TBSM: Kabanata 3

2039 Words
Halos manakit na ang buong katawan ni Isabel dahil sa haba ng biyahe ng bus na nasakyan niya, hindi niya alam kung nasa Manila na sila o kung saang lugar palang. Pero para bang walang katapusan ang biyaheng iyon sobrang nananakit na ang kanyang katawan lalo pa at hindi naman siya sanay sumakay sa ganon kasikip na upuan ng sasakyan. Kapag kasi lumalabas siya at nagtutungo sa mall ay ang kanyang sports car ang sinasakyan niya. Siya mismo ang nagmamaneho non, pero ang kanyang mga bodyguard naman ay kasunod lamang niya. Sa pinakangdulo kasi siya sumakay para hindi siya masyadong mahalata at hindi agad-agad siya makita kapag may mga tauhan ang kanyang lolo na ipahanap siya. Kaya lang nagkamali siya dahil masakit pala masyado sa katawan kapag nandoon. Dahan-dahan siyang kumilos dahil talagang pakiramdam niya pati ang mga paa niya ay namamanas na dahil sa nakalawit nga lamang iyon. Ilang oras na ba siya nakaupo sa upuan na iyon at nagulat siya ng makita sa kanyang relong pambisig. Mahigit apat na oras na silang nabibiyahe pero parang pakiramdam niya ay hindi lang apat na oras iyon kundi para bang maghapon na. Napansin niya sa labas na madilim na ang paligid, ibigsabihin ginabi na pala sila sa kanilang biyahe. Pero hindi pa rin nila nararating ang lugar na nakalagay sa karatula ng bus. Nakalagay kasi doon ay Cubao, ibigsabihin doon ito patutungo. Hindi niya alam kung saang lupalop iyon na lugar sa Manila basta sumakay na lamang siya ng bus. Sa isip niya ay kung saan siya mapadpad, o kung saan tumigil ang bus na iyon ay doon na lamang din siya mananatili. Kaya lang kasi pakiramdam niya ay napakalayo pala ng lugar na iyon, para bang wala ng katapusan ang kanilang pagbibiyahe at lalo ring tumindi ang kalam ng kanyang sikmura. Ilang sandali pa at tumigil ang bus sa isang lugar na may mga bus din na nakahimpil. Kamukha ng bus na kanyang sinasakyan. Nakasulat doon ay terminal. Namamangha lamang siya dahil ngayon lang siya nakakita ng terminal ng mga bus na ganon kalaki at may mga pagkain tapos ang dami pang bus na nandoon. Iba't ibang klase ng tao ang nandoon may kainan din sa terminal at dahil kumakalam na ang kanyang sikmura ay minabuti niya na bumaba sa bus na kanyang sinasakyan. Tinandaan na lamang niya ang number ng bus bago siya bumaba tsaka siya nagtungo na sa kainan. Namili siya ng makakain doon at dahil sa gutom na gutom na talaga siya at talagang kumakalam na ang kanyang sikmura ay dalawang kanin talaga ang inorder niya at isang order ng ampalaya at igado. Parehas niyang favorite ang mga iyon, nagmadali siyang magtungo sa isang bakanteng mesa at doon nilantakan niya ang kanyang pagkain. Kumuha na rin siya ng isang softdrinks dahil talagang kailangan niyang bumawi ng lakas para pagdating niya mamaya or bukas sa Cubao ay maghahanap naman siya ng maaaring tirhan na bahay kahit maliit lamang. Matapos niyang kumain ay nagpasya na siyang bumalik sa bus na kanyang sinasakyan at ilang sandali pa napaghihintay nila sa ibang mga pasaherong kasama nila ay umalis na ulit ang bus. Hindi na siya natulog inisip na lamang niya kung papaano siya magsisimula sa lugar na kanyang pupuntahan. Lalo sa sandaling ito siguradong nag-aalala na iyon at baka pinakilos na nito ang lahat ng mga tauhan at baka pati sa pulis ay nai-report na rin ang pagkawala niya. Kaya nga hindi na siya nag-abala pa na dalhin ang kanyang cellphone at kahit na anong gadget na bigay ng kanyang lolo. Alam kasi niya na may tracking device na nakadikit doon. Ang iniiwasan niya, iyong muli siyang mahanap ng kanyang lolo at siguradong pati na ang pamilya ng lalaking mapapangasawa sana niya ay hinahanap na rin siya sa mga sandaling iyon. Siguradong nalaman na rin ang mga ito na sumakay siya sa bus patungong Manila ang lolo pa ba niya, lahat ng paraan ay gagawin nito para lamang mahanap siya. Siguradong kapag nahanap siya ng kanyang lolo ay hindi na ito magpapatumpik-tumpik pa kundi agad-agad siyang ipapakasal sa lalaking nais nitong maka isang dibdib. Iyon ang hinding hindi niya papayagan kaya gagawin niya ang lahat para makapagtago. Kahit pa umasta siyang pulubi, ay gagawin niya para lamang mataguan ang kanyang lolo. Ilang oras ng tumatakbo ang bus na kanyang sinasakyan ay tila wala pa man lamang sila sa kalahati ng kanilang patutunguhan. Hanggang sa igupo na siya ng matinding antok at nakatulog na ulit siya ng hindi namamalayan. Nagising siya sa mahinang tapik sa kanyang balikat at hindi rin siya nakamulat pa dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. “Miss nandito na po tayo sa terminal hanggang dito na lamang po tayo kaya kung maaari bumaba na po kayo.” Narinig niya yang wika ng konduktor sa kanya. Agad siyang napatingin sa paligid at ng tila nahimasmasan siya ay agad siyang tumayo at humingi ng pasensya sa lalaki tsaka bumaba na siya sa bus na iyon. Walang lingon likod dahil alam niya na ang konduktor na iyon ay maaaring maging source ng kanyang lolo para matunton siya kaya talagang todo takip siya ng mukha habang kausap ito kanina. May nakita siyang over pass sa di kalayuan ng terminal at minabuti niya na magtungo doon at umakyat doon para magtungo sa kabilang panig ng kalsada para makalayo na siya ng tuluyan sa lugar na iyon. At habang umaakyat siya sa hagdan patungo sa overpass ay napabuntong hininga siya at tila ba napapagod agad siya sa napakagulo at ingay na lugar na iyon. Pagdating niya sa pinaka ang gitna ng overpass ay tumanaw muna siya sa kawalan at ilang sandaling pinanood ang mga sasakyang paroon at parito. Ang mga taong tila yata walang kapaguran sa paglalakad. Talagang napaka-abala nga sa siyudad gaya ng napapanood palagi niya sa tv. Maraming mga paninda kung ano-ano na nasa bangketa. Ang mga sasakyan ay walang patid sa pag-andar at ang kabilang panig pa nga ng kalsada ay halos hindi na gumalaw ang mga sasakyan. At ang simoy ng hangin ay hindi rin niya nagugustuhan, may kakaibang amoy iyon na hindi kanais-nais pero wala naman siyang magagawa kung ganon talaga. Sobrang laki talaga ng pinagkaiba ng lugar na iyon, sa lugar na kanyang kinalakhan. Pero siguro naman kapag matagal na siyang manirahan sa lugar na ito ay masasanay din siya. Sa ngayon titiisin muna niya ang lahat at iisipin na lamang niya ang kanyang kapakanan. Kaysa sa biglaang pagbabago ng kanyang buhay at biglaang paninirahan niya sa isang lugar na hindi niya kinasanayan. May mga napansin siyang mga kalalakihan na nakaupo sa gilid ng overpass na iyon at nakatingin sa kanya agad siya nakaramdam ng takot lalo pa at hindi siya sanay na makihalubilo sa maraming tao. Tapos napansin niya na siya lamang ang umaakyat ng time na iyon sa overpass, medyo makaramdam siya ng panganib. Lalo pa at para bang hindi niya mapapagkatiwalaan ang itsura ng mga ito kakaiba din kung makatingin sa kanya. Kaya hindi tuloy niya alam kung bababa na lamang siya sa overpass o didiretso para makapunta sa kabilang panig ng kalsada. Paatras na sana siya ng sandaling iyon ngunit may biglang dumating na para bang tatawid din sa overpass na iyon. Isang matandang babae kaya ang ginawa niya ay makisabay na lamang siya dito. Laking pasasalamat niya dahil may nakasabay na siya kahit papaano ay nawala ang takot niya sa mga lalaki. Naging mabilis na lamang ang kanyang paghakbang para makaalis na sa overpass na iyon at ng makababa na patungo sa kabilang panig ng kalsada. Doon kasi may napansin siya na tila ba mga bahay na maliliit hindi niya alam kung bahay nga ba ang mga iyon o mga tindahan. Ang alam kasi niya kapag gano'n na dikit-dikit ang mga bahay ay tila ba squatter ang tawag sa gano'n gaya ng mga sinasabi sa tv. Pagkababa pa lamang niya sa hagdan na pababa ng overpass ay hindi niya inaasahan ang mga pangyayari. May isang lalaking biglang sumunggab sa kanya. “Huwag kang kikilos ng masama kung ayaw mong butasan ko iyan tagiliran mo!” galit na wika ng lalaki. Agad siyang natigilan at nahintakutan ng maramdaman ang matulis na bagay na iyon na nakatutok sa tagiliran niya. Natakot siya ng husto dahil ayaw pa niyang mamatay. Iyon na nga yung pagkakataon niya na makatakas sa poder ng kanyang lolo at para na rin maranasan niya ang mamuhay na mag-isa tapos gano'n lang ang kakahinatnan niya. Papatayin lamang siya ng lalaki na hindi man lamang niya kakilala. At lalo siyang nahintakutan ng makitang pati ang may edad na babaeng kasabay niya sa taas ng overpass na ngayon ay kabababa lang ay hindi rin sinanto ng lalaking tumutok sa kanya ng patalim. May kasama pa pala ito na nasa ilalim mismo ng hagdan na iyon sa overpass at nilapitan din ang matanda at palihim itong tinutukan din ng patalim sa tagiliran nito. “Ay Diyos ko huwag po, kuhain niyo na lamang ang kahit na anong nais ninyo huwag niyo lang kaming sasaktan. May mga apo pa akong umaasa sa akin walang magpapakain sa kanila kapag nagkataong may nangyari sa aking masama.” Umiiyak na pakiusap ng matanda sa lalaki. “Hoy gagii Leo, ang ganda ng chicks na napunta sa'yo ah. Pwedeng pwede nating pakinabangan iyan! Mamula-mula at napakaputi ng balat niya parang mukhang mayaman paldo tayo diyan tapos pwede pa nating siyang mapakilabangan!” tila nauulol na wika ng isa sa mga lalaki. “Tama ka Buyong butasan mo na ang isang yan at ng magawa na natin ng diskarte itong hawak-hawak ko!” Wika ng lalaking may hawak ng patalim na nakatutok sa kanya. Agad niyang naintindihan ang nais nitong ipagawa sa lalaki. Nais nitong ipapatay na ang matandang babaeng kasama niya kanina. Hindi niya kakayanin may mapahamak sa kanila ng matanda. Ayaw niya iyong gano'n na makakasaksi pa siya ng isang krimen tapos wala siyang nagawa. Kahit na natatakot at bagong salta lamang siya sa lugar na iyon ay naglakas loob siya na palagan ang lalaking may hawak ng patalim na nakatutok sa tagiliran niya. Naramdaman kasi niya na natatakot din ang mga ito at tila ba hindi naka-focus sa ginagawa kaya ang ginawa niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ng lalaking may hawak na patalim na nakatutok sa kanyang tagiliran. Agad na pinilipit niya iyon, nabitawan nito ang patalim dahil sa pagpilipit niyang iyon dahil nasaktan ito ng husto. Agad niyang kinuha ang patalim na nahulog sa sahig. At dahil napilipit niya ang isang kamay nito bigla pa niyang hinawan ang isang kamay at napilipit din niya iyon tsaka niya ibinaba ang suot-suot na jacket ng lalaki. Iyon ang itinali niya para hindi makapalag ang dalawang kamay nito sa likuran. Agad na itinutok niya sa leeg nito ang patalim na dinampot niya. May alam lang siya na konting self defense at mabuti na lamang pala pinaturuan siya ng kanyang lolo kaya heto at nagamit niya sa lalaking ito. “Sige subukan mong saktan si Manang at bubutasin ko ang lalamunan ng kasamahan mong ito!” Galit na singhal niya sa isang kasama nito. Tinapangan niya ang aura niya para kahit papaano ay matakot ang kasamahan nito. "Tang*na mo Buyong, bitawan mo na yan! Mamaya tuluyan pa ako ng babaeng ito!" Singhal naman ng lalaking nakorner niya. Napangisi siya, tagumpay nga binitawan nito ang hawak hawak na patalim hinayaan iyong malaglag sa lupa at iniangat nito ang dalawang kamay. "Sige na po Manang, tumakbo na po kayo at humingi kayo ng tulong!” utos niya sa matanda agad namang tumakbo ito para siguro humingi ng tulong. Siya naman ay nanatiling korner ang isang holdapper habang nakatutok pa rin sa leeg nito ang patalim na pag-aari nito. Ang kasamahan naman nito ay tila nahintakutan na at tumakbo na ito na mag-isa, sinigawan pa ito ng kasamahan na bihag niya pero hindi na ito lumingon pa. Maya-maya ay may kasama ng pulis ang matandang kasama niya kanina at dahil doon ay nahuli na ang lalaking ng hold up sa kanila. Iyon nga lang nakatakas ang isa nitong kasamahan nilagyan ito ng posas ng pulis at inimbitahan sila sa presento ng matanda. Para daw makapagbigay ng salaysay kung ano ba talaga ang nangyari para maparusahan ang lalaki. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD