NANG magising si Carrie kinabukasan ay nagmamadali siyang umalis habang tulog pa si Tyrese. Hindi siya makapaniwala na naibigay niya sa binata nang gano'n na lang kabilis ang kanyang iniingatang p********e, samantalang kay Rodion na halos isang taon na niyang kasintahan ay hanggang kiss lang sila, at kadalasan ay sa noo lang siya nito hinahalikan at sa pisngi. Sa halos isang taon na nilang magkasintahan ay nakatatlong beses lang yata siya nitong hinalikan sa labi.
Nang magkita sila ni Rodion kinabukasan ay hindi na siya makatingin pa ng diretso sa mga mata nito dahil sa konsensya. Pero gayunpaman ay pinilit niya pa ring maging normal ang kilos at pakitunguhan ito nang maayos na parang walang nangyari.
“Nga pala, babe, pasensya ka na at hindi kita nasundo kahapon, nagkaroon kasi ng emergency sa team namin kaya hindi ako nakarating para puntahan ka, pero sinabi ko naman kay Tyrese na sunduin ka muna. Sinundo ka naman ba niya?” tanong ni Dion nang dalawin siya nito sa kanyang tinitirahang apartment.
“H-huh? Ah oo, s-sinundo nga niya ako.” Hindi niya mapigilan ang mautal pero pinilit pa rin ngumiti sa kasintahan.
Dahil weekend ay niyaya siya nitong manood ng practice nito. Sumama naman siya, pero pagdating sa baseball field ay hindi niya inaasahan na naroon din pala si Tyrese.
“Oh hi, bro, himala at napadpad ka rito ngayon?” puna ni Rodion sa kaibigan at nakipag-man-to-man hug pa.
“Yes, bro. I'm here to watch your practice since I'm not busy today; of course we're best friends,” sagot naman ni Tyrese na marahan pang tumawa, pero nang mapatingin ito kay Carrie ay bigla na lang kumindat nang palihim at sabay ngiti sa dalaga.
Mabilis namang iniwas ni Carrie ang tingin sa kaibigan ng kasintahan, pero gayunpaman ay pinamulahan pa rin siya ng mukha at parang nakaramdam ng hiya. Kinabahan din siya na baka sabihin nito sa kanyang kasintahan ang nangyayari sa kanilang dalawa.
Nang magsimula na ang practice ni Dion ay naiwan silang dalawa ni Tyrese. Kinabahan si Carrie lalo na nang maramdaman niya ang pagtabi sa kanya ng binata sa kanyang kinauupuan.
“Carrie…” Tyrese called her softly.
Pero imbes na pansinin ito ay nagkunwari siyang walang narinig at naka-focus lang ang panonood sa kasintahang si Dion.
“Bakit ka umalis agad kanina, hindi mo ako hinintay na magising?” Tyrese asked her.
Hindi pa rin siya kumibo at nagbingi-bingihan lang. Hanggang sa isang buntong hininga ang pinakawalan ni Tyrese at biglang sumeryoso, tumayo na ito at ibinulsa ang mga kamay sa suot nitong denim pants.
“Sumunod ka sa kotse ko, gusto kitang makausap. Oras na hindi ka sumunod, sasabihin ko kay Dion ang nangyari sa atin kagabi.”
Nanlaki naman ang mata niya at napabaling ang tingin sa binata. Pero bago siya makasagot ay naglakad na ito paalis.
Para siyang nataranta na agad na tumayo. Nang makitang busy si Dion sa kaka-practise ay sinamantala na niyang hindi ito nakatingin at nagmamadali na siyang sumunod kay Tyrese palabas ng playground.
Kinakabahan man ay napilitan siyang pumasok sa loob ng kotse nito.
Napangiti si Tyrese. “Mabuti naman at masunurin ka, mahal ko.” Marahan pa nitong hinawi ang kanyang buhok at sinilip ang kanyang mukha.
Para naman siyang pinamulahan ng mukha sa pagtawag nito sa kanya ng mahal ko. Hindi niya mapigilan ang mailang kaya agad niyang iniwas ang kanyang mukha na mas lalo namang kinalapad ng ngiti ni Tyrese.
“Mas lalo kang gumaganda kapag nahihiya ka sa akin ng ganyan, mahal ko. Napaka-cute mo.” Nagulat na lang siya nang dampian ng halik ni Tyrese ang kanyang pisngi.
Hanggang sa pinatakbo na ni Tyrese ang sasakyan nito na kinabahala naman niya.
“T-Teka, saan mo ako dadalhin? Akala ko ba mag-uusap lang tayo?” tanong niya na puno na ng pangamba. Hindi pa naman siya nakapagpaalam sa kanyang kasintahan.
“Mag-uusap tayo, pero hindi dito sa field dahil baka makita pa tayo ni Dion. Sa akin ayos lang kahit makita tayo, pero ikaw ang inaalala ko.”
Natahimik naman siya at napapisil na lang sa kanyang kamay.
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa, hanggang sa tuluyan na silang nakalayo sa field.
“Ikaw ba, totoong kaibigan talaga ang turing mo kay Dion? Kasi kung talagang kaibigan mo siya, hindi mo siya dapat tinatraydor ng ganito,” mahinang sabi ni Carrie na hindi na nakatiis pa, pero ibinaling niya ang tingin sa labas ng sasakyan dahil hindi niya pa rin kayang salubungin ng tingin ang binata. “Nakokonsensya ako, Tyrese, dapat kalimutan na lang natin ang kung ano man ang nangyari sa atin kagabi. Ituring na lang natin 'yun na isang pagkakamali.”
Bigla namang humigpit ang hawak ni Tyrese sa manibela, tila hindi nagustuhan ang narinig mula sa kanya. Hanggang sa bigla nitong inihinto ang sasakyan sa tabi ng highway.
“Hindi, Carry, hindi ko puwedeng balewalain ang kung ano man ang nangyari sa atin kagabi,” mariin nitong sabi at humarap na sa kanya. “Oo kaibigan ko si Dion, at pinapahalagahan ko siya bilang aking kaibigan. Pero hindi ko kayang talikuran ang sinisigaw ng puso ko dahil lang sa kaibigan ko siya.” Naramdaman na lang niya ang pagkuha ni Tyrese sa kanyang isang kamay. “Matagal na kitang gusto, Carrie, at ngayon may nangyari na sa atin, nakahanda akong ipaglaban ka sa lahat maging akin ka lang. At kung sakaling masira man ang pagiging magkaibigan namin ni Dion, ayos lang sa akin basta maagaw kita mula sa kanya.”
Mabilis naman niyang inagaw ang kanyang kamay mula sa binata at sinalubong na ito ng tingin. “H-Hindi, Tyrese, huwag mong sirain ang pagiging magkaibigan niyo ni Dion nang dahil lang sa akin. Pakiusap, huwag mo akong gawing dahilan ng pag-aaway niyo. Hindi ko naman ginusto kung ano man ang nangyari sa atin. You forced me, nagpumiglas pa nga ako 'di ba? Pero pinilit mo pa rin ako hanggang sa wala na akong nagawa kundi ang bumigay sa 'yo.”
Tyrese exhaled, muli itong napaharap sa unahan ng sasakyan at napahwak sa manibel na tila pilit na pinapakalma ang sarili para itago ang emosyon at makausap pa rin ng mahinahon ang dalaga.
“You know what, Carrie, simula pagkabata ay nakukuha ko na lahat ng mga gusto ko; wala pa akong ginusto na hindi ko nakuha.” He let out a sigh and looked at her in rear view mirror. “At ngayon ay gusto kong ipaalam sa 'yo na ikaw ang gusto kong makuha, wala akong pakialam kahit pag-aari ka pa ng kaibigan ko; nakahanda akong agawin ka sa kahit na anong paraan.”
Napalunok naman si Carrie sa sinabi ng binata, pero nilakasan niya pa rin ang kanyang loob at sinagot pa rin ito. “Please stop this nonsense, Tyrese. Para sa akin ay wala lang ang nangyari sa atin kagabi, oo, 'yun ang unang pagkakataon na naibigay ko ang sarili ko sa isang lalaki, pero hindi na 'yun mahalaga pa. Basta kalimutan mo na lang 'yun.” Hindi na niya hinintay pang sumagot si Tyrese, nagmamadali na niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas na. “Babalik na ako kay Dion, pakiusap, huwag ka nang magpakita pa sa akin.”
Pinagsusuntok naman ni Tyrese ang manibela ng sasakyan nang tuluyan nang makalabas ang dalaga.
Wala man siyang karapatan, pero nasasaktan siya na mas gusto pa rin nito ang kaibigan niya kahit may nangyari na sa kanilang dalawa. God knows how much he loves her, matagal na niya itong gusto pero hindi niya alam kung paano kunin dahil girlfriend na ito ng kanyang matalik na kaibigan. Sinamantala niya lang talaga kahapon ang pagkakataon, at hindi niya pinagsisihan 'yun.
Hindi na siya nakatiis pa at mabilis na bumaba ng sasakyan, hinabol niya ang dalaga at mabilis na hinuli ang braso nito.
“Tyrese, ano ba! Kailangan ko nang bumalik at baka naghahanap na si Dion!” pagpumiglas ni Carrie dahil sa paghila niya sa braso nito.
“Hayaan mo siyang maghanap.” Sapilitan pa rin niya itong isinakay muli sa kanyang kotse.
“Saan mo na naman ba ako dadalhin?” tarantang tanong ni Carrie at bubuksan na sana ulit ang pinto para muling bumaba, pero mabilis niya itong inunahan at agad na ni-lock ang pinto.
“Sa bahay ng parents ko, ipapakilala kita sa kanila bilang babaeng pakakasalan ko,” seryoso niyang sagot sa dalaga at muli nang pinaandar ang sasakyan.
Nanlaki naman ang mga mata ni Carrie. “No! Stop the car!”
But he didn't listen, mas lalo lang niyang binilisan ang pagmamaneho.