"Curly Boy, tara na," tinig ng kaibigan niya. Napakasuwerte siya dahil lumaki man siyang walang nakagisnang pamilya ay may mga kaibigan siyang laging nasa tabi niya. "Sige, Pare, baka hindi siya lalabas sa garden ngayon. Babalik na lang ako mamayang hapon baka sakaling makita ko sila ni Sean," tugon niya pero ang mata ay nakatutok pa rin sa tahanan ng mga biyanan. Araw-araw niyang pinagmamasdan ang mag-ina niya mula sa malayo kaso nang umagang iyon ay wala siyang nakita. Naisip tuloy niya na baka may karamdaman sila. Lalakad na sana siya palapit sa mga kaibigan ng sumenyas si Mundo. Agad siyang bumaling sa itinuro nitong direksyun. "Ano'ng ginagawa ni Sir Jolbon dito? Aba'y hindi naman siya pulubi upang makipag-almusal sa bahay ng may bahay?" may pagtataka niyang sambit. Kahit kailan,