Chapter 4

1357 Words
Era's POV Pagkatapos namin magligpit ay dumiretso na kami sa sala kung nasaan silang lahat ngayon. Nakaupo pero 'yung iba nakatayo, which is Shaye and Bria -_- ! 'Di manlang naging gentleman ang mga 'to. "Ok, Era, sit here." Sabi nu'ng playboy at tumayo pero umiling lang ako. "Sorry for being rude guys, but can't you see? Nakatayo ang mga girls at kayo prenteng-prenteng nakaupo dyan?!" Sabi ko sakanila kaya tumingin sila saamin at nagsitayuan naman silang lahat. "Pfft~" Dinig kong pagpipigil na tawa ni Dana. Umupo nalang kaming girls at isa sa mga boys ang nakupo which is 'yung Kryzer na pinuntahan ako kanina. "So let's start, First Question Miss Beautiful." Sabi naman ni Grey. "Hayy, don't call me in that way it gives me goosebumps! By the way, tanong ko lang paano ako napunta dito? Eh diba nasa school tayo? Paano ako nakatulog?" Tanong ko. Eh sa nagtataka pa rin ako eh! "Alalahanin mo muna ang mga nangyari bago ka nagising dito." Sabi naman ni Dana. "Wait, sandali lang ah, uhm pakilala kayo ulit hehe, nakalimutan ko ang mga pangalan niyo eh." Sabi ko. Eh sa ang dami nila! Mahina pa naman ako sa memorization! At isa-isa ulit silang nagpakilala. Natango-tango naman ako. At inalala naman ang lahat, tulad ng sinabi ni Dana. Kinuha ni Bell 'yung Diary at naging madilim tapos may kumausap saakin tapos saan kasi 'yun? World of? Gods and Goddesses? Tapos may nakita akong maliit na limilipad, nakalimutan ko na kung ano 'yun. "Ah first thing I remembered is, Nu'ng nagalit ako..... Nu'ng kinuha ni Bell si Magic Diary ....... at bigla nalang naging madilim ang lahat ng nasa paligid ko....... at may kumausap saakin na Babae na nakakasilaw 'yung liwanag niya kaya 'di ko namukhaan...... at-at-at.... Iyon! 'yun lang nakita ko na kayo na nakapalibot saakin hehe." Paliwanag ko. Bakit? Bakit feeling ko dapat hindi ko ipagsabi 'yung nakarating ako sa World of gods and goddesses? Teka, totoo ba iyon? O panaginip lang? Pero feeling ko totoo lahat eh! "Ah, so iyon lang ang naalala mo? Hindi mo naalala na ginamit mo 'yung Element mo? " Tanong ni Shaye. Element? Ano 'yun? Element like..... Water? Air? Gano'n? "Element?" Nagtatakang tanong ko. Tumango naman sila, bigla naman akong nailang nu'ng nakita ko 'yung pagtitig saakin ni Fier. "Teka muna! Kung Elementalist ka..... Bakit ka nasa mundo ng mga tao?" Tanong ni Cloud. Mundo ng mga tao? Bakit hindi ba sila tao? Ano 'yon? Taga ibang planet sila? "Mundo ng mga tao? Hello! Nasa Earth po tayo! Unless hindi kayo tao! " I said with a sarcasm in my voice. Kanina pa 'yang mundo ng mga tao chuchu na 'yan! Parang hindi sila tao kung makapagsalita. "Ah yeah! I got it guys! Hindi siya lumaki dito, 'yan ang napansin ko at wala siyang alam sa mundo natin at sa mga bagay-bagay pa dito kaya naguguluhan pa siya." Sabi bigla ni Fier. "Huh? Teka lang! Huwag niyo muna akong tanuongin! Kayo muna ang magsalita, sabihin niyo na lahat ng gusto niyong sabihin." Sabi ko. Kasi naman, kung ako lang ang magtatanong, madami akong tanong! Baka hindi na kami matapos! Mas mabuti na 'yung sila na ang mismong magsabi ng gusto nilang sabihin. "Ganito kasi 'yan Era, Mga taga WhiteMagical Land kami at nag-aaral kami sa Magical Dragon Academy at kami mga matataas na uri kami ng estudyante kaya kami ang naatasan na maghanap sa nawawalang Prinsesa, Which happened na sa lugar niyo sa mundo ng mga tao kami maghahanap, matagal na kami sa mundo ng mga tao o Mortal World bago kami makalipat sa pinapasukan mo, pangatlong skwelahan na 'yun at pang-apat na 'yung school mo kaya napagpasyahan namin na kapag hindi pa namin nakita ang Prinsesa ay uuwi nakami dito pero ang nangyari ay nakita ka namin na ginamit ang Element mo na sa pagkakaalam ko hindi mo pa kontrolado kaya pagkatapos mong mahimatay ay dinala ka na namin dito kase kauri karin naman namin at tungkol sa Mama mo, sa tingin ko ay kilala siya dito dahil Elementalist ka kaya may possibility na Elementalist din ang magulang mo na napunta sa Mortal World pagkatapos ng Magical War." Mahabang paliwanag ni Dana. Ano daw? Ako? Elementalist? Atsaka ko lang naisip 'yung mga pangyayari na kakaiba dati, 'yung tattoo ko at 'yung anklet ko. Malakas na hangin, Biyak sa bato, tapos kahapon? Sabi nila gumamit daw ako ng? Ano 'yun? Element? Tapos umiilaw 'yung tattoo ko at 'yung anklet ko. Alam ko na! May kinalaman lahat ng 'to sa pagkatao ko, pero bakit itinago ito ni Mommy? I have to talk to her, as soon as possible. Tiningnan ko 'yung tattoo ko, nabigla ako, dati apat na kulay lang at isang dragon sa gitna, ngayon, may parang liwanag na sa likod ng dragon. Ramdam ko na nakatingin lang sila saakin. Ipinakita ko 'yung pulso ko. "Kita niyo 'yan?" Sabi ko. Tumingin naman sila ng nagtataka saakin. "Oh ano naman ang gagawin namin sa pulso mo?" Sabi naman ni Bria. "Wala kayong nakikita?" Tanong ko sakanila, umiling naman sila. Ibig sabihin? Inilayo ko nalang ang pulso ko. "May tanong pa ako, 'yung element na sinasabi niyo, ano 'yun?" Tanong ko sakanila. "Dito sa WhiteMagical Land ang mga tao dito ay tinatawag na Elementalist or Element user, bawat isa dito ay may mga sariling kakayahan. Just like me Ice and I can read your mind." Sabi ni Kryzer na ikinabigla ko. Buti nalang at wala akong kahit anong iniisip kanina. "Favor please, pwede niyo bang ipakita saakin?" Tanong ko sakanila. Namangha ako ng nagpalabas ng umiikot na maliit na tornado sa kamay si Bria at bigla nalang siyang....... Wow! Lumipat 'yung pwesto niya. Si Dana naman ay Pinag-form ang tubig ng kahit ano sa kamay niya. "Di ako makakapag-spell dito eh." Sabi niya kaya tinanguan ko nalang siya. Nagpalabas naman ng Bubbles si Shaye sa kamay niya at mga maliliit na tinik na tumutusok sa mga bubbles. Wow! Si Fhreya naman ay may liwanag lumabas sa kamay niya. "Healer ako." Sabi niya at biglang........ "Wow!" Ako, kase nagform siya into a cat, ang cuteee! Tapos bumalik na siya sa pagiging tao. Napatingin naman ako doon sa bakla kahapon? "'Di siya bakla." Sabi naman nu'ng Kryzer kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mong basahin ang nasa utak ko." sabi ko pero tumawa lang siya. "Pero totoo? 'Di ka bakla?" Tanong ko kay Bliz. "Hindi, gusto mong maraming magpakamatay na babae?" Sabi niya pero napasimangot nalang ako. Mga Playboy tss. Nagpalabas naman siya ng mga Rocks na maliliit sa kamay niya na may mga leaves na maliliit, Wow ang cute, haha. "'Di kita mahypnotyze ang sama ng tingin mo." Sabi niya. "Huwag mong singhutin 'to kung ayaw mo pang mamatay ng limang araw o ayaw mo nang magising" Sabi naman nung Grey. At nagpalabas siya ng itim na usok na konti sa kamay niya pero kaagad naman niyang inalis. "Strength din ang Sub ko, tamad na ako 'saka ko nalang ipapakita." Sabi ni Grey kaya tinanguan ko nalang siya. Habang nakatingin ako sakanila bigla nalang nag-iba 'yung view. Wow! ang ganda! maraming mga flowers at....... S-si Fier? May dala siyang bulaklak at papalapit siya saakin? Tapos hinalikan daw niya ako! Waaaaahhhhh!!!! "Hahahahaha." Pagkurap ko nandito na ulit ako at tumatawa si Cloud habang 'yung iba nakatingin lang. Sure akong ang pula ng mukha ko ngayon. "Illusion and five minutes time stopper." Sabi ni Cloud kaya 'di ko na inalis 'yung matalim na tingin ko sakanya. Sa lahat ba naman ng pwede niyang ipakita 'yun pa? Waaaahhh!! Bakit kiss pa kay Fier ang ipinakita niya?! "Hahahahaha." Napatingin din ako kay Kryzer. Waaaaahhh! Binasa niya 'yung nasa isip ko! Tapos may maliit na Snow Flakes na paikot-ikot sa palad niya. Wow ang ganda! Huhuhuhu 'ansama nila. "Teka lang Fier? Fier ang tawag mo sakaniya? Diba Frost Fiery 'yun. " Sabi ni Kryzer. "Oo kanina nu'ng nagpakilala kayo 'di naman siya nagsalita atsaka Fiery 'yung natandaan ko eh, kaya to make it shorter Fier nalang hehe." Sabi ko at nakatanggap ng isang matalim na tingin kay Fier. "Ikaw? Ano 'yung sayo?" Tanong ko sakaniya. "Tss." Sabi naman niya at....... Wow! Nagpalabas siya ng maliit na Fireball na may nakapalibot na kuryente. Pero 'yung pinakamaganda 'yung kay Kryzer. "Kryzer paulit naman nu'ng sayo hehe, last nalang." Sabi ko tumango siya at nagpalabas ng Snow Flakes na paikot-ikot. Wow! "HUWAG!" Lumapit ako at inilipat sa kamay ko 'yung Snow Flake Pero bago sila makasigaw ay nakuha ko na, sila naman ay......... O__O Habang ako pinaglalaruan lang 'yung Snow Flakes at nu'ng hinipan ko biglang naging? Usok na malamig, Wooow!! "P-paano m-mo nagawa iyon?" Tanong naman ni Grey. Huh? "Bakit ? Hindi ba pwede 'yun?" Tanong ko sakanila. "P-pa-paano?" Lahat lang sila nakatitig saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD