“Paalisin ninyo ang babae na yan dito, walang hiya! Napakawalang modo hindi na ako ginalang! Iyan ba ang nais ninyong ipasok dito Nanay bilang tagapag-alaga ako? Mukhang papatayin ako ng walang hiyang babae na 'yan!Nanay Alona paalisin mo na yan dito, ayoko syang makita pa dito.” Halos dumagundong ang boses ng lalaki. Nanlilisik din ang mga mata nito habang nakatuon sa kanya. “Eh bakit naman ho? Ginawa ko lang naman yung trabaho ko ayaw ninyong uminom ng kusa, kaya gumawa ako ng paraan para hindi na kayo mahirapan pa. Diba ayaw ninyong uminom ng gamot, hindi ko alam kung dahil ba sa mapait ang lasa o talagang trip ninyo lang talaga. Ayaw ninyong uminom, alam ninyo naman kailangan ng katawan ninyo ang gamot para kayo ay gumaling. Tsaka kung ayaw ninyo sa akin, eh 'di ayaw ko rin sa iny