TBSM: Kabanata 9

1558 Words
Matapos niyang mag-almusal ay minabuti na niya na maligo, pero dahil walang tubig sa loob ng maliit na banyo sa barong barong ni Nanay Alona ay lumabas muna siya para umigib. Pinasamahan lamang siya ni Nanay Alona sa apo nito. Medyo nailang pa siya sa mga taong nasa may poso, mga nakapila ito doon at naghintay na makalapit sa pinakang kuhaan ng tubig. Naiilang siya dahil tila ba ang lahat ng mga mata ng mga taong nandoroon ay sa kanya nakatuon. Tila ba namamangha ang mga ito pagkakita sa kanya. Pero hindi na lamang niya pinansin, hindi naman mukhang nakakatakot ang mga tao doon parang curious lang ang mga ito at tila nais alamin kung sino siya. Ang iba nga ay nginingitian pa nga siya, at ang iba naman ay bumabati. Tinatanong naman ng ilan ang apo ni Nanay Alona, sinabi naman nito na pamangkin ito ng lola nito. Maya-maya ay dumating si Fernan, may dala-dala din itong timba na tila ba sa sahod din ito ng tubig. “Uyyy, Tol Issay sasalok ka ba ng tubig?Nakangiting tanong nito sa kanya sabay bati. “Ah oo naubusan kasi si Nanay Alona ng tubig sa banyo syempre nakakahiya naman na makisuyo pa ako sa kanya ng pampaliligo ko, hindi ba?" Nakangiting sagot niya sa lalaki. “Oo nga matanda na rin kasi si Aling Alona, pero hayaan mo kapag nandiyan ka sa kanila ako na lang ang mag-iigib ng pampaligo mo. Libre hindi ako magpapabayad, promise kaya ngayon asan ba yung timba mo para ako na magbuhat.” Magiliw na wika nito sa kanya. “Naku salamat tol pero okay lang naman eh kaya ko naman siguro. Malapit lang naman yung bahay ni Nanay Alona kaya okay lang, ako na lang.” Nakangiting wika niya sa lalaki. Kahit naman nagpapakita ito ng kabaitan sa kanya ay hindi pa rin niya hahayaan na ipagbuhat siya nito ng tubig. Nakakahiya din iyon at saka kakakilala lang nila kahapon ayaw niyang magkaroon ng utang na loob dito. “Okay lang po Ate Issay na si Kuya Feenan ang magbuhay ng tubig. Mabait po talaga yan si kuya, siya rin po yung nagbubuhat ng tubig sa amin tapos hindi po siya nagbababayad kay lola. Pero minsan po pinipilit po ni lola na bigyan siya ng pera ayaw niya pong tanggapin. Ngunit minsan binibili na lang po ni lola ng alak para po inumin nila ng mga barkada niya.” Wika ng apo ni Nanay Alona. “Oh narinig mo naman tol 'di ba mabait ako, kaya okay na yun. Tsaka ang liliit ng braso mo mamaya mabalian ka pa ng buto-buto diyan. Basta ba maging tropa tayo ay walang problema iyon sa akin.” wika pa ng lalaki na tila ba nasisiyahan na kausapin siya. Sabagay hindi naman siya nakakaramdam ng pagkailang dito at para bang palagay agad ang kalooban niya sa lalaki mukha naman kasi itong mabait kahit na siga-siga ito kahapon. “Sige ba hindi na ako tatanggi ikaw ang mapilit eh, ayan oh puno na yung timba namin pwede ba pakibuhat na lang.” nakangiting wika niya dito. Presentado masyado kaya pagbigyan na lang tsaka okay, hindi naman siguro masamang maging kaibigan ito. Mas hindi siya mahahalata na nagpapanggap lang kapag natuto siyang kumilos ng katulad ng pagkilos nito. Pero syempre hindi naman siya umiinom kaya hindi niya sasabayan ang hilig nito sa pag-iinom tsaka hindi rin magandang tignan lalo pa at babae siya. “Okay, masusunod po kamahalan.” Nakangising wika nito sabay buhat sa dalawang timba na noon ay puno ng lamang tubig. Tsaka nagpatiuna na ito na magtungo sa barong-barong ni Nanay Alona. Dire-diretso ito at tila ba sanay na sanay itong pumasok sa bahay na iyon ng matanda. Narinig pa niya ng ibuhos nito ang dalawang timba ng tubig sa tapayan. “Ayan tol goods na pwede ka na maligo, siya nga pala kapag day off ninyo ni Aling Alona baka naman pwedeng jamming tayo. Gusto mo sama natin itong mga bata gala lang tayo diyan sa may peryahan.” Hirit pa ng lalaki sa kanya. “Salamat Fernan, ito nga pala pambili niyo ng toma mamaya ng grupo. Pagdamutan niyo na iyan kasi iyan na lang natira sa baon ko galing probinsya eh.” pasasalamat sa lalaki sabay abot dito ng isang libo. "Grabe naman ito nagbuhat lang ako ng dalawang timbang tubig, binigyan mo na ako ng ganito. Malaking halaga ito, hindi na okay na ito kaya namin kumita ng pantoma namin. Iyon na lang sanang kahilingan ko ang pagbigyan mo. Ano gala tayo ng mga bata sa day off ninyo ni Aling Alona.” Hirit pa nito sa kanya sabay balik sa inaabot niyang isang libo dito. “Totoo po ba Kuya Fernan? Pupunta po tayo sa peryahan kapag po nagbakasyon po si ate Issay dito sa bahay namin?” Masayang tanong naman ng pinakabatang apo ni Nanay Alona. “Depende sa sagot ni Ate Issay ninyo.” nakangiting wika pa ng lalaki. “Okay okay kapag nagkaroon ng pagkakataon na makapag day off ako at makasama ako dito kay Nanay Alona gagala tayo kasama ang mga bata at ako na ang sagot sa lahat ng gastos.” nakangiting sagot niya sa mga ito. “Yehheeyyy… Salamat po Ate.” tuwang-tuwa namang wika ng apo ni Nanay Alona. “Salamat kung gano'n tol, sige alis na ako ha mag-ingat ka sa work mo.” Masayang pasasalamat sa kanya ni Fernan. Tsaka umalis na ito nagpahabol pa siya dito ng pasasalamat kumaway na lamang ito sa kanya. “Naku, ang lalaking iyon mukhang tinamaan yata. Sige na Issay maligo ka na at ng mamaya eh mag-aasikaso na tayo para makapunta na tayo sa bahay ng boss ko.” wika naman ng kakalabas lamang sa kusina na si Nanay Alona. Hindi niya maintindihan yung sinasabi nito na tinamaan yata pero hindi na siya nagtanong at nagpaalam na lamang siya na pumasok sa cr para maligo. Nang matapos pinili niya ang isang simpleng t-shirt at short na damit. Hindi naman talaga siya nagdala ng mga damit. Meron man pero ilang piraso lang na damit. Iyong hindi mga branded para hindi mahalata kung ano ba siya talaga. Matapos niyang magbihis inaya siya ni Nanay Alona na kumain ng almusal. Ayaw nga sana niya dahil nagkape na nga siya tsaka naubos pati niya yung pandesal kaya sobrang nabusog siya. Kaya lang pinilit pa rin siya ni Nanay Alona dahil ang sabi nito ay baka diretso na sila sa pagtatrabaho pagdating niya doon kaya kailangang busog. At bago mag 8:00 a.m. ay umalis na silang dalawa ni Nanay Alona sa may labasan. Sumakay sila ng jeep patungo sa bahay ng boss nito. Halos dalawang oras din ang biyahe patungo sa lugar na sinasabi ng matanda. Isa iyong exclusive subdivision, ibang-iba sa lugar kung saan nakatira si Nanay Alona. Pagbaba nila ng jeep, sumakay ulit sila ng tricycle papasok sa loob ng subdivision na iyon. Sa tingin niya ay hindi basta-basta ang nakatira doon. Hindi mo aakalain na may ganon palang lugar sa syudad na iyon. Dinala sila ng tricycle sa pinaka dulong bahagi ng subdivision na iyon. Pagbaba nila, napaawang ang kanyang labi ng makita ang napakalaking bahay sa kanilang harapan. Isa iyong modern mansion, hindi katulad sa bahay ng Lolo niya old style kasi iyon pero mas malawak at nasa gitna iyon ng malawak na lupain. Pagbaba nila ng tricycle, may inilabas lamang na tila card ang matanda at itinapat iyon sa bantang gitna ng malaking gate, kusa na iyong nagbukas. Nakakamangha din ang mga makabagong teknolohiya, samantalang sa kanila kailangan pang ipagbukas ng mga kasambahay o guard ang sino mang papasok. Kung ano ang ganda sa labas ng bahay, pagpasok nila ay mas nakakalula ang karangyaan doon. Kahit siya na namuhay din sa karangyaan ay napahanga. Maging ang mga furnitures sa loob ng mansyon. Ang akala niya ay simpleng pamilya lang ang kanilang pagsisilbihan. Iyon pala mukhang kilalang pamilya at talagang may sinasabi din. Ilang mga kasambahay ang nakita nila, alam niyang kasambahay dahil naka uniform ang mga ito. Binati lamang ng mga ito si Nanay Alona tsaka bumalik na sa trabaho. "Ilayo nyo sakin ang gamot na yan! Wala talaga kayong silbi!" Sigaw ng kung sino. Galit na galit ito, at halos dumagundong ang malaking boses sa buong second floor ng bahay. Nagkatinginan sila ni Nanay Alona. At napailing ito, kasunod niyon ang pagkabasag na kung anong bagay sa itaas. "Umalis na kayo! Ano pa bang hinihintay nyo! Mga inutil, walang kwenta!" Muling galit na sigaw ng kung sino sa itaas. Nagpasya silang umakyat sa second floor, medyo kinakabahan siya dahil mukhang masama nga ang ugali ng kanyang magiging boss. "Ngunit Sir, magagalit po sa amin si Senyora kapag hindi ninyo na naman nainom ang gamot." Nahihintakutang wika ng isang kasambahay. Ngunit hinawakan nito ang isang baso ng tubig at mukhang ibabato sa isang kasambahay. Ngunit nailagan nito ang baso na ibinato ng lalaki. Sakto naman na nakaakyat na sila non sa second floor kaya nasaksihan niya lahat. Ngunit ang basong ibinato nito ay patungo sa kinaroroonan nila. Agad siyang naging maagap kasi matatamaan non si Nanay Alona. Mabilis niyang sinalo ang baso gamit ang kanyang kamay. "At sino kang pangahas na...." "Isabel po Sir, Issay for short. Ang bago nyong tagapag alaga." Nakangiting sagot niya sa lalaki na hindi na niya pinatapos pang magsalita. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD