TBSM: Kabanata 4

2119 Words
Halos dalawang oras din ang itinagal nila sa loob ng presento. Nagmamakaawa pa ang kumag na holdapper at nangatwiran para mapalaya. May sakit daw ang anak nito kaya kailangan nito ng pera. Iyak pa ng iyak eh samantalang kanina napakatapang nito at nais pa nga nitong ipapatay ang matanda niyang kasabay kanina. Tapos nais pang may gawin sa kanyang masama. Hindi nila pinagbigyan ito hindi rin nila pinatawad bagkus ipinakulong nila ito ni manang para mabigyan ito ng leksyon na hindi na gawin ang bagay na iyon. Paglabas nila ng presinto ay kinausap siya ng matanda. “Salamat hija sa pagtulong mo. Alam mo ba, kung may masamang nangyari sa akin kanina. Hindi ko talaga alam kung ano mangyayari sa mga apo kung maiiwan.” Mangiyak-ngiyak na pasasalamat ng matanda sa kanya. “Wala pong anuman iyon Manang kahit sino naman po ang nasa kalagayan natin na iyon ay gagawin din ang ginawa ko.” Nakangiti niya wika niya sa matanda. “Hindi anak, alam mo ba kung iba-iba pababayaan talaga nila ako mamatay lalo na at isang babae. Syempre ang iisipin niyon ay maligtas ang kanilang sarili. Pero ikaw, kahit babae ka ay ibinuwis mo ang buhay mo para lang maligtas ako para lang mailigtas tayong dalawa. Akalain mo nga iyon, nakaya mo pang makipaglaban sa kalalakihan. Nagawa mo pang sindakin yung lalaking nagtangka sa akin para lamang hindi ako saktan. Napakalakas ng loob mo talagang nagpapasalamat ako sayo.” Mahabang pahayag pa ulit ng matanda. “Naku walang anuman po iyon, sige po Manang anong oras na rin kasi kailangan ko pa pong maghanap ng matutuluyan,” paalam niya sa matanda. “Matutuluyan ba ikamo? Ibig sabihin galing ka ng probinsya at bagong salta ka lang dito sa Cubao. At wala kang matutuluyan?” Kunot noong tanong ng matanda. “Opo Manang eh galing po ako sa malayong probinsya at makikipag sapalaran po sana ako dito sa syudad. Doon po kasi sa amin eh sobrang hirap ng pamumuhay tsaka po wala na rin naman po akong mga magulang. Bale nakikitira lamang po ako sa tiyahin ko eh sobrang higpit po at talagang malupit ang aking tiyahin. Nasa tamang edad naman na po ako kaya nagpasya po ako na umalis na lamang.” Mahabang pahayag niya sa matanda pero minabuti niya na magsinungaling dito tungkol sa pagkatao niya. “Ay ganun ba naghahanap ka ng mapapasukan, ano bang klaseng trabaho ang nais mo? Sa tingin ko naman ay maayos ang pamumuhay mo sa probinsya dahil maayos naman ang pananamit mo. At napakaganda mo pang bata, tsaka napakakinis mo. Mapagkakamalan ka ngang anak mayaman kung hindi mo sa akin sinabi ang kalagayan mo sa buhay.” Wika ng matanda na tila ba may pagdududa sa pagkatao niya. “Naku hindi po manang bale nadala lang po iyan sa pasabon sabon ko ng perla sa probinsya. Alam ninyo naman po iyong sabon na yun diba, napaka smooth at talagang maganda sa balat. Kaya naman iyon lang po talaga ang ginagamit ko at mumurahin lang na lotion. Ayan kahit papaano eh naging maayos naman itong kutis ko.” nakangiting wika pa niya sa matanda. Saka kunyari ay kakamot-kamot siya sa ulo para magmukha namang totoo ang sinasabi niya. “Ah gano'n ba o sige mabuti pa ay sumama ka na muna sa akin sa aming bahay. Doon kasama ko ang tatlo kung apo pinag-aaral ko pa ang mga iyon kaya ako ay kahit matanda na sige pa rin ang trabaho. Halika sumama ka na muna sa akin at baka matulungan din kita na makahanap ng mapapasukan siguro naman ay hindi ka namimili ng trabaho ano?” Wika pa nang matanda. “Naku totoo po ba manang, maraming salamat po. Opo kahit ano pong trabaho papasukin ko kahit nga po hindi na ako sahuran eh. Basta makakain lang po ako tatlong beses sa isang araw. Makabili lamang ng mga pangangailangan ko sa katawan okay na po ako doon. Basta din po may matirhan ako okay na po ako doon.” excited na pakiusap niya sa matanda. Sa wakas mukhang masosolve na agad ang problema niya kahit nga may matirahan lamang siya. Kahit papaano naman ay may baon siyang pera para panggastos, iyon na nga lang hindi kalakihan dahil hindi siya sanay na may cash na dala-dala dati. Palagi kasing card ang gamit niya pero iniwan niya ang lahat iyon para hindi siya mahanap ng kanyang lolo. Kahit anong trabaho papasukin niya, oo hindi siya marunong magtrabaho dahil prinsesa siya sa kanila kung ituring. Pero pag-aaralan nila lahat para lamang mabuhay ng malayo sa kanyang lolo. Kaysa ipagpilitan siyang ipakasal sa hindi naman niya gusto. Isa pa ito ang unang beses na mamumuhay siyang mag-isa kaya parang exciting din para sa kanya iyon, at alam naman niya na hindi gano'n kadali. Alam niya na mahihirapan siya pero kakayanin niya iyon alang-alang sa paninindigan niya na hindi siya magpapakasal sa nais ng kanyang lolo na lalaki. Iyon nga lang kailangan niya na galingan ang pagtatago dahil matindi magpahanap ng taong nawawala ang kanyang lolo. Kapag hindi niya ginalingan siguradong mananagot siya dito napakalupit pa naman nitong magalit. Baka masaktan pa siya dahil napahiya ito sa kaibigan nito dahil syempre nakatakda na ang kasal nilang dalawa ng lalaking nais nitong ipakasal sa kanya pero tumakas pa rin siya. Nagtangka na kasi siyang kausapin ang kanyang lolo, nakiusap siya dito na ayaw niyang ituloy ang kasal dahil hindi niya nagugustuhan ng lalaking nais nito. Pero tila ba wala itong pakialam sa nararamdaman niya ang nais lamang nito ay sundin niya ang lahat ng ipinag-uutos nito. Sabagay simulat sapul naman ay sunod-sunuran na lamang siya sa nais nito at hindi siya maaaring tumanggi. Palagi na lamang na nasusunod ito kahit na nga ayaw niya at labag iyon sa kanyang kalooban. Pero itong pagpapakasal ang hindi talaga niya matanggap, hindi niya matanggap na habang buhay niyang makakasama ang mayabang na lalaking iyon. Mas gugustuhin pa niyang maging matandang dalaga kaysa makasal sa lalaking sa tingin niya ay hindi karapat-dapat na maging asawa ng sino man. “Ay mabuti kong gano'n pero syempre kailangan mo rin kumita ng pera masahuran ka ng tama para may panggastos ka sa iyong sarili. Gano'n dito sa siyudad hindi pwedeng thank you na lang at hindi pwedeng papakainin ka lang. Syempre may bayad ka, hayaan mo at medyo maganda naman iyon mapapasukan mo tamang-tama kasi na naghahanap ng maaaring maging tagapag-alaga ng anak ng amo ko. Iyon kasing nurse na nag-aalaga sa kanya ay nag-resign na. Hindi nakatagal dahil sa kasungitan ng anak ng amo ko. Pero sinasabi ko sayo tiisin mo lang ang ugali dahil malaki ang pasahod nila sana nga lang makatagal ka sa ugali ng anak nila.” Mahabang pahayag ng Matanda. “Gano'n po ba pero hayaan niyo, mahilig naman po akong mag-alaga ng bata. Siguradong kahit papaano ay makakasundo ko po iyon.” Nakangiting wika niya sa Matanda. “Naku hindi na bata iyon si Sir Ellion, 40 years old na siya pero binata pa rin at palaging mainit ang ulo dahil baldado iyon. Mahigit tatlong taon ng naka-wheelchair simula ng maaksidente siya sa car racing. Simula noon ay wala ng nakaka-tagal na tagapag-alaga sa lalaking iyon. Iyon ngang huling nurse na nag-alaga sa kanya eh binato ba naman niya ng baso. Natamaan sa ulo at nabasag nga, ayon na-ospital pa dahil nasugatan ang ulo ng nurse. Pero sabihin mo lang sa akin kung hindi mo kaya ang trabaho na iyon, at ng humanap na lamang tayo ng iba. Pero alam mo ba na sayang ang trabaho na iyon dahil malaki ang pasahod nila. 30,000 a month tatlong doble sa sahod ko. Ang pinakagagawin mo lang naman doon ay kukumbinsihin mo na uminom ng gamot sa tamang oras at kung mapapapayag mo siya na ma-massage ang mga paa niya. Hindi naman iyon pumapayag na tulungan siya sa pagbibihis dahil sobrang napaka pihikan ng amo kong iyon. Kahit nga noong hindi pa siya bandado at hindi pa naman gano'n kagaspang ang ugali niya. Kaya wala kang magiging problema sa kanya iyon nga lang talagang titiisin mo lang ang kasungitan niya at minsan nga ay nagiging bayolente.” Mahabang pahayag ng matanda. Kung susumahin ang sinasabi ng matanda na trabaho ay okay na rin para sa kanya. Malaking halaga na rin ng 30,000 sa sitwasyon niya ngayon na kailangan niya ng mapagkukunan. Sabagay kung tutuusin, barya lamang iyon sa kanya pero sa sitwasyon niya ngayon ay napakalaking halaga niyon. Maaari na niya yung maging panggastos kahit na may hawak naman siyang pera. Pwede na niyang pagtiyagaan ang trabahong iyon at kung hindi siya nagkakamali baka stay in pa iyon. Mas magiging ligtas siya kung mananatili sa bahay ng amo ng matanda. At isa pa iyong kasungitan, siguro naman kahit papaano ay makakayanan niya na pagtiisan. At iyong pananakit baka ito pa nga ang masaktan niya kapag nagkamali-mali ito. Pero syempre kailangan niyang kumalma dahil may sakit pala ang kanyang magiging boss. "Aahh, Manang stay in po ba ako doon kapag tinanggap ko yung trabaho?" tanong niya sa matanda. “Ay oo naman hija, syempre may sakit ang magiging boss mo at kailangan mo siyang alagaan at bantayan ng pag-inom niya ng gamot. Kaya naman stay in ka talaga sa kanila. Tsaka wala ka namang ibang gagawin doon kundi iyon lang, marami naman doon kasambahay at kasama na ako doon. Iyon nga lang iwas na iwas talaga kami na mapalapit kay Sir Ellion dahil sobra siyang bayolente kapag may hindi siya nagugustuhan na makita. Sabagay sa akin naman ay hindi siya gano'n dahil sa kanila na ako tumanda. Bale parang sa akin na rin tumanda iyang batang yan. Pero syempre ako ang nagma-manage sa kusina nila, hindi maaaring pabayaan ko iyon. Kaya't hindi naman ako maaaring dumdoble ng trabaho dahil matanda na ako at saka minsan kasi kailangan buhatin ang batang iyon. Kapag ayaw na niya sa wheelchair niya at magpapalipat siya sa kama. Kaya kailangan talaga ay malakas ang mag-aalaga sa kanya at bata pa. Ayaw naman kumuha ng lalaking tagapag-alaga ang kanyang mga magulang dahil minsan na silang kumuha ng lalaki ay sa sobrang sama ng ugali ng pasaway na Ellion na iyon ay napikon din iyong tagapag-alaga niyang lalaki. Muntik na siyang patulan ng lalaking iyon. Ikaw sa tingin mo ba kaya mo ba talaga doon?” Mahabang pahayag ulit ng matanda. “Okay na po ako Manang, kakayanin ko po. Kahit na anong pagsusungit ng magiging amo ko ay pagpapasensyahan ko na lang po dahil kailangan-kailangan ko po talaga ng trabaho. Kaya sana po Manang tulungan ninyo po ako.” Pakiusap niya sa matanda. “Okay kung buo na ang pasya mo , bukas pagbalik ko sa trabaho ay isasama na kita. Nagkataong day off ko kasi ngayon at nagtungo lamang ako diyan sa kabila para mamili ng ilang gamit para sa mga apo ko. Sa ngayon ay sumama ka na muna sa akin para sabay na tayo bukas magtungo sa bahay ng amo ko. Ipapakilala kita na pamangkin ko para hindi na maghanap pa ng kung ano-ano sayo. Ang sa akin lang ay buong tiwala ko ang ibinibigay ko sayo kaya sana totoo ang mga sinabi mo sa akin at sana hindi mo ako ipapahiya sa aking mga amo.” Mahabang pahayag ng matanda. “Salamat po ng marami manang, makakaasa po kayo na hindi ko po sisirain ang pangalan ninyo. Teka kanina pa po tayo nag-uusap hindi ko pa alam ang pangalan ninyo at hindi ko pa rin po nasabi ang pangalan ko. Ako nga po pala si Isabel, pwede niyo po akong tawagin na Issay na lang. Kayo po ano pong pangalan niyo?” pasasalamat niya sa matanda at tinanong na rin niya ang pangalan nito. Paano ba naman ilang oras na silang magkasama at ilang minuto na rin silang nag-uusap ay hindi pa nila kilala ang isa't isa. “Naku oo nga ni hindi man lang ako nakapagpakilala sayo, iniligtas mo ang buhay ko. Ako nga pala si Nanay Alona. Diyan ako nakatira sa kabilang street at mahigit 3 taon ng naninilbihan sa pamilya ng mga Zobel. Ay hala tayo na at ng makakain tayo ng pananghalian. May dala-dala din ako ditong iluluto, naku siguradong nagugutom na naman ang mga apo ko lalo na iyong pinaka bunso kong apo. Wala na iyong ginawa kung hindi kumain ng kumain kaya bilisan na natin. Huwag mo na lamang mabanggit sa kanila ang nangyari sa atin kanina ha baka mag-alala pa sila eh.” Pakilala din ng matanda sa kanya at saka inaya na siya na magtungo sa bahay nito. “Sige po Nanay Alona salamat po.” Nakangiting pasasalamat niya dito. Iyon lang at nagpatuloy na sila sa paglalakad patungo sa bahay ng matanda. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD