Todo na ang ngiti ni Isabel pero ang lalaki ay hindi pa rin maipinta ang mukha habang nakatitig sa kanya. Hindi naman niya mawari kung dahil ba sa galit kaya ganon itong makatingin sa kanya. Sa inis o kung ano pa man ang ibig sabihin ng tingin nito na iyon sa kanya. Titingin ito sa mukha niya at titingin naman sa basong hawak-hawak niya hindi nga nabasag iyon. Pero kung hindi niya nasalo, siguradong pira-piraso na iyon sa ngayon. “Sir Ellion, bakit ninyo na naman ho pinapahirapan ang mga kasambahay? Inumin ninyo na ho ang inyong gamot dahil alam ninyo naman na paparusahan na naman sila ng inyong mama kapag hindi mo sinunod.” Sita dito ni Nanay Alona pero may paggalang pa rin kung kausapin ito ng matanda. “Wala namang silbi ang mga gamot na iyan Nanay Alona, kaya hindi ko kailangan iy