ERICKA DEL CARLOS POINT OF VIEW
BINUKSAN ko ang cabinet sa unit na ito ni Zenrick at tumambad sa akin ang maraming polo at pantalon na nakasabit dito.Kumuha ako ng isa at nakita ko pa na may tag ang mga damit, halos lahat dito at bago pa at naluma na lamang ng panahon. May taste naman pala si Zenrick noong bata pa siya, sabi nang aking malikot na isip.
“Achoo!” napabahing ako at tumulo ang sipon. “Bakit kahit nakakadiri ka, ang hot mo pa rin tingnan?” biglang sumulpot sa Zenrick sa loob ng cabinet kung nasaan ang mga damit at tumititig sa akin na para bang libang na libang siya sa sipon kong tumutulo.
“Aaah!” sigaw ko sa kaniya at nasara ko ang cabinet ng malakas.Tumulo na yung sipon ko sa lapag at nandidiri kong pinunasan yun ng basahan sa lapag. Agad namang tumagos si Zenrick mula sa cabinet.
“Bakit ka ba pasulpot-sulpot ha?” tanong ko sa kaniya.
“Parang hindi ka na nasanay, eh lahat naman ng multo pasulpot sulpot.” Sagot niya sa akin. “Sinipon ka na dahil sa ulan kanina. Hiramin mo na ‘yang damit na ‘yan saka ka magbihis.Magpalipas ka na lang ng gabi dito.” Saad niya sa akin at naupo siya sa upuan na nakapwesto malapit sa kama.
“Sigurado ka?Mukhang bago pa itong gamit mo eh,”
“Matagal na akong patay, hindi ko rin magagamit ‘yan kaya gamitin mo na.Pupunta lang ako sa kusina nito baka may pagkain doon na hindi pa expire na pwede mong kainin,” sabi niya sa akin at saka siya nagdis-appear ulit. Kaya iyon, nagbihis ako gamit ang damit ni Zenrick.Wala pa naman akong dalang pera para makauwi sa amin, tapos hindi ko pa alam kung paano ko ipapaliwanag kay Ate na ayaw kong mawala ang third eye ko sa pwersadong paraan.
“Ericka!” sigaw ni Zenrick at muli siyang sumulpot sa harap.
“Aysus maryosep Zenrick!” sigaw ko sa kaniya at tumawa siya sa akin. “Nakakita ako ng chips doon sa December pa mag-i-expire, kunin mo na at ng makakain ka!”sabi niya sa akin at saka ako tumayo pero nanlambot ang paa ko at muntikan akong matumba mabuti nahawakan niya ako.
“Nasalo na naman kita for the nth time,“ sabi niya sa akin.
“Napagod lang ako kaya nanlambot ang paa ko,” saad ko sa kaniya at muli siyang ngumiti.
“Aminin mo na Ericka, Kinikilig ka kapag sinasabi kong meant to be tayo no?” tanong niya sa akin at saka siya kumindat sa akin.
“Mandiri ka nga Zenrick, kahit na kailan hindi ako kikiligin sa multo no!” sabi ko sa kaniya at inilapit niya ang mukha niya sa akin.
“Talaga? kahit gawin ko ito?” tanong niya sa akin at sobrang lapit na ng labi niya sa akin.
“Kahit ano pang gawin mo? Hindi ka naman tao para makaramdam ako ng kilig sa’yo! Kilabot ang nararamdaman ko sa’yo.” Sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang braso ko nagsisitayuan kasi ang balahibo ko pero mas inilapit pa niya ito.
“Eh pag ginawa ko ito, kikilabutan ka ba?” sabi niya sa akin at dinikit niya ang labi niya sa pisngi ko.Nanlaki ang mga mata ko at muntikan akong mapatalon sa ginawa niya at saka niya inilayo ang labi niya.Pakiramdam ko nanigas ang laman ng pisngi ko pero nag-iinit ang buong pisngi ko.
Napahawak ako sa pisngi ko.“Anong ginawa mo?” malakas kong sigaw at nagtatakbo-takbo ako sa paligid ng kama niya kulang na lang ay pumasok ako sa ilalim ng higaan niya.
Nagtatawa naman si Zenrick sa akin. “I kissed you,” sagot niya sa akin.
“Wag kang overacting diyan. Hindi naman kita sa labi hinalikan, Ericka,” sagot niya sa akin at sumulpot siya sa harap ko para tumigil ako.“Pero sa inaakto mo ngayon, parang gusto na rin kitang halikan sa labi mo,” sabi niya sa akin at saka niya ini-snap ang fingers niya.
Namatay ang ilaw at biglang tumunog ang CD player na nasa kwarto niya, isang soft jazz music at hinawakan niya ang kamay ko.“A-ano bang pinagsasabi mo Zenrick? Ikaw ha namimihasa ka na pinagtitripan mo na ako!” sambit ko sa kaniya pero tumawa lang siya sa akin.
Nag-play ang isang bagong kanta at napalingon siya doon kasunod ng pagkunot ng noo. “Bakit pamilyar’ yung music sa akin?” tanong niya sa akin at lumapit siya sa CD Player na iyon.Sinundan ko naman siya hinahawakan niya ang CD pero hindi niya mahawakan ito, tumatagos ang kamay niya kaya naman ako na ang kumuha.
“Ito oh,” sabi ko sa kaniya at tiningnan niya iyon may mensahe doon na nakasulat.
Listen to these songs that I wrote for you, hope you can dance with this and still remember my love for you - Magenta
“Sino ba si Magenta, Zenrick? Bakit parang halos lahat dito may kinalaman sa kaniya?” tanong ko sa kaniya pero humawak lang siya sa sentido niya at hindi sumagot saka siya naglaho at hindi nagpakita sa akin ng buong gabi.
***
WALA pa ring Zenrick na nagparamdam sa akin kinabukasan kaya ako ay umalis na lang sa unit niya.Nilakad ko hanggang sa makauwi ako sa bahay namin. Pagpasok ko nakita ko si Ate na nandoon, nakaupo siya sa upuan at halatang wala pa siyang tulog.
“Saan ka ba nanggaling ha? Bakit hindi ka umuwi agad?” tanong niya sa akin at lumapit siya para yakapin ako.
“I’m sorry ate kung tumakas ako,” bulong ko sa kaniya at saka ako napayuko.
“Naiintindihan kita, masyado kitang na-pressure kahapon dahil sa natakot ako mapahamak ka dahil diyan sa third eye mo.” Sabi niya sa akin at inayos niya ang buhok ko.
“Pero alam mo naman diba? Hindi ka nagkaroon ng matinong pagkabata dahil diyan sa third eye mo Ericka, gusto ko naman magkaroon ka ng matinong buhay,” sabi niya sa akin.
“Pero ate kahit ano namang gawin natin hindi nawawala ito. Mahirap lang tanggalin at nakakatakot, pakiramdam ko mababaliw ako sa tuwing sinusubukan nating tanggalin to kaya nagpanggap na lang ako na natanggal ito. I’m sorry.” Sabi ko sa kaniya at saka ako yumuko.
“Naiintindihan kita, pasensya na rin kung naging hard ako sayo kahapon, pero sana alagaan mo ang sarili mo at huwag kang papayag na pasukin ka ng mga kaluluwa dahil baka hindi na sila lumabas sayo, tandaan mo iyan ha?” sabi niya sa akin at saka niya yinakap ng mahigpit.Napangiti ako dahil sa hindi masyado nagalit ang aking Ate sa akin.
****
KINABUKASAN ay pumasok ako sa school para atupagin ang finals namin.Wala pa rin akong balita na kahit na ano kay Zenrick, nakakamiss rin pala ang kakulitan niya. Siguro inaalala niya kung sino siya kaya ganon. Tulungan ko kaya siya? Pero pangalan lang namanniya yung alam niya eh. Nasa goole kaya ang pangalan niya? “Tanya!” tawag ko sa kaklase ko at tumingin sa kaniya.
“Hi!” sagot niya sa akin habang nakangiti.
“Pwede bang pagamit ng internet mo, may titingnan lang ako?” tanong ko sa kaniya. “Oh sure, here's my phone,” sabi niya inabot niya ang Iphone 6s niya sa akin saka ko hinanap sa google ang pangalan ni Zenrick.
Zenrick St. Croix, 23 a ballet dancer went missing and was presumed dead by the police.
Ballet dancer siya, kaya pala may Jazz music yung nasa player niya, pati yung mga display CD’s niya puro jazz eh. Tiningnan ko ang details pero walang nakalagay. Ito lang?” sabi ko sa sarili ko.
“Ano ba ‘yang hinahanap mo ha?” Tanya asked me.
“Wala lang, may kilala ka bang ballet dancer na Zenrick St. Croix?” tanong ko sa kaniya at saka siya nag-isip ng saglit. “Parang familiar siya, I think my brother knows him. Noong bata kasi ako my brother took ballet lessons siguro narinig na niya ang name na iyan. I'm going to ask him soon,” sabi niya sa akin at saka siya mahinang ngumiti.
“Naku, salamat Tanya ha?” sabi ko sakaniya.
“Wala lang iyon, just ask me if you need some friendly help,” sagot niya sa akin at binalik ko na ang phone niya sa kaniya.“Nasaan ka na ba?” tanong ko sa sarili ko at saka bumuntong hininga.
“Missed me?” bigla siyang sumulpot sa harap ko.
“Zenrick! saan ka nanggaling?!” malakas kong tanong at nagkatinginan lahat ng classmates ko sa akin even Tanya na nakakunot pa ang noo niya.
“Ah, wala lang ‘to. Huwag niyo lang akong pansinin!”
“Chill, namasyal lang ako kagabi,” saad niya sa akin at saka siya umupo sa tabi ko. “Umalis ka kaya bigla matapos mong mabasa yung note sa CD,” sagot ko sa kaniya.
“Wala naman akong pakialam sa note, hinanap ko lang yung music para kasing familiar,” sagot niya sa akin at saka siya ngumiti.
“I researched about you, kaya siguro familiar yung music sa’yo kasi isa kang ballet dancer,” sabi ko sa kaniya
“Yuck! Am I gay?” malakas niyang tanong sa akin. “Ericka wag kang magbanggit ng nakakatakot na bagay ha? kinikilabutan ako,” sagot niya sa akin.
“Oo nga, nakita ko. Ballet dancer ka na nawala years ago, presumed dead ka na ng pulis.” Sabi ko sa kaniya at lumabas kami sa classroom nagtitinginan pa rin ang mga classmates ko sa akin.
“Ang weird talaga niya,” sabi ng isa kong classmate.
“Oo nga eh kaya wag na lang natin siyang pansinin.” Sagot naman ng isa.
“Edi wag niyo siyang pansinin. Meron naman siyang hot ghost friend na magiging boyfriend niya!” sabi naman ni Zenrick at kinaltusan niya yung dalawa nagtakbuhan naman sila sa loob matapos maramdaman iyon.
“Ano bang pinaggagagawa mo?” tanong ko sa kaniya.
“Ayokong may nang-aaway sayo,” sagot niya sa akin at naglakad kami sa school hanggang sa marating namin ang school park.Tumayo kami sa likod ng isang puno kung saan may lalaking parang nagtatago at wala naman pakialam sa amin.Nakaputi ang lalaki at may hawak siyang cellphone at ang lalaking iyon ay hindi tao, isa siyang engkanto dahil sa nakapaligid na essence na palipad-lipad sa paligid niya.
“Pero Zenrick kung nawawala ka? Nasaan ang katawan mo?Baka yun yung dahilan kung bakit hindi mo naaalala kung sino ka! Baka ikaw na yung case number 3 ko,” sabi ko sa kaniya.
Umiling siya sa akin. “Kuntento na ako sa title ko bilang hottest amnesiac ghost in the Philippines.” Sagot niya sa akin at may narinig kaming cellphone na tumunog at doon sa lalaking nakaputi.
“Tama ba yung nakikita ko?” tanong ko kay Zenrick.
“Alin? Yung kagwapuhan ko? Tama naman nung tumingin ako sa mirror kanina, hot pa rin naman ako,”
“Hindi ikaw, yung engkanto may cellphone.” Sabi ko sa kaniya at tinuro ko yung lalaking nakaputi. Sobrang tangkad niya at gwapo rin siya, parang 6 footer at hindi siya mukhang pinoy, parang Español nga eh. Ang mga engkanto kasi ay mga nilalang na ubod ng kisig at gaganda.
“Sosyal ha? Ako nga gwapong multo, walang cellphone eh,”
“May katawan kasi sila, eh ikaw wala kaya kahit mang snatch ka ng phone wala kang pag-asa.”
“Alam ko, kaya puso mo na lang ang bibihagin ko eh. I’ll snatch it to make it my property,” sagot niya sa akin at saka siya kumindat.
Namula naman ako dahil doon.“Naku naman Zenrick, magtino ka nga!” saad ko sa kaniya at muli naming tiningnan yung lalaki, nilapitan na rin namin siya.
“Hello!”bati ko sa kaniya.
“Hi!” sagot niya at saka siya natigil at tumingin sa akin. Nanlaki pa ang mestizo eyes niya dahil sa shock na shocked siya.
“Nakikita mo ako?” tanong niya sa akin at tumango ako sa kaniya. “Oo, saka nitong multo sa tabi ko,” sabi ko sa kaniya.
“Teka, hindi niyo dapat ako nakikita ah! Sigurado naman ako na invisible ako sa mga tao! Naku, paano kung makita niya rin ako?” tanong niya at nagpupumilit siyang magtago sa puno.Tinago niya ang kalahati niyang katawan habang nakasilip pa din ang ulo niya.
“May third eye ako kaya kita nakikita, huwag kang mag-alala hindi ka nakikita ng iba pwera na lang kung may third eye din sila o gusto mong makita ka nila.” Sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti.
“Talaga? Aba ay ligtas ako, nako hindi pa naman ako handa na makita niya,” sabi niya sa akin at muli siyang sumilip ng maayos.
“Sinong makakakita sayo?” tanong ko naman sa kaniya.
“Siya…” sagot niya at tinuro niya ang isang babae na nakaupo sa bench malapit sa may puno. Maganda ito at may hawak na cellphone at tumitingin tingin din sa paligid na parang may hinihintay.
“Siya? Bakit ka takot na makita niya?” tanong ko sa kaniya.
“Eh kasi baka matakot siya sa akin kung malaman niyang engkanto ako,” sagot niya sa akin.
‘So, yung babaeng 'yan ay gusto mo?” tanong ko sa kaniya at parang nanigas siya.
“Ssshhh! Wag kang maingay baka marinig ka ng ibang engkanto,” sabi niya sa akin at lumayo kami sa mapunong lugar
“Hindi ko siya gusto, mahal ko siya,” sabi niya sa akin at saka mahinang ngumiti.
Muling tumunog ang hawak niyang cellphone at nakita ko na parang may tinatawagan yung babae na may hinihintay.
“Tumatawag na siya, anong idadahilan ko?” sabi niya sa akin at nagkatinginan kami ni Zenrick.
“Sa tingin ko yung case number 3 natin ay magiging love file,” sabi niya sa akin at natawa na lang ako sa kaniya.
“Tutulungan ba natin 'yan? sa tingin ko kaya naman niya ang sarili niya,” sabi ni Zenrick sa amin.
“Oo naman, saka hindi naman siya nakakatakot tulad ni Ms. Andrea. Para lang s’yang isang tao na inlove,” sagot ko sa kaniya at tumingin yung engkanto sa akin.
“Tutulungan ako?” tanong niya sa akin at saka ako ngumiti sa kaniya.