SOUTH AFRICA "Mama, bakit po nila tayo dinala rito?" tanong ng dose anyos na si Keith Wesley sa ina. "Bad sila, Mama. Isusumbong ko silang lahat kina Kuya Luther at Kuya Kwanchai Kris. Sila ang papatay sa mga bad guys, Mama. I saw them killings those passengers!" ngitngit namang saad ni Mayure Kaye. Tuloy! Hindi malaman ni Mariz Kaye kung ano ang isasagot sa mga ito. Dahil bukod sa wala naman talaga siyang maapuhap na salita upang sagutin sila ay nag-aalala na rin siya. Ikatlong araw na silang nasa bansang kinaroroonan. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa Africa sila. Bukod sa puro disyerto ang nakikita nila ay ang salita ng mga abductors. "Hoy, kayong tatlo! Kung ayaw ninyong kayo ang isunod kong patayin ay huwag kayong daldal nang daldal!" sigaw ng isa sa mga bantay. Maaaring sa wika