TUMINGIN sa akin ng ilang segundo ang kapatid ni Tanya habang nasa harap naman siya ni Zenrick at sinasamaan din siya ng tingin nito.
“Umayos ka Tanya,”sabi nito kay Tanya at saka niya inalalayan ito pero umiyak lang si Tanya at muling pinilit ang kuya niya na maniwala sa kaniya.
“Ano bang problema mo Zenrick?” tanong ko sa kaniya. “Niyayabangan ka niya eh, nayayabangan ako. Subukan ka niyang insultuhin ulit, itong flourescent light malalaglag sa ulo niya.” Sagot niya sa akin at saka na kami tumayo sinabihan ko siyang hayaan na lang pero hindi paawat itong si Zenrick.
Buong gabi ay wala akong balita kay Tanya, mukhang nagpapahinga na ito.
Habang nasa kwarto ako at nag-aayos ng mga gamit ko, nakaramdam ako ng kilabot na tila ba may nanonood sa akin. “Zenrick, ikaw ba iyan?” tanong ko at lumingon ako pero wala akong nakita ngunit nalipat sa likod ko ang kilabot na iyan.
“Akin ka, Akin ka na…” bulong nito at bigla akong nakaramdam ng hawak sa aking leeg.
“Aaaahhhh!!” malakas kong sigaw ng dumiin ang hawak na ito.Pinilit kong tumakbo pero sobrang diin ng hawak niya sa akin. Ito yun, ito yung itim na kung ano na gumugulo kay Tanya.
“Ericka,” sigaw ni Zenrick and he appeared in front of me. Agad niyang tinanggal ang kamay na iyon ang nagpakawala sa akin. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para umalis at magtago sa likod ni Zenrick.
“Akin na siya,” sabi niya sa akin.
“Walang sa'yo pangit, akin siya!” sabi naman ni Zenrick at pinilipit niya ang kamay nito. “Mas malakas ako sa'yo, hinding hindi mo ako matatalo.” Saad nito at agad niyang tinulak si Zenrick, nakita kong tumagos siya sa pader.
“Zenrick,” saad ko at nilapitan ko siya agad naman siyang bumalik. Tawa ng tawa ang itim na ‘yon. “Akin na rin siya at sa oras na ito, hindi mo na siya maliligtas katulad niya.” saad nito at lumabas ang sobrang itim na usok sa katawan nito. Itinaas niya ang kamay niya at agad akong nakaramdam na parang sinasakal ako.
“Ericka,” tawag ni Zenrick sa akin.
“Urgh--tulong,” bulong ko dahil sa pakiramdam ko mawawalan na ako ng hininga.
“Tulong! Ate! Ate!”sigaw ko at kinalampag ko ang pader dahil sa umaangat na ang katawan ko. Susugod sana si Zenrick pero pati siya ay sinakal nito.
“Bitawan mo ako!” sigaw ni Zenrick. Muli kong kinalampag ang pader at nakarinig na ako ng footsteps.”Ngayong inutil ka ay mas lalong hindi mo ako matatalo,” sabi niya kay Zenrick.
“Mapapasaakin din ang kaluluwa mo!” saad niya muli bumukas ang pintuan at nakita ko ang Ate na nanlalaki ang mga mata.
“Ericka!” sigaw nito at biglang naglaho ang maligno na iyon nalaglag naman na sa sahig at ubo na ako ng ubo.
“Diyos ko, ano bang nangyayari sa'yo ha?” tanong niya sa akin
“Bakit ka lumulutang sa ere?” tanong niya muli sa akin tumingin ako sa isang gilid at nakita ko si Zenrick na walang malay.
“Zenrick, gising!” sabi ko at nilapitan ko siya at inalog-alog.
“Gising! Gising,” sabi ko muli pero hindi siya nagrerespond sa akin.
“Zenrick!” sigaw ko at hinawakan ko ang mukha niya. “Sorry, napahamak ka dahil sa akin,” sabi ko sa kaniya at minulat niya ang mga mata niya at nabigla ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang batok ko at saka niya ako hinalikan sa aking labi.
***
“SIGURADO ka ba Ericka, hindi na kita kailangang dalhin sa albularyo?” tanong ng Ate Ria ko sa akin. Umiling ako sa kaniya habang tuliro ang isip ko. Hinalikan niya ako, nang matapos niya akong halikan ay biglaan siyang naglaho. Hit and Run ba ang peg nitong si Zenrick pero seryoso, bakit niya ginawa iyon?
“Ericka, seryosong pangyayari iyon baka mamaya kung ano ang mangyari sa'yo? Ito na nga ang inaalala ko kaya ayokong may third eye ka. Mapapahamak ka nang dahil diyan!“ pagsesermon niya sa akin pero hinawakan ko ang labi ko, bakit ramdam na ramdam ko pa rin ang pagdampi ng kaniyang labi sa akin?
“Ericka!” nagising ako sa sigaw ng Ate ko at napatingin ako sa kaniya.
“Ate, okay lang ako. Si Tanya ang nangangailangan ng albularyo dahil sa kaniya may pakay yung malignong umatake sa akin.” Saad ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga.
“Sabihan mo ang kaibigan mo na magpatingin na sa albularyo o kaya pari at ng tigilan ka na rin,” sabi niya sa akin at saka siya nagpaalam na dahil kailangan pa niya matulog. Napabuntong hininga na lang ako sa kaniya at saka ako nahiga sa aking kama.
Pero hindi ako nakatulog, kasalanan ito ng halik ni Zenrick.
Napabalikwas ako nang may kumatok sa kwarto ko, si Ate siguro tumayo naman ako para buksan iyon at pagbukas ko napaawang ang bunganga ko sa nakita ko. Si Zenrick? Himala, kumatok ata siya ng pintuan at hindi sumulpot na lang basta basta. Hindi ako nakapagsalita sa halip inilagan ko ang mga titig niya nang magtagpo ang aming mga mata.
“Sorry, yung sa kiss,” sabi niya sa akin.
“Bakit mo ba ako hinalikan?” tanong ko sa kaniya at dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya.
“I'm worried, I kissed you because I'm worried.Yeah, that’s it.” sagot naman niya sa akin.
“Kailangan mo pa ba akong halikan kung nag-aalala ka?” I asked him back at saka naman siya napakamot ng kaniyang ulo.
“Hindi, hindi ko rin alam basta nang makita kita nung binuksan ko yung mata ko. I felt the urge of wanting you, of touching you at pakiramdam ko mawawala lang yun kapag hinalikan kita,” sagot niya sa akin
“Im sorry if it offended you,” saad niya sa akin at saka siya tumalikod sa akin.
“Hindi naman ako na-offend, pero bakit?” sagot ko sa kaniya.
“Ang protective mo kasi kanina, bakit? You even risked your life for me,” I asked him.
“Wala na akong i-ririsk Ericka, patay na ako,” sagot niya sa akin at mahina siyang ngumiti sa akin. Uminit ang pisngi ko sa mga sinabi niya sa akin at hinawakan ko ito.
“Ang cute mong mag-blush, Ericka.” Dagdag pa niya kaya biglaan kong sinara ang pintuan at saka ako tumili habang nagtatalon sa kwarto ko. Sobrang kilig ang nararamdaman ko ng dahil sa kaniya.
“Omg Omg! Ano bang nararamdaman ko sa isang mumu?! Bakit ba ako kinikilig sa isang mumu?” tanong ko sa sarili ko at tumalon ako sa kama pero mas lalo akong hindi nakatulong ng maayos dahil doon. Kinabukasan para akong zombie, halos oras oras kasi kung mag-replay ang halik ni Zenrick sa akin.
Tumunog ang telepono sa bahay kaya agad ko namang sinagot ito.”Hello,” sabi ko.”Hey, ikaw ba yung friend ni Tanya, the one with the third eye?” tanong niya sa akin.
“Oo ako, sino ito?” I asked him.
“Hans Mortel, I’m his brother,” saad niya sa akin.
“Bakit po? May nangyari ba kay Tanya?”
“Weird stuffs are coming out of her body, stuffs like insects tapos naglalaway din siya. She keeps on screaming with a deep voice na parang hindi siya. I don't know what to do, maybe you can stop this,” saad niya sa akin, nag-alala ako biglaan kay Tanya.
“Baka po inaangkin na talaga siya nung itim na lalaki,” sagot ko sa kaniya. “Hindi ko alam, whatever is this thing dapat luabayan n’ya ang kapatid ko. Help us,” he begged.
“Pupunta ako diyan, titingnan ko kung ano ang magagawa ko,” sabi ko sa kaniya at nagmadali akong nagbihis at umalis papunta sa tahanan nila Tanya.
Sobrang laki ng bahay ni Tanya at halatang anak mayaman siya, pero sa kung anong kinalaki ng bahay saka naman ang unti ng tao. Dalawang katulong, dalawang gwardya, si Tanya at ang kuya niya. Nasa States daw kasi ang magulang nila at walang alam sa pinagdadaanan ni Tanya. Inaayos daw kasi nila ang negosyo doon na sobrang lago na.
“You came,” napalingon ako at nakita ko ang lalaking iyon. Naka Blue siyang t-shirt at shorts na hanggang tuhod.
“Si Tanya po? kamusta na siya,” tanong ko sa kaniya.
“Follow me,” ‘yon ang sinagot niya at sinundan ko siya paakyat. Pumasok kami sa isang kwarto at bumungad sa akin ang nakakasulasok na amoy.
“Ang baho,” sabi ko sa kaniya.
“Mabaho? Wala namang amoy ah?”he asked me at umamoy din siya. Balot ng itim na usok ang paligid lalo na ang katawan ni Tanya na nakaupo sa kama.
“Yung itim na kung ano man ‘yon, masyadong malakas yung presence niya,” sabi ko at nag-appear nga yung itim na bagay sa tabi ni Tanya.Nanlilisik na ang mga mata nito, napaatras ako ng makita ko siya.“Nandito siya, yakap yakap niya si Tanya.”saad ko at saka ako napayuko.
“Isusunod kita…” bulong niya habang nakatingin sa akin.
“Ibabalik kita sa aking piling, aking….” Natigil siya sa pagsasalita nang magsalita si Kuya Hans.
“What are you waiting for? Alisin mo siya sa kapatid ko,” sabi ni Kuya Hans sa akin pero umiling ako sa kaniya. Malakas na tumawa ‘yon. “Hindi mo ako kaya. Hindi niyo ako kaya,” natatawa niyang saad sa akin.
Takot ang pumalibot sa aking sistema.“Hindi ko kaya, malakas siya--aahh” napasigaw ako ng sinakal ako nung maligno gamit ang kapangyarihan niya.
“Hindi mo ako kaya! Hindi mo ako mapapaalis sa halip mapupunta ka rin sa akin tulad ng babaeng ito,” sigaw ni Tanya pero ang maligno ang nagsasalita para sa kaniya.
“Miss!” Sigaw ni kuya Hans at pinigilan niya ang paglutang ko sa ere, bigla naman akong nabitawan nung maligno at nasalo ako ni Kuya Hans.
Umuubo-ubo ako at ng hinawakan ko si Hans isang vision ang nakita ko. Isang babae na medyo nasa 30's niya ang naglalakad sa parang gubat, may dala itong itim na kandila.
Nagpakita ang itim na nilalang na ‘yon sa kaniya at nagwika sa kaniya.“Alam kong darating ka,” tumango ang babae at sumagot naman sa kaniya. Biglang napalitan ang imahe ng itim na nilalang ng isang gwapong lalaki. Ang gwapong lalaki na kahati n’ya sa imahe ay may dilaw na mata at pula ang pupil nito, either way, masama pa rin ang dating niya.
“Basta para sa ikakaunlad ng business namin gagawin ko ang lahat. Iaalay ko sa'yo ang anak kong babae,” saad nito at hinawakan niya ang umbok sa kaniyang tiyan.Biglang nawala ang vision ko at tumingin ako kay Kuya Hans.
“Are you okay? Why did you float in the air? May masakit ba sa'yo?” sunod sunod niyang tanong sa akin.
“Si Tanya, kapalit siya ng deal ng Mom mo sa sa itim na nilalang na ‘yan. May karapatan siyang kunin si Tanya dahil kapalit ‘yon ng isang hiling.” Sabi ko sa kaniya at saka naningkit ang kaniyang mga mata.
“Tanya? The hell that's impossible. Mom wouldn’t do that!” sigaw niya sa akin.
“Pero iyon ang nakita ko, kapalit ni Tanya ay ang paglago ng negosyo at pagdami ng kayamanan niyo. Kukunin niya si Tanya whether we like it or not,” sagot ko sa kaniya at tumingin ako sa maligno na nakayakap na kay Tanya.
“Kailangan nating tulungan si Tanya para ‘di siya mapahamak. Kailanga natin siyang dalhin natin sa simbahan.” sabi ko sa kaniya nakita ko kung paano siya manghina dahil sa mga sinabi ko.
“s**t! s**t!” sigaw niya at madalian niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya at lumabas siya ng kwarto.
“Wala na kayong magagawa dahil akin na siya! Ang usapan ay usapan. A deal is a deal, a contract is a contract. A soul is a soul,”saad ng itim na nilalang na iton at saka ito humalakhak lalabas na sana ako pero sumara ang pindutan, sobrang lakas ng kalabog nito.
“At ikaw, akin ka na rin…” sabi niya at bigla siyang lumapit sa akin. Hindi ako makagalaw sa takot na nararamdaman ko.Inilagay niya ang kamay niya sa pisngi ko at hinaplos ito napapikit ako.
“Tulong… Diyos ko, tulungan n’yo ako!” dasal ko sa Panginoon at saka ako nagbanggit ng Our Father.
“Our Father who art in heaven..”
“Our Father.. Our Father.. Our Father the f*****g Father!” sigaw ni Tanya at tumayo saka siya nagwala ng sobra.
“Tanya! Tama na!” sigaw ko sa kaniya at pinipigilan siya. Habang pinipigilan ko siya ay nadinig ko ang tawa ng maligno na iyon, hindi siya maligno, mas malala pa siya sa maligno. Dahil sa isa siyang demonyo, Demonyo!
“f*****g father,” sigaw niya at tumawa siya.
“Hey! Open the door!”
“Tulungan mo kami!” sigaw ko mula sa pintuan pero wala hindi niya parin iyon mabuksan.
“Akin ka na rin!”singhal niya sa akin at saka naglabas si Tanya ng kutsilyo, napaatras ako ng dilaan niya ang kutsilyo at tumawa ito ng nakakakilabot. “Ibalik mo ang kinuha mo sa akin!” sigaw niya sa akin.
“Panginoon ko, wag niyo pong hayaan na mangyari ito,” mahina kong bulong at nagdasal ng mataimtim sumigaw ng sobrang malakas si Tanya at nagtangka siyang sugurin ako pero may pumigil sa kaniya sumulpot si Zenrick sa harap namin at pinigilan niya si Tanya sa kaniyang gagawin.
“Zenrick,” saad ko at tumingin siya sa akin.
“Sa susunod na aalis ka magpaalam ka para hindi ako mahirapan na magteleport para mahanap ka,” sabi niya sa akin sa seryosong boses.Tiningnan niya ang kutsilyo at saka niya inalis ito sa pamamagitan ng kaniyang kakayahan na magpagalaw ng mga bagay.Binaling niya ang tingin niya sa maligno na nakangisi sa akin tabi. Hinawakan ng maligno ang aking balikat.
“Hindi mo na siya makukuha sa akin gaya niya.” Saad ng maligno at dinilaan niya ang pisngi ko.
“Bwisit…” saad ni Zenrick at sinugod niya ang maligno na iyon at naglalaban na silang dalawa ni Zenrick sa aking harap. Nagkaroon pa ng sobrang puting aura na bumalot kay Zenrick, naging mukhang pakpak ito.Naging sobrang lakas niya habang nagsisipaan sila ni Zenrick at naghahagisan sa pader.
“Ericka!” Tanya’s soft voice caught my attention. She was smiling sweetly towards me.
“Tanya…” my voice is shaking, natatakot ako sa itsura niya ngayon. Bumangon si Tanya agad ko siyang nilapitan, I was surprised when I saw something magical. Zenrick, bigla s’yang naging magical, he was magical, he was mystical. Wings, white aura, it’s so mystical.
Zenrick….
Pak-pak at maliwanag na puting awra, anghel na nababalot sa kadiliman. Si Zenrick ba ang tinutukoy ni Ka Isko na ililigtas ko? Anghel ba si Zenrick?
“Erick, tulungan mo ako.” Tanya caught my attention again, I looked at her and I saw the pain in her eyes.
“Tanya, okay ka lang ba?” tanong ko sa kaniya, she smirked instead of answering me. At saka biglaan akong sinakal ng sobrang diin.