Kahit anong pakiusap ni Carrie kay Tyrese na ihinto na ang sasakyan ay hindi pa rin siya nito pinakinggan, hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang kanilang sasakyan sa loob ng isang mataas na gate na awtomatikong bumukas nang may pindutin si Tyrese na botton sa sasakyan nito.
Mas lalong domuble ang kaba ni Carrie, lalo na nang huminto na ang sasakyan sa malawak na garage ng mansion. Agad namang bumaba si Tyrese at pinagbuksan pa siya nito ng pinto bago nakangiting naglahad ng kamay sa kanya.
“Ayoko, dito lang ako,” pagmamatigas niya sa binata.
Tyrese exhaled. Nagulat na lang siya nang walang sabi-sabi siya nitong binuhat palabas ng sasakyan.
“Tyrese, ano ba! Ibaba mo nga ako!” Nagpumiglas siya sa pagkakabuhat nito sa kanya.
Binaba naman siya ni Tyrese, pero agad din nitong hinawakan ang kanyang kamay at hinila na siya papasok sa loob ng mansion. Kaya naman kahit ayaw niya ay wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa paghila nito.
Nagkakatuwaan naman ang pamilya ni Tyrese na kasalukuyang nakaupo sa couch na nasa living area; nagtatawanan ang mga ito, pero agad na napahinto ang tawanan nang makita ang pagpasok nilang dalawa.
“Tyrese anak, narito ka na pala.” Agad na napatayo ang magandang ginang nang makita ang anak, pero agad napahinto nang mapunta ang tingin nito kay Carrie. “Oh sino 'yang kasama mo? Kaibigan mo?” tanong nito at napangiti na muli. “Napakaganda naman niya, anak.”
Napalunok naman si Carrie at bahagyang napayuko dahil bigla siyang nahiya nang mapunta lahat sa kanya ang tingin ng pamilya ni Tyrese.
“M-Magandang hapon po,” magalang niyang pagbati sa mga ito kahit nahihiya siya; ayaw niyang isipin ng mga ito na bastos siya at hindi marunong bumati.
Hinila naman siya ni Tyrese palapit sa pamilya nito at pinaupo siya sa couch habang mahigpit pa rin hawak ang nito sa kanyang kamay na nakasiklop sa kamay nito.
“Mom, Dad, siya po si Carrie, ang babaeng mahal ko. Gusto ko na siyang pakasalan next month,” walang patumpik-tumpik na wika ni Tyrese sa mga magulang nito pagkaupo nila sa couch.
Nanlaki naman ang mga mata ni Carrie sa narinig at gulat na napatingin sa binata. “T-Tyrese…” she uttered. Naramdaman naman niya ang bahagyang pagpisil ni Tyrese sa kanyang kamay na hawak nito; na tila ba sinasabi nitong magtiwala lang siya rito.
Ang buong pamilya naman ni Tyrese ay parehong napaawang ang mga labi, tila nabigla rin sa balita ng anak. Hanggang sa nagsalita ang kapatid na babae ni Tyrese.
“Wow, kuya, akala ko ba wala kang girlfriend? Now I know, wala kang girlfriend dahil fiancee naman pala ang meron ka. Pero hindi mo man lang sinabi sa amin. Tapos ngayon magpapakasal ka na bigla? But still, I'm so happy for you, kuya,” wika ni Enna, ang seventeen years old nitong kapatid na babae; napangiti na ito nang makabawi sa pagkabigla.
“Anak, nakakagulat nga naman. Masyado namang biglaan,” usal naman ng ginang na parang hindi pa rin makapaniwala at palipat-lipat na ang tingin sa kanilang dalawa.
Kaya naman muling napayuko si Carrie dahil sa pagkahiya. Parang gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa para lang matakasan ang sitwasyon. Hindi niya aakalain na totohanin ni Tyrese nag sinabi nito na ipapakilala siya mga magulang nito; pero ngayon ay talagang pinakilala nga siya.
“Son, masyado naman yatang biglaan ang pagpapakasal mo,” puna naman ng ama ng binata.
“I'm sorry, Dad. Ang totoo niyan ay matagal ko nang girlfriend si Carrie, nagkahilay lang kami nitong nakaraang buwan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Pero ngayon nagkabalikan na kami, gusto ko na siyang pakasalan agad para hindi na siya mawala pa sa akin. Gusto ko nang bumuo ng pamilya kasama siya,” desidedo na sagot ni Tyrese sa ama.
Muli namang napatingin si Carrie sa binata, hindi siya makapaniwala sa mga kasinungalingan na lumabas sa bibig nito. At kailan pa sila nagkaroon ng relasyon? Magkaibigan oo, dahil kaibigan naman ito ni Dion kaya kaibigan din ang turing niya rito kahit hindi sila masyadong close, pero ang relasyon na magkasintahan? Wala siyang naalala na nagkaroon sila.
Namayani ang sandaling katahimikan sa living area, nagkatinginan ang mga magulang ni Tyrese; na tila ba nag-uusap sa pamamagitan ng tingin, habang ang tatlo nitong kapatid ay tahimik lang pero pangiti-ngiti na tila suportado agad sa nakakatandang kapatid.
Hanggang sa muling nagsalita ang ama ni Tyrese.
“Kung 'yan ang gusto mo at sigurado ka na—”
“Ayoko po!” Bigla nang napatayo si Carrie na kinatigil ng ama ni Tyrese sa pagsasalita at kinatingin sa kanyang ng buong pamilya. Pero nilakasan pa rin ni Carrie ang kanyang loob. “P-Pasensya na pero ayokong magpakasal sa 'yo, Tyrese,” wika niya sa binata at mabilis na inagaw ang kanyang kamay na hawak nito bago mabilis na tumakbo palabas ng mansyon.
“Carrie! Hey! Carrie!” Agad siyang hinabol ni Tyrese.