"B-Boss?" Napatingin ang tatlo sa kaniya ng pinatigil niya ang gamit nilang sasakyan. "Huwag n'yo akong tingnan ng ganyan." Kibit-balikat niya. Alam naman niyang nag-aalala lang sila para sa kaniya. Pero gusto rin niyang makasama ang mag-ina niya ng payapa. Kaya't nais na niyang wakasan ang sigalot nila ni Skyler. Nagkusa siyang sumugod dito, ipinain ang sarili para matuldukan na ang lahat. Dahil kung magpatuloy sila sa ganoong set-up ay ganoon din ang kalalabasan. Walang hanggang gantihan at pasakitan. "Wala sa usapan natin ito, Boss. Talaga bang wala ng halaga ang buhay mo sa iyo? Aba'y hindi ka pa nga gumaling ng tuluyan ah," saad ni Bong. "Pare naman, aba'y isipin mo rin sana ang mag-ina mong naghihintay sa pag-uwi mo. Maari namang kami na lang ang kikilos para sa iyo. We can be yo