(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW)
HATING gabi ng magising ako dahil sa shower na nakabukas sa CR.Dinedma ko lang yun kasi akala ko si Ate lang ang naliligo pero nagtaka ako kung bakit parang 30 minutes nang bukas ang tubig. Bumangon ako at kilabot ang naramdaman ko. Sa tingin ko ay mayro'ng naligaw na multo sa aming banyo.
“Xingxing samahan mo ko sa CR,” sabi ko sa pusa ko at bumangon naman ito, nag-unat at naglakad palapit sa akin.
“Meow… Meow… Meow… Meoooowwwww…”saad niya at saka siya nahiga sa tabi ng paa ko.
“Samahan mo nga ako doon at h’wag kang matulog ulit.” Utos ko sa kaniya pero tumihaya lang ito at ‘di ako pinansin. Hay naku Xingxing selfish ka talaga, tusukin ko n*****s mo diyan eh.
“Xingxing! Samahan mo ako!” sigaw ko sa pusa ko.
“Meow!” sagot niya sa malaking boses saka niya ni flip ang hair niya. “Wala kang pagkain bukas. Bahala ka d’yan!” sagot ko naman sa kaniya at inirapan ko siya.
“Meow!” Sagot niya sa tono ng whatever pero wala, no choice ako, bumangon na ako at pumunta sa CR.Baka may multo sa CR namin.Nanginginig akong nag sign of the cross at saglit na nagdasal, dahan dahan kong binuksan ang pintuan
“Aaaahh!” sigaw ko ng makakita ako ng lalaking naliligo sa shower.
“Oh Hi!” sabi niya sa akin na parang wala lang mas lalo akong napasigaw habang nakapikit.
“Aaah!Sino ka? Magnanakaw ka!” sunod sunod kong sigaw at kinuha ko ang walis saka ko siya pinalo palo pero walang nahahampas yung walis.Napamulat ako at saglit na natutulala.
“Aray naman, naliligo lang ako ha!” sabi niya sa akin nanlaki ang mata ko ng makita ko si Zenrick na walang saplot sa ilalim ng shower.Napabuka ang bunganga ko ng makita ko ang katawan niyang may ibubuga naman para sa isang multo.
“I'm hot right?” tanong niya sa akin at tumingin ako sa kaniya.Pinatay niya ang shower at biglang sumara ang pintuan sa shower, napatalon ako sa gulat pero nanatili ang tingin ko sa kaniya.
“Bakit mo sinara?” tanong ko sa kaniya.
“Privacy, baka kasi may ibang makakita sa atin dito diba?” tanong niya sa akin saka siya nagsmirk.
“Bakit mo pa kailangang isara ang pinto?” nangangatog kong tanong sa kaniya.
“Saka bakit kailangan pa ng privacy eh multo ka naman?” tanong ko sa kaniya pero nagsmirk lang ulit siya sa akin.
Napalunok ako ng lumapit siya sa akin, inilapit niya ang mukha niya sa akin ng sobrang lapit. Kinilabutan ako ng sobra dahil lahat ng buhok ko taas at baba ay parang nagsitayuan.
“Ah!” napasigaw na lang ako ng hawakan niya ang baba ko tinakpan niya ang bunganga ko.
“Ssshhh.Hindi naman ako hard, Ericka. Pagdating sa ganoong bagay kaya ‘di mo na kailangang sumigaw. Pero pwede kitang pasigawin kung nais mo,”sabi niya sa akin.
“Ewwww! Ano bang pinagsasabi mo?!” tanong ko sa kaniya at binatukan ko siya ng sobrang hard.
“Awww! Ang sakit naman no’n! Nagbibiro lang ako, bakit mo ako binatukan?!” Sinungitan ko s’ya ng tingin.
“Bakit ka ba naliligo eh multo ka?!” tanong ko sa kaniya.
“Bakit porket ba multo wala ng human rights? Karapatan ko rin namang mabuhay kahit multo na ako,” sagot niya sa akin at ngumuso pa siya sa akin. Excuse ‘di niya kina-cute ang ginagawa niya.
“Aksaya ka kaya sa tubig mabuti sana kung nababasa ka talaga,” sabi ko sa kaniya.
“Ang baho ko na kaya, baka mamaya magreklamo ka na kasi nangangamoy na ako kaya naligo ako. Mawawalan ka ng dahilan para itakwil ako dahil mabango na ako. I’m irresistible when I’m wet,” sabi niya sa akin. Bwisit na lalaki ito, ang hangin talaga niya.
“Nababaliw ka na ba? Eh multo ka nga, isa kang mumu kaya hindi ka pwedeng maligo. Nakapaghubad ka nga hindi ka naman nababasa, anong kashungahan ba yun?” tanong ko sa kaniya.
“Oo na, oo na. Sorry na magbibihis na ako, nakalimot lang. Bakit ba kasing walang naimbentong Ghost rights, karapatan din naman naming maligo at kumain,” sabi niya sa akin.
“Hindi kumakain ang multo,” sagot ko sa kaniya at inilag ko ang tingin ko sa katawan niya. “Anong hindi, kumakain kaya ako pag gutom ako. Mahilig ako sa masasarap na pagkain parangikaw na nasa harap ko.” sagot naman niya sa akin at saka s’ya kumindat. Tinirikan ko siya ng mata dahil doon.
“Magbihis ka na nga, wag ka ng maligo diyan ha? Tataas ang bill namin sa tubig ng dahil sa useless na paraan. Magpapahinga na ako,” sabi ko sa kaniya at saka ako bumalik.
“Kapag ako nakacross over tapos nabuhay ulit kakasuhan kita, hindi mo nirespect ang ghost rights ko,” siga niya pabalik sa akin pero hindi ko nalang siya pinansin at bumalik ako sa kama ko kung saan nakatihaya si Xingxing. “Abuso ka sa multong katulad ko,” sabi niya sa akin.
“Manahimik ka diyan kung ‘di papatawag ako ng albularyo.”
“Wag naman, joke lang kahit abusuhin mo daily ang ghost rights ko, okay lang sanay naman na ako na laging sinasaktan, binabalewala, at di pinapansin. Multo nga lang ako pero, I still deserve to be treated right. Minsan naging tao--” sinamaan ko siya ng tingin.
“Joke lang, ito na. Maglalaho na, see you tomorrow na lang,” sabi niya sa akin at biglaan na siyang naglaho.Aba itong multong ito hindi pa pinatay ang tubig sa CR, bibigwasan ko to bukas promise!
***
KINABUKASAN, inutusan ako ni Ate Ria na mag grocery dahil sa nakuha na daw niya ang sweldo niya.Binigyan niya ako ng mga listahan ng bibilhin. “Bumili ka na rin ng mga pagkain na gusto mo…” sabi ni Ate sa akin.
“Opo Ate, saka ate paano kung walang chocolate flavor, bibili pa ba ako o hindi?” tanong ko sa kaniya.Nagpapabili kasi siya ng biscuit na digest na chocolate flavor daw.
“Huwag na, gusto ko lang yung chocolate eh, kung wala palitan mo na lang ng wafrets.” Sabi niya sa akin at ngumiti.Kukunin ko sana yung suklay pero nakita ko si Zenrick na nasa harap ko at pakindat-kindat pa.
“Umagang-umaga bwisit,” bulong ko at saka ko siya inirapan.
“Hala! Anong ginawa ko? Nung tumingin naman ako sa mirror eh gwapo pa ako, paano akong naging bwisit kung gwapo- gwapo ko?” tanong niya sa akin. “Gwapo daw e sunog naman…” I whispered.
Napailing na lang ako, “Sinong kausap mo diyan, Ericka?” tanong ni Ate sa akin.
“Wala po ate,” sagot ko sa kaniya.
“Ginugulo ka na naman ba ng mga multo ha? Ikaw sabihin mo nga sa akin ang totoo, para madala kita sa manggamot.” Saad niya sa akin, iyong experience ko sa manggamot eh sobrang nakakatakot, para ka kasing kinukulong sa kabaong na puno ng tinik.
Hindi ka niya ginagamot at mas lalong lumalala ang lahat kaya mas minaigi ko na magpanggap na hindi na lang nakakakita ng multo.
“Ate, wag kanang mag-alala,hindi na ako nakakakita ng multo,” saad ko sa kaniya at agad na akong nagpaalam para maaga akong makauwi.
“Bakit parang ayaw ng ate mo na makakita ka ng tulad namin?” tanong sa akin ni Zenrick.
“Kasi nakakatakot, hindi ka pwedeng mabuhay ng normal kasi nakakatakot,” sabi ko sa kaniya.
“Halata nga, 'yon ba ang dahilan kung bakit wala kang kaibigan?” tanong niya sa akin,tumango ako sa kaniya.
“Akala kasi ng mga kapitbahay namin noon ay may sayad ako sa utak kaya lumipat ako sa Manila pero ganoon din. Weird pa rin ang tingin sa akin,” sabi ko sa kaniya at mahina akong ngumiti.
“Kung siguro nakilala kita noong buhay pa ako baka naging magkaibigan tayo,” sabi niya sa akin.“Bakit naman tayo magiging friends? sa hitsura mong yan baka daanan mo lang ako,” saad ko sa kaniya.
“Hindi ko alam, siguro boring ang buhay ko dati. Kasi ngayon gusto ko ng adventure. Ang boring ko siguro dati,hindi katulad mo na interesting 'yon buhay,” sabi niya sa akin.
“Hindi mo ba naaalala yung buhay mo dati?” tanong ko sa kaniya.Saglit siyang natahimik na para bang nag-isip.
“Hindi, basta nung nagising ako ganito na ako, kaluluwa na. Walang alam, pagala-gala, naghahanap ng adventure!” sabi niya sa akin at bumuntong hininga siya.
“Pangalan ko lang ang alam ko, kaya minsan naiinggit ako sa ibang multo. Kahit nakakatakot sila may alaala silang pinanghahahawakan, eh ako? Gwapo nga may amnesia naman,” sagot niya sa akin.Napangiwi na lang ako sa sinabi niya sa akin.
“Hay, nakakadiri ka!” sagot ko sa kaniya at pumasok kami sa grocery.Sumakay pa siya sa malaking cart at nagtuturo ng mga pagkain na nasa listahan.
“Kumuha ka niyang quaker oats, masarap yan oh. Tapos ‘tong nesfit din na chocolate flavor. Papayat ka na nga tapos sobrang sarap pa,” sabi niya sa akin.
“Alam mo kung makapagturo ka parang kumakain ka!” sagot ko sa kaniya.
“Kapag naamoy ko ang pagkain parang nakakain na rin ako.Ialay mo sa akin yan ah,” sabi niya sa akin kaya napailing na lang ako.
“Baliw ba 'yon?” sabi ng isang babae na kasama ang kaibigan niya at pinagtatawanan nila ako.
“Tumahimik ka na nga lang, napagkakamalan na akong baliw eh,” sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa dalawang babae.
“Bakit,hindi ka naman baliw ah?” sabi niya sa akin at bigla siyang naglaho. Nakita ko na lang na nagteleport siya sa likod ng dalawang babae saka niya binagsakan ng kahon ng sabong panlaba.
“Aray naman! Aww!” iyak nung isa habang kinakamot ang bukol niya. Ngumiti naman si Zenrick saka siya tumabi muli sa akin.
“Bakit mo ginawa yun?” bulong ko sa kaniya.
“Para sila ang mabaliw,” sagot naman niya sa akin.Nabigla na lang ako ng makita ko si Andrea na nakalutang papasok ng grocery, sinusundan niya yung isang lalaki na naka uniporme na pang-opsina at parang nag-iinspect, agad ko siyang sinundan.
“Saan ka pupunta? Kukuha pa tayo ng chicken ribs at saka mga karne!” Sabi ni Zenrick. Nakita ko si Andrea na galit na galit na tumingin sa lalaking iyon, mamaya maya pa ay may babaeng tumabi sa lalaking iyon at naghawak sila ng kamay.
“Mga sinungaling,” saad niya. Damang dama ko ang sakit sa bawat luha na may kasamang dugo na nabibitawan niya. Muli ay sinundan niya ang dalawa, gano'n ang ginawa namin ni Zenrick.
“Miss Andrea…” tawag ko sa kaniya pero hindi siya lumingon, nanatili siyang nakatingin sa dalawa na nagpahuli sa mga staff niya.
“Gustong i-re-open ni Tito Elmer ‘yung case ni Andrea.” sabi nung babae sa kaniya.
“Krystal, ako na ang bahala doon. Hindi nila malalaman yung nangyari kaya wag ka ng mag-alala,” sabi nito sa kaniya.
“Yun na nga Henry eh, paano kung malaman nila na hindi talaga si Gerald ang pumatay kay Andrea. Paano kung magsalita 'yon?”
“Sinto-sinto 'yon kaya sinong maniniwala doon? Saka kung sakaling i-re-re-open ang case, sisiguraduhin ko na malilipat sa ating pangalan ang shares, bago mangyari 'yon. Bago pa man niya buksan ulit ang case, I'll make sure na nasa Paris na tayo that time. Just leave this to me okay?”he assured. Bumaba si Andrea at masamang tiningnan yung Krystal.
Siya siguro yung ex-bestfriend niyang ahas
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko, awa ang nararamdaman ko kay Miss Andrea. Kahit may nakulong nga sa pagkamatay niya, maling tao naman, tapos ang masama pa nito iyong mga minahal niya yung nagtraydor din mismo sa kaniya. Pupunta sana ako sa kinatatayuan nila pero hinihila ako ni Zenrick at huwag na daw muna.
“Wag ka nga! Mamaya ka na lang sumabat diyan at planuhin muna natin. Mukhang bigtime 'tong pamilya ni Ms. Andrea,” sabi niya sa akin.
“Ayoko nga, dapat makonsensya na sila. Umiiyak si Ms. Andrea oh!” saad ko sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin saka ko siya inirapan, hinila pa niya ako ulit pero hindi na ako nagpapigil pa at matapang akong sumugod sa gyera.
“Hoy! Sinungaling kayo!” sigaw ko at saka ako lumapit sa kanilang dalawa. “At sino ka naman miss?” tanong nung babaeng nagngangalang Krystal.
“Kaya pala hindi matahimik ang kaluluwa ni Ms. Andrea! Mga ahas kayo, pinatay niyo na nga siya eh gusto niyo pang perahan ang parents niya!” sigaw ko sa kanilang dalawa.
“Sino ka para pagbintangan kami ng ganyan ha?” mataray na saad nung Krystal.”Ako lang naman ang spokeperson ni Ms. Andrea at pupunta na ako sa parents niya, sasabihin ko 'tong kawalang hiyaan niyo!” sigaw ko pabalik sa kaniya.
“Chill lang, Ericka. Baka ipapatay ka niyan dito, magiging tatlo tayong multo dito,” sabi ni Zenrick sa akin.Tumingin ako kay Ms. Andrea at nakikita kong iyak na siya ng iyak. Nakakaawa siya.
“Anong nangyayari dito, Henry? Bakit may civilian sa main office?” sumulpot ang matandang babae na may maamong mukha, nanlaki ang mata nung Henry.
“Mom,” sabi ni Ms. Andrea at lumapit siya dito. “Please, Mom listen to me. Si Henry at Krystal ang pumatay sa akin Mom, please?” pagmamakaawa niya dito.
“Iyan pong lalaking iyan at 'yan! Sila po talaga ang pumatay kay Ms. Andrea! Hindi po yung Gerald. Si Ms. Andrea mismo ang nagtuturo sa kanila Ma'am. Maniwala po kayo!” sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa Henry na iyon.
“Is this true, Henry?” tanong ng matandang babae.
“Hindi po totoo iyon Tita, can't you see she is just a crazy girl? She's lying of course,” sigaw nito.
“Hindi siya ang sinungaling. Ma'am andito mismo si Ms. Andrea umiiyak siya, nakikiusap na makinig kayo. Iyang Henry na yan ang pumatay sa kaniya kasabwat yang tinuring niyang bestfriend!” sigaw ko pero may kumuha sa akin na security.
“Bitawan niyo ako! kundi sasabihin ko kay Ms. Andrea na takutin kayo!” sigaw ko sa security.
“Tita, ako ng bahala dito. Just don't mind this girl,” sabi naman nung Henry at inakbayan niya ang Mama ni Ms. Andrea.
“Ma, makinig ka kay Ericka please? Mama please?” pakiusap nito.
“Hindi ko siya pwedeng dedmahin, may sinasabi siya tungkol sa aking anak Henry!” sigaw nito kahit maamo ang boses niya at dama mo ang authority nito.”Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako! ano ba?!” sigaw ko sa security.
“Bitawan niyo nga si Ericka! Ako lang ang pwedeng humawak sa kaniya,” pagpupumilit ni Zenrick pero di niya mapabitaw ang security.Tumingin ito sa itaas at sumabog ang lahat flourescent light dahilan para biglaang magdilim.
“Ang galing ko ano? Galing ko magpasabog, obaryo man o ilaw,” saad niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Joke lang naman, obaryo lang naman madalas kong pinapasabog Ericka, wag ka!” dagadag pa niya sa akin. Gusto ko siyang ialay sa mundo sa ilalim at ng mabawasan ang hangin niya.Kinakaladkad na nga ako ng security tapos nagawa pang purihin ang sarili niya.
“Ayusin niyo agad ang light problems, we need to catch them,” sigaw ng Henry.
Them…. Teka, nakikita ba nila si Zenrick?
“Tara na Ericka!” saad ni Zenrick at hinila ang aking kamay.”Don't let them go! Bring them to me!” singhal muli ni Henry kaya napatingin na ako kay Zenrick. “Nakikita ka nila?” tanong ko sa kaniya pero masyado s’yang focus sa mga nangyayari.
“Bilisan mo na! Ako ang bahala sayo Ericka. Hindi ako papaya na mahabol ka n’ya!” sabi ni Zenrick sa akin at muling hinila ang kamay ko, at muli niligtas niya ako.
Nililigtas na naman ako ng isang multo. Hay naku Ericka! H’wag mong sasabihin na nafa-fascinate ka sa savior mong multo na feeling gwapo? Hoy, nasa panganib ka na, mamaya ka na maglandi pwede ba?