"May balita na ba kayo kung nasaan ang manugang namin?" tanong ni Clarence kay Jhay-R. "Sad to say pero wala pa. Huwag kang mag-alala dahil hindi kami titigil hangga't hindi namin siya nahahanap," tugon naman nito. Sa narinig ay napabuntunghininga siya, tuloy ay napatingin sa kaniya ang kausap. "Alam mo ba, balae, sa lahat ng manugang ko ay si Luther na yata ang sumalo lahat sa hirap. I mean, siya ang pinakamalala ng pagsubok na pinagdadaanan. Ang pamangkin mong si Agatha, si Tommy, ay mayroon ding hirap na tinahak bago sila nakapag-settled down. Pero itong si Luther, mula noon hanggang sa kasalukuyan ay naghihirap pa rin. Naisip ko tuloy, balae. Hanggang kailan kaya siya hahabulin ng paghihirap? Wala na ba silang panahong mag-asawa para lumigaya?" aniya. "Don't say that, balae. Ikaw n