FEW months later... "So, ano ngayon ang plano mo, anak? Ibig kong sabihin ay tapos na ang pag-aaral mo sa sekondarya. Sa pasukan ay kalehiyo ka na. Itutuloy mo pa ba ang iyong planong pag-aaral sa bansa?" isang hapon ay tanong ni Mariz Kaye sa anak na si Luther. "Yes, Mama. Dahil hanggang ngayon ay wala pa tayong balita kay Kuya Sean. Ilang buwan na rin po ang nakalipas simula nang tumakas siya sa kulungan. Subalit wala pong resulta sa paghahanap ninyo sa kaniya," tugon ng binatilyo. SA naging sagot ng ikalawang anak ay hindi na rin nagdalawang-isip si Aaron Sud na pumagitna. Ayaw din naman niyang kamuhian ng iba niyang anak ang kanilang panganay. Dahil lamang sa misunderstanding. Nasa kalinga pa rin ito ng kaniyang ama kahit pa sabihing isa itong lihim. "Son, if that's your reason of