FEW days later... "Good morning, Mommy, Daddy, may bisita pala kayo. Akyat na lang muna kami ni Sean, mamaya na lang kami bumaba," ani MK. Hindi naman kasi niya akalaing may bisita ang mga magulang niya. Hindi tuloy siya nakapag-ayos, wala namang masama sa suot niya kaso pambahay. At isa pa ay mukhang kagalang-galang ang mga ito. "Same to you, Hija. Good morning to you and our grandchild. Pero hindi kami ang may bisita kundi kayong mag-ina. Nagkataon lamang na kami ang nandito kaya hinarap na muna namin. Come here, Mariz anak." Tinapik ni MaCon ang katabing upuan tanda ng pagpapaupo sa anak. "Tama ang Mommy mo, anak. Kayong mag-ina ang may bisita kaya halika na rito. Mamaya niyan eh magwawala ang FLYING DRAGON mo," nakangiti namang saad ni Clarence. Wala siyang maunawaan, paano nangya