"Ngayong nakabalik na sa Thailand ang mga anak at apo natin ay nais ko nang itanong sa iyo kung ano ang masasabi mo sa kanila," ani Ginoong Clarence sa asawa habang sila ay nasa balkonahe sa hapong iyon o ang araw nang pagbalik ng pamilya Xavier sa Thailand. "God will forgive me, Honey. Pero sa palagay ko ay maagang namulat ang mga bata sa daang kanilang tatahakin. We were surprised by our son in-laws escapades way back then but he was on the right age already. Subalit sa mga apo natin ay masyado pa silang bata upang danasin ito," tugon ni Ginang MaCon. Kaya naman ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. Ngunit sa kaisipang maaring danasin din mga apo nila ang pinagdaanan ng kanilang manugang ay unti-unti ring naglaho ang ngiting nakabalot sa mukha niya. "Akala ko ay mga asal