"Hmm good morning nak, hmm muahh"
Unti, unti kong minulat ang mga mata ko at napangiti, pero nawala lahat ng ngiti ko ng makita ko ang taong nasa tabi ko. Akala ko ang anak ko ang nasa tabi ko, ibang tao pala at si doc Clayton pa na tulog na tulog.
"Oh my god!" halos mapasigaw ako pero agad kong tinakpan ang bibig ko sa gulat. Diko alam ang nangyari kagabi ang naalala ko lang ay nag inuman kami ng mga beer na mga binili niya, diko alam kung paano kami nakarating dito.
"Saan ba tong lugar na to" tinignan ko ang buong paligid. Siguro nga bahay niya to halata naman sa personality niya lalo na sa kulay.
"Diyos ko ano ba pinaggagawa ko" dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin. Saka ako dahan-dahan bumangon lahat ng kilos ko nag iingat ako baka kasi magising siya, buti na lang walang nangyari sa amin naku pagnag kataon na meron diko alam ang gagawin ko.
"Ikaw talaga Danie muntikan ka na, dapat dina maulit ang nangyari saiyo nun matuto ka nga sa kamalian mo" inis na kausap ko ang sarili ko.
Agad akong umalis sa condo niya, panay ang dasal ko na sana wala siyang maalala sa nangyari.
"Hala! late na ako ten o'clock na pala, ano ba yan naku marami pa naman akong gagawin ngayon" agad kong tinignan ang aking celpon.
Ang daming missed call ni sir Alex, bakit ba kasi ako napunta sa ganung sitwasyon, nakakainis kasalanan talaga ng doctor na yun ito eh at kung bakit ako nalate ngayon.
Nang makasakay ako ng taxi, naalala kong tawagan si mama.
"Hello mah, nasaan si Tantan pwede ko ba siyang kausapin?"
"Danie kasi--"
"Bakit mah, nasaan si Tantan wala ba siya sa bahay nasa palaruan ba?"
"Ah oo anak nasa kapitbahay nagkikipaglaro"
Naririnig ko ang kapatid kong may sinasabi kay mama.
"Mah sabihin niyo na nawawala si Tantan kagabi pa"
"Manahimk ka nga diyan Marie, naku wag kang maniwala sa kapatid mo nasa palaruan ang anak mo"
"Mah malalaman niya din na nawawala si Tantan"
"Ano! ulitin mo nga sinabi mo Marie ang anak ko nawawala, pero bat sinasabi ni mama nasa kapitbahay lang"
"Ate kagabi pa siya di umuuwi!"
"Ano! saan siya nagpunta bakit niyo siya pinabayaan na umalis"
"Ana--k diko alam na umalis siya sa bahay pagdating ko wala na siya dito"
"Mah!!anong ginagawa niyo, at ikaw Marie nasaan ka? wala ka naman trabaho ah bat dimo binantayan ang pamangkin mo anong klase kayong taga bantay ha!" galit kong binaba ang celpon ko. Diko na mapigilan ang umiyak, nagulat din ang driver ng taxi.
"Tantan anak nasaan ka, diyos ko sana walang masamang nangyari saiyo anak, saan ko siya hahanapin ngayon, manong sa tondo po bilisan niyo"
Abot ang aking kaba diko alam ang gagawin ko, may sakit pa naman ang anak ko paano na kung may mangyari sa kanya diko yun makakaya, kasalanan ko to eh, bakit kasi di ako umuwi kagabi.
Pagkarating ko agad akong pumasok sa bahay nadatnan ko si mama at ang kapatid ko, nag aalala rin sila.
"Mah nasaan ang anak ko, mah!"
"Diko alam anak kahapon pa kami naghahanap"
"Ate alam mo kasi yang anak mo lagi umaalis na di nagpapaalam sinasabi naman namin ni mama na wag na wag siyang umalis ng bahay pero ang tigas ng ulo niya di nakikinig"
"Oo anak ang tigas ng ulo walang pinakikinggan yang anak mo umaalis siya lagi na di nagpapaalam"
"Mah hanapin natin ang anak ko please mah Marie nagpunta na ba kayo sa baranggay para ipaalam na nawawala ang anak ko"
"Dipa ate"
"Pumunta ka na ngayon din at lalabas ako para hanapin siya"
"Sige ate"
"Tao po, tao po!"
"Mah may tao" sabi ng kapatid ko.
"Marie mauna na ako pupunta ka sa baranggay para ireport na nawawala ang anak ko please lang"
"Ako na bahala ate" Mabilis akong lumabas ng bahay.
"Oh Danie teka lang bat ka nagmamadali"
"Oh kuya Mike nawawala kasi ang anak ko hahanapin ko siya, sige na mauna na ako sainyo"
"Teka lang tumawag ang pinsan ko na nurse dun sa hospital"
"Hospital kamo kuya"
"Oo andun daw ang anak mo nakita niya kanina, dahil isa siya sa nag asikaso, buti na lang kilala niya ang anak mo puntahan mo na dun kasi wala daw na kamag anak na pumunta dun kaya agad akong pumunta dito sa bahay niyo para paalam sa inyo".
"Saang hospital yan kuya Mike"
"Sa First International medical center ata yun, oo yun nga sabi ng pinsan ko"
"Ano, sa FIMC paano napadpad ang anak ko dun, sige salamat kuya Mike"
Wala na akong sinayang na oras agad kong tinungo ang hospital na yun.
Agad akong nagtungo sa may front desk.
"Excuse me nasaan ang anak ko"
"Ano po pangalan ng anak niyo mam"
"Excuse me kayo yung mama ni Tantan diba?"
"Oo ako nga, nasaan ang anak ko"
"Dadalhin ko kayo dun, ako na bahala sa kanya vip po sila" sabi niya sa management.
"Salamat ha"
"Okay lang yun, ako pala si Trisha pinsan ako ni kuya Mike pinasa niya kasi ang larawan mo kaya nakilala kita kaagad. Kilala ko yung anak mo lagi ko siya nakikita sa bahay nina insan Mike pag dumadalaw ako dun kaya nakilala ko siya kanina nung naground kami"
"Kamusta na ang anak ko"
"Okay naman na siya stable na ang kalagayan niya, dito na tayo sa vip room siya pinatuloy ng doctor namin dito"
Namangha ako sa ganda ng hospital dito mukhang mamahalin.
"Dito po, pasok po tayo sa loob"
Pagkabukas niya ng pintuan agad akong tumakbo sa kinaroroonan ng anak ko.
"Tantan anak, anak!" agad ko siyang niyakap at diko mapigilan ang maiyak.
"Nanay, wag na kayong umiyak okay lang po ako"
"Anong okay di ka okay anak, kasi andito ka sa hospital kamusta na pakiramdam mo, nasaan ang masakit saiyo"
"Nay okay lang po ako"
"Ikaw ah umaalis ka ng bahay ng di nagpapaalam sa lola mo at tita mo sobrang nag aalala kami saiyo anak. Kung alam mo lang sana para akong malalagutan ng hininga ng malaman kong andito ka sa hospital. Tignan mo nangyari saiyo, magpapaalam ka kung aalis ka para alam ng lola mo kung saan ka hahanapin di ka raw nagpapaalam sa kanila"
"Yun po ba ang sinabi nila saiyo nay?"
"Oo anak wag mo ng uulitin to ah, pinag aalala mo kaming lahat"
"Sorry nay diko na uulitin, nababagot kasi ako sa bahay kaya ako lumabas, gusto ko na sana pumasok sa school para di ako mabagot sa bahay"
"Anak sana maintindihan mo dika pwedeng pumasok dahil sa kalagayan mo mabilis kang manghina dapat nasa hospital ka kaso ayaw mo naman magtagal sa hospital gusto mo lang sa bahay"
"Kasi nanay ayaw ko sa hospital wala pa naman akong donor diba, kaya pwede ba akong pumasok sa school?"
"Pero anak"
"Sige na nanay para may ginagawa ako"
"Sige titignan ko ang kalagayan mo kung pwede ka pumasok, anak pasensya kana wala ako lagi sa tabi mo di na kita naalagaan sorry nak"
"Naintindhan kita nanay nagtatrabaho ka naman para sa akin para gagaling na ako diba?"
"Salamat anak at naintindhan mo ako, okay ka na ba may masakit pa ba saiyo?"
"Opo, pwede na nga tayong umuwi ngayon gusto ko ng umuwi nay ayaw ko na rito sa hospital"
"Pero anak dika pa okay dito ka muna"
"Okay na ako nay tignan mo malakas na ako diba"
"Nak okay ka lang ba talaga"
"Opo, Nararamdaman ko na okay na talaga ako kaya uuwi na tayo nay"
"Sige tatanungin ko ang doctor mo kung pwede kana umuwi"
Buti na lang may pumasok na nurse dito sa kwarto ng anak ko.
"Oh kayo po ba ang nanay ng pasyente?"
"Ako nga, kamusta ang kalagayan ng anak ko"
"Okay naman na siya pwede na din siya umuwi kaso kailangan niya muna ng pahinga kaya suggested ko ho dumito muna siya pwede na siya umuwi bukas"
"Ganun ba pwede ko bang makausap ang doctor na umasikaso sa anak ko"
"Naku pasensya na kayo mam wala po si doc ngayon nagtataka nga kami wala pa siya hanggang ngayon"
"Ganun ba kasi gusto kasi ng anak ko lumabas na ngayon"
"Naku misis baka naman pwede ipabukas niyo na lang lumabas"
"Oh doc Jhony kayo pala"
"Kayo po ba doctor na humawak sa anak ko doc"
"Naku misis hindi ako dipa dumadating ang doctor na humawak sa anak niyo"
"Pero ayaw kasi ng anak ko nagtatagal sa hospital"
"Pansin ko nga, para siyang allergic sa hospital panay kasi ang sneeze niya, syempre alam yun ng doctor niya kaya niya dito sa vip room pina stay ang anak niyo para di siya makalanghap ng mga matatapang na gamot, kaya special ang room ng anak niyo"
"Malaking pasasalamat ko sa doctor na yun, anak ipabukas na lang natin ang umuwi para sigurado tayo sa kalagayan mo"
"Nay gusto ko ng umuwi please, doc pakisabi naman kay doc pogi na gusto ko ng umuwi please"
"Its fine, you can go out today" napalingon kami sa may pintuan.
"Doctor Mendoza wala pang inutos ng kataasan na lalabas na ang bata" sabi ng lalaking doctor.
"It's fine hawak ko rin naman ang kaso ng batang yan he's a cancer patient right, kaya pwede na siyang lumabas ngayon misis pwede na kayo lumabas ngayon, Ana samahan mo siya para ihanda ang dapat niyang pirmahan at mga bayaran. Oh teka lang may pambayad ba kayo, siguro naman alam mo kung nasaan ngayon ang anak mo?".
" Ha! doc magkano po ba ang vip room ng anak ko"
"Ang tanong may pambayad ka ba?"
"Kaya ko nga tinatanong doc kung magkano ang babayaran ko diba para alam ko" Nginitian niya ako at alam kong pekeng ngiti yun alam ko ang klaseng ugali ng ganitong tao.
"Ana samahan mo siya sa p*****t section, and siguraduhin niya lang na magbabayad siya, at ikaw misis ihanda mo na ang pambayad mo kung meron"
Aba matapobre pala ang doctor na to eh, mas mabuti siguro aalis na kami ng anak ko rito.
"Tutal alam mo naman kung magkano babayaran ko bat dimo na lang sasabihin doctora" inis na sabi ko.
"Are you sure gusto mong malaman"
"Fifty thousand lang naman per night"
"Ano fifty thousand isang gabi lang!" gulat na sabi ko.
"Oo, kaya ihanda mo na ang pambayad para makalabas na kayo"
"Doctor Mendoza di sila pwedeng lumabas hanggat wala pang pasabi si doc, saka ang room na to ay inihanda para sa bata at libre po yun, yan ang utos niya"
"What! is he crazy libre anong meron sa batang yan at special treatment yata ang ginagawa niya sa kanya, sigurado ka ba na libre yan"
"Oo doc yun ang utos niya" sagot ng nurse sa kanya.
"Okay lang babayaran ko na lang may pambayad naman ako, at lalabas kami ng anak ko ngayon din"
"Good, Ana samahan mo siya at makakalabas na sila ngayon" mataray na sabi niya saka siya lumabas sa kwarto.
"Doc Jhony anong gagawin natin malilintikan tayo kay doc nito"
"Wag kang mag aalala tatawagan ko siya ngayon din".
"Dina kailangan lalabas kami ngayon din ng anak ko magbabayad ako anak maiwan muna kita dito saglit magbabayad lang ako saka tayo aalis". "Sige po nanay"
"Nurse pakisamahan naman ako"
"Pero misis pwede bang mag antay kayo kahit sandali lang.
" Wag na aalis na kami ngayon"
"Sige na Ana samahan mo na siya ako na bahala dito at ako na bahalang kumausap kay doc mamaya"
"Sige doc, mam this way po"
Agad na sumunod ako at dumaretso sa counter ng p*****t para magbayad at inasikaso ko na rin ang mg papers ng anak ko, pagkatapos nun umalis na kami ng anak ko sa hospital na yun.
"Matopobre pala ang mga doctor dito, ang mahal nila maningil, buti na lang may naitatabi pa akong pera para sana yun sa treatments ng anak ko pero okay lang ang mahalaga okay na siya. Naalala ko nanaman ang doctor na yun ang sungit at mukhang matapobre nakakainis ang inasal niya kanina.
Pagkauwi namin sa bahay sinamahan ko na lang ang anak ko dina ako pumasok tinawagan ko na lang si sir Alex na may importante akong ginawa kaya di ako nakapasok buti na lang nakakaintindi siya.
***Clayton Pov***
"Who's disturbing my sleeping!" inis akong bumangon.
"Ouch ang sakit ng ulo ko napasobra ata inom ko, sino ba tong tumatawag, Jhony why his calling me" sinagot ko kaagad.
"What!"
"Doc di ba kayo papasok ngayon?"
"Anong papasok na pinagsasabi mo"
"Sa hospital doc di ba kayo pupunta dito may nangyari ba sainyo"
"What did you say!" napatingin ako sa oras napamura ako ng makita ko na mag aalauna na pala ng hapon.
"s**t! what's happening did I sleep longer, wait tatawagan kita mamaya" binaba ko kaagad ang celpon ko at bilis akong kumilos para magbihis.
"What the hell, ngayon lang ako nalate sa pag pasok sa buong buhay ko, s**t ang sakit ng ulo ko wala akong maalala kagabi at diko alam kung paano ako nakauwi kagabi, whatever I'm late"
Mabilis akong umalis ng aking condo.
Habang nagda drive ako diko maiwasan alalahanin ang nangyari kagabi.
Mabilis ang patakbo ko ng aking kotse ng diko napansin ang biglang humintong kotse sa harap ko buti na lang naka nakapagpreno ako kaagad. Pero nabangga ko parin ang likuran ng sasakyan.
"s**t! I'm going to late"
Bumaba ang mga nakasakay sa sasakyan na nabangga ko at kinatok ang bintana ng sasakyan ko. Binuksan ko naman agad, mukhang mga adik pa ang mga ito.
"Sorry diko sinasadya nagmamadali kasi ako, let me call my people to deal with you guys I need to go"
"No! tanga ka ba! alam mo ba kung sino binagga mo, at alam mo ba ang prize ng sasakyan na yan! at akala mo makakaalis ka rito no way"
pananakot nila sa akin.
"s**t what time now, yung batang pasyente ko kailangan ko siyang makita, can I go I need to go to hospital, I pay you kahit magkano"
"Bakit kaya mo bang palitan yang mamahalin na sasakyan ko" pasigaw na sabi niya sa akin.
"Look I'm sorry guys diko sinasadya I will pay for the damage".
Nagtawanan lang sila,kasabay ng pagbagsak ng salamin ng aking kotse.
"Fvck! did you just broke my car glass!" sigaw ko din sa kanila.
"Gusto mo sunugin ka pa namin ng buhay diyan sa kinalalagyan mo"
Napapikit ako sa galit, dahil malelate na talaga saka binasag pa nila talaga ang salamin ng sasakyan ko.
"Pababain yan para bigyan ng leksyon" utos ng may ari ng kotse sa mga kasamahan niya.
Ang lalakas talaga ng loob ng mga taong to, talagang hinila nila ako palabas ng kotse ko saka ako tinulak muntikan ng mapasubsob ako. Inis kong hinawakan ang aking noo.
"Diba sabi ko leave me alone!I will pay how much you want or I buy you new one is that you guys want"
Nagtawanan pa sila at nilapitan ako kwenelyuhan ako, kaya para akong sasabog na bulkan.
"Take your dirty hand on me!" galit na sabi ko.
"Wow galit, sayang ganda mong lalake kung sisirain ko ngayon ang pagmumukha mo!"
"Hays wala talagang magawang matino ang mga kabataan ngayon" hinablot ko ang kanyang kamay saka ko tinulak kaya siya napasubsob sa mga kasamahan niya.
"Tinulak mo ako, alam mo ba kung sino ako"
"Hindi, di kita kilala bakit kayo kilala niyo ako" sigaw ko sa kanila.
"Hindi di ka namin kilala at wala kaming pakialam saiyo"
"Kung ganoon wala din akong pakialam sainyo, can you just move I want to go" Hawakan niyo siya, utos niya sa mga kasamahan niya. May hawak silang mga base ball bat.
"What the fvck!"bakit ba ako nangyayari sa akin to, baka di ako makapag pigil bubutasin ko ang mga noo ng mga to.
" Sugurin siya at lumpuin niyo"
"Damn, wala akong oras sainyo importante ang pupuntahan ko kung dipa kayo aalis sa dadaanan ko pagsisihan niyo to" inis na sabi ko.
"Ano pang ginagawa niyo lumpuin siya"
"s**t I hate this pero no choice" nang tinangka nila akong sugurin na ilagan ko kaagad.
"Wala akong oras makipaglaro sainyo" nilabas ko kaagad ang baril na lagi kong dala dala sa tagiliran ko.
Pinapatukan ko ang pinaka lider nila sa may braso.
"I said leave me alone, pero di kayo nakinig pag haharang kayo lahat sa dadaanan ko sabog mga bungo niyong lahat. Get out of my way, bring him to my hospital ako na ang sasagot sa medical fee niya" takot silang nagpagilid,natawa tuloy ako.
"Mga duwag pala kayo! s**t sinira niyo ang araw ko, dinelay niyo ang importanteng lakad ko!" galit na sigaw ko.
"Wow, I'm going to explode now" sabay sunod sunod kong pinaputok ang baril ko dahil sa sobrang galit ko sa kanila.
"Nextime sa ulo niya yan tatama naintindihan niyo" sabay sumakay ako sa aking kotse. Pero bago ako umalis hinagis ko sa kanila ang calling card ko.
"Bring him in my hospital now" sigaw ko sa kanila.
After a half hour nakarating na ako sa hospital.
Di parin humuhupa ang galit ko sa mga kabataang na encounter ko kanina.
"Those crazy kids they make me crazy" Dare daretso ako sa aking office, tinanggal ko ang aking coat saka binato sa sobrang inis ko.
"What a bad day"
"Doc! Doc Clayton!"
"What! what do you want" inis na binalingan ko siya.
"Doc may masama bang nangyari saiyo bakit ang init ng ulo mo"
"Shut up Jhony!" inis na sabi ko.
"Pasensya kana doc, gusto ko lang kasing sabihin na lumabas na yung. batang pasyente mo"
"What!" napasigaw ako sa sinabi niya.
"Sabi ko naman na antayin kayo, kaso nagmamadali sila kaya diko napigilan"
"Kahit na di siya makakalabas kung wala akong pirma dahil ako ang may hawak sa kanya di pa siya pwedeng lumabas"
"Nanay nung bata ang naglabas sa kanya"
"Who sign the documents, ikaw ba Jhony"
"Hindi dok, si doctor Mendoza po"
"Damn! who gave her permission to do that!" galit akong lumabas sa office ko. At dumaretso ako sa department kung saan siya naka assign.
Sakto naman nakita ko siya, at nakangiting papalapit sa akin.
Galit ko siyang hinila at dinala sa may exit door.
"Who gave you a permission to touch my patient who ask you to do that!"
"Clayton, tinulungan lang kita para wala ka ng aalahanin. Saka bakit mo binigyan ng room na vip ang batang yun, kaya deserve nilang magbayad"
"What you just say did you ask them to pay the hospital fee".
"Yes course at dapat lang sa kanila"
" Fvck! you make me mad"
"Bakit ka nagagalit eh tinulungan naman kita"
"I don't need your help, next time wag kang mag decide kung wala akong pasabi, your such an crazy woman"
Galit ko siyang iniwan sa room na yun..
"Damn I hate this day" bumalik ako sa office ko, tinanggal ko ang aking kurbata. saka niluwagan ko ang kwelyo ng polo shirt ko dahil parang akong nasisilaban sa galit.
"Jhony"! Jhony! "
" Yes doc"
"Nextime na may makialam sa mga patient ko, wag kang basta basta papayag na ala akong pahintulot"
"Yes Doc,
" Now get out on my sight"
"Yes doc"
Napabuntong hininga ako sa galit dahil sa mga ginawa niya.
"Masyado ka ng nangngilam sa buhay Jewel bakit ba kasi pinapasok pa ukit kita sa hospital ko you ruined everything"