"Why, bro? I mean why you turned your back before the meeting started?" trainee Roi asked. "I'm sorry, bro. Pero hindi ko talaga maunawaan kanina ang sarili ko. Bago pa tumunog ang bell para sa general meeting ay talagang nabibingi na ako sa kabog ng aking dibdib," pahayag niya. "Pero okay ka na ba, bro? Aba'y ngayon lang kita nakitang ganyan simula pa noong unang tapak natin dito sa grupong ito. Kung gusto mo ay dadalhin ka namin sa clinic," saad naman ni Lewis. Pero umiling-iling siya. Totoong hindi niya maunawaan ang sarili dahil sa nakakabinging kabog sa kaniyang dibdib. Subalit ayaw niyang nabibigyan ng special treatment. Alam niyang nag-aalala lamang ang mga kaibigan at grupo niya subalit oras na sundin niya ang suhestiyon ng mga itong magpadala sa klinik ay mas maraming tao ang m