"What did you just say? Me? Can't enter the office?" Nakaturo ang palad ni Luther sa sarili. Hindi siya makapaniwalang kahit siya ay ayaw papasukin ng mga guwardiya. Buong akala niya ay ang mga kaibigan lang niya ang ayaw at pinagbabawalang papasukin pero maski siya ay hinarang. "Yes, Sir. Pasensiya ka na, Sir, pero sumusunod lang ako sa utos," tugon ng guwardiya. Nauumawaan niya ang punto nito. Kagaya lang niya ito na nagnanais magtrabaho. Isang dekada rin siyang namamasukan sa trabaho niya bilang team leader ng BAKAL NA REHAS. No more, no less. Maraming beses na siyang inalok for higher position or promotion pero masaya na siya sa grupo niya na naging best of friends niya and later as his sworn brothers. Ang hindi lang niya maunawaan ay ang rason ng nag-utos dito na harangan silang g