“Magandang umaga po Nanay Alona.” nakangiting bati niya sa matanda.
“Aba ang aga mo naman yatang masyado Issay, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Tanong nito sa kanya.
"Opo Nanay, maayos naman po ang pagtulog ko. Maaga lang po akong nagising dahil inaalala ko na baka maaga po tayong aalis." Nakangiting wika niya sa matanda.
"Ahh, mabuti naman kung ganon, naku mabuti pa kaya magluto ako ng almusal natin kahit mga bandang 8:00 na ng umaga na lamang tayo magtungo sa bahay ng aking amo. Alam mo naman ang mga apo ko tanghali pa giging ang mga iyan dahil panghapon ang schedule nila sa school. Mas mainam pati na mag-almusal na tayo dito bago magtungo sa bahay ng amo ko. Hindi kasi natin tiyak kung makakapag-almusal pa tayo pagdating doon dahil nakaraming gawain sa bahay na iyon. Isa pa kailangan mo na rin agad na magpakilala kay Sir Ellion para kahit papaano ay mapalagay sa iyo." mahabang pahayag ng matanda sa kanya.
"Kayo po ang bahala Nanay, ako po okey na kahit kape lang." Wika niya dito.
Pero nagsisinungaling niya sa ginang tungkol sa pagtulog niya. Ang totoo ay halos isang oras lang yata siya nakakatulog kasi talagang pinapak siya ng lamok kagabi.
Nakikita pa nga niya ang ilang pirasong kagat ng lamok sa kanyang braso at binti niya pero kahit gano'n ay nakatulog pa rin naman siya kahit na isang oras yata o dalawang oras kahit papaano ay may lakas na rin siya.
“Ipagtitimpla na lamang kita ng kape at matapos magkape ay maligo ka na mauna ka ng maligo dahil ako marami pa akong gagawin.” Wika pa ng matanda sa kanya.
“Naku Nanay Alona ako na lamang ho, kaya ko naman. Sige na po mag asikaso na po kayo diyan. Ituring niyo na lamang po akong parang tunay na pamangkin na hindi ninyo po kailangan napagsilbihan. Hayaan niyo na po ako ng gumalaw na mag-isa kaya lang po maaari niyo po ba sa aking ituro kung papaano po timplahin ang kape?” Wika niya sa matanda.
Napakunot noo naman itong tumingin sa kanya. Sa totoo lang hindi kasi niya alam timplahin iyong sinasabi nitong kape na nakalagay sa maliit na mesa na nasa may gilid nito. Kapag kasi iinom siya ng gatas o iinom ng kape ay ang yaya niyang gumagawa niyon, dadalhin na lamang nito sa kanyang silid o kung saan niya nais na inumin.
Kaya lang hindi man lamang niya napag-isipan na dapat pa nga ba niyang itanong iyon sa matanda edi ba magpapanggap nga siya. Tapos bigla niyang tinanong ang tungkol doon sa matanda kitang-kita tuloy ang tila pagdududa sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.
“Ang ibig sabihin ko po Nanay Alona ay hindi ko po kasi alam kung papaano po timplahin iyong ganyang klase ng kape sa katunayan po kasi doon po sa amin ay bundok. Tanging bigas lamang po na sinunog ang kape namin doon kaya po hindi ko po alam kung papaano po iyan. Malayo din po kasi kami sa kabayanan kaya hindi ko po talaga alam kung papaano, nakakita na rin naman po ako niyan kaya lang hindi ko po talaga alam kung paano timplain at hindi pa po ako nakatikim niyan eh.” Parang nais niyang batukan ng kanyang sarili dahil mukhang siya rin ang magpapahamak sa kanyang sarili.
“Ah gano'n ba, madali lang. Maglagay ka lamang ng kape na iyan sa tasa. Twin pack ang tawag diyan, iyong isa lamang ang ilagay mo. Tsaka mo lagyan ng mainit na tubig nasasayo kong lalagyan mo pa ng asukal pero huwag mo lang lagyan dahil matamis na iyan.” Matiyagang paliwanag sa kanya ng matanda.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil mukhang naniwala ito sa sinabi niya mabuti na lamang minsan ng nakapanood siya sa isang reality show na gumagawa ng kape gamit ang bigas na sinunog.
Napapanood naman niya sa mga commercial sa tv yung about sa gano'n na kape yung 3 in 1.
Kaya lang hindi talaga niya alam kung papaano gawin, iyon pala bubuhusan lang naman pala ng mainit na tubig nagtanong pa talaga siya sa matanda.
Para tuloy nais niyang magsisi dahil hindi man lang siya nagtanong sa kanyang yaya sa mga bagay-bagay. Talagang umasa na rin siya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Hindi naman kasi niya akalain na darating ang panahon na aalis siya sa poder ng kanyang lolo lalo pa't alam naman niya na hindi siya nito papayagan.
Pero ngayon niya napatunayan na mas mainam pa rin iyong may alam sa lahat ng bagay para hindi naman magmukhang katawa-tawa pagdating ng oras ng kagipitan.
Kaya ipinangako niya na aayusin na niya at susubukan na lang niyang mag-isa at hindi na siya magtatanong para hindi naman siya halata lalo na at mamamasukan siya bilang kasambahay at tagapag-alaga ng may sakit.
“Sige po, maraming salamat nanay. Baka gusto nyo po ipagtimpla ko na din kayo?" Nakangiting tanong niya sa matanda.
“Naku hija tapos na akong magkape kanina pa, ikaw magkape na diyan may pandesal diyan sa ibabaw ng lamesa kumain ka na lang at magluluto lang ako saglit ng almusal. Kaysarap pa kasi ng tulog nung magkakapatid, pero kapag wala ako dito, sila lamang naman ang nagtutulungan. Kapag nandito ako, ayon talagang ginagawa ko naman ang lahat para maalagaan sila.” wika ng matanda sa kanya.
Talagang napakabuti ng matanda sa tingin niya ay mahigit 60 years old na si Nanay Alona pero todo pa rin ang pag-aalaga nito sa mga apo.
“Ah ganon po ba Nanay Alona sige po maraming salamat po ipagpatuloy ninyo ang nais ninyong gawin. Ako na po ang bahala sa sarili ko.” Magalang na turan niya sa matanda.
Tumango lamang ang matanda at tumalikod na bumalik na ito sa pinakang kusina ng bahay. Parang lutuan na gamit sa uling ang lutuan nito.
Hindi pa siya nakakita niyon sa bahay ng kanyang lolo pero dahil nga sa mga napapanood niya ay natututunan niya kung ano ang mga tawag sa gano'ng bagay.
Siya naman ay minabuti ng magtimpla ng kape at sinunod niya ang turo sa kanya ni Nanay Alona. At ng magawa niya iyon ay namangha siya dahil gano'n lang naman pala iyon.
Nagustuhan niya ang aroma ng tinimplang kape na iyon. At ng tikman niya ang lasa ay napakasarap pala ng gano'n klase ng kape.
Napangiti pa siya ng makita ang mainit mga pandesal na nakabalot sa tila brown paper. Bagong luto iyon dahil napakainit pa. Naalala niya iyong napanood niya na isinasawsaw ang pandesal sa mainit na kape ginaya niya iyon at grabe.
Napakasarap pala ng gano'n, napanood na rin niya iyon dati kaya sinubukan niya.
Kaya naman nagpatuloy siya sa pagkain at feel na feel pa niya iyon.
ITUTULOY