Chapter 2

1379 Words
Era's POV Nandito na ako sa room, medyo napaaga yata ako ng konti. Tinatanong niyo kung anong ginawa ni Ma'am kahapon sa mga classmates ko? Buong araw lang naman pinaglinis ng buong campus at pinatawag ang mga guardians nila. Sobra pala kung magalit si Ma'am, pero malas nung mga kaklase ko, sa dami ng araw na ginawa nila sakin 'yun kahapon pa pumalya. Kinuha ko ang diary ko at nagsulat. Dear Magic Diary, Sana kahapon na 'yung kahuli-hulihang pang-aaway nila sakin. Alam mo diary may nakilala ako kahapon ang wi-wierd nga nila eh, iba-iba 'yung kulay ng mga buhok nila. Era Beautiful Bigla naman may kamay na humablot sa diary ko. "Well well well, Magic Diary huh? So cheap, Tsk." Biglang sabi ni Bell habang hawak ang diary ko. Naikuyom ko ang kamao ko, saktan nila ako lahat-lahat, huwag lang nilang galawin ang diary ko. "Ibigay mo sakin 'yan Bell" Sabi ko at napatayo narin ako. "Bakit? dito ba lahat nakalagay ang mga sangkap mo para sa pangkukulam mo huh? Witch?" Nang-aasar na tanong niya. "Hahahahaha, baka diyan nga Bell." Sabay ng dalawa niyang alipores. Tinawag nila akong mangkululam nu'ng may mga bagay na kakaibang nangyari pagkatapos kong mag birthday nu'ng 16 na ako, at ngayon ay 17 na ako, so matagal-tagal na rin nu'ng mag-umpisang mangyari 'yun, 'di ko nalang pinansin at hinayaan nalang sila. Tulad ng, bigla nalang may malakas na hangin 'pag nagagalit ako, kaya pilit nila akong ginagalit para daw maulit 'yun, isang beses nang naulit 'yun pagkatapos hindi na, pero iba naman ang nangyari, bigla nalang nagka c***k 'yung wall nu'ng nagalit ako nang sagad nu'ng may nakita akong binully nila na nerd. "Ano bang sinasabi niyo diyan? Ibigay niyo na lang saakin 'yan para magkaayos na." sabi ko, inagaw ko 'yung diary pero nakailag siya. "Sige nga, sandali pabasa muna ah." Siya at binuksan 'yung diary. "Ano 'to? Uhmm, napakasaya ko nu'ng binigyan ako ng anklet ni mommy? Hahahahaha so EWW." Sabi niya pagkatapos niyang basahin. Nakaramdam naman ako ng pag-iinit ng ulo ko. Nakaramdam din ako ng init sa bandang palapulsuhan ko. "IBIGAY.MO.SAAKIN.YAN!" Madiin kong sabi. Pero tumawa lang siya. "Bakit? Kukulamin mo ako? Huh? Go on! Patunayan mo na may lahi kang ngang mangkukulam." Bigla nalang madilim lahat ang nakita ko, as in madilim, kahit ano wala, pero may naririnig akong mga boses, boses ng mga sumisigaw pero may nakita akong isang babae, babaeng nakapalibot ng liwanag, unti unti siyang lumalapit saakin medyo hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil nasisilaw ako. Nang makalapit siya saakin. "Sumapit na ang oras ng pagbabalik ng simula, Prinsesa." Sabi nito habang nakangiti, at unti-unting lumalaki ang liwanag hanggang sa nilamon na ako ng liwanag. Frost's POV Pagpasok namin sa school. "Bro paano 'yan? Pangatlong school na 'tong pinasukan natin pero wala pa akong nararamdaman na presensya ng Prinsesa." Sabi ni Bliz. Oo nga pala hindi siya bakla, he's an Hypnotyzing and Earth element user, Elementalist and Magus ang tawag sa mga tao mundo namin, at Element users kung sa Elemental Kingdom lang, Fairy Breed sa Fairy Land and Witchcraft naman sa Witch and Wizardy at Sacred Magicaes naman sa Vampire World. Pero kung Elementalist ka at napadpad ka sa ibang mundo tulad ng Witch and Wizardy o Vampire World at Fairy Breed ay tatawagin kang Magus. Nature na niya ang gawaing ganu'n, pero kahapon, I found it cute nu'ng 'yung babae 'yung biniro niya, haha parang may tama pa yata 'yung babae sakanya. "Tss, huwag kang mag-alala pagkatapos dito uuwi na tayo." Sabi ko. Matagal na namin hinahanap ang itinakdang prinsesa, Ang prinsesa na makakapagpabago sa lahat. Kami ang in-assign para maghanap dahil kaming siyam ang nangunguna sa Magical Dragon Academy. Dana for Water and Spells Bria for Air and Teleportation Shaye for Bubble and Thorn Fhreya for Healing and Animal Shifter Grey for Poison and Strength Cloud for Illusion and Time Stopper Kryzer for Ice and Mind reading At 'yung kay Bliz nga, Earth at akin ay Fire and Electric, Yeah dalawa 'yung saamin because we're Royal Blood, Royal blood rin ang mga iba pero mas nangunguna ang pamilya namin. Habang papalapit kami may nararamdaman akong........? Wait..  May Elementalist dito?! The f**k, violation ang paggamit ng mahika dito sa Mortal World. Tumakbo ako papalapit sa classroom, tama ako, dito ko naramdaman 'yun, parang natulala ako, apoy na parang liwanag? Nakita ko si Era na kulay puti ang mga mata at, umaapoy 'yung paligid nilang dalawa ni Bell. Nagsisigawan na lahat ng nandito, nakasunod na rin pala sa likod ko 'yung walo. "Frost! pigilan mo siya dali!" Sigaw ni Bria. Kaagad naman akong lumapit. Teka, anong gagawin ko? Haist! bahala na nga! Hinwakan ko muna siya. Ahh fvck! ang init! Apoy di  ang mahika ko pero unang bese kong mapaso. "Dana! palibutan mo ako ng tubig bilis!" sabi ko kay dana, nagtaka naman siya pero kaagad niya naman ginawa. Pagkatapos, niyakap ko nalang si Era at hinawakan ang dalawa niyang palapulsuhan, napaso ako pero pinagpatuloy ko lang, hanggang sa unti-unti nang nawawala 'yung apoy na liwanag. Nakita ko naman na tumigil pala lahat ng nasa paligid. Naramdaman ko nalang na bumigat siya kaya feeling ko nahimatay siya, unti-unti narin bumababa ang init nung katawan niya, pero may paso parin ako sa dalawang kamay. "Fhreya ikaw na ang bahala dito. Dana Make a portal to Our World" sabi ko sakanila. Fhreya can heal your mind, kaya nya munang alisin ang lahat ng masasamang nangyari sa utak mo, kaya pwede nyang alisin lahat ng ala-ala ng mga nakakita, bago niya kami pinaalis lumapit muna sya sakin at ginamot yung paso ko. Tinanguan ko si ana at nag-cast siya ng spell para sa portal. Sabi ko na nga ba eh, may iba sa babaeng ito, kahapon lang sinabi ni Bliz saakin na hindi masyadong tinablan ng hypnotyzing Element niya 'tong babaeng 'to. Pagkatapos mag-cast ni Dana ay may nabubuong portal sa harap niya. Tiningnan ko si Era at bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba, lahit na may salamin pa siya hindi makakailang maganda siya. Whatthehell? Ano ba 'tong mga sinasabi ko. Tumingin ako sa portal at napalunok ako, nakakahilo kaya 'yang portal na 'yan. Hindi pa daw tapos si Fhreya sa healing niya dahil nakita daw niya na marami daw ang nakakita ng mga ganitong pangyayari dito sa school kaya aalisin niya narin, sinabi namin na mauuna na kami at maiiwan silang apat nina Dana, Kryzer, at Bliz. Nauna na si Bria, Grey, Cloud, Shaye at huli ako dala 'tong babaeng 'to. Pagkatapos ng mahabang hilohan nandito na kami sa Magical Creatures Forest. Nandito 'yung pinakadaan ng Immortal world or shall I say Land of Magic, o ang WhiteMagical Land na pinamumunuan ng aking Ama't Ina na sakop ang Magical Dragon Academy. Sabi ng magaling kong Ina ay bago namatay ang Reyna ng WhiteMagical Land ay may sinabi daw ito sakanila ni Ama na sila lang ang makakarinig na hudyat na sila ang bagong mamumuno na iniwan ng Mahal na Reyna kaya pinangako ng aking mga magulang na hahanapin daw nila ang mahal na Prinsesa. Nabigla kami nang may isang lumapit na Magical Fairy at hinalikan sa noo si Era at may ibinulong dito, kahit sina Grey ay nabigla rin dahil hindi lingid sa kaalaman ng mga Elementalist na laging galit ang mga Magical Fairies kapag may napapadpad na mga taga loob at labas dito. Pumikit naman ang Magical Fairy at biglang nagsigalawan ang mga puno. "Maligayang Pagbabalik." sabay-sabay nilang sabi na ikinataka namin, kailan pa sila bumati ng mga Elementalist na galing sa ibang mundo. Nagsilapitan narin ang ibang mga Magical Fairy saamin. Lumilipad-lipad sila sa aming dalawa ni Era at may mga makukulay na guhit sa kanilang mga maliliparan. "Pinagpapaumanhin po namin, pero kailangan na po naming tumuloy." Sabi ni Bria. Ngumiti naman ang mga maliliit na Fairy saamin, bigla naman lumapit 'yung Fairy na humalik kay Era sa noo. Lumapit siya sa tenga ko at...... "Ikaw ang pinagpala." sabi nito sa maliit na boses at lumipad na silang lahat palayo. Parang nagsitaasan naman ang balahibo ko sa sinabi ng Fairy na 'yon. Ang dating makulay na Magical Creature Forest ay ngayon ay lalong naging magarbo dahil nagkakaroon ng mga Gold pixie dust ang paligid. Ang wierd ngayon. Nang makita na namin ang lagusan at sunod sunod kaming pumasok at bumungad saamin ang isang napakagandang nagtataasan at naglalakihan na Academia at kastilyo. Medyo malayo ang Academya sa kastilyo, pero sa kinatatayuan namin ay makikita mo lahat. Lumipad nalang kaming lahat, gamit ang mga pakpak namin, Oo may pakpak kami, kulay pula na may dilaw 'yung akin, dumiretso muna kami sa pinakamalaking dorm dito, ito 'yung dorm naming lahat. Idineretso ko siya sa kwarto ni Bria para makahiga siya ng mabuti. Tiningnan ko lang siya, pati rin 'yung apat nakatingin sakanya. Wierd.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD