Chapter 5

1622 Words
Era's POV Nakatingin lang sila saakin. "Kapag kasi gumawa ng kahit anong bagay ang Elementalist gamit ang Element niya habang nasa kamay niya pa ito ay hindi ito pwedeng hawakan dahil pwede itong sumabog kahit na malamig pa ito." Paliwanag naman ni Fhreya. "Pero bakit nagawa ko? " Takhang tanong ko. "Ahh hindi! Baka nagkataon lang dahil hindi pa niya kontrolado 'yung Element niya." Sabi naman ni Dana. Tumango-tango naman sila. "Teka lang tutal hindi kanaman na trauma or ano sa mga nakita mo, dalhin ka nalang namin sa Headmaster's Office para maregister kana as a student sa Magical Dragon Academy." Sabi naman ni Cloud. "Oo nga! Let's go na girl!" Sabi ni Fhreya at isinukbit ang braso niya sa braso ko, nagsitayuan naman silang lahat. "Wait, Bria change her clothes, masyadong maiksi ang suot niya baka mahusgahan siya bago palang naman siya, unless she wanted them to judge her." Cold na sabi ni Fier. What does he mean by that?  Nakatingin lang ako ng masama sakaniya. Pero buti nalang, hindi din ako komportable sa suot ko eh. "Eh bagay naman sakanya oh! Ang ganda niya kaya!" Sabi naman ni Fhreya. "Tss, just change her clothes, para narin sakanya 'yun, at isa pa may pasok kaya bilang baguhan dapat hindi ganyan ang suot niya." Sabi pa niya at lumabas na siya. "Ah ano.... Fhreya tama si Fier, pwede palit nalang ako? Atsaka 'di rin naman ako masyadong sanay na lumabas sa mga ganito eh." Sabi ko kaya tumango nalang siya at sinamahan akong magpalit. 'Yung pinalit niya ay isang above the knee dress na kulay white at gusto niya mag heels ako kaso sinabi ko flat shoes nalang, kaya hinayaan nalang niya ako, tapos sabay-sabay na kaming lumabas at nakita namin si Fier na nagyoyosi sa labas. Naamoy ko naman kaya napasimangot ako. Lumapit ako sakaniya. "'Di man ako taga dito at wala akong alam pero sorry ah naamoy ko 'yung usok." I smiled sweetly bago ko inagaw yung yosi niya at tinapakan. "Fvck! Why did you do that?!" Galit na sabi niya at tumayo. "'Di mo ba alam na masama 'yun?" Sabi ko sakanya. "You don't f*****g care! I'll do whatever I want without concerning about anything! I don't need your f*****g opinion! Remember this! You're just a stranger who happend to be one of us that's why we have to take you together with us! And now? Anong karapatan mong pagbawalan ako?! Fvck it!" Galit na sabi niya. "I don't care! Kapalan nalang ng mukha! I don't concern about what you'll do, I'm concern about others and my health! Wala naman akong pakialam kung ikaw lang ang manglalanghap ng usok mo eh, pero nalanghap ko kaya sa susunod na maninigarilyo ka huwag kang magpakita sakin nang hindi ko malanghap ang usok mo!" Sagot ko dito. "Whatthe?! Who do you think you are to command me?" Cold na tanong niya. "I'am Heralyn Heart, the one who's commanding you to stop smoking or hide from me when you're smoking, got that?" Taas kilay na sabi ko sakaniya.  Bigla naman siyang nag step forward at inilapit ang mukha saakin. Bigla naman niya akong hinawakan sa panga ng mahigpit kaya nakaramdam na ako ng kaba. "I can make you vanish forever, you are just nothing but a piece of s**t, don't act like you know everything and you know everything about me, stop messing with me because you don't know what I'm capable of, I can kill you in just a snap, so just shut your f*****g mouth, got that?" Cold na sabi niya pero sapat na para makapag pataas ng balahibo ko pero hindi parin ako nagpatinag. Kaagad kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa panga ko. "Oh easy mga pare, baka magkatuluyan kayo dito." Biglang sabat ni Grey. "Shut up!" Sabay na sabi namin ni Fier. "Tsk, what a fvcking start of my day." Sabi niya at nauna nang naglakad. Lumapit naman sila saakin. "Waaahhh!! Girl bongga ka! Ikaw palang 'yung sumagot kay Frost ng ganu'n!" Sabi ni Dana. "Dati na ba siyang naninigarilyo?" Tanong ko sakanila. "Kapag naisipan niya lang" Sabi ni Cloud. Napatango nalang ako. "Tara na nga, ang ganda dito ah." Sabi ko. Ang ganda kasi ng lugar eh, it's more like a paradise. Paradise kung wala ang bwiset na Fier na 'yun. Wala ring masyadong tao. "Teka lang, dorm 'yung kanina diba? So... nasa loob tayo ng Academy?" Tanong ko sakanila. Tumango naman sila. "Oo pero hindi kasama 'yung dorm namin sa ibang dorm, nakabukod 'yung dorm namin at doon sama-sama kaming lahat nina Frost. Iyan, yang malaking building na iyan, iyan ang Public Dorm at 'yung pinakamalaking building ay ang MD Academy at yun, yung mataas na bubong na 'yun ay ang stadium at yung malaking space ay ang Field" Paliwanag ni Bria, napatango nalang ako. Nung nakalapit na kami sa MD academy ay mas lalo akong nagandahan. Magical nga. May fountain din dito, may dalawang magkatalikudan na Dragon at naglalabas ng tubig, Magical din dahil kumikintab ang inilalabas na tubig na parang hinaluhan ng Pixie Dust. At alam na alam mo na malinis ang School, pero nakakalula ang laki ng Academy. "Sandali lang ah, saan 'yung sinasabi niyong Headmaster's Office?" Tanong ko sakanila. "Sa loob, 'yung pinakatuktok" Sabi naman ni Kryzer na ikinalaki ng mata ko. Seriously? "Nagpapatawa ka ba? Eh ang taas niyan oh!" Sabi ko sakanila pero bahagya lang silang tumawa. "Huwag kang mag-alala, Magical nga diba? Tingnan mo nalang." Sabi ni Shaye.  Tumango nalang ako. Nang nakapasok na kami ay dumiretso na kami sa isang Elevator? Teka, uso din pala ang Elevator dito. "Sigurado kayo? Baka sa taas ng building na to ma-stock tayo sa gitna." Sabi ko sakanila pero umiling lang sila at kinaladkad na ako papasok. "Waaaahh! Natatakot ako!" Hysterical ko. Nung makapasok na kami ay may pinindot si Grey at pumikit na ako. "Hoy Era! Nandito na tayo!" Napamulat ako, teka kakapikit ko palang ah? "Di ba kayo nagbibiro? Isang segundo palang nandun na tayo sa taas?" Sabi ko sakanila at biglang bumukas ang Elevator. "Lumabas kana tapos tingnan mo dun para makita mo kung gaano kataas ang kinatatayuan mo ngayon." Dana. Kaya lumabas na ako at dumungaw sa Railings. *gulp* Gusto kong masuka, nakakalula. Bumalik na ako sa pwesto nila habang hawak ko yung noo ko, nahilo ako. "P-pa-pano nangyari *hinga* yun?" Tanong ko. "Ano ka ba, Magical nga diba? Tara na nga." Sabi ni Fhreya at hinigit ako. Waaahhh! Gusto kong masuka. Pero ilang sandali lang nawala nalang bigla. "Ano ayos na?" Tanong ni Fhreya, tapos napatingin ako sa braso ko na hawak niya, oo nga noh? Nakahawak pala siya saakin kaya pwede niya akong mapagaling. Tumango nalang ako at nagpasalamat sakaniya. Pagpasok namin ay may isang babae na nakaupo sa isang Swivel Chair at nakatalikod. Teka, parang pamilyar siya ah? "Goodmorning." Sabay na sabi nilang lahat at napansin ko si Fier na nakaupo pala sa isang mahabang couch. Saan dumaan 'yun? "Frost 'yan na ba sila?" sabi nung sa tingin ko ay ang Headmaster nila. Pati boses pamilyar din. Ohmygod!! Sana hindi! Bigla naman siyang humarap. Parang naging slow motion ang lahat. Siya nga. "Beesssttyyyy!!!" Tili ko at lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit, napaiyak na rin ako. "Besty akala ko hindi na kita makikita." Sabi ko at napaiyak na rin, ramdam ko naman na niyakap niya narin ako. Humiwalay na ako sa yakap pero umiiyak parin. "I miss you Bessy." Ako habang umiiyak. Nakatingin lang siya saakin na parang sinusuri ako. Nang matigil na ako sa pag-iyak. "Isa kang elementalist Bessy? " Tanong niya.  "Teka, ikaw nga ba ang Bessy ko? Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip?" Kunot noong tanong niya. "Mas maganda ako saiyo." Sabi ko at bigla nalang siyang pumalakpak. "Ikaw nga!! Bessy ikaw nga! Hahaha, dahil ikaw, pagdating sa bagay na iyan, mahilig kang magsinungaling."  Napasimangot nalang ako sa sinabi niya. Bahala siya sa pantasya niya. Basta mas maganda ako sakaniya. "Ewan ko sakanila sabi nila nakita daw nila akong gumamit ng so-called Element niyo." Sabi ko at itinuro ang mga kasama ko. "Teka lang, hoy! Frost Fiery! Anong ibig sabihin nito?" Biglang tanong naman niya kay Fier. "Oo Elementalist siya at nakita namin 'yun, at isa pa buhay pa kaya siya hanggang ngayong kung tao lang siya? Ate utak naman oh." Nabigla ako sa paraan ng pagkakasabi ni Fier. Bipolar, kanina Cold at parang mangangain ng tao, ngayon parang kapatid na nakikipagbangayan sa Ate niya. Sinamaan naman ni Frist ng tingin si Fier. "Ok na! At Bess sorry ah dahil iniwan kita ng walang paalam, by the way ano palang ginagawa niyo dito?" Tanong naman niya kila Dana. "Registration po." Sabi ni Bria. Napatango naman si Bessy. "Ano bang Element niya?" Tanong ni Bessy. Tumingin naman siya saakin pero umiling ako. "Hindi niya alam na isa siyang Elementalist pero ang nakita kong ginamit ay something like Fire pero liwanag ang kulay." Paliwanag ni Fier. Naninibago talaga ako kay Fier, bakit parang ang bait niya? "Ahh, okay, since di niya pa alam gamitin ang Element niya, wala munang Examinition, ilalagay ko nalang siya sa Section niyo para mabantayan niyo siya." Sabi ni Bessy. "WHAT?! are you nuts Fristy Fiery?Baguhan at walang kaalam-alam ilalagay mo sa Legends?" Sabi naman ni Fier. Nalungkot naman ako. "Sino bang masusunod saatin ah? Sino Frost Fiery?" Taas kilay na tanong ni Frist kay Fier. "Tss." Sabi nalang ni Fier. "So It's all settled, bukas ka mag-uumpisang pumasok, bibigyan na kita ng uniform at, Frost alam kong may bakanteng room 'yung Dorm niyo dahil si Ama ang nagpagawa, doon siya!" Sabi ni Frist kay Fier. "Tss, I dont care." Sabi ni Fier at umalis na. Nagalit na yata. "Ah! sandali lang bessy, paano si Mommy? Wala siyang alam na nandito ako!" Sabi ko. "Ano? Wala pang alam si Mast- - ahh, si Tita? Ah okay sige ako nang bahala doon." Sabi ni Bessy kaya tinanguan ko nalang siya. "Hiramin ko muna si Era pwede?" Tanong naman niya kina Bliz. Tumango naman sila. "Bye babe, kahit 'di mo na siya ibalik." Sabi ni Grey. "Baka gusto mong maalisan ng anino?" Sabi naman ni Bessy. "Babye!! Salamat guys!" Sabi ko naman sakanila. "Bye Era! Hintayin ka nalang namin doon." Sabi ni Fhreya kaya tinanguan ko nalang siya at ngumiti, bigla naman sumigaw si Bessy. "GREY! KUNG AKO SAYO AAMIN NA AKO! MAY MANLILIGAW PA NAMAN 'YAN!" Sigaw ni Bessy kaya napatawa nalang kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD