"Ngayong tayong dalawa na lamang ang nandito ay magsalita ka, Pare. Aba'y ako ang naguguluhan sa inyong dalawa. Ano ba kasi ang sinasabi ninyong problema?" tanong ni Aaron sa kaibigan nang silang dalawa na lamang. "Embrace yourself first, Pare. Dahil sigurado akong magugulat ka rin sa aking sasabihin," tugon pa nito kaya't mas kumunot ang kaniyang noo. "Okay lang ako, Pare. Ngunit kahit tumanda na tayo sa edad ay kilala mo akong may maiksing pasensiya. Ngayon kung ayaw mong tuluyang maging kulot-kulot ang ugali ko ay magsalita ka na," aniyang muli. Maaring hinamig muna nito ang sarili. Dahil napahinga ito ng malalim bago muling nagsalita. Iyon nga lang ay talagang hindi na nakulot ang ugali niya kundi mukhang mauunat ang curly hair niya dahil sa pahayag nito. "Ang eroplanong sinakyan n