Chapter 1

1246 Words
Era's POV "Era anak gising na." Nagising ako ng may naramdaman ako na yumuyugyog saakin, pagmulat ko. "Bangon na." Nakangiting sabi ni Mommy. Umupo muna ako sa kama. "Mom, ba't ikaw ang nanggising saakin?" Tanong ko. Tumingin ako sa table lamp na nasa side ko, wala 'yung alarm clock. "Nakailang alarm clock kana ba anak?" natatawang sabi ni Mommy. Napasimangot nalang ako, lagi kasi akong nakakasira ng alarm clock kapag narinig ko itong tumutunog, worst kapag nabato ko na pagkagising ko lasog lasog na, gan'un ba ako kalakas mambato? "Mom naman eh!" Nakanguso kong sabi. Napatawa naman si Mama tapos bigla nalang nalungkot ang mata. "Oh siya! bangon na, para makapasok kana, hintayin nalang kita sa baba ha?" Nakangiting sabi ni mama. Tumango nalamang ako, lagi nalang siyang ganyan kapag masaya bigla nalang malulungkot kaya hindi ko nalang tinatanong kung bakit kase iisa lang naman ang sasabihin niya 'wala, ok lang ako' laging ganyan. Napagbuntong hininga nalang ako atsaka ako napatingin sa palapulsuhan ko. May parang tattoo ako na dragon sa gitna tapos napapalibutan ng apat na kulay. Tinanong ko kay mommy kung bakit ako may ganito pero hindi nya sinasagot, lagi niya lang iniiba ang usapan. Bumangon na ako para makaligo na. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng uniform namin at nilagay ang contact lense kong kulay black at nilagay ang salamin ko, nakalugay lang ang buhok ko, pero nakaheadband ako na hindi pang bata, oh diba? may contact na nga may salamin pa, sa totoo lang hindi malabo ang mata ko, hindi kasi pangkaraniwan ang kulay ng mata ko, kulay abo ang mata ko, nagsimula akong magcontact lense nung highschool na ako. Bakit ako nagsasalamin? dahil gusto ko lang, di naman hassle, ok lang naman ang paningin ko, pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako para makakain, nakita ko naman si Mommy. I kissed her on her left cheek. "Morning Mom" Ako at umupo na. Kung tatanungin niyo kung mayaman kami, oo mayaman kami, isang sikat na business woman ang mommy ko, I'm Heralyn Heart Zaldevia, Era nalang for short, ayaw ko ng Hera kasi nakakadagdag lang 'yung H, My mom is Hilda Krane, hindi daw kami magka-apelyido kase ka-apelyido ko daw yung daddy ko, namatay na siya. Sabi ni Mama, naghiwalay daw sila ni papa nu'ng bata pa sila kaya di daw sila kasal pero pinagbubuntis daw niya ako nu'n, nu'ng pinanganak niya ako, nagkabalikan daw sila ni Daddy at 'yung surname ni Dad ang pinalagay pero nung time daw na magpapakasal na sila namatay daw si Dad sa isang accident kaya magkaiba kami ng surname ni Mom. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay Mom. "Bye Mom, alis na po ako, take care of yourself." Ako, at kiniss siya ulit sa cheek. "Ok bye, take care din, ayaw kong umuwi ka dito na may pasa nanaman o kaya naliligo ng kahit ano kung hindi pupunta na talaga ako do'n sa school mo." Sabi ni Mommy. Nginitian ko nalang siya. "Opo, bye mom" Ako, at sumakay na sa kotse. May driver ako ha baka akala niyo ako 'yung nagdadrive. Habang umaandar ang sasakyan ay dumungaw muna ako sa labas nang may nakita ako na nakaitim at nakatingin sakin ng matalim, bigla nalang umilaw yung tattoo ko sa wrist, nung kumurap ako nawala na. Ano 'yun? hayaan na nga baka namamalikmata lang ako. Nang malapit na kami. "Butler Kim, dito nalang ako." Sabi ko. Itinigil naman niya 'yung sasakyan, kaya bumaba na ako. Pagkababa ko umalis na siya, isa rin 'yun! Kahit kailan 'di ko siya nakakausap, si Mama lang 'yung nakakausap niya tapos palihim pa, he's so mysterious pero hindi maipagkakailang gwapo siya. Pumasok na ako, 'di ko nalang pinapansin ang mga mapanuring tingin ng mga studyante saakin. Nu'ng nasa harap na ako ng classroom namin ay pumikit muna ako at bumuntong hininga, pero nang pumikit ako parang may nakita akong pangyayari na may nabuhos na tubig mula sa ibabaw at bumuhos iyon sa isang babae, napamulat ako. Bigla akong kinabahan, sana naman hindi ako 'yun. Tumingin muna ako sa orasan bago pumasok. 7:25 am, hala 5 mins. nalang! Papasok na sana ako nang makita ko ang first teacher namin. "Goodmorning Ma'am" Salubong ko. "Goodmorning." Siya habang nakangiti, at syempre bilang paggalang, ay pinauna ko muna siyang pumasok, binuksan niya 'yung pinto at.......... *splaaaassshhh* "OH MY GOD!!" sigaw ni Ma'am Grey, napaatras naman ako, tumingin ako kay Ma'am na ngayon ay parang basang sisiw na at pawang umuusok na ang ilong sa galit. "WHO THE HELL DID THIS 'EFFIN PRANK??!!" Galit na sigaw ni Ma'am. Bigla naman natahimik sa loob ng classroom at pati ang aircon ay mahihiyang mag-ingay. "Ms.Zaldevia go to your seat, AND YOU!! ALL OF YOU!! GO TO MY OFFICE NOW!!" Galit na sigaw ni Ma'am. Sheez! Kasalanan ko 'to eh! Dapat kaagad nalang akong pumasok tutal naman para saakin naman talaga 'yun, isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase ko, at may naiwan na tatlong babae. It's Bell, Leah, and Grace, ang tatlong walang sawang paulit-ulit na binubully ako. "And you three! What are you still doing here?!" taas kilay na tanong ni Ma'am. Pero bago umalis ang tatlo ay sinamaan muna nila ako ng tingin. Kaya naiwan ako ditong nag-iisa. Atsaka ko lang naisip na, 'Anong gagawin ko dito?' Nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto ng malakas at iniluwa ang......... 1-2-3-4-5-6-7-8-9, na naggagwapuhan at naggagandahan na mga dilag at binata. Anong ginagawa nila dito? Bigla naman akong napatingin sa anklet ko sa ilalim, umiilaw? Tumingin ako sa mga bagong dating, nakatingin sila sakin, hindi! Sa ilalim ko pala, dito sa anklet ko, tumingin ako ulit sa anklet ko at hindi naman umiilaw. Pinagloloko yata ako. "H-hi, sinong hinahanap niyo?" Tanong ko. 1-2-3-4 ! apat na babae at limang lalake! Ngumiti naman 'yung isang babae. "HELLO! Transferee kami dito!" Masayang sabi nu'ng may kulay gray na buhok na babae. "Ha-ha, ganu'n pala, u-uhm welcome hehe." aqko, ewan pero parang may iba akong nararamdaman sakanila. "Tss." Dinig ko du'n sa lalake na ngumunguya ng bubble gum at umupo sa? Tabi ko? Eh kasi ganito, 'yung upuan ko sa may bandang likuran sa pinakahuli. Pero ngayon ay nakaupo ako dito sa 2nd to the last, kase vacant naman yung tabi ko eh. Hindi ko nalang sya pinansin, tiningnan ko 'yung mga ibang kasama niya, nakatayo parin, pero shet lang! Ang gwapo nila! Lalo na 'yung may kulay brown na buhok, pinakatitigan ko siya, as in siya lang, tumayo ako para magpakilala. Nakatingin lang sila sa bawat galaw ko, nakakahypnotyze 'yung titig nung lalake. "Hi, I'm Heralyn Heart, u-hm nice to meet you." Pakilala ko. "Hi, I'm Shaye Frill." 'Yung kaninang masigla na sumagot. "Dana Heartly, Here" 'Yung kulay Hazel nut na buhok at palangiti. "Bria Caldrin." Sa tingin palang medyo hindi showy ito. "Fhreya Dianara, Hello!" At sa tingin ko Hyper 'to. Tumingin ulit ako sa mga lalaki, at napako nanaman ang tingin ko du'n sa brown ang buhok. "Grey Calvin Ms.Beautiful." Sabi nu'ng mukhang playboy tapos napatingin siya du'n kay Bria na ngayon ay nakasimangot na ng todo. May something huh? "Cloud Flinter, Nice to meet you!" Sabi nu'ng kulay Blue na buhok na todo ngiti. "Kryzer Griffin." Sabi nu'ng kulay Black na buhok, pero nakangiti. At heto na, 'yung kanina ko pa tinititigan. Ngumiti siya kaya namula ako. "Hi I'm Bliz JIN!! NICE TO MEET YOU GIRL!! TABI TAYO NG SEAT OK?" bigla naman akong napaupo du'n. Sh*t! bakla sya? "Bwahahahahahahahahaha." Tawa nilang lahat, ako naman namumula na dahil sa hiya. Napatungo nalang ako. "Hahaha." rinig ko ring tawa ng tumabi saakin, tapos bigla nalang tumahimik ang lahat, pansin ko na nakatingin lang ang lahat sakanya. Anong nagyayari? "Frost? tumawa ka?" Tanong nu'ng Fhreya yata? "Tss." dinig ko namang sabi nitong katabi ko, anyare? Nagsiupuan nalang sila at yung baklang crush ko ay umupo rin sa tabi ko pero sa kabila na. Ayaw kong tumingin nahihiya ako. "Frost Fiery." dinig kong sabi nung katabi ko. Napatingin ako sakanya. 'Yun siguro 'yung pangalan niya, nginitian ko nalang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD