"Saan ka pupunta, Pareng Mundo?" Hinarangan niya ang kaibigan dahil hindi pa umiinit ang puwet nila sa bahay ni Curly Boy ay tumayo na naman ito. "I'm afraid mga, Tol. Mukhang iba na ang naisip ni Pareng Luther. Pupuntahan ko si Sir Jolbon, baka sakaling may alam siya kung nasaan ang kaibigan natin," tugon niya pero hindi man lang pinagkaabalahang lingunin ang kausap. "Ha? Paano kung nandoon ang bosabos kuno?" muli ay tanong ni Ron. Sa narinig ay napaismid siya. Wala siyang pakialam kahit nandoon ito. Tama naman ang punto niya. So, bakit siya matatakot kung nandoon ang taong naging dahilan nang pag-alis nila dati ng kaibigan niya. Matagal na siyang nakakahalata sa boss nila. Iyon nga lang ay wala siyang proweba, pero ngayong narinig na nila mismo ay may dahilan na siya upang kausapin ng