Sa pagamutan kung saan itinakbo ng magkakaibigan si Luther. "Tol, kumusta na kaya siya sa loob?" Palakad-lakad siya dahil hindi mapakali. "Iisa lang ang sagot namin diyan, Tol, hindi namin alam. Hintayin natin ang doctor na umasikaso sa kanya," tugon ni Ron. "Opps! Huwag mo kaming tingnan ng ganyan, Pareng Mundo. Pare-parehas lang tayong naghihintay dito sa labas kaya't hindi natin alam kung ano ang kalagayan niya." Nakataas ang palad na sansala ni Bong bago nagtago sa likuran ni Ron. Paano naman kasi! Nasa alanganing sitwasyon na silang lahat pero nakuha pa nila ang magbiruan. "Tsk! Tsk! Wala talaga kayong pinipiling lugar oo. Tinawagan n'yo na ba si Boss Jolbon? Sigurado akong hindi pa, sa hitsura n'yong iyan ay halatang wala pa kayong hakbang." Napailing tuloy si Mundo dahil sa da