VI. Albularyo

3011 Words
ERICKA DEL CARLOS POINT OF VIEW HINGAL ako ng hingal matapos naming magtatakbo ni Zenrick.“Wala na ba sila?” tanong ko sa kaniya at tumango siya sa akin.“Hindi pa natin nabayaran yung groceries,” saad niya sa akin. “Okay lang 'yom nasa akin pa man ‘yung pera natin. Lipat na lang tayo ng grocery, ang mahalaga may mauwi akong pinamili.” bulong ko sa kaniya habang hingal ako ng hingal. Ang init pa naman.“Paano natin makakausap ang Mama ni Ms. Andrea?” tanong sa akin ni Zenrick ng mahimasmasan na kami. “Hindi ko alam, hindi na rin tayo makakabalik sa grocery na ‘yon dahil baka banned na tayo. Paano ba natin makakausap yung Mama niya?” tanong ko sa kaniya “Well, we need Ms. Andrea at kailangan mapaniwala na natin ang parents niya Asap dahil kung hindi, lagot, mababalewala ang lahat,” sagot naman niya sa akin. Nagdesisyon muna kaming mag grocery at umuwi sa bahay ng bandang maghahapon na, dinahilan ko na lang na tumambay ako sa bookstore kaya ako nalate ng uwi. Hindi naman nagalit si Ate Ria sa halip natawa lang ito. “Ericka, magbihis ka aalis tayo today. OMG!” sabi ni Ate Ria sa akin at saka ako napatingin sa kaniya.“Aalis? Saan tayo pupunta ate?” tanong ko sa kaniya. “Bonding? ang tagal na ng huli tayong kumain sa labas. Punta tayo sa bagong mall na bukas yung Robinsons Magnolia. Bili tayo ng maraming damit, madami akong pera ngayon,” excited n’yang saad sa akin. “Kailangan pa ba natin ng bonding ate? Eh sa mall kas--” “Hay naku! hindi pa kita nakikita na nagsasaya Ericka, saka mula ng mawala ang third eye mo hindi pa tayo nakapagbonding. Sige na magbihis ka na ha? aalis na tayo,” sabi ni Ate Ria at tuwang tuwa pa siya. Pumunta kami sa mall na sinasabi niya. Napakaganda nung mall pero ang dami namang kaluluwa doon, puro mga kaluluwa ng mga nurse at mga doctor. Siguro ay dating hospital ito. “Tara doon tayo mamili ng damit sa Mango.” Aya sa akin ni Ate at pinilian niya ako ng bagong pantalon. “Bagay siguro sayo yung uso ngayon ano? Yung punit punit, tapos partneran mo ng off shoulder na blouse na kulay puti,” sabi ni Ate sa akin at kumuha siya ng damit.Laking gulat ng may lalaking mumu na may malaking mata ang nagtatago pala sa manequin. “Ericka, alin dito ang gusto mo?” tanong ni Ate sa akin, hindi ako agad nakasagot. “Ano na? Bibilhin ko para sayo! Bili rin tayo ng sapatos mo Ericka!” sabi niya sa akin. “Ericka! Ano na?” tanong ni Ate sa akin. “Mas bagay sayo yung nasa kanan, ang hot mong tingnan kapag iyon ang suot mo,” sabi ni Zenrick at kumindat kindat pa siya sa akin, napatalon naman ako sa biglaan niyang pagsulpot. “Pwede ba bago ka magpakita wag kang manggugulat? Ipapaalbularyo kita, gusto mo?” sigaw ko sa kaniya at tumawa lang siya sa akin. “Ericka, ano bang pinagsasabi mo? sinong sumusulpot? Ako ba? Grabe ka ha! Ililibre na nga kita ipapaalbularyo mo pa ako,” sabi ni Ate sa akin. “Eh ate hindi ikaw yun, yung ipis  kasi biglang sumulpot,” pagdadahilan ko kinindatan naman ako ni Zenrick. “Manahimik ka,” mahina kong bulong sa kaniya. “A--ah, kala ko ako eh, oh! anong gusto mo dito?” tanong ni Ate sa akin. “Ate, iyan ang gusto ko!” sagot ko sa kaniya at tinuro ko ang isang damit na nasa kamay rin n’ya.  “Bakit iyan ang pinili mo? Alam mo dapat bikini ang bibilhin mo eh, sexy mo pa naman tapos pag magkasama tayo. Isang gwapo at sexy, ang perfect siguro nating ting-- aray!” nasampal ko kasi siya para tumahimik. “Tumahimik ka diyan, bubuhusan kita ng holy water,” bulong ko ulit sa kaniya. “Perfect naman for summer yung sina-suggest ko eh. Saka sexy ka naman talaga eh,” saad niya sa akin.Bahagya akong namula dahil sa pinagsasabi niya sa akin at saka niya ako hinarang at nilapit niya ang mukha niya sa akin. “Kung buhay pa siguro ako, I might mistaken you for a d**g. Nakakaadik ka kasi lalo na kapag namumula ka,” sabi niya sa akin at kinagat niya ang labi niya mas lalo akong namula dahil doon. “Paano kaya kung matikman ko na yung labi mo noong buhay pa ako? Baka ikaw siguro ang naging dahilan ng pagkamatay ko.” Bulong niya muli sa akin. “Patay ka na fyi kaya please, magbagong buhay ka na kasi hindi ka gwapo,” sagot ko sa kaniya. “Ericka, ano pa bang hinihintay mo, isukat mo na tong damit na 'to,” sabi ni Ate at inabot niya sa akin ang damit.Nag-smirk si Zenrick sa akin at sumunod, sinamaan ko siya ng tingin at binulungan ng wag kang susunod sa akin. Pati sa loob ng fitting room ay susunod ang loko sa akin. “Titingnan ko lang naman kung baga--” natigil siya sa pagsasalita dahil parehas kaming may narinig na pamilyar na bagay. “Our boutique is doing well Mrs. Del Torre,” nadinig ko ang apelyido na iyon at napalingon ako.Nakita ko ang ina ni Miss. Andrea at nasa likod niya ang espirito ni Miss. Andrea na bumubulong bulong, sa tingin ko kinuumbinsi niya ang ina niya. “Bakit lahat ng mall o grocery na mapupuntahan ko nandito yung Mama niya?” tanong ko kay Zenrick. “Baka dahil may franchise sila dito, bigtime sila Miss. Andrea diba?” tanong niya sa akin at may nakita siyang isang dress.“Bagay 'to sa'yo,” sabi niya sa akin. “Isukat mo to next ha?” saad niya sa akin at ngumiti siya. “Halos lahat naman yata dito bagay sayo,” sambit niya muli sa akin. “Miss. Andrea,” bulong ko at lumingon siya sa akin. “Kailangan na akong mapakinggan ni Mama, sorry Ericka ngunit pahiram muna ng katawan mo,” sabi sa akin ni Ms. Andrea at naramdaman ko na lang na may pumasok sa aking katawan. “Ericka!” sigaw ni Ate Ria pero hindi na ako makalingon pa, nawalan na rin ako ng ulirat. ∞∞ (RIA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW) “ERICKA!” nagtatakbo ako sa kapatid ko ng makita ko siyang nawalan ng malay. “Tulong please?” saad ko agad na lumapit ang matandang babae sa akin. “Anong nangyari sa kaniya hija?” tanong niya sa akin.”Nahimatay po siya eh,” sagot ko at saka ko inalalayan ang kapatid ko. “Aahhh….” huminga ng malalim si Ericka at gumising siya. “Mom,” sabi niya sa matandang babae na lumapit sa akin. “Mom, it's me. Andrea,” muli niyang saad dito. “Ericka, Ericka, gumising ka Ericka,” saad ko at inaalog alog ko siya, nasapian ang kapatid ko. Matagal nang hindi nangyayari ito sa kaniya dahil sa nawala na ang third eye niya. “Anong sinasabi mo Miss? Matagal ng patay ang anak kong si Andrea,” saad ng matanda. “It's Henry, he killed me Mom,” saad muli nito sa kaniya at bumangon na ito.”Ericka is right, totoo yung sinasabi sa Grocery the other day, It's Henry who killed me and not Gerald Mom,” saad nito. “Anak ko, Anak... Sigurado ka ba?” tanong ng matandang babae sa kaniya. Tumango ang kapatid ko sa kaniya at lumuha ulit. “Naniwala ako kay Henry and I put your lives into danger. May balak si Henry na kunin ang mga shares ko sa kumpanya. He had an affair with Krystal and she knew that Henry killed me pero pinagtakpan niya si Henry.” pagkwento ulit ng kapatid ko sa kaniya. “Tita, naayos ko na yung problem with our Sta. Lucia b*a--” “Ikaw! You killed me!” sigaw ni Ericka at sinugod niya ang lalaking dumating, pinaghahampas niya ito. Hindi ko na napigilan ang kapatid ko, may ibang gumagamit ng kaniyang katawan. “Iwan mo na ang katawan ng kapatid ko,” sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa akin. “Just a little while, Ericka knows who I am. She let me use her body,” saad niya at muli niyang pinagsasaktan ang lalaki. Matagal ng bumalik ang third eye ng kapatid ko, paano niya to nilihim sa akin “Hayop ka Henry, naniwala kami ng asawa ko sayo!” sigaw ng matandang babae at pinigilan na si Ericka ng ilang guards. “Naniniwala ka diyan Tita? That girl is a disturbed girl, she's not Andrea!” sagot naman ni Henry. “Oo hindi nga siya ako, pero ako si Andrea. Ako mismo ang nasa katawan niya at ‘di ako aalis dito hanggang sa ‘di ka nabubulok sa kulungan at hanggang wala pang hustisya ang pagkamatay ko!” saad niya dito nakita ko kung paano mag-iba ang titig ng aking kapatid. Puno ito ng galit. “Ericka…” I heard a male voice, binubulong niya ang pangalan ng kapatid ko. I saw a pure white glow walking towards her. It was a relaxing white glow more like an angel or a savior. “Alam ko na ang anak ko ang kausap ko ngayon Henry at magbabayad ka sa ginawa mo. Makukulong kayo ni Krystal sa pagtraydor niyo sa kaniya!” saad ng matanda at kinuha ng mga gwardya ang lalaking iyon. Nakita ko kung gaano naging payapa ang mukha ng kapatid ko. “Mom, Mom I'm sorry,” saad muli nito at tumingin siya sa matandang babae. “Andrea, wala ka dapat na ihingi ng tawad ha? Kami ang dapat mong patawarin kasi wala kaming nagawa nung nawala ka,” sabi nito sa kaniya. “You've done enough Mom, and I'm proud of it. Sorry kung hindi pa talaga ako namayapa. I need justice and Ericka helped me. Thank her for me can you?” She asked her. “Oo naman anak ko, I will do that personally with your Dad. I miss you Andrea,” sabi nito at yinakap niya ang kapatid ko. “I need to leave Mom. I love you….” saad ng kapatid ko at ngumiti ito. Pumikit siya at saka nawalan ng malay. Before my sister could fall into the ground, a white glow caught her nilapitan ko agad ang kapatid ko at inalog siya para gumising. “Ericka!” pagalit kong sigaw sa kaniya at minulat na niya ang mga mata niya. “Ate,” wika niya sa akin. Agad ko siyang hinila patayo. “Uuwi na tayo,” sabi ko sa kaniya. Hindi ako papayag na bumalik ang third eye ng kapatid ko, masyado siyang pinapahirapan nito at kung pwede lang dadalhin ko siya sa albularyo para mawala ito, kahit s*******n na. Ayokong maging weirdo ang kapatid ko, ayoko siyang habang buhay na matakot. “Ate, saglit,” sabi niya sa akin. “Anong saglit?” tanong ko sa kaniya ng tuluyan siyang humiwalay sa akin. “Kailan ka pa ulit nakakakita ng multo ha? Kailan mo pa ba ako niloloko at tumutulong ka kanila? Nahihibang ka na ba?” tanong niya sa akin. “Ate, hindi naman sa gano'n pero mas lalo lang nila akong hindi titigilan kung di ko sila tutulungan?” saad niya sa akin. “Ikaw ang hindi nakakaintindi Ericka! Sinisira mo ba ulit ang buhay mo?!” sagot ko sa kaniya at hinila niya ako sumakay kaming dalawa ng taxi. “Dadalhin kita kay Ka Isko at papatanggal ko na ang third eye mo kahit pilitin pa kita!” pagalit kong saad sa kaniya.Umangal pa siya sa akin pero hindi na siya nakatanggi pa at bumiyahe na kami papunta sa Albularyo. ∞∞ “ATE, ayoko! Hindi ko ipapaalis ang third eye ko!” Sabi ko sa ate ko ng marating namin ang lugar kung saan ang albularyo. “Teka itatakas kita! Aalis na lang tayo!” sabi ni Zenrick sa akin kanina ko pa siya kasama mula ng magising ako e kanina pa niya ako hindi nilulubayan. “Hindi pwedeng mawala ang third eye mo? Nahihibang ka na ba?!” tanong niya sa akin. Umiling ako sa kaniya nabigla ako ng hindi siya nakapasok sa bahay nung Albularyo. “Ericka! Ericka!” sigaw niya sa pangalan ko at pinilit niyang makapasok. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong ng Albularyo. “Ipapatanggal ko po ang third eye ng kapatid ko,” sabi ng ate ko at pinaupo niya ako sa harap ng matandang manggamot. “Hindi ko magagawa iyon…” saad ng manggamot sa kaniya. “Bakit naman? Natanggal niyo na dati ang third eye ni Ericka, kaya niyo ulit tanggalin 'to,” saad ng ate ko sa albularyo. “Hindi mo dapat ikatakot ang abilidad ni Ericka, dapat mo itong ipagpasalamat,” saad ng albularyo at tumingin siya sa kay Zenrick na nasa labas ng bahay nito tapos nang pumitik siya ay biglaang nakapasok si Zenrick. “Hija, dati may isang anghel na nawalan ng kaniyang puting pakpak, makikita mo siya ulit at ibabalik mo sa kaniyang ang nawalang bagay na ‘yon.” “Anghel at pak-pak, manong?” tanong ko sa kaniya. “Ibabalik mo siya sa kaniyang dating buhay. May dahilan ang diyos kung bakit ka naging ganiyan. Mahalin mo ang abilidad na ‘yon at makikita mo ang pagiging espesyal mo,” sagot niya sa akin. Muling ngumiti si Ka Isko kahit na gulong- g**o ako sa mga sinasabi niya. “Huwag kang matakot sa iyong abilidad dahil tutulungan ka niyan na mahanap ang anghel na ‘yon. Nakita mo na siya pero nababalot siya ng kadiliman. Kadiliman na pinangako mong tatanggalin mula sa kaniya.” Saad niya sa akin, naalala ko tuloy ang aking panaginip. May kinalaman ba ‘yon sa aking panaginip? “Kadilimang tatanggalin ko? Manong, ‘di naman ako charitable person saka wala akong naalalang pinangako kong gano’n sa kahit na ano.” “Iyon ay dahil natatago ‘yon sa kaibuturan ng puso mo.” Ang weird ni Manong Isko. Binaling ko ang tingin ko kay Zenrick at kitang- kita ko ang desperasyon niya. He wanted me out of here as much as I want too.“Halika na, itatakas na kita…” sabi niya sa akin at kinuha niya ang kamay ko. Nagpahila naman ako sa kaniya. “Ericka, saan ka pupunta?” tanong ng ate ko sa akin pero nagtatakbo na kami palabas, ang third eye ko ayokong mawala ito. Para sa akin mas gusto kong nandito lang ang third eye ko. Natatakot akong alisin siya kasi lahat ng nakakatakot na bagay pagdadaanan ko masara lamang ito. Mas gugustuhin ko na magpanggap na walang nakikita o kaya tumulong na lang. Mas gugustuhin ko pa na magkaroon ng isang kaibigang multo kesa mawala ito. Tumigil na lang kami ni Zenrick ng makalayo na kami sa bahay ng albularyo. “Akala ko papayag ka na hindi na ako makita,” sabi niya sa akin. “Papayag ba naman ako na mawala to? Eh mas mahirap nga pag tinanggal to e” sabi ko sa kaniya. “Bakit naman mahirap?” tanong niya sa akin habang naglalakad kaming dalawa. “Nakakatakot, mas gusto ko na sana kusa na lang magsara. Kaya pagtatiyagaan ko na lang na makakita ako kesa masara to ng pwersahan.” Saad ko sa kaniya at mahina akong ngumiti. “Ibig sabihin ba no’n, okay lang sa'yo kahit guluhin kita ng guluhin?” tanong niya muli sa akin. “Ano pa bang magagawa ko? eh ginugulo mo na ako saka wala ka namang ibang ghost friends kaya ako na lang friend mo.” “Bakit wala ka rin namang human friends ha? kaya dapat ako, lang din ang friend mo,” saad niya sa akin at kumindat pa siya sa akin. “Oo na, no choice naman ako eh,” sabi ko sa kaniya at nakaramdam kami ng patak ng tubig. “Umuulan,” sabi niya sa akin, nagsitakbuhan ang mga tao papunta sa silong at kami naman ni Zenrick ay tumakbo din. Naglaro kami sa ulan na parang bata, Hindi ko akalain na maeenjoy ko ang araw na ito kasama ang isang multo na medyo mayabang, gwapo at may sayad sa utak. “Lamig,” sabi ko sa kaniya. “Nilalamig ka na. Magkakasakit ka kung nandito ka sa labas. Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya sa akin. Naisip ko si Ate Ria, nahihiya ako sa kaniya dahil sa tinakasan ko siya. “Ayoko muna…” saad ko sa kaniya. Pero hindi ka pwede dito sa labas, mapapahamak ka saka umuulan malamig baka magkasakit ka at maging mumu din,” saad niya sa akin at sinubukan niya akong payungan gamit ang mga palad niya pero hindi gumana iyon. “Okay lang, may waiting shed naman dito sa gilid  bukas na lang ako uuwi” sambit ko sa kaniya. “Alam ko na, may naalala akong lugar. Puntahan natin?” tanong niya sa akin at muli niya akong hinatak. Naglakad kami dahil wala namang choice, hindi ko kaya lumutang at magteleport na parang multo. Kahit pagod na ako hindi ko ramdam yun kasi nakakawala ng pagod kasama si Zenrick. “Nandito na tayo,” sabi niya sa akin at huminto kami sa harap ng isang condominium building. “Anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kaniya.”Minsan kasi naalala ko tong lugar na to, kaya dadalhin kita dito para kasing pwede ka dito,” sagot niya sa akin at pumasok kami doon, sinundan ko siya at pumasok kami sa elevator. “Pindutin mo yung 4,”utos niya sa akin at ginawa ko nga iyon. “Bahay mo ba 'to?” tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat siya. “Ewan ko,” sagot niya sa akin at huminto kami sa isang unit na may numerong 88, may pindutan din doon ng passcode. “May password,” sabi ko sa kaniya. “Subukan mo nga yung 1294,” sabi niya sa akin tiningnan ko siya. “Sigurado ka ba? Kapag nag-error tayo dito, makukulong tayo.” sagot ko sa kaniya. “Ikaw lang naman eh, multo kaya ako hindi ako makukulong kung sakali,” sagot niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Muntikan ko siyang ilubog sa sahig nung mga oras na iyon pero pinindot ko na lang ang numero at tinanggap nga ito ng system. “Wow, paano mo nalaman yun?” tanong ko sa kaniya. “Got feels?” he asked me back at pumasok kami sa loob nun. bumungad sa akin ang napakagandang Condo unit. Masyadong formal ang dating nito at sa gitna ay may litrato ng isang lalaki na walang T-shirt na tila ba ay isang modelo. Tiningnan namin ni Zenrick ang litrato ng maigi. “Zenrick, ikaw ito,” sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa picture. “Mas gwapo naman ako diyan, tingnan mo yan oh mukhang unggoy,” sabi niya sa akin at lumapit siya doon sa picture.Tiningnan ko ang buong lugar at nakita ko na may ilang parte na sobrang maalikabok tapos lumapit ako sa isang litrato na nandoon. Puno ito ng alikabok at hinipan ko ito. Picture ulit ni Zenrick. “Talaga bang hindi mo alam ang lugar na ito Zenrick? Unit mo yata ito noong buhay ka pa eh?” tanong ko sa kaniya at binasa ko ang note sa likod ng picture.   November 9, 2008 Zenrick Adel St. Croix Happy birthday love! See you soon. -Mr.Black’s Magenta   “Siguro, hindi ko naman na naalala yung buhay ko noong buhay pa ako. Maybe this is mine,” sagot niya sa akin at tinitigan niya ang litrato na hawak ko. “Kalahating foreigner ka siguro no? Bakit medyo sunog ka?” tanong ko sa kaniya. Ang itim kasi niya tapos St. Croix ang apelyido niya. I mean Moreno siya nearing sunog. Hahaha, ang mean ko. “Niloloko mo ba ako?” umiling ako bilang sagot sa kaniya, mamaya palayasin niya ako dito e. Muli niyang tiningnan ang picture at binasa niya ang nakasulat do’n. “2008? ang tagal ko na palang patay,” saad niya sa akin. “Ang tanda ko na pala,” dagdag niya ulit sa akin at pinatabi niya ang litrato na hawak ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD