mabait naman. Si Nanay Alona nga ay binabati ng mga ito, may mga nagtanong pa nga kung sino siya. Sinabi na lang ng matanda na pamangkin siya nito. “Uy Aling Alona, grabe ah sobrang ganda naman ng pamangkin mo na yan, Maaari bang ipakilala ninyo siya sa amin para naman makapalagayang loob para maging kaibigan. Alam ninyo naman kami kahit ganito lang kami na patambay-tambay ay mababait kami at talagang sisiguraduhin naming safe ang pamangkin mo.” Wika ng isang lalaki na nakahubad. Pero mukhang binata pa at may itsura naman kahit na mukhang tambay, umiinom ng alak tanghaliang tapat. “Naku ako'y tigilan mo nga Fernan, huwag mo nang asamin na magugustuhan ka nitong pamangkin ko dahil ito bukas na bukas ay aalis na rin naman dito sa ating lugar. Magtatrabaho na siya sa aking pinagtatrabahunan.” Kunwari ay nagsusungit naman na wika ng matanda. Pero nakangiti naman, mukhang kasundo nga ito ng lahat sa lugar na iyon. “Si Aling Alona naman gusto lang namin makilala ang maganda mong pamangkin eh.” Kakamot-kamot sa ulong wika pa nito habang nakatingin sa kanya. Kahit naman mukhang siga ang lalaki, sa tingin naman niya ay hindi ito masama lalo na ang mukha nito na may kagwapuhan din naman. Nagmukha lang itong siga dahil ang hawak-hawak nito sa katanghaliang tapat ay alak. Nakahubad pa ito tsaka kaharap nito ay mga kalalakihan din na pawang nakahubad. Pero kahit naman gano'n ay magalang pa rin itong makipag-usap kay Nanay Alona at maging sa kanya. Hindi naman siya totally binabastos nito parang nahihiya pa ito habang nakatingin sa kanya. Mukhang ito na ang pagkakataon na makikisama siya sa mga taong nandoon. Iyon bang hindi maramdaman ng mga ito na hindi siya ibang tao, na okay lang siya na makisalamuha sa mga ito. At hindi mahalata ng mga ito kung ano ba talaga ang totoong pagkatao niya. Tsaka kung magloko-loko naman ang mga ito sa kanya eh kaya naman niyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Naipagtanggol nga niya kanina silang dalawa ni Nanay Alona ngayon pa kaya. “Hey bro, Issay nga pala. Short for Isabel, kumusta kayo tanghali na iyang pagtoma ninyo ah.” Nakangiting wika niya sa lalaki na tinawag ni Nanay Alona na Fernan. Sabay abot ng palad niya dito na tila ba nakikipagkamay. Sinadya niyang magtunog kalye sa pagsasalita para hindi mailang ang mga ito sa kanya tsaka para maitago na rin niya ang totoong pagkatao niya. “Ay ano nagkayayaan lang kasi ang tropa, ako nga pala si Fernan. Issay pala ang pangalan mo, ang ganda naman ng pangalan mo. Kung may kailangan ka at problema ka maaari kang lumapit sa tropa ko. Lahat naman kami dito ay mababait, mga mukha lang kaming kriminal pero mabubuting tao kami. Sayang aalis ka na pala dito sa lugar namin gusto ka pa sana naming maka-jamming. Mukhang goods na goods ka naman eh.” Mahabang wika nito. Tila ba nasisiyahan ito dahil nakipagkilala siya dito tsaka nahiya pa ito na tanggapin ang pakikipagkamay niya. Ginawa pa nito ay ipinahid sa short ang kamay at tila ba nilinisan iyon bago tanggapin ang kanyang palad. “Oo eh, hayaan ninyo kapag day off ko maaari naman akong sumama dito kay Nanay Alona. Bale galing kasi ako sa probinsya at naghahanap ako ng mapapasukan sayang kasi mukhang hindi tayo makakapag-jamming. Pero sige, hayaan ninyo kapag pinayagan naman ako sasama talaga ako kay Nanay Alona para makipagkwentuhan din naman sa inyo ng matagal.” Nakangiting sagot niya dito. Pero kung paano siya magsalita ay sinusubukan niyang maging matigas, iyong parang astig na para bang babagay sa lugar at sa mga taong kausap niya. Hindi naman siya nahirapan sa gano'n dahil mahilig siyang manood ng mga documentary sa youtube. At kadalasang napapanood niya ay tungkol sa mahihirap at doon niya nakuha kung paano magsalita ang mga ito. Buti na lamang pala at mahilig siyang manood noon ngayon nagagamit na niya ang mga kinikilos ng mga ini-interview sa mga video para maitago ang kanyang buong pagkatao. “Uy pangako mo iyan ah hihintayin ka namin tsaka itong si Aling Alona umuuwi ito tuwing linggo eh. Sana man lang makasama ka sa kanya sa susunod na linggo para naman makasama ka namin dito. Promise hindi naman kami masamang tao para katakutan mo. Lalo na itong mga kaibigan ko na ito, mukha lang talaga itong mga mamamatay tao pero mababait kami at matitino kami dito. Kahit pa magtanong ka pa kay Aling Alona.” Nakangiti ulit na wika ni Fernan. “Ay oo na mababait na kayo, talagang mga lalaki kayo katanghaliang tapat inom kayo ng inom sige na at kailangan ko pang magluto ng pananghalian. Iyong mga apo ko ay nagugutom na.Tayo na sa bahay Issay, mamaya ka na lang makipag-usap sa mga pasaway na iyan.” wika ng matanda. “Sige po Nanay Alona.” Magalang na pagsang-ayon eh sa matanda. “Sige mga tol ha next time na lang.” Muling paalam niya sa mga ito. “Sige Issay mag-iingat ka ha.” Wika pa ni Fernan at maging ang mga kasamahan nito. Iyon lang at muli na silang naglakad ni Aling Alona hanggang sa makarating sila sa pinakang dulo ng eskinita na iyon. At doon pala ang barong barong ni Aling Alona. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD