Chapter 3

1337 Words
Bria's POV Nandito kami ngayon sa dorm, sa totoo lang may pasok na kami ngayon, pero hindi pa kami nakapasok dahil kay Era. 3 days bumalik na kami sa pag-aaral dito, at si Era 'di parin nagigising, sina Fhreya, Dana, Bliz at Kryzer ay nakabalik na nu'ng kinagabihan na. "Ba't 'di pa siya nagigising?" Tanong naman ni Shaye. "Bakit 'di mo itanong sakanya malay natin eh pare-parehas tayong walang alam." Sabi naman ni Cloud. "If I just can, why not Cloud?" Sabi ni Shaye at inirapan si Cloud. Tsk! Mga indenial, Hayy! Nabigla naman kami nung umungol si Era. "Uhmm." Siya at gumalaw at unti-unting iminulat ang mata niya. Kaming lahat naman nakapalibot lang sakaniya. Kumukurap-kurap pa siya. "U-uhm, anong nangyayari? Bakit nandito kayo sa kwarto ko?" Tanong naman niya. Teka konti nalang masasapak ko 'to! Dalawang gabi nga akong nakitulog kay Shaye eh tapos sasabihin niya kwarto niya 'to? Umupo naman siya. "Wala ka sainyo." simpleng sagot ni Frost at lumabas muna. "Huh? Nasaan ako? Anong nangyari? Nasaan si Mommy? Nasaan 'yung Diary ko?" Sunod-sunod na tanong niya. "Sandali lang! Oo nga 'no! Syempre may magulang siya at tirahan! Bakit dinala na natin siya dito?" Sabi ni Cloud. "Ewan kay Frost. " Sabi ni Grey. "Pero Elementalist siya, so Elementalist din ang magulang niya, so ibig sabihin may pangalan dito ang parents niya." Sabi naman ni Kryzer. "Huh? Anong pinagsasabi niyo? Hindi ako makarelate, pero bago ang lahat nasaan ang Diary ko?" Tanong naman ni Era. Era's POV Pagkatapos nu'ng nakakasilaw na liwanag ay nagising ako sa isang maraming halaman pero maliwanag. It's more like a paradise, may talon doon, at may mga bulcan, dagat, mga halaman at mga paro-paro na nagliliparan. Bigla naman na may naramdaman akong sumampa sa balikat ko, napatingin ako dito at laking gulat ko nang... D-dra-gon? Maliit at cute na Dragon na kulay dilaw ang mata at kulay puti na may gold na balat at Armor sa ulo na kulay gold. Wow! Ang cute! ang liit kaya niya parang ibon pero mas cute 'to! Hahawakan ko sana siya pero muntik na akong mapaupo nu'ng........ "Hello." Sabi niya. Waaaaahhhh!!! Ang galing! Lumipad naman naman siya pero bigla namang may nakita akong puting tela sa baba, kaya tumingin ako sa itaas at nakita ko ang isang napakagandang babae na nakasuot nitong mahabang kulay puti na bestida, Wow. "Maligayang Pagpapabalik sa iyong tirahan mahal na prinsesa, at Maligayang Pagdating dito sa World of Gods and Goddesses. " Sabi niya. Ano daw? Hindi ako makarelate sa mga sinabi niya eh. "A-ah? A-ano po? Hehe wala po akong alam sa mga sinasabi niyo at ano pong ginagawa ko dito?" Tanong ko naman. Eh wala naman akong alam, malaparaisong lugar, isang cute na dragon at isang magandang babae na nasa harapan ko, so please tell me ano 'to? "Malapit na, Mahal na Prinsesa, malalaman mo rin ang lahat at Magaganap ang Itinakda." Sabi niya at unti-unting naglalaho, bigla naman akong nakaramdam ng pagbigat ng talukap ng mata ko. "Ba't 'di mo itanong sakanya? Malay natin pare-parehas tayong walang alam." "If I just can, Why not Cloud?" Ano 'yun? "Uhmmm." Magsasalita sana ako pero iyon lang ang lumabas sa bibig ko, at unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nabungaran ko na nakapalibot silang lahat saakin. Kinurap-kurap ko muna ang mata ko, teka 'yung mga wierd ang mga buhok kahapon 'to ah. "U-uhm, anong nangyayari? Bakit nandito kayo sa kwarto ko?" Tanong ko, bakit nga ba sila nandito? Eh kakakilala ko nga lang sakanila kahapon eh. "Wala ka sainyo." Sagot naman nung ano palang pangalan nu'n? Fier? Fiery? Gapos lumabas na, anyare dun? "Huh? Nasaan ako? Anong nangyari? Nasaan si Mommy? Nasaan 'yung Diary ko?" Tanong ko. Oo nga 'noh? Nasaan na nga ba 'yung Diary ko? At mas lalong kung wala ako saamin nasaan ako? "Sandali lang! Oo nga 'no?! Syempre may magulang siya at tirahan! Bakit dinala na natin siya dito? " Sabi naman nu'ng ano 'yun? Cloud? Oo Cloud nga. "Ewan kay Frost. " Sabi nu'ng Playboy kahapon. "Pero Elementalist siya, so Elementalist din ang magulang niya, so ibig sabihin may pangalan dito ang parents niya." Sabi nu'ng, ewan? nakalimutan ko pangalan nila. "Huh? Anong pinagsasabi niyo? Hindi ako makarelate, pero bago ang lahat nasaan ang Diary ko?" Tanong ko. Bigla naman pumasok 'yung si Fier. "Sinunog mo." sabi niya at umupo lang. "Anong ibig mong sabihin?" Sko? susunugin 'yun? Paano? Pero nasaan na ba iyon? Hindi maaari! Hindi pwedeng mawala iyon. Naramdaman ko naman ang pag-init ng mga mata ko at bigla nalang may tumulong luha sa mata ko. "Oh my god! Bakit ka umiiyak?" Sabi nu'ng Dana, siya lang 'yung alam ko at yu'ng ano 'yun? Fhreya yata. Umiling lang ako, pinunasan 'yung luha ko. "'Yung Magic Diary ko, 8 years ko nang pinag-iingatan 'yun at nu'ng 9 ako nu'ng binigay ni Mommy 'yun saakin, du'n lahat nakasulat ang mga mahahalagang bagay para saakin lalo na yu'ng address nya." Ako. "Weh? Di nga? 8 years? " Sabi naman nu'ng, sino 'yun? ( Bria po ) "Oh well, bago ang chismisan at paliwanagan, Hera, ligo ka muna at kumain, Girl tatlong araw ka ring natulog ah." Sabi naman nu'ng Fhreya na ikinalaki ng mata ko. Tatlong araw?! Hindi ba sila nagbibiro? Inamoy ko muna 'yung sarili ko, hindi naman ako mabaho pero hindi narin ako mabango, at ngayon ko lang naramdaman 'yung tyan ko Bago ako tumayo. "Era nalang itawag niyo saakin ayaw ko ng Hera, nakakadagdag lang 'yung H." Ako, tumango naman sila. Lalakad na sana ako nang..... "Teka lang, ano pala ang damit ang gagamitin ko? Sabi niyo wala ako saamin eh." Ako at inilibot ang paningin ko sa loob nitong kwarto. Puti lahat at medyo may Sky blue pero konti lang, wow ah! Ang linis, nahiya naman ako, ang baho ko na. "Just take a bath first, I'll just get you some clothes." Sabi nu'ng? Arrgghh! Nakalimutan ko ang pangalan! ( Shaye po ) At lumabas na sila ng kwarto, ang naiwan lang ay sina Fhreya at Dana. "Hehe." Sabi ko sakanila at pumasok na sa banyo na itinuro nila kanina. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng nakatowel lang pero wala na sila. Pero may damit na nakita ko sa kama. Siguro 'yun 'yung gagamitin ko, pagkatapos kong magbihis, inilagay ko ulit 'yung contact lense ko, pero 'yung salamin ko ewan kung nasa'n na 'yun. Nahihiya akong lumabas, pano yung suot ko ay, Blue High waist na short-shorts tapos isang White blouse na tinock-in ko. May alam naman ako sa fashion kahit kaunti, 'di ko lang talaga hilig, tapos isang pares ng white slippers, na parang sandals, ay ewan basta hindi siya close shoes pero may lace siya siya, kulay White siya. I look at myself in a full body length mirror, Wow ang ganda ko na. Bigla naman may kumatok, pinagbuksan ko at....... "A-ah, a-ano b-bumaba ka na daw" sabi nu'ng ? "Ano nga pala ulit pangalan mo?" tanong ko. "K-kryzer" siya at hindi makatingin ng diretso saakin. Tinanguan ko lang siya at nauna nang maglakad sumunod naman siya. Nakita ko na silang lahat na nasa kusina, 'yung lima nakaupo habang 'yung tatlo nakatayo sa harap ng stove, nagluluto yata. "Waaahhhhh!! Sabi ko na eh! bagay sa'yo 'yan Girl! Ang galing ko talaga!" Biglang sabi ni? ( shaye ) at nag-apir sila ni Fhreya. "Umupo kana." Sabi ni Dana, du'n sa tabi daw niya ako uupo. Tumango naman ako ng nahihiya, at pumunta sa tabi niya. Nu'ng mahapag na 'yung pagkain nagsimula na kaming kumain, hindi ko na inisip 'yung kahiyaan ko basta ang alam ko lang ngayon ay gutom ako! Pagkatapos namin kumain ay pumunta sila sa sala, at ako naman nagpaiwan para tumulong para sa pagliligpit, kasama sina Dana at Fhreya. Hindi naman sila tumanggi na tulungan ko sila, habang nagliligpit kami.. "May ano ba kayo dito? Uhm cellphone?" Tanong ko sakanila, kung sakali lang para matawagan ko si Mommy. "Ahh Oo, kaso hindi ka makakatawag sa mundo ng mga tao dahil dito lang pwede 'yun." Sabi ni Fhreya. Mundo namen? "Anong ibig mong sabihin na mundo?" Tanong ko, anong mundo ng mga tao ang sinasabi niya? Eh iisa lang naman ang mundo namin. "Huwag mo siyang biglain Fhreya, mamaya nalang, mas magandang tayong lahat ang sasagot sa mga tanong niya para malinaw." Sabi ni Dana na tinanguan naman ni Fhreya. "Sige girl, tuloy mo lang 'yan, mamaya ka nalang namin kakausapin pati 'yung tungkol sa Mommy mo." Sabi ni Dana at nginitian ako kaya nginitian ko nalang din siya. Ano ba ang mga pinagsasabi nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD