CHAPTER THIRTY-SIX

1006 Words

"Ano ang ginagawa mo rito?" sabayang tanong ng magkakaibigan nang malingunan ang ampon ng Big Boss nila. "Ganyan na ba ang pagtrato ninyo sa anak ng Boss natin? Aba'y sa pagkakaalam ko ay tauhan kayo ni Boss Jolbon, so ibig sabihin ay under kayo kay Sir Sky," taas-kilay na sabi ni Romano. Kaya naman ay nagkatinginan ang tatlo. Ayaw rin naman nilang makagawa ng eksena sa pagamutan kaya't kahit mabigat ang dugo nila rito ay hindi na lang nila pinatulan. "Nasa loob pa ang Doctor kaya't hintayin mong makalabas sila ng mga nurses kung gusto mo siyang makita," ani Mundo. Kitang-kita niya(Mundo) sa sulok ng mga mata niya ang pagtutol ng dalawa niyang kaibigan lalo at hinihintay nila ang asawa ng kapatid nila. Pasimple na lamang niyang ipinahiwatig na huwag patulan ang kakitiran ng utak nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD