VIII. Textmate

2021 Words
“HINDI ko naman kailangan ng tulong.” Sabi sa amin ng engkanto na nakaputi habang nakaupo kami sa ilalim ng puno. muling tumunog ang cellphone n’ya kaya na naman bigla s’yang nataranta. “Hala na, ayan na naman siya,” sabi niya muli sa amin at sinagot niya ang tawag pero hindi siya nagsasalita saka niya madaling pinatay ang cellphone niya. “Hindi ba talaga?” tanong ko sa kaniya “Hindi, kaya ko na ‘tong mag-isa.” Sabi niya sa amin pero nanginginig pa rin siya. “Eh parang problemado ka eh, natotorpe ka no?” tanong ni Zenrick at pinakita niya ang ghost smirk niya na feeling hot kahit hot naman talaga tingnan. ”Ako? Torpe hindi ha? Nahihiya lang ako,” pagtanggi niya sa akin at saka niya kinusot ang ilong ko. “Torpe nga,” sagot naman ni Zenrick. “Hindi nga ako torpe eh!” pagtanggol niya sa sarili niya at saka niya muling tiningnan ang babae. “Natatakot lang ako sa magiging reaksyon niya, paano kung malaman niya na yung secret admirer niya engkanto pala. Magugustuhan pa ba niya ako?” tanong niya sa amin at nabalot ng lungkot ang mukha niya. “Tol, gwapo ka naman pero mas gwapo pa rin ako sa’yo. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa, saka hindi mo pa naman sinusubukan eh. Matakot ka kung binasted ka kasi mahirap mag move on.” Sagot naman ni Zenrick sa kaniya tumingin naman ito sa amin. “Kahit kailan talaga ipaglalaban mo 'yang kamunduhan mo tungkol sa kagwapuhan mo ano?” tanong ko sa kaniya at saka ako tumawa. “Kung alam ko lang, eh nag-uwi ka ng isang litrato mula sa unit ko,” sagot niya sa akin at namula ako ng sobra sobra. “Hoy! Sobrang maalikabok na ng mga picture mo! Bakit naman ako mag-uuwi no'n eh mukhang unggoy ka naman doon?” pagdepensa ko sa sarili ko. Pero oo, nag-uwi ako ng maliit na picture niya. Pero hindi ko naman tinititigan lagi ‘yon. Pag gabi lang tapos may time ako. “Kasi nga gwapo ako, matalas ang jawline ko, tapos moreno, matangkad, dream guy mo pa nga hindi ba?” tanong niya sa akin at itinaas niya ang kilay niya saka siya nag-disappear at biglang sumulpot sa harap ko. Nakalagay ang braso niya na parang kino-corner niya ako sa puno at saka niya inangat ang baba ko para matingnan ako sa mga mata ko. “Teka-- teka hindi totoo 'yang sinasabi mo,”sabi ko sa kaniya. “Come on Ericka, mula ng niligtas kita sinundan na kita, kaya wala ka ng malilihim sa akin. Let's talk about over shower sometime baby, and let's turn you fantasies into some action.” Saad niya at gumamit pa siya ng raspy voice niya. Gusto ko tong buhusan ng Agua bendita o kaya paluin ng buntot ng paging at ng mawala na.Ipagdasal ko na kaya ang kaluluwa nito? Agad akong tumakbo at tumagos pa ako sa kaniya, sobrang goosebumps tuloy ang meron ako tapos tinawanan lang niya ako. “Heh! Maghanap ka ng ibang mahahanap mo sa networking!” sigaw ko sa kaniya at muli siyang tumawa.Napatingin ako kay Marciel na hindi naman kami pinapansin dahil nakatitig pa rin siya doon sa babae. “Ako nga pala si Ericka tapos itong kasama ko si Zenrick, multo siya na may amnesia.” Pagpapakilala ko sa kaniya at inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. “Kinagagalak kong makilala kayo, pero bawal akong makipagkamay sa tao.” Sabi niya sa akin at tinanggihan niya ang kamay ko. “May OCD yata 'to,” bulong ko kay Zenrick. “Hindi, wala akong OCD, for safety lang ‘to. Nasa rules kasi yun sa mundo namin. Bawal kaming makipag-usap sa mga tao o kahit na magkaroon ng kahit na anong komunikasyon sa kanila kaya mas maigi ng hindi ako makipagkamay sa inyo. Saka noted naman ang existence niyo,”sagot niya sa akin at saka niya kinamot ang ulo niya. “Gano’n ba?” tanong ko sa kaniya. Tumango siya bilang sagot sa akin. Bakit may mga engkanto o kaya maligno pa rin na grabe kung makakapit sa mga tao? Minsan inaanakan pa nila tapos sinasama sa mundo nila. “Ako nga pala si Marciel,” pagpapakilala niya sa sarili niya. “Matagal tagal ko na siyang nakakausap gamit itong cellphone, ang dami ko ng alam tungkol sa kaniya. Napakasaya niyang kausap at napakaganda din niya,” pagkwento niya sa amin habang nakatingin siya sa babaeng iyon. “Lapitan mo na kaya, makipagkilala ka na sa kaniya sa tingin ko lagi ka niyang hinihintay diyan,” sabi ni Zenrick sa kaniya. “Baka mamaya magsawa 'yan,” dagdag pa niya dito at saka ko siniko si Zenrick. “Ano bang pinagsasasabi mo? Pinapakaba mo naman siya eh,”sita ko sa kaniya.Muling tumingin si Marciel sa kaniyang cellphone. “Aalis na daw siya kasi may klase pa siya,” saad niya sa amin at muli siyang naupo. “Bakit mo pa kasi siya kinaibigan kung ayaw mo naman na makilala ka niya?” tanong ko sa kaniya. “Kasi natatakot nga ako, paano kung naging magkakilala kami tapos hindi ko na siya mapakawalan pa?” tanong niya sa akin. “Mas maraming mawawala sa'yo kung hindi mo susubukan Marciel. Mas masasaktan ka kung mawawala siya sa iyo ng hindi mo man lang siya nakikilala,” sabi naman ni Zenrick sa kaniya.“Kaya ako, hindi ko na pinapakawalan yung mga bagay na meron ako,” dagdag pa ni Zenrick at saka siya tumingin sa akin. Iniwasan ko naman ang tingin niya at tumingin ako sa babae. “Paalis na siya,” sabi ko sa kanila pero hindi na namin napigilan yung babae at tuluyan ng umalis. Bumalik na si Marciel sa loob ng puno niya at ako naman nagfreak-out na kasi dumating na si Ma'am at nagsisimula na ang exam namin. Mabuti naman at natapos ko ang exam dahil madali lang ito. Si Zenrick naman ay naghintay sa labas habang dinadaan daanan lang siya nung babaeng multo na laging nagroronda sa hallway. “Grabe kang multo ka, talo mo po ang nabubuhay kung makapag-pressure ka.” Bulong ko dahil sa hindi ko makalimutan ang mga pinaggagawa niya kanina. Siguro playboy ito nung nabubuhay pa dahil sobrang taas ang tingin niya sa kagwapuhan niya.Sabagay, gwapo naman talaga siya kahit na sinong buhay  ay magiging crush siya.Minsan naiisip ko, swerte ko rin at nakakakakita ako kundi hindi ako magkakaroon ng kaibigan na tulad niya gwapo nga, multo naman. *** LUMIPAS ang ilang araw pero gano'n pa rin si Marciel, hindi talaga siya lumalapit sa babaeng iyon, nahihiya siya at natatakot. “Paano kaya natin siya makukumbinsi na kausapin yung babae?” tanong ni Zenrick sa akin habang magkasama kami sa park ngayon, vacant hour naman at kainan din ng lunch kaya tumambay muli kami sa ilalim ng puno kung saan parang kapreng nakasilip si Marciel sa babaeng iyon.Magkatext sila at kitang kita mo ang kilig sa mukha nito. “Oh, tinatanong pala niya kung saan ka oh! Magpakita ka na,” biglang sumulpot si Zenrick sa harap ni Marciel. “Grabe talaga kayong mga ligaw na kaluluwa kung makasulpot e parang kabute! “ saad niya. “Mabuti naman may nakakaintindi na sa struggles ko,” saad ko sa kaniya. “Atleast hindi ako nakakatakot, kahit pasulpot-sulpot ako gwapo pa rin ako,” saad ni Zenrick at hinawakan niya ang mukha niya.  Napailing na lamang ako sa kapal ng apog nito. “Marciel, pwede mo bang enkantohin 'to?” tanong ko at tinuro ko si Zenrick.Bigla namang naglaho yung gago, natakot yata sa tanong ko pero sumulpot ulit siya matapos ang dalawang minuto. “Seryoso kasi ako magpakita ka na sa kaniya,” saad naman ni Zenrick. “Ano namang sasabihin ko? Paano kung matunugan niya na di ako tao?” “Puro ka kasi takot eh, talo mo pa yung nakakakita ng multo. Itong babaeng ito may third eye pero hindi takot, ikaw wala pero takot ka,” saad ni Zenrick sa kaniya. “Hindi mo naiintindihan, hindi ako tao at ngayon nagmamahal ako ng tao.” “Naiintindihan kita, buti nga ikaw mag pag-asa pa na makasama siya, eh ako?” tanong ni Zenrick at saglit siyang tumitig sa akin. “Ano?” tanong ko sa kaniya at saka siya nag shrug ng shoulders niya. “Sabihin mo lang, ako si Marciel yung ka-textmate mo,” sabi ni Zenrick. “Matapos no'n, anong mangyayari?” tanong niya sa akin. “Matutuwa ka, hindi ka na kakabahan. Tapos makakausap mo na siya, hindi na basta sa text kundi maririnig mo na ang boses niya. Malalaman mo na kung ano pa ang gusto ng puso niya,” sabi ko sa kaniya at sumandal ako sa puno. Inayos ni Marciel ang sarili niya and with a second the magical essence around him disappeared. He appeared normal, his aura became simple. “Ayan, pwede na akong makita ng tao. Makikita na n’ya ako…” sabi niya sa amin at tinuro ko yung babae.Dahan dahan siyang naglakad palapit sa babaeng iyon. Nang nakatayo na siya sa harap ng babae, tumingin ito sa kaniya.Kami naman ni Zenrick ay lumapit sa kanila para mas mapakinggan ang mga pag-uusapan nila. “You did a good job to convince him,” sabi ko sa kaniya. “Ang galing mo mag-isip nang dahilan ha?” dagdag ko pang tanong sa kaniya pero nakatingin lang siya sa akin, matagal siyang tumitig sa mga mata ko.  “Bakit may dumi ba yung mukha ko?” tanong ko sa kaniya pero ngumiti lang siya at binalik ang tingin kay Marciel. “Anthara Jane?” tanong niya at ngumiti ang babae, damang dama ko ang saya niya ng makita niya si Marciel. “Ikaw ba si Marciel?” tanong niya at tumayo ito. Dahan dahan na tumango si Marciel. “Finally, I've met you,” saad nung babaeng nagngangalang Anthara at agad niyang yinakap si Marciel.Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito at tinulak niya si Anthara saka siya biglaang tumakbo. “Marciel! Saan ka pupunta?” tanong ko at ako naman ang biglaang sumulpot para habulin siya pero masyado siyang mabilis.Napatingin ako kay Anthara na sobra ang pagtataka ngayon. “Pasensya ka na ha? Kinabahan lang siya,” saad ko at hinabol ko siya hanggang sa likod ng puno. “Bakit ka ba umalis? Nandoon na oh!' gigil kong sambit  sa kaniya pero tinago niya ang katawan niya sa puno. “Niyakap niya ako, grabe yung puso ko parang lumabas sa dibdib ko baka mamatay ako kung yayakapin pa niya ako.” Saad niya sa akin at hinawakan niya ang puso niya. “Kasi nga in-love ka sa kaniya,” biglang sulpot ni Zenrick sa itaas ng puno kung saan nakatago si Marciel.  “Normal lang ba 'yon? Kasi pag magka-text kami ay ‘di naman gaanong malakas ang t***k nito pero nung niyakap niya ako parang abnormal na.” Tanong niya sa amin pero tinawanan lang siya ni Zenrick. “Oo, normal lang yun. Gano'n talaga kapag in-love. Malakas ang t***k ng puso mo, lagi mo siyang naiisip at masaya ka pag nangyayari iyon, gusto mo siyang makasama, gusto mo siya basta gusto mo siya.” saad niya at saka siya tumingin sa akin. Bakit ba ang dami nitong alam sa love e' multo 'to na may amnesia diba? Sabagay alam din naman niyang painitin ang pisngi ko sa paglapit lang ng kaniyang mukha sa akin. Muling namula ang pisngi ko dahil doon. “Balikan mo na ulit siya,” saad ni Zenrick sa kaniya. “Tama, babalikan ko siya at hihingi ako ng paumanhin,” saad nito at matapang siyang lumabas muli at lumapit kay Anthara.Sumunod naman kami at pumwesto sa hindi kalayuan sa kanila. “Bakit ka umalis? Hindi mo ba ako nagustuhan?” tanong ni Anthara sa kaniya. “Hindi ako napangitan sa'yo, sa totoo nga niyan eh mas maganda ka pa sa mga bulaklak na nakatanim dito.” sabi niya at nauutal utal pa siya, napangiti ako.Para lang siyang tao kung mainlove, nakakatuwang isipin na hindi lahat ng mga bagay na hindi nakikita ng mata ng tao ay nakakatakot dahil yung iba sa kanila nakakabighani. “Bakit ka ba nakatingin ng ganyan sa akin Zenrick?” tanong ko sa kaniya dahil kanina pa siya titig ng titig sa akin. “Na-realize ko lang na mali si Marciel,” sabi niya sa akin habang nakatingin pa rin tumingin ako sa kaniya “Mali siya? tungkol saan? sa pakikipagkita kay Anthara?” tanong ko sa kaniya. “No, mali siya nung sinabi niyang mas maganda si Anthara sa mga bulaklak.” saad niya sa akin, his voice was serious and it gave me shivers. A different kind of shivers. “Maganda naman talaga siya, ikaw judgemental ka ha? Ano ba ang standards mo ng ganda?” I asked him . “No, para sa akin mas maganda ka pa sa kahit na anong bulaklak. You are beyond Anthara's beauty, you’re beauty can ascend anything in this park, you are one of a kind something that I'd rather look into the whole day.” Sagot niya sa akin at awtomatikong napaawang ang aking labi saka namula ang aking pisngi,bigla ako napatalikod. Bakit ganito? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko dahil sa mga sinabi niya sa akin? Nakakainis ha? bakit ako kinikilig sa isang multo?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD