Mga pasado alas dyes na rin silang nahiga para matulog, sabi ni Nanay Alona ay maaga silang dalawa na magtutungo sa bahay ng mga Zobel. Kaya lang ngayon pasado alas dos na ng madaling araw.
Hindi talaga siya makatulog kahit na himbing na himbing na sa pagtulog ang kanyang mga kasama. Heto at pabiling-biling at panay ang palo niya sa kanyang balat kung maramdaman niya na may kumakagat na lamok doon.
Ngayon niya naranasan ang hirap pala talaga ng buhay ng mga pamilyang nasa laylayan. Iyon bang katulad nina Nanay alAlona.
Mukhang nais nito na mapatikman ng maalwan na pamumuhay ang mga apo nito. Ngunit hindi nito magawa, dahil saatanda na nga ito at kahit anong trabaho ay kilang na kulang pa rin sa pang araw-araw na panggastos ang kita niro.
Siguro nais man lang nito na maitira sa maayos na lugar ang mga apo pero wala itong choice kundi ang magtiyaga sa lugar na iyon dahil iyon lamang ang kaya nito.
Sabi ng matanda umuupa lamang daw silang mag-aapo sa lugar na iyon, ang bayad daw monthly ay 1,500, iba pa daw ang tubig at kuryente kaya talagang awang-awa siya sa matanda hindi niya akalain na ganito pala kahirap ang sitwasyon nito sa siyudad.
Doon din niya napagtanto na tila ba napakaswerte niya na nirahan sa poder ng kanyang lolo at naibigay naman nito ang lahat ng naisin niya.
Dahit nga hindi niya nais ay binibilhan siya nito katulad na lamang ng mamahaling bags, ng kotse, ng mga alahas at kung ano-ano pa.
Iyon nga lang kahit na payak ang pamumuhay nila Aling Aona kasama ang mga apo nito ay mararamdaman mo talaga ang pagmamahal ng mga apo nito sa kanilang lola at ang pagmamahal ni Aling alAlona sa mga apo nito. Atahit sobra sobra Sobrang hirap ng mga ito ay mararamdaman mo ang kasiyahan kahit napayak lamang ang pagkain sa pagkainan.
Hindi katulad niya na mayaman nga naman sila bihiram bihira naman niyang mga kasalo ang kanyang Lolo sa hapag kainan mas inuuna pa nito ang business at halos hindi na nga niya itong makita minsan nga sa isang buwan ng isang beses lamang niya itong makita.
Sa totoo lang iyon ang napakalaking pagkakaiba ng sitwasyon ni Aling Alona at ng kanyang lolo. At syempre ang sitwasyon niya sa kanyang lolo at sitwasyon naman ng mga apo ni Aling Alona dito.
Para bang kahit napakahirap ng sitwasyon ng mga ito ay tila ba mas gugustuhin pa niya na marinirahan dito kaysa sa poder ang kanyang lolo. Walang magdidikta sa kanya walang magagalit walang dapat sundin.
Walang boss hindi mag nabibilang ang pagkilos niya pero kahit naman anong gawin niya ay iyon at iyon pa rin ang kanyang kapalaran.
Pero syempre ngayong malaya na siya at nakalayo na siya sa kanyang lolo ay sisikapin niya na baguhin ang kanyang kapalaran.
Susubukan niyang tumayo sa kanyang mga paa at mamuhay na mag-isa iyon bang hindi umaasa sa kanyang lolo at hindi umaasa na bubuhayin siya nito.
Iyon nga lang medyo nakakaramdam siya ng takot sa mga katagang sinabi ni Aling Alona sa kanya kanina, iyon bang ugali ng kanyang magiging boss.
Sana naman hindi siya masaktan nito dahil unang-una sa lahat ayaw na ayaw niyang masaktan baka kahit na baldado ang lalaki ay talagang magantihan niya ito ng wala sa oras.
Hindi maaaring basta na lamang niya hayaan na saktan siya ng kahit na sino. Hindi nga siya sinasaktan ang kanyang lolo kahit na sobrang sama ng ugali nito sa kanya at sobrang istrikto, tapos hahayaan niya nasaktan lamang siya ng ibang tao.
Hirap na hirap talaga siyang makatulog isa pa medyo mabaho ang lugar na iyon ibang-iba ang simoy ng hangin sa probinsya at simoy ng hangin na kanyang nalalanghap lalo na at ang bahay na iyon ay nakaangat.
Para bang may tubig ang ilalim kaya lang doon daw kasi sa tubig na iyon sa ilalim ay doon na rin ginagawang cr ng iba.
Mabuti na lamang sila Aling Alona ay may sariling cr maliit nga lang iyon pero ganun pa rin eh lahat pa rin ng inilalabas ng kung sino magsi-cr doon ay diretso sa ilog.
Kaya yung bahong kanyang naaamoy ay natitiyak niya na galing yung doon, masang-sang, malangsa at talagang hindi mo kayang langhapin. Kaya lang no choice naman siya kaya talagang nagsusumiksik sa kanyang ilong ang amoy na iyon.
Pero sabi nga niya sa kanyang sarili na dapat masanay na siya dahil gano'n talaga sa syudad at kailangan niyang makisama sa mga taong naninirahan doon.
Hindi iyon katulad ng mansyon ng kanyang lolo na siya dapat ang pakisamahan ng lahat ng mga kasambahay doon.
Sabagay hindi naman niya inuobliga ang mga ito pero hindi pa rin kasi mawala-wala ang tradisyon na iyon sa kanilang pamilya.
Iyon bang dapat gumalang ang mga ito sa kanya kahit na ayaw naman sana niya.
Kaya naman kapag wala ang kanyang lolo hinahayaan na lamang niya ang mga ito na tawagin siya sa kanyang pangalan.
Ayaw pa ang sumunod ng iba pero naririndi na kasi siya kapag tinatawag siya ng mga ito na señorita, ma'am, miss, mas nais niya yung tawagin lamang siya sa kanyang pangalan.
Eh kasi naman sa sobrang tagal na niyang gano'n ang tawag sa kanya ng lahat eh para bang sawang-sawa na siya.
Hindi na rin talaga siya pa masaya pa, ang mama at papa niya ang nagbigay ng pangalan niya tapos nais lamang ng kanyang lolo na gano'n ang itawag sa kanya.
Hindi naman kailangang gumalang ang lahat sa kanya. Lalo na at matanda naman sa kanya ng husto ang kanilang mga kasambahay at kahit na nga ang mga driver.
Ganon din ang tawag sa kanya kaya kahit sino siguro talaga ay maiinis na ng husto.
Pinilit pa rin yang makatulog, Hindi kasi maaaring aantok-antok siya sa first day ng kanyang trabaho tinawagan na kasi ni Aling Alona ang mga amo nito kanina
At sinabi na may kasama ito para mag-alaga sa Ellion na iyon. Sana lamang talaga ay hindi siya mapagbuhatan ng kamay ng lalaki.
Titiyakin talaga niya na pagsisisihan nito kapag nangyari ang bagay na iyon. Pero nabanggit ni Aling Alona kanina na gwapo ang lalaki, at iyon din ang isa sa hindi niya makalimutan.
Kahinaan pa naman niya ang gwapo, sana lang walang dating sa kanya ang itsura mg kanyang boss.
ITUTULOY