"Hubby!" Mabilis na lumapit si Mariz Kaye sa asawa na namimilipit sa sakit. Agad namang nagbigay daan ang tatlo. "A-Ano ang ginagawa mo rito, Wifey?" nakuha pang tanong ni Luther sa kabila ng sakit na sumasalakay sa kaniya. "Sinundan namin kayo ni Daddy. Aksidenti raw na narinig ni Tata Osme ang usapan ninyo. Maaga kang nawala sa bahay kaya't hinanap kita at iyon ang sabi ni Tata. Bakit ka ba kasi sumugod dito?" sagot at tanong ni Mariz. "Oh ikaw pala, Miss Mondragon. Yeah, I remembered you anyway. You're the theater owner that came to approached us more than a year ago in Left Wing Jail. So kayo pala ng ambisyusong iyan ang nagkatuluyan," patuya niyang sabi. Alam naman niyang ito ang napangasawa ng mortal niyang kaaway. Sa narinig ay napatingin si Mariz sa lalaking halatang naghahari-