TBSM: Kabanata 2

1705 Words
Simula sa pinanggalingan niyang mansion ng kanyang lolo ay kailangan niyang tahakin pa ang malawak na lupain palabas ng main road. Hindi niya masyadong kabisado ang lugar na iyon dahil bibihira lang din kasi siyang lumabas sa mansyon ng kanyang lolo. Sa katunayan hindi pa siya nagagawi sa gawing likuran na ito ng mansyon kahit minsan. Dahil sa banta ng mga tulisan sa kanilang lugar ay hindi rin siya hinahayaang gumalang mag-isa, palagi siyang may kasamang bodyguard. Kaya sa totoo lang hindi niya na-enjoy ang kanyang kabataan lalo na ang teenage life niya. Tapos ngayon na nasa tamang edad na sana siya sana magpapaalam siya sa kanyang lolo na magtatrabaho na sana siya sa Manila para kahit papaano naman ay makawala sa pangangalaga nito. Pero ang nangyari hindi na nga siya nito pagtatrabahunin dahil nais pala siya nitong ipakasal sa lalaking hindi naman niya gusto. Kahit na nga sa kursong gusto niyang kuhain noon ay hindi pa rin siya suportado ng kanyang lolo. Para bang lahat na lang ng gusto niyang gawin sa kanyang buhay ay tutol ito kaya tama lang din siguro na lumayo siya. Pero kailangan niyang doble ingat dahil tiyak ipapahanap siya nito. Lakad takbo ang ginawa niya para lamang makalayo sa lupain ng kanyang lolo, at pagdating niya sa main road. Tinalukbong niya ang hood ng kanyang jacket sa ulo para maiwasan na makilala siya, at agad siyang pumara ng tricycle at nagpahatid sa terminal ng bus patungo sa Manila. Sa totoo lang hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng ginawa niyang paglalayas na ito. Hindi rin niya alam kung ano ang gagawin niya pagdating niya sa Manila. Kung saan siya magtutungo doon at kung paano siya magsisimula para mabuhay. Pero laban lang palagi, hindi siya maaaring panghinaan mg loob. Pagdating niya sa terminal ng bus ay nagmadali siyang sumakay ng bus at minabuti niya na halos pahiga siya ng umupo sa upuan dahil natakot siya na baka may makakilala sa kanya na nandoon. Kinakabahan pa siya dahil ang tagal umalis ng bus sa kanilang lugar hangga't hindi kasi nakakaalis ang bus ay hindi mawawala ang kaba niya sa kanyang dibdib. Baka malaman ng kanyang lolo ang pag-alis niya siguradong hindi papayag ito na hindi siya mahanap. Lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang hinihintay na umusad ang bus pero halos magdadalawang oras na hindi pa rin iyon umaalis para bang hinihintay na mapuno iyon bago umalis. Hanggang sa maramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura doon niya napagtanto na simula pa nga pala kahapong umaga hindi siya kumakain. Simula kasi ng malaman niya na tuloy ang pagpapakasal sa kanya ng kanyang lolo ay hindi na siya makakain ng maayos. Pero kahit na gutumin niya ang kanyang sarili at kahit siguro nga eh magpakamatay siya, hindi pa rin mababago ang pasya nito. Ipapakasal pa rin siya nito sa anak ng kaibigan nito. Kaya alam niya sa kanyang sarili na hindi siya makakawala sa ganong sitwasyon hangga't hindi siya gumagawa ng paraan para makawala doon. Mabuti na nga lang at kahit na wala siyang alam sa lugar at natatakot din siya na mag-isa ay parang naging lakas niya sa kanyang pag-alis ang ganoong sitwasyon na kinasadlakan niya sa poder ng kanyang lolo. Hindi nga siya nagkaroon ng kasintahan dahil sa ang nais niya, ang unang lalaking makakabihag ng kanyang puso ay iyon na rin ang kanyang magiging asawa. Ngunit basta basta na lamang magdedesisyon ng kanyang lolo kaya hindi talaga siya makakapayag sa nais nito. Inaamin niya na takot siya lalo pa at sa lugar na pupuntahan niya ay mag-isa lamang siya doon at unang salta niya sa Manila. Totoong takot siya lalo pa at sa lugar na pupuntahan niya ay mag-isa lamang siya doon. Pero wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ang tumakas sa poder ng kanyang lolo kaysa naman habang buhay siyang matali sa isang relasyon na hindi niya nais. Hanggang ngayon nga ay mugto pa ang kanyang mga mata dahil sa pagmamakaawa niya sa kanyang lolo. Pero hindi ito nakikinig sa kanya, ito pa ang nagagalit at kesyo matigas ang kanyang ulo at hindi na sumusunod sa nais nito. Kaya pala pilit nitong pinaglalapit sila ng lalaki, ilang beses na rin kasing dumalaw ang walang hiyang iyon. Iyon pala ito ang napupusuan nitong maka-isang dibdib niya. Na kahit tutol siya ay ito pa rin ang nasusunod. Hanggang sa maramdaman niya ang pag-usad ng bus na kanyang sinasakyan at talagang kung maaari lamang na tumalon sa sobrang kasiyahan ay ginawa na niya. Ang ibig sabihin lamang niyon ay makakatakas na siya ng tuluyan sa lugar na iyon kung saan siya lumaki lalo na sa poder ng kanyang mahigpit at malupit na lolo. Nalulungkot lamang siya dahil hindi niya naisama ang kanyang yaya, ang lanyang yaya na kasi ang nagpalaki sa kanya at tumayo bilang ina niya. Mahigit dalawang taon pa lang kasi ng mamatay ang kanyang mga magulang sa car accident. Kaya lumaki siyang sabik sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina at ama. At ang kanyang yaya ang nagpadama niyon sa kanya hanggang sa umabot na nga siya sa ganitong edad na hindi pa rin naman siya pinapakawalan ng kanyang lolo. Pakiramdam nga niya ang turing pa rin sa kanya ng kanyang lolo ay isang paslit na hindi maaaring magdesisyon para sa kanyang sarili na hindi nga siya nito hayaan na magtrabaho kahit na naka-graduate naman na sana siya. Pinakuha-kuha pa siya nito ng kurso na nais nito pero kahit na nagpaalam siya para magtrabaho ay hindi siya nito pinayagan. Darating daw ang panahon na makakapag-asawa siya at hindi na daw niya kailangan pang magtrabaho dahil ang kanyang gawain ay pagsilbihan ang kanyang magiging asawa at ang magiging anak. Ang paniniwala kasi ng kanyang lolo ay iyong makalumang pamamaraan pa. Para dito ang mga babae hindi dapat magtrabaho at ang mga lalaki lamang ang bubuhay sa pamilya at magpo-provide ng lahat ng pangangailangan ng pamilya. Hindi rin siya sumasalungat sa mga nais nito at desisyon nito pero ang hindi lang talaga niya matanggap ay pati na pag-aasawa niya kailangang ito ang magdesisyon. Para bang hindi dito mahalaga ang kanyang mararamdaman, at ang kanyang opinyon basta masunod lamang ang nais nito. Sa katunayan wala nga siyang kaalam-alam na nakapagdesisyon na pala ito tungkol sa kasal niya at ng nais nitong mapangasawa niya. Kahit nga ang date ng kasal ay naitakda na ng hindi niya nalalaman basta sinabihan lamang siya na maghanda dahil sa araw na iyon ay ikakasal na nga siya. Halos mawindang ang kanyang buong pagkatao ng isiwalat na iyon sa kanya ng kanyang lolo na tila ba nag-aanunsyo lamang ito ng normal na pangyayari. Hindi ba nito pinapahalagahan ang gano'n kasagradong okasyon na dapat gagawin lamang iyon ng dalawang taong nagmamahalan. Hindi yung nais lamang ng mga magulang nila at ng mga lolo nila na makasal silang dalawa. Pero ang totoo kaya naman sana niyang tanggapin ang desisyon ng kanyang lolo na sundin ang nais nito. Kaya lang nga kilala niya ang lalaking iyon ay talagang halos kumulo ang kanyang dugo kapag nakikita niya ito. Naitakda na ang kanilang kasal na hindi man lang tinatanong ng kanyang lolo ang kanyang saloobin. Mapagkunwari ang lalaki, at kahit sino sigurong babae ang malagay sa sitwasyon niya ay isusuka din ang ugaling meron ito. Napatunayan niya ang kagaspangan ng ugali nito ng ilang beses nitong ipahiya ang kanyang yaya pati na ang iba nilang kasambahay. Nakakasuka, lalo na kapag sasabihin nitong magiging pag-aari siya nito. Akala mo ay prinsipe na dapat pagsilbihan ng lahat. Iyon bang kaya napatanong siya na bakit pipili na lamang ang kanyang lolo ng mapapangasawa niya ay gano'n pa ang ugali. Pero ng minsang makaharap niya ito at pati na ang kanyang lolo ay naintindihan niya ang lahat kung bakit nagustuhan ito ng kanyang lolo. Sa harap pala ng kanyang lolo Eliseo ay napakabait nito at tila hindi makabasag pinggan kung kumilos, napakamaginoo din nito. Ibang-iba sa totoong ugali nito na ipinapakita sa kanya at sa kanilang mga kasambahay lalo na sa kanyang yaya. Kaya naman nakapagpasya siya na lisanin ang poder ng kanyang lolo noong isang araw na siya umiiyak habang pinag-iisipan ang mga gagawin. Sobrang takot na takot siya pero ito na lang kasi ang pag-asa niya para hindi matuloy ang nais ng kanyang lolo. Ginawa nga niyang magpakagutom pero wala lang iyon sa lolo niya kaya ito na lamang talaga ang natatanging paraan ang takasan ang lugar kung saan sila lumaki. Hindi niya alam kung saan siya mapapadpad, kung saang lupalop siya sa manila maninirahan at kung paano manirahan na mag-isa. Pero pinapangako niya sa kanyang sarili na kakayanin niya ang lahat. Kahit na anong hirap siguro mas mainam na iyon para matuto din siyang mamuhay na mag-isa. Hindi iyong pamumuhay na kulang na lamang ay subuan siya ng kanilang mga kasambahay para kumain. Kahit na nga panligo niya ang mga ito pa ang naghahanda maging ang pagsusuot niya ng damit ay ang kailangang presentable palagi. At nakasunod sa taste ng stylist na ni-hire ng kanyang lolo. Sobrang nasasakal na siya kung paano siya tratuhin ang kanyang lolo. Kahit nga pag-aaral niya ay sapilitan pa para mapapayag ito na sa isang private na school siya mag-aaral. Ang nais kasi ng kanyang lolo ay magkaroon na lamang siya ng private tutor para sa kanyang pag-aaral para dahil siya makihalubilo sa ibang mga tao. Pero hindi siya pumayag talagang nagmatigas siya dito, kailangan kasi niya na mamuhay din ang normal katulad ng ibang mga kadalagahan. Pero heto nga ang nangyari at umabot siya sa ganitong edad pero hindi niya na-enjoy ang kanyang teenager life at maging ngayon na nasa tamang edad na siya ay talagang wala pa ring siyang kasiyahan at kalayaan na magpasya para sa kanyang sarili. Pero ngayon sa wakas ay nakalayo na siya sa lugar na iyon ng kanyang lolo at halos ilang kilometro na rin ang tinatakbo ng bus na kanyang sinasakyan ay talagang hindi niya maiwasang maluha dahil sa wakas malaya na siya sa kamay ng kanyang lolo. Malaya na siyang magpasya para sa kanyang sarili, at hindi na siya kailanman makokontrol ng kanyang lolo. Ang kailangan lang niyang gawin ngayon ay ang maging matatag para sa hamon ng buhay na haharapin niya sa siyudad ng Manila na mag-isa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD