Chapter 4

3442 Words
"Danie mamaya may meeting tayo ng five to eleven ng gabi sa magkakaibang tao are you okay for that?" "Oo sir walang problema" "Oo nga pala okay lang pala saiyo dahil parehas tayong single walang pinoproblema pag uuwi ng bahay kaya mas okay na yung ganito ibuhos na lang natin ang oras natin sa trabaho" "Oo tama ka sir" Kung alam mo lang sir Alex na may anak na ako na kailangan ko din umuwi kaso mas kailangan ng anak ko ng pera. "Kaya nga eh, mas lalo na ngayon masyado na tayong busy maraming trabahong iniwan ni Leon wala na ata siyang balak umuwi ng pilipinas nagustuhan na nila sa new york kasama ang mga parents niya iniwan na nila ang mga negosyo nila sa akin nakakapagod" "Kaya nga sir nakakamiss din si sir Leon lalo na yung kasungitan niya at kaistrikto niya sa trabaho" "Diba mas okay akong maging boss triple pa ang sahod mo sa akin" "Yun nga ang pinag papasalamat ko sainyo sir Alex mataas naman na ang sahod ko kay sir Leon pero dinagdagan niyo po salamat talaga" "Naku wala yun deserve mo naman yang sahod na yan dahil sa sobrang galing at sipag mo kaya dont worry tataas pa yan ako bahala" "Talaga sir hulog kayo ng langit, sige sir dadalhan ko na kayo ng lunch niyo" "Mamaya na lang Danie maaga pa" "Sir mag aalauna na kailangan niyo na kumain" "Okay lang mamaya na lang tatawagin na lang kita pag gutom na ako sige kumain ka na dun alam kong di ka pa kumakain" "Sige sir tawagan niyo lang ako pag gusto niyo ng kumain ng lunch" "Sige thank you Danie enjoy your lunch" Dumaretso ako sa canteen pero bago ako kakain tinawagan ko muna si mama para makausap ko ang anak ko. "Hello ma, andiyan ba kayo sa bahay gusto ko makausap si Tantan" "Busy ako Danie mamaya kana tumawag" "Asan nanaman ba kayo? wag niyong sabihin nasa sugalan nanaman kayo" "Alam mo naman na pala bat tinatanong mo pa, sige na matatalo pa ako sa pag istorbo mo sa akin" "Teka lang mah gusto kong makausap yung anak ko" "Mamaya na lang pag kauwi ko, sige na" "Mah! ma! sandali lang!" agad niyang binaba ang kanyang celpon. "Hayy lagi na lang wala si mama sa bahay kamusta naman yung anak ko kumain na ba?baka di nanaman ako makakauwi mamaya dahil sa marami kaming gagawin" Di kasi ako umuuwi pag alam kong alanganin na ang oras saka siya pang pamasahe ko dito na lang ako sa condo ni sir Leon ako tumutuloy, pinayagan akong dumito pag alam kong di ako makakauwi, tutal wala naman sila para may maglinis na din. Pagkatapos kong kumain dumaretso ako sa pwesto ko para tapusin ang dapat tapusin bago kami aalis ni sir Alex. "Ouch!ano ba dika ba tumitingin sa dinadaanan mo!" galit na binalingan ko ang nakabangga sa akin. "Sorry I didn't see you" "Ang laki-laki kong tao dimo pa ako makita nanadya ka ba!" inis na sabi ko. "Pardon? are you sure na malaki ka kaya nga kita nabangga dahil sa halos dina kita makita!" "Anong sabi mo! sinasabi mo bang maliit ako!" kaya galit ko siyang hinarap at nagulat ako ng makilala ko siya. "Wala akong sinabi kaw nagsabi niyan" sabay nginisian niya ako. "Doc Clayton! anong ginagawa mo dito! sorry pero di talaga kita gusto" "What! what are you talking about!wag kang assuming di ikaw pinunta ko dito para sabihin na gusto parin kita, your straight forward miss Danie. I want to see Alex its not you" Di ako nakaimik at parang napahiya pa ako, bat ko kasi nasabi yun nakakahiya. Natatawa siyang tinalikuran ako, kaya nakaramdam talaga ako ng hiya in short napahiya ako. "Kainis nakakahiya, napaka assuming mo talaga Danie nakalimutan kong mga babaero pala mga yan kainis talaga" padabog akong pumunta sa aking mesa. ***Clayton Pov*** Natawa ako ng sabihin niyang siya ang pinunta ko rito, talagang di niya talaga ako gusto, ano ba kasi nakain ko at sa lahat ng mga babaeng nagkakagusto sa akin. Siya yung ginusto ko pero ayaw naman niya sa akin kaya kinalimutan ko na lang na gusto ko siya. Kaya parang wala na siya sa akin kaya natatawa na lang ako sa kanyang itsura kanina mukhang napahiya siya. Pumunta ako kay Alex dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanya. Kaya di na ako kumatok daretso na akong pumasok sa loob ng kanyang office. "What are you doing here, basta kana lang pumasok dito" "Pati ba naman ikaw tatanungin mo kung anong ginagawa ko dito, your the same to Leon secretary kala niya siya ang pinunta ko rito" "Bakit di nga ba siya pinunta mo dito?" "Pati ba naman ikaw, akala niyo siya ang pinupuntahan ko rito" "Diba lagi ka pumupunta dito para sa kanya" "Noon yun pero ngayon hindi na diba" "Owh di nga alam ko malaki gusto mo sa kanya but unfortunately she doesn't like you, believe nga ako sa kanya lahat na nagkakandarapa na saiyo pero secretary lang pala ni Leon ang magrereject sa isang kagaya mong greatest among of all, akalain mo yun she's really legend" "Are you done laughing at me crazy! what I said its already long time ago, diba pwedeng mawala na yung feelings sa isang tao na ayaw naman saiyo" "Oo na sige na nga sabi mo eh, ano pala pinunta mo dito maliban kay Danie" "Stop it Alex, I said I didn't go here for her stop teasing me man" "fine, naglunch kana ba? lets eat dito sa loob ng office ko pabili ako kay Danie ng makakain" "No, thanks I'm still full" "Really but I'm hungry" "If your hungry just eat anong kinalaman ko diyan kung gutom ka" "Okay bat galit ka kaagad may regla ka ba? Hello Danie pagkatapos mo kumain pabili nga ako ng lunch yung dati, dalawahin mo na" "Weirdo" inis na sabi ko. "Ikaw nga ang weird eh ano kaya ginagawa mo dito" "Bakit bawal na ba ako pumunta dito" "Hindi naman dika naman pumupunta dito kung wala kang dahilan" "Tigilan mo nga ako Alexander paulit ulit ka lang" Biglang may kumatok sa pintuan. "Yes pasok" sagot ni Alex. "Sir eto na po ang lunch niyo, oh hello doc Clayton" saka niya binaba ang dala niyang paper bag na may lamang pagkain, pero diko siya sinagot. "Thank you Danie, hey! hey dude hello daw dimo man lang sinagot" "Nagkita naman na kami kanina sa labas" sabi ko. "What the, sa labas yun iba naman dito sa loob baliw ka talaga" "Okay lang yun sir, ganyan talaga pagbasted" ngumising sabi nito saka siya humakbang palabas ng office kaya diko maiwasang mainis. "Wha--wha--what did she say?!" at tumawa naman ng tumawa si Alex na mukhang tuwang tuwa pa. "I like her confidence to tell that, especially to you dude!" "Stop! at tuwang ka pa talaga, is she crazy bakit niya nasabi yun at sa anong dahilan. Me I'm rejected, of course not I'm Clayton Sevilla" "Oops tama na, grabe talaga si Danie magbiro halika na kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain wag ka ng magalit diyan" "I'm not hungry bakit ba kasi ako pumunta dito mali ata ang nilapitan ko, saka what kind of food is that its not a proper lunch its fast food hindi healthy dapat ang kinakain mo yung salad kasi maganda yun sa katawan lalo nat subsob ka sa trabaho" "Hayy naku anong akala mo sa akin kambing para pakainin mo ako ng mga salad na yan, dude you know me I'm not fan of that kinds of food alam mo naman mga gusto ko yung mga ganito" "Thats not healthy at all, its oily laging ganyan ang kinakain mo try to eat healthy foods" "Oo na kumain kana nga diyan, oh eto coffee para saiyo alam kong mukha kang kape, kaya ikaw bawas bawasan mo ang pagkakape mo di rin yan healthy" "Bakit napunta na sa akin, ikaw yung pinagsasabihan ko" "Oo na, eto kainin mo yang burger para manahimik ka diyan kanina ka pa salita ng salita" "Pagkatapos mo diyan mag usap tayo" kinuha ko ang kape para inumin at umupo ako sa sofa habang pinagmamasdan ko siyang kumakain. "Ayaw mo talaga kumain" "No alam mong di ako kumakain ng ganyang pagkain" "Ikaw bahala gutom na ako" After a minute natapos na siyang kumain saka siya umupo sa tabi ko. "Ano ba talaga pinunta mo dito?" "I want your help" "What kind of help that you want?" "I want your help, to find my brothers son?" "What!, akala ko ba tinigil mo na ang paghahanap mo sa kanila" "Hindi! kahit kailan di ako tumigil sa paghahanap sa kanila gusto ko mahanap sila kaagad para sa ikakatahimik na rin ng kapatid ko" "Dude diba sabi mo nun ititigil mo na dahil wala kang makuhang clue" "But I want to try kahit mahirap at walang pag asa malay mo makita ko din sila" "So you want me to help you, okay marami akong kilalang magagaling na directive , kung nun mo pa sana tinanggap ang tulong na inaalok ko saiyo baka nakita mo na sila ngayon. Mahirap silang hanapin dahil walang lead para mahanap sila" "Its here, may tatoo sa kabilang braso ng kapatid k, Maria ang nakalagay" pinakita ko sa kanga ang larawan ng tatoo ng kapatid ko at titig na titig ito. "Teka lang parang pamilyar ang tatoo na to ah parang nakita ko na to dati saan ko nga ba to nakita" "Wait!are you sure nakita mo na to?" "Parang nga nakita ko na dati diko lang matandaan baka lang kasi kaparehas niya" "I know right but I'm still hoping na matagpuan ko sila" "Don't worry andito lang ako dude, I will help you dun sa tatlo humingi ka na ba ng tulong sa kanila" "Mas mabuti ikaw muna ang nakakaalam dalawa kayo ni Louise ayaw kong idanamay yung tatlo na yun na may kanya kanya ng buhay mabuti pa kayong dalawa wala pa" "Sus kala mo naman mayroon siya" "I'm serious dude!" "I know, we are here to help you dont worry to much" "Salamt dude mauna na ako pupunta pa akong hospital sea you around" "Sige dude see you!" Pagkalabas ko ng office ni Alex nakita ko nanaman siya na nginingisian niya ako. Kaya nilapitan ko siya mismo sa kanyang mesa. "Anong nginingisi mo diyan" "Oh doc Clayton may sasabihin pa kayo" lumapit ako sa kanya saka ako bumulong sa kanya. "For your information miss Danie I'm not here for you, may business proposal lang ako sa boss mo besides your not the only girl here in the universe, your not pretty at all" saka ako umalis sa harap niya. "Wait sigurado ka" "Yes of course I'm really sure dont assume, what I said your not pretty at all"natawa siya. " Liar!"sabi nito saka siya umalis papunta sa office ni Alex. " Wow this girl, she's very confidence, what ever! "dumaretso ako sa hospital. Nagulat ako ng nakita ko si Jewel sa aking office na nakaupo. " Coffee! "alok niya sa akin. " What are you doing inside my office, at bakit ka nakapasok dito sino ang nagpapasok saiyo dito" "Relax, wala akong ginagawang masama I'm just waiting you" Natawa ako sa inis. "What do you think of me I'm stupid, Jewel I'm warning you, di na tayo katulad dati para gawin mo to, next time dont enter my office kung wala akong pasabi" "Why not we are friends Clayton can we please lets started again?" "What! are you crazy! I, I will never come back again to you Jewel!" inis kong tinawag si Jhony. "Yes doc may kailangan ka?" "Sino nagpapasok sa kanya dito" "Sorry doc, nagpumilit kasi si doc Jewel" "So you mean ikaw ang nagpapasok sa kanya dito" "Doc diko naman alam na bawal siya dito" " Kahit anong mangyari Jhony wag na wag kang magpapasok ng ibang tao sa office ko" "Pasensya kana doc dina mauulit" "Ganoon na lang ba ako saiyo Clayton I'm that bad to you" "Jewel diba sabi ko saiyo wala kang karapatan na questionin ako ulit,can you please get out of my office now. Jhony take her out of here!" "Yes doc, miss Jewel this way po" "Okey fine I can go out by myself, babalik ako ulit Clayton di ako magsasawang lapitan ka, I will make sure we're going to be friends again like before see you around honey" "What did she just say Jhony?" "See you around honey daw doc" "You too get out, sumasakit ang ulo ko sa inyo mula dun kina Alex at hanggang dito pa naman sa sarili kong hospital" Napaupo ako sa sobrang inis ko ngayon at napahigop ng kape na kanyang tinimpla. "Why this coffee is sweet!" napabuntong hininga ako. "Yeah this is the taste I love before but not anymore, but I'm still drink it its just a waste, sa coffee machine ko pa naman niya ginawa" I'm enjoying drinking my coffee ng may sumisigaw papunta dito sa office ko at halos mapaso na ang buong mukha ko sa gulat. "What the hell!are you doing!" "Doc, andito nanaman yung bata" "Anong bata pinagsasabi mo umayos ka nga Jhony" "Ung bata dati na pasyente mo na nakita mo sa labas at dinala dito" "What?!!" "Oo doc nasa emergency room siya at magugulat ka kung sino nagdala sa kanya dito" "Whatever lets go I need to see that kid" mabilis akong lumabas sa office ko at papunta sa emergency room. "Where is he?" "Doc dito ho unconscious po siya doc" "What! s**t ang hina ng vital ng sign niya dalhin siya sa operating room now!!" sigaw ko sa kanila. Nagmamadali akong nagbihis, diko maintindihan ang sarili ko bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing naeencounter ko ang batang to. Diko maiwasaang mag aalala ng husto sa kanya. " All of you get out, maliban lang saiyo Jhony, Ana preapare his room the private one now" "Masusunod doc" "Doc dalawa lang tayo, paano natin magagawa yan, di maganda ang kalagayan niya" "Jhony hindi pa siya mamatay, mahina lang siya and I will handle him just stay there to help me something relax" "Yes doc nakalimutan ko the miracle doctor ka pala" "Just shut up your mouth para makapag concentrate ako" After one hour stable na ang kanyang kalagayan at pinadala ko siya sa private room niya na inihanda ko. Pagkalabas ko sa kanyang kwarto lumapit sa akin si Ana. "Doc may naghahanap saiyo, nasa office niyo po" "Sino nanaman siya si doctor Jewel nanaman ba?" "Hindi lang siya doc dalawa sila" "Who?" "Mommy niyo po doc". "Okay ako na bahala, asikasuhin mo yang bata diyan call me if there something happen to him" "Sige doc ako na bahala" Tinungo ko ang aking office na diko maipinta ang aking mukha. "What are you two doing here, at ikaw bakit ka nanaman bumalik dito sa office ko ginagawa mo atang tambayan dito walanka bang trabaho?" "Dont talk her like that Clayton your so rude!" sigaw sa akin ni mommy. "It's okay tita, sanay na ako sa kanya parang dimo naman kilala ang anak niyo" "She didn't know me" mahinang sagot ko. Masama niya akong tinignan. "Kamusta ang bata na dinala ko rito is he okay?" "So kayo nagdala sa batang yun dito for what! I dont know you have this side" "Ang tinatanong ko yung bata hindi yung kung ano ano sinasagot mo" "Bakit ako dimo tatanungin kung okay lang ba ako, bat sa ibang tao napakabuti mo pero sa akin na sarili mong anak you didn't even asked me if I'm okay" Isang malutong na sampal ang dumapo sa aking mukha. "Tita enough" "Your not deserve my caring or whatever tandaan mo yan at never kong gagawin saiyo" "Pero anong ginagawa mo rito sa office ko akala ko ba ayaw mo akong makita" "Tita lets go, Clayton that's enough!" "Fine I will get that kid and bring to your father hospital!" "No! his stay here, his my patient dont you ever touch my patient can you please just go, now!" "Lets go tita, Clayton kamusta na ba yung bata sabihin mo na para makaalis na si tita" "His okay, just go the two of you!" "Bastard!" narinig kong sabi ni mommy sa akin bago sila lumabas sa office ko. "Fvckkk!!! your the one who's going here! hanggang kailan niyo ako sisihin, gusto niyo rin ba ako mawala para mapatawad niyo ako, diko naman sinasadya. Pinagsisihan ko naman ang lahat hanggang sa nabubuhay ako, bakit ako lahat diba kayo din may kasalanan din kayo hindi lang ako!" Nagbihis ako at kinuha ko ang aking susi ng kotse gusto kong umalis at magwala doon sa lugar na walang tao. ***Danie Pov*** " Sabi ni mama tulog na daw si Tantan, sayang naman diko siya makausap" Gabi na ng matapos na kami ni si Alex sa mga meeting namin. "Alas onse na pala ng gabi dina ako uuwi sa condo na lang ako magpapalipas ng gabi ulit malapit lang naman dito. Pero nagutom ako di ako nabusog sa mga kinain namin kanina kaya naglakad muna ako para maghanap ng makakain. Nakakita ako ng balot vendor tutal nung isang araw pa gusto kong kumain niyan. "Hmm my favorite thank you manong" Naghanap ako ng puwesto kung saan ako pwede kumain,nakahanap ako ng mauupuan sa may gilid ng dalampasigan. "Perfect, sarap ng hangin dito at wala pang tao gabi na kasi wow sarap nito tagal na akong di nakakain ng balot" "Aaaahhhhhhhh!!!!!" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng may biglang sumigaw malapit sa akin. "Yung balot ko basag na sayang yung sabaw niya, yun pa naman ang masarap" Inis akong tumayo at nilapitan ko ang taong sumigaw. "Excuse me! hoy excuse me!" inis na sabi ko sa kanya. "What!!" tanging sagot niya sa akin. "Bakit ka ba biglang sumisigaw diyan, yan tuloy nahulog yung mga balot ko nabasag na" Rinig na rinig ko ang pag buntong hininga niya saka siya yumuko may hawak hawak siyang bote ng wine. Halatang may malaki siyang problema. "Here!" may inabot siyang pera sa akin. "Para saan to" "Buy your food, sorry I scared you" "Ah hindi naman sa ganun, okay lang wag na salamat" "Get it, and leave me alone" "Fine!" kinuha ko ang perang inaabot niya sa akin saka ako tumalikod. Pero napahinto ako ng parang nabobosesan ko siya. Madilim kasi sa part na yun kaya diko siya masyadong kita ang mukha niya. "Wait lang parang si Doc Clayton yun ah" napalingon ako ulit sa kinaroroonan niya. "Anong ginagawa niya dito bat parang laki ng problema niya" Bumalik ako ulit sa kinaroroonan niya tumayo ako sa kanyang likuran. "Why are you here again, that money is not enough, here get all my money take my wallet if you want just leave me alone" hinagis niya sa likuran ang kanyang wallet. Pinulot ko ito saka ako humarap sa kanya saka binigay ang kanyang wallet. "Anong problema natin, ang alam ko di namomroblema ang isang kagaya mo" sabi ko sa kanya. Tinungga niya ng dare daretso ang hawak niyang bote, Kinuha ko kaagad sa kanya. "Tama na yan, pwede mo rin sabihin sa akin kung anong bumabagabag saiyo baka makatulong ako, magaling akong magbigay ng payo at magpagaan ng loob. Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya at tumingin sa akin. Sakto naman na tumama sa amin ang ilaw ng isang satellite na umiikot sa may dalampasigan. "Teka, bakit ganito bakit parang ang lakas ng pintig ng puso ko bigla ano to bakit ganito" mahinang sabi ko. "Really, mapapagaan mo ang nararamdaman ko ngayon, how can you do that, para mabawasan ang bigat nito" sabi niya sabay turo sa kanyang dibdib. Bakit magkahalong kaba ang nararamdaman ko, habang nakatitig siya sa akin. Kitang kita ko ang kanyang mga mata na sobrang lungkot. "Can you do it please". Diko alam ang ginagawa ko, at bigla ko na lang siyang niyakap. Naramdaman kong niyakap niya din ako at sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg. At dun ko naramdaman ang basang tumulo sa aking balat. Saka siya nagsimulang humikbi, nagulat ako ganun na lang ba ang laki ng problema niya para siya ay umiyak. Naawa ako bigla sa kanya, diko alam na may malaking pinagdadaanan pala siya kahit di niya sabihin gusto kong tanungin pero nahiya naman ako. Hinaplos haplos ko ang kanyang likuran para maramdaman niyang may karamay siya. "Okay lang yan di masama ang umiyak, di lang ikaw ang may pinag dadaanan ako din, parang gusto ko na rin sumuko pero iniisip ko ang taong kailangan ako, kaya kung ano man yan kapit lang malalagpasan mo din ang lahat" Tanging paghikbi lang niya ang naririnig ko habang mahigpit siyang nakayakap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD