KABANATA 1
MALAKAS ang ulan ng hapong iyon at nakatayo lang si Carrie sa labas ng kanilang university sa may waiting shed, hinintay niya ang pagdating ng kanyang boyfriend na si Rodion Mishova, isang half russian at baseball player. Pero mahigit thirty minutes na ang lumipas ay wala pa rin ito. Hanggang sa may huminto na isang red Lamborghini sa harap ng waiting shed.
Bumukas ang bintana ng Lambo at nakita niya ang best friend ng kanyang boyfriend na si Tyrese Zion Dimitriou. Anak ito ng isang sikat na businessman sa bansa.
“Carrie, sumakay ka na! Pinapasundo ka na ni Dion sa akin dahil may emergency raw nangyari kaya hindi siya makakarating!” malakas na sigaw sa kanya ni Tyrese para marinig niya dahil nga malakas ang ulan.
“Ah gano'n ba, s-sige…” may pag-aalangan niyang sagot sa lalaki at wala nang nagawa kundi tumakbo na papunta sa kotse nito. Nabasa pa siya bago pa siya bago makasakay sa loob ng sasakyan.
“Pasensya ka na at hindi ako nakadala ng payong, nabasa ka tuloy," hinging paumanhin ni Tyrese.
Isang tipid na ngiti naman ang isinagot niya rito at mahinang umiling. “Naku wala 'to, ayos lang. Maliligo naman ako pag-uwi, eh.”
“Okay.” Tyrese smiled at her.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang si Carrie at patingin-tingin lang sa labas. Ang totoo ay naiilang siya sa kaibigan ng kanyang boyfriend dahil hindi naman sila close nito, at sa lahat ng kaibigan ng kanyang kasintahan ay si Tyrese ang pinakatahimik sa lahat. Medyo naiilang nga siya tuwing nagtatama ang mga mata nilang dalawa kapag pumupunta siya sa apartment ng kanyang boyfriend at naroon din ang mga kaibigan nito. Pakiramdam niya kasi ay parang may kakaiba sa klase ng tingin ni Tyrese sa kanya na hindi niya maipaliwanag, pansin niya rin na tuwing hindi siya nakatingin dito ay pinagmamasdan siya nito at palaging tinititigan, buti na lang talaga ay hindi napapansin ng kanyang boyfriend ang palagi nitong pagtitig sa kanya.
Makalipas ang mahigit twenty minutes na biyahe ay huminto na rin ang kotse. Hindi mapigilan ni Carrie ang magtaka nang makitang nasa parking lot sila ng luxury apartment.
“Tyrese, b-bakit tayo narito? H-Hindi naman ako rito nakatira, eh,” may pagtataka niyang tanong na talagang nautal pa.
Tyrese gave her a friendly smile. “Don't worry, ihahatid kita mamaya. Pero bago 'yun ay kailangan mo munang magbihis dahil basang-basa ka na. Papahiramin na lang kita ng damit ko.”
Agad na umiling si Carrie. “No, thanks. Hindi na kailangan, ayos lang naman—”
“No, it's not okay, Carry,” mabilis nitong pagputol sa kanyang sagot. “Mamaya niyan ay magkasakit ka pa at ako pa ang sisihin ni Dion dahil pinabayaan kitang magbabad sa basa.”
“P-Pero ayos lang talaga—”
“Come on, I'm just concerned. Don't worry, I won't bite you.”
Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito nang hawakan na nito ang kamay niya at hinila na siya paalis ng parking lot.
Pumasok sila sa mataas na building at sumakay ng elevator papunta sa 10th floor. Nang huminto ang elevator at bumukas ay medyo nagulat si Carry nang pinagsiklop ni Tyrese ang kanilang mga kamay at marahan na siya nitong hinila palabas ng elevator. Hindi na lang siya umimik at sumunod na lang dito.
Pagkapasok sa loob ng room ay saka binitiwan ni Tyrese ang kanyang kamay.
“Sige na, magbanlaw ka muna sa loob ng bathroom para maalis ang tubig ulan sa katawan mo. Ikukuha na lang kita ng bihisan.”
Kahit naiilang ay tumango na lang si Carrie at pumasok nga sa loob ng bathroom. Napilitan siyang magbanlaw, tumayo lang siya ng mga thirty seconds sa ilalim ng shower. Natigilan pa siya nang makitang walang bathrobe sa loob at tanging puting tuwalya lang, kaya naman napilitan siyang ito na lang ang itapis sa kanyang katawan.
Pero paglabas niya ng bathroom ay nagulat pa siya nang bumungad sa kanya si Tyrese na nakasandal pala sa tabi ng pinto habang nakapamulsa, tila ba hinihintay ang kanyang paglabas. Nang marinig nito ang kanyang pagbukas ng pinto ay agad na napabaling ang tingin sa kanya, dahilan para magtama ang kanilang mga mata.
Napalunok naman si Tyrese lalo na nang 'di sinasadyang bumaba ang tingin nito sa bandang dibdib niya kung saan may mga butil pa ng tubig.
Hindi mapigilan ni Carrie ang mailang, kung kaya umiwas na lang siya ng tingin sa binata.
“'Yung b-bihisan ko pala,” utal niyang wika habang bahagyang nakayuko para makaiwas ng tingin.
“You're so beautiful, Carrie…” anas na sagot ni Tyrese na hindi pansinin ang kanyang. Hanggang sa marahan itong humakbang at huminto sa kanyang harapan na kanya namang kinaatras, pero tumama na ang kanyang likod sa nakasaradong pinto ng bathroom na agad niyang kinahinto.
“T-Tyrese…" she uttered nervously.
Napalunok siya nang maramdaman ang paghalos ni Tyrese sa kanyang makinis na pisngi.
“Alam mo bang palagi ka na lang nasa panaginip ko, hindi ka rin mawala-wala sa isip ko mula nang ipakilala ka ni Dion sa akin bilang girlfriend niya.”
Nagulat siya sinabi nito, kung kaya napaangat ang tingin niya rito, pero napasinghap na lang siya nang bilang nagtama ang mga matatangos nilang ilong.
“T-Tyrese, k-kailangan ko nang umuwi,” halos pabulong niyang usal habang nakatingin sa mata ng binata. Malamlam na ang mga titig na binibigay nito sa kanya.
Pareho pa silang napalunok habang nakatitig sa isa't isa. Ang kanilang mga puso ay pareho nang hindi mapakali, tila ba mga naghahabulan na kabayo dahil sa sobrang bilis ng pintig.
“Minsan ko nang hiniling na sana ay mas nauna tayong nagkakilala, napasaakin ka sana at ako ang naging boyfriend mo imbes na ang kaibigan kong si Dion…” Tyrese caressed her face softly while staring at her eyes. “Pero hindi pa naman huli ang lahat para agawin ka, 'di ba?”
Napalunok si Carrie, hindi alam kung ano ang dapat isagot sa binata.
Gusto siya ng bestfriend ng kanyang boyfriend. Oo nga't halata naman sa mga tingin na binibigay nito sa kanya, pero hindi niya inaasahan na aamin ito ngayon sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita at nakatitig lang sa mga mata ni Tyrese na ubod ng seryoso. Sandaling bumaba ang tingin nito sa kanyang labi at napalunok bago muling sinalubong ang kanyang tingin.
“Gusto kita, Carrie… Gustong-gusto kita, sweetheart. Please be mine.” Bago pa siya makasagot ay mabilis nang sinakop ni Tyrese ang kanyang nakaawang na labi kasabay ng paghuli sa kanyang dalawang pulsuhan.
Nung una ay gusto ni Carrie pumalag pero hindi niya magawa dahil nga gapos ni Tyrese ang kanyang dalawang kamay at nakadiin na ito sa kanyang uluhan, sa pinto na kanyang sinasandalan. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nalunod sa halik nito at tumugon na. Nang maramdaman iyon ni Tyrese ay unti-unti nang lumuwag ang paggapos nito sa kanya pulsuhan, hanggang sa tuluyan na nga iyon binitiwan at binuhat na siya sa kanyang pang-upo habang patuloy pa rin hinahalikan.
Naramdaman na lang ni Carrie ang marahan na paghiga sa kanya ni Tyrese sa malambot nitong kama. At nang sandaling pinakawalan ng binata ang kanyang labi ay muling nagtagpo ang kanilang mga mata.
“Tyres, m-mali 'to… may boyfriend na ako at kaibigan mo siya. Baka magalit si Dion sa atin.”
“Huwag mo siyang isipin, sweetheart. Hindi kayo kasal kaya walang mali kung angkinin kita ngayon para maging akin…”
Hindi na hinayaan pang magsalita ni Tyrese ang dalaga at muli na niyang sinakop ang malambot nitong labi.
Hanggang sa pareho na silang walang saplot at pinagsaluhan na ang init ng katawan ng isa't isa.
Ang iniingatan na p********e ni Carrie ay tuluyan na niyang naibigay sa best friend ng kanyang boyfriend.
Lubos naman ang saya ni Tyrese nang malaman na siya ang nakauna sa dalaga. Paulit-ulit niyang inangkin si Carrie at hindi tinantanan hanggang sa napagod at tuluyan na itong nakatulog sa kanyang kama.