"Nay okay ka lang po bakit kanina ka pa walang imik nung nakaalis na tayo sa doctor po" Diko maiwasang malungkot dahil wala rin naman pinagbago ang kalagayan ng anak ko. Ganun parin siya iisa lang ang paraan para makaligtas siya sa kanyang sakit pero saan, saan ako maghahanap ng donor niya matagal na akong naghahanap pero hanggang ngayon wala parin match para sa anak ko. Napapanghinaan na ako ng loob habang tumatagal pahina ng pahina ang kanyang katawan diko kakayanin pag siya mawala sa akin paano na lang ako. "Nay tulala po kayo, bakit po anong sinabi ng doktor po dina po ba ako magtatagal wag kayong mag aalala nay kahit wala na ako andito parin ako sa tabi niyo diko kayo iiwanan"
"Tantan anong pinagsasabi mo dika mawawala di ako papayag magkakapamilya ka pa. Gagawin ko ang lahat gumaling ka lang"
"Hala sige po wag na kayong malungkot diba mamasyal pa tayo at mag eenjoy"
Diko mapigilan na yakapin ang anak ko.
Pero diko pinapakita sa kanya na iiyak ako dahil ayaw kong maging malungkot siya dahil sa akin.
"Halika na maglalaro tayo ngayon kahit saan mo gusto okay"
"Sige po nay halika na wag ka ng malungkot di kana maganda niyan"
"Oo na sige halika na anak"
Masaya akong makita siyang nag eenjoy kahit nakikita ko sa kanyang itsura ang kapaguran kahit di niya sabihin nakikita ko siya. Pinapakita niya lang na masaya siya para di ako mag aalala.
"Anak pahinga ka muna mamaya ulit halika dito at umupo ka muna"
"Okay lang po ako nay kaya ko pa"
"Mamaya maglalaro tayo ulit magpahinga ka muna, saka uminom ng tubig gusto mo ba ng ice-cream?"
"Opo nay gusto ko po"
Agad ko siyang binilhan ng paborito niyang ice cream. Pinagmamasdan ko siya habang kumakain napakabrave na bata alam niyang alalahanin ang nararamdaman kong ina niya, pero diko lubos maisip kung bakit sa mura niyang edad nagkaroon na siya ng ganitong sakit. Ngayon saan ako hahanap ng match para sa kanya saan ko siya lupalop hahanapin.
*Throw back*
Kanina sa hospital...
"Ihanda mo na ang sarili mo dahil di naman magtatagal ang kanyang buhay, habang araw, araw nag woworse ang kalagayan niya. Iisa lang ang solusyon kailangan makahanap agad ng match habang maaga pa kung medyo matagalan tayo baka mahuli na ang lahat"
"Doc wala na bang ibang paraan"
"Yun lang ang tanging paraan ang mahanap ang kanyang ama dahil siya alng makakapagbigay ng bagong buhay ng anak mo misis, oh kaya'y pwede pwede rin kapatid ng tatay niya or kamag anak basta nagmatch sa anak mo"
"Paano kung diko na mahanap doc anong mangyayari sa anak ko"
"Sorry but kailangan na lang natin tanggapin ang katotohanan"
"Hindi doc kahit anong mangyari gagaling ang anak ko gagawin ko ang lahat wag lang siya mawala sa akin"
Pagkatapos ang pag uusap namin ng doctor ng anak ko. Para akong nawalan bigla ng sigla iniisip ko pa nga lang na iiwan ako ng anak ko diko na kakayanin.
"Kailangan di ako makita ng anak kong umiiyak"
"Pagkatapos niyan nak maglaro ka saglit tapos aalis na tayo at kakain tayo sa paborito mong kainan"
"Jobee po yehey thank you nanay your the best"
"Sige na huling rides na lang natin to nak" pero biglang nagring ang aking telepono. Pero diko na lang ito pinansin nasa anak ko parin ang attention ko ngayon gusto ko ibuhos ang buong oras ko sa kanya ngayong araw na to.
"Nay kanina pa po tumutunog celpon niyo sagutin niyo na lang muna mamaya na lang po tayo sasakay"
"Sige na nga nak upo ka muna dito antayin mo ako tinatawagan kasi ako ng boss ko eh baka importanteng sasabihin sige anak diyan ka lang wag aalis, dito lang ako saglit kasi diko marinig eh"
"Sige po nay antayin ko kayo dito"
***Clayton Pov***
"Pinagloloko mo ba ako! bat dito mo ako dinala nababaliw ka na ba?"
"Bakit gusto ko lang naman mag enjoy kasama ka, alam mo yung nakakamiss maging bata ulit namiss ko tuloy ito"
"Damn you! wag mo ako pinagloloko dahil alam naming lahat na ayaw mo ng rides sino niloko mo ako!"
"Ngayon gusto ko na, gusto kong subukan ulit baka dina ako mahilo"
"Alam mong mas malala ako saiyo talagang dinala mo pa talaga ako dito nanadya ka ba?"
"Exactly kaya nga kita dinala dito dahil hate mo ang place na to paano kung magkakaroon ka na ng family in the future siyempre kailangan mo rin mapunta sa ganitong lugar kaya ngayong maaga palang mag practice kana halika na"
Dahil sa sobrang inis ko sa kanya nabatukan ko siya ng wala sa oras.
"Ouch! nambabatok kaagad anong problema mo ako na nga tong nagmamalasakit sa future mo"
"Bago mo pakialaman ang future ko pakialaman mo muna yang buhay mo tarantado ako pa talaga, sa dami dami ng ipapagawa mo sa akin ito pa alam mong di ako nagpupunta sa ganitong lugar"
"Gusto mo bang tulungan kita?"
"Oo naman"
"Oh di sumunod ka na lang sa akin halika na let's enjoy"
"Louise hindi ko talaga alam ang trip mo eh ang lakas mong mang asar"
"Ang dami mo pang sinasabi halika na"
Wala akong nagawa kundi sumunod dahil sa hinila na niya na ako na parang bata. I hate this place naalala ko lang ang mga nangyari sa akin sa ganitong lugar kaya never akong pumupunta dito.
Nakatingin lang ako sa mga taong nandito na masaya na naglalaro diko maintindihan bakit nakaimbento sila ng ganitong lugar. Bakit di na lang ginawang hospital para mapakinabangan pa.
"Hey dude lets go lets ride the roller coaster masaya daw yun"
"Fvck Louise ni hindi ka nga makasakay ng ganyan tapos ako pa ngayon ang uutusan mo sasakay diyan bat dika mauna sumakay tigil tigilan mo ako lets go sinasayang mo lang ang oras ko alam mong mahalaga ang bawat oras ko dahil maraming nangangailangan sa akin sa hospital bahala ka diyan mag laro kang mag isa ginagalit mo ako"
"Wait dude gusto lang naman kitang mag enjoy saka puro ka na lang hospital magrelax ka naman kahit paminsan mimsan lang"
"Ang dami daming pupuntahang lugar para makapag relax ito pa talaga"
"Sige na nga wag ka ng magalit sinusubukan lang naman kita baka kasi masubukan mo ng pumunta dito eh uulit baka uulit ka pang bumalik dito sa lugar na to, sige na mag ice cream na lang tayo gusto mo"
"I don't want I'm not a kid"
"Bakit bata lang ba ang pwedeng kumain ng ice cream alam mo ang dami mong ayaw sa mundo"
Diko alam kung anong trip nitong taong to nababaliw na ata.
Pumila pa talaga siya sa may nagtitinda ng ice cream diko nga alam kung anong klaseng ice cream yang tinitinda nila.
"Nakakainip ang haba ng pila"
"Alam mo naman na puro bata ang nakapila diyan tapos nakikigulo ka lang umuwi na nga tayo sinasayang mo lang ang oras ko diyan sa kabaliwan mo"
"Wait lang naman dude matagal na akong di nakakain ng ganitong ice cream saka bihira ko lang nakikita ito sa cebu masarap ito yung tinatawag nilang dirty ice-cream masarap to subukan mo"
"Dirty ice-cream eh bat mo kakainin kung madumi eh bat nila binebenta kung madumi pala kailangan di dapat ibenta yan magkakasakit ang mga tiyan ng mga bata niyan"
"Ang oa naman nito, I mean yan lang yung tawag nila sa ganyang klseng ice cream di ibig sabihin nun madumi na talaga alam mo itong taong to parang di nag iisip palibhasa kasi dimo naranasan ang ganitong mga pagkain"
"Kasalanan ko ba kung bakit diko alam eh ikaw itong maraming alam dahil takas boy ka kung saan sana ka napapadpad"
"Baliw, familiar na talaga sa amin tong foods na to kahit tanungin mo pa si King kinalakihan na namin tong kinakain because this is one of favourite of my mom and dad kaya try mo sigurado hahanapin mo to sa sobrang sarap"
"No thanks I'm still full"
"Bahala ka nga diyan, hey kids gusto niyo ba ng libreng ice cream!"
"Opo!!" sabay sabay na sagot ng mga bata.
"Okay, say thank you to this ancle ililibre niya tayong lahat kaya kahit ilang ice cream pa ang kainin niyo okay lang dahil sagot ni ancle masungit"
"Thank you po ancle!!"
"Are you crazy Louise!!"
"It's okay dude barya lang yan para sa milyones mo"
"Crazy bastard" dahil sa kabaliwan ng kaibigan ko sinunod ko na lang dahil naiirita na talaga ako sa pinaggagawa niya tumataas talaga ang dugo ko dito sa taong to. Kaya iniwan ko muna siya dun sa pinipilahan niyang ice cream vendor naghanap ako ng mauupuan.
"Hayy, what a bad day!"
"Gusto niyo po doctor pogi" nagulat ako ng may batang nag aabot ng ice cream sa harapan ko.
"No thanks!" pero napalingon ako sa kanya dahil sa tawag niya sa akin.
"Wait! it's you!"
"Naalala niyo pa pala ako, ano pong ginagawa niyo dito"
"Diko nga alam kung bakit andito ako eh"
"Di niyo po ba kasama ang anak niyo?"
"Your so funny wala pa akong anak I'm still a single, teka anong ginagawa mo rito saka kamusta na pakiramdam mo, sinong kasama mo?"
"Nanay ko po"
"Oh really nasaan siya gusto ko siyang makausap".
"May kausap po siya sa celpon niya"
Lumingon siya sa paligid niya.
"Andito lang siya kanina bat wala na"
"Halika hanapin natin siya kailangan natin siyang makausap tungkol sa kalagayan mo, saka wag kang nagkakain ng ganyang pagkain nakakasana sa kalusugan mo madumi yan"
"Masarap po ito tikman niyo"
"Wag na itapon mo na lang yan at ibili kita ng iba"
"Paborito ko po ito, masarap kaya to lalo na't libre may nagbigay dun po oh"
"This crazy bastard, si mama mo pala puntahan natin kailangan ko siyang makausap"
"Sige po"
Hinanap namin siya ng hinanap pero di namin makita nag iiba nanaman ang itsura niya namumutla.
"Okay ka lang ba?"
"Opo okay lang ako magpapahinga lang po muna ako sandali"
"Okay hanap tayo ng mauupuan para makapagpahinga ka dun sa konti lang mga tao para makahinga ka"
"Salamat po"
"Magpahinga ka na lang pasensya kana sa susunod ko na lang kausapin ang mama mo relax ka lang nakainom ka ba ng gamot?"
"Hindi pa po"
"Kailangan ka uminom ng gamot ung mga nireseta ko saiyo nabili ba ng mama mo?"
"Di po alam ni mama yun, dipo binili ni lola wala daw siyang pera diko na lang sinabi kay mama, pero bumibili siya nun pero pakonti konti lang kailangan niyang magtrabaho sa malayo para maibili niya ako ng gamot na yun"
"What! okay may kamahalan kasi yung gamot na yun, don't worry bibigyan kita niyan para regular kang makainom makakatulong yun saiyo para mapalakas ka kahit papaano"
Tinawagan ko si Jhony para magdala ng gamot para sa kanya.
"Matanong lang kita maayos ba ang pakikitungo saiyo ng pamilya mo especially ang lola mo?"
Di siya agad nakasagot sa akin, kaya nagduda na ako.
"Maayos naman po lalo na si nanay ko lola ko po at mga tita ko po okay lang po"
"So bakit dika binilhan ng gamot ng lola mo kung ganun"
"Wala lang po talaga siya pera doc pogi saka ang nanay ko po kararating lang galing sa malayong lugar para magtrabaho at mabilhan ako ng gamot"
"Oh ganun ba, dapat nasa bahay ka lang ngayon para magpahinga di dapat andito ka sa lugar na ganito at matao hindi maganda sa kalusugan mo"
"Paborito ko po pumunta sa ganitong lugar dati kasi nasa hospital lang po ako di ako nakakapunta sa mga palaruan"
"Pero di maganda para saiyo, nag aaral ka pa ba?"
"Opo, kaso bihira ako makapasok dahil sa sakit ko sana nga gumaling na ako para makapasok na ako sa school namin at makapaglaro lagi saka para lagi ko ng kasama si nanay lagi kasi siya wala para maghanap ng pera para gumaling ako"
Napabuntong hininga ako, gustong gusto ko siya tulungan, kasi napakagaan ang loob ko sa kanya diko maintindihan ang sarili ko nakikita ko sa kanya ang sarili nung bata ako. Mayamaya pay andiyan na si Jhony at binigay ang gamot na pinakuha ko sa kanya na para sa bata.
"Clinton ang pangalan mo diba?"
"Opo paano niyo alam?"
"Basta dina mahalaga yun"
"Tawagin niyo na lang po akong Tantan yan kasi tawag ni nanay sa akin"
"Doc Clayton bago makalimutan kailangan pala kayo ngayon sa hospital ngayon darating yung pasyente niyo galing probinsiya" sabi ni Jhony sa akin.
"Oo nga pala, paano ba yan"
"Okay lang po ako dito"
"Pero wala kang kasama di kita pwedeng iwan dito mag isa"
"Doc ako na lang bahala sa kanya dito mauna na lang kayo samahan ko na lang siya para maantay niya ang kanyang nanay"
"Thanks Jhony, Tantan maiwan muna kita okay may importante lang akong gagawin andito naman ang kaibigan ko para samahan ka hanggang nakita na mama mo okay"
"Sige po salamat"
"Sige bye see you again"
Nagmamadali akong umalis pero naalala ko si Louise.
"s**t nasaan na kaya yung taong yun"
Message ko na lang siya na nauna na akong umuwi, sakanya ko sana ibibilin yung bata kaso wala akomg tiwala sa kanya mas mabuti so Jhony na lang ang titingin sa kanya.
***Danie Pov***
"Anak! Tantan anak asan ka! anak! iniwan ko lang siya kanina dito eh"
Kanina pa ako naghahanap pero diko siya makita nag aalala na ako.
"Nasaan ka na ba anak, anak! Tantan!"
"Nay!!" napalingon ako ng marinig ko ang boses niya sa aking likuran.
"Tantan diyos ko kanina pa kita hinahanap anak nag aalala na ako saiyo bakit ka umalis dun sa pinang iwanan ko saiyo baka kasi mapano ka"
"Sorry po nay"
"Okay lang anak pero wag mo ng uulitin yun ah pinag aalala mo ako ng husto.
" Kayo po ba ang nanay niya? "
" Oho sino po sila? ".
" Ako yung pinag utusan ng boss ko na bantayan siya hanggat di kayo nakikita ng bata"
"Talaga naku salamat, paki sabi sa boss niyo maraming salamat"
"Wala yun, sige mauna na ako, ah eto pala pinabibigay ng boss ko sa anak niyo, sige aalis na ako"
"Maraming salamat"
"Nay bigay po yan no doc pogi po sa akin"
"Bigay saiyo para saan at bakit?"
Agad kong binuksan, nagulat ako sa laman ng plastic dahil napakaraming gamot, gamot na sobrang mahal kulang pa ang buong sahod ko pag binili ko talaga lahat.
"Wow ang dami nito anak ah, mga ilang buwan mo din tong gagamitin"
"Opo nay sabi niya inumin ko raw araw araw para daw maging maayos daw ako at di maging mahina"
"Doctor ba siya anak naku napaka buti niya naman niyang tao"
"Opo nay napakabait niya nga po eh"
"Salamat sa kanya, sige halika na uwi na tayo dina tayo makakain sa labas anak mag take out na lang tayo para kainin mo sa bahay at dalhan natin si lola mo din para di magtampo"
"Sige po nay"
Pagakatapos namin nakabili ng pagkain na paborito niya umuwi na kami, pero hinatid ko lang siya sa harap ng bahay kasi pinapatawag ako ni sir Alex kaya nagmadali din ako umalis ng maihatid ko ang anak ko may importante daw kaming pag uusapan.
***Everyone Pov***
Halos ayaw pumasok ni Tantan sa loob ng kanilang bahay, tiyak kasing bubulyawan at pagagalitan lang siya ng kanyang lola at mga tiyahin. Saka pag pinakita niya ang pagkain na binili ng kanyang nanay sigurado kukunin lang nila at di nanaman siya pakakainin.
Ang ginawa niya na lang mabilis niyang kinain sa likod ng bahay nila para di nila makita. Pagkatapos niyang nakain pumasok na siya sa loob. Galit siyang sinalubong ng kanyang lola at binato ng hawak niyang remot ng tv kaya tumama ito sa kanyang noo. Pero si Tantan walang reaction at walang pakialam dahil sanay na ito sa kanyang lola pinulot niya ang remot saka binaba ang mga pagkain binili ng kanyang ina.
"Kumain na po kayo pinagbili kayo ni nanay ng pagkain"
"Kainis kang bata ka imbes na sa akin mapunta ang pera ng nanay mo pero saiyo niya parin inuubos bakit di ka na lang mamatay para wala ng gagastusan ang anak ko saiyo"
"Hoy kumuha ka ng plato at kutsara at ilabas mo lahat yang pagkain at kakain kami ni mama"
Walang imik na sinunod agad ni Tantan ang utos ng kanyang tita.
"Bakit kasi binigyan ng anak ang ate mo na walang kwenta eh, wala namang tatay yan di mapakinabangan perwisyo lang ang dinudulot niya sa pamilyang to kakainis"
"Wala tayo magagawa diyan mama dahil mahal na mahal ni ate yang anak niyang bastardo"
"Hoy bakit di ka na lang mawala ha!"
Binabaliwala na lang ng bata ang mga sinasabi nila sabagay sanay ma rin itong ganyan ang mga sinasbi nila sa kanya.
Masasakit na salita, ang tingin nila sa kanya salot at walang kwenta. kahit nasasaktan siya tinitiis niya na lang at ayaw niyang magsabi sa kanyang ina sa mga ginagawa nila sa kanya ayaw niyang dagdagan ang problema ng kanyang ina. Pagkatapos nilang kumain niligpit na niya ang kanilang pinagkainan.
Kinaumagahan maaga siyang nagising at nagluto ng almusal para sa lola at mga tita nito. Di nanaman umuwi si Danie dahil overtime nanaman, pinagkakatiwala niya talaga ang anak niya sa kanyang pamilya na di niya alam ang ginagawa nila sa bata.
Maaga din lumabas si Tantan para magtinda ulit ng sampaguita mas gusto niya kasi nasa labas na lang siya kaysa nasa bahay. Nag iipon kasi siya para sa sunod pasukan para di mahirapan ang kanyang ina. Kahit kinukuha ng kanyang lola ang kita nito mula sa pagtitinda nito ng sampaguita kahit papaano nakaka pagtabi siya sa alkansiya niya.
Nasa gitna na siya ng kalsada binebentahan niya ang mga nasa loob ng mga sasakyan.
"Mama bili na po kayo ng sampaguita para makauwi na din po ako.
Agad naman na nagbukas ang salamin ng kotse.
" Umalis ka nga diyan bata ka! "sigaw sa kanya ng driver ng kotse.
" Ben sino ba yan! "tawag sa kanya ng ginang sa likod ng upuan.
" Isang pulubi lang madam na ng iistorbo nanghihingi ng pera"
"Bigyan mo na para makaalis na siya diyan baka mapano pa"
"Naku madam namimihasa mga ganyan kaya hayaan niyo sila, hoy umalis ka diyan nakaabala ka"
Pananaboy niya kay Tantan,kaya sa kabilang bintana siya lumapit at kinatok, agad naman na bumaba ang salamin.
"Mam ganda bili na po kayo ng sampaguita po para makauwi na ako"
Napangiti ang ginang sa sinabi ng bata sa kanya.
"Sabing umalis ka diyan wag niyong pansinin yan madam"
"Ben manahimik ka diyan, halika dito pumasok ka sa loob kasi baka maipit ka ang init init pa naman ibaba kita mamaya sa gilid maraming dumadaan na sasakyan" yaya sa kanya ng ginang. Walang alinlangan na sumakay si Tantan kahit di niya kakilala ang gusto niya lang eh makabenta na siya at makauwi na dahil malapit na ang hapo, kasi baka dadating na ang kanyang ina.
"Magkano ba lahat yan?".
"Three hundred po pero dahil maganda at mabait kayo two hundred fifty na lang may discount po kayo" natawa sa kanya ang ginang.
"Oh sige bilhin ko na lahat yan para makauwi ka, mukhang pagod na pagod ka kumain ka na ba?"
"Hindi pa po pero pag nakabenta ako sainyo may pambili ako ng pagkain"
"Oh eto kunin mo na ang isang libo para makabili ka ng pagkain mo at akin na yang sampaguita halatanng pagod ka na at walang kain sige na, Ben ibaba mo nga siya sa gilid"
"Opo madam"
"Salamat po mam ganda ang bait bait niyo po"
"Naku nambola ka pa sige na umuwi ka na at bumili ka ng pagkain mo"
"Salamat po mam ganda siya nga pala ako si Tantan"
"Ako naman si Clarita, sige na umuwi ka na okay"
"Salamat po ulit dito mam ganda sana magkita tayo ulit" masayang umalis si Tantan dahil may pera siyang iuuwi.
Abot tainga naman ang ngiti ni Clarita dahil sa batang un kanina mapakagaan ang kanyang loob.
"Madam mukhang maganda mood niyo ngayon ah"
"Wala lang Ben, kung nabubuhay sana si Clarence may apo na sana ako sa kanya katulad ng batang yun kahit pulubi siyang tignan napakagwapo niya kawawa lang kasi dahil napabayaan siyang ganun saka mukhang mabait at magalang"
"Naku madam wag kayo masyadong nagtitiwala sa mga batang ganyan minsan abusado mga yan"
"Naku Ben tumigil ka na nga diyan palibhasa kasi wala ka pang anak kaya ganyan ka sige na ibaba mo na lang ako diyan sa harap ng gate at bumili ka ng pinapabili ko saiyo"
"Oh sige madam"
Masayang pumasok sa loob ng kanyang bahay na bitbit ang sampaguita na nabili niya mula kay Tantan.
"How's your day, you look happy"
"Its fine maaga ka ata umuwi ngayon?"
"Yes wala naman akong gagawin sa office" dumaretso siya sa malaking portrait ng kanyang anak at sinabit doon ang sampaguita paborito kasi niyan na bulaklak ng yumao niyang anak.
"Kanina napakasaya mong dumating ngayon ngayon lang kita nakitang ngumiti pero ngayon bumalik ka nanaman sa dati"
"Antonio miss na miss ko na ang anak natin, sana kung nabubuhay pa siya may apo na ako ngayon"
Niyakap siya ng kanyang asawa dahil alam niya nanaman na magiging emosyonal ang kanyang asawa.
Samantala papasok na sana si Clayton sa loob ng kanilang bahay ng marinig nanaman niya ang kanyang ina at ama.
"Why I'm here, di naman ako welcome pero kahit di ako welcome dito sa bahay na to pinipilit ko parin ang sarili kong pumunta"
"Senyorito Clayton andito pala kayo pumasok kayo sa loob"
"Wag na manang sa ibang araw na lang ako babalik parang masama ata ang tyempo ng pagpunta ko rito"
"Where you going pumasok ka rito" sita ng kanyang ama.
"Bakit siya andito?" galit na sabi ng ina ni Clayton.
"Bakit dimo tanungin ang asawa mo kung bakit ako andito" pabalang na sagot nito sa ina.
"Clarita pinatawag ko siya para pumunta dito sa bahay".
"For what!"
"Pumasok ka rito sa loob Clayton"
Pumasok naman ito at nakita niya agad ang malaking portrait ng kanyang kapatid sa sala.
"What do you want from me bakit niyo ako pinatawag dito"
"Tomorrow with mister Lam daughter you need to see her"
"For what, for blind date at sino kayo para utusan ako para makipagkita sa taong diko kilala"
"Kailangan makipagkita dahil malaki ang investment niya sa hospital natin saka gusto ka ng anak niya why not to try it"
"How dare you to ask your dad like that wala kang karapatan"
"Wala rin kayong karapatan na utusan ako na makipagkita sa kanya, since na dina ako involved sa hospital niyo I have my own hospital dont ask me that kind of things again, we are not related anymore"
"Sa ayaw at sa gusto mo pupunta ka!"
"What if I don't want it"
"Ungrateful son!" sabay dumapo ang palad ng ina nito sa mukha ni Clayton.
"Are you done, please dont call me anymore to come this house" sabay mabilis itong umalis.
"Wag kang bumalik dito at magpapakita!" galit na sigaw ng kanyang ina.
"Sino ba kasi nagsabi na pupunta ako rito eh kayo din naman" pabulong nitong sabi. Galit siyang sumakay sa kanyang kotse at kahit gabi na tinungo niya parin ang puntod ng kanyang kapatid,Umupo siya sa tabi nito.
"They hate me as hell bro, kasalanan mo to eh maaga mo kaming iniwan, hanggang kailan nila ako kasusuklaman dipa ba sapat ng isang dekadang pagpapahirap nila sa akin, nakakawalang gana ang ganito"
Binuksan niya ang dala niyang wine para inumin ito.
"Cheers bro, alam kong miss mo ng uminom" napabuntong hininga ito na nakasandal sa puntod ng kanyang kapatid.