XI. Tanya

2067 Words
ERICKA DEL CARLOS POINT OF VIEW “TANYA.. Ta-tama na!” sigaw ko habang sakal sakal ako ni Tanya, biglaang natumba ang pintuan at nakita kong niluwa no’n si Kuya Hans na tumakbo palapit sa amin. “Tanya, stop it!” sabi niya at saka niya pinigilan ang kapatid niya, sigaw ang sinukli ni Tanya. Nakakatakot na sigaw na parang buong lalamunan ang gamit niya. Naitulak niya si Tanya saka ako lumayo pero siya naman ang sunod na inatake ni Tanya, mabuti malakas si Kuya Hans.Napadako ang tingin ko kay Zenrick na nakikipagsuntukan sa malignong iyon. “Are you okay, Ericka?”he asked me at tumango ako sa kaniya. Sinuntok niya sa tiyan ang maligno at agad itong naglaho, bigla ring kumalma si Tanya at nahimatay na lang. “Tanya! Tanya!” paggising ni Kuya Hans sa kaniya pero hindi ito nagising. “What happened to her?”he asked me. “Dapat dalhin na natin siya sa manggagamot o kaya sa pari, tine-take over na nung malademonyong halimaw ang kaniyang katawan,” saad ko sa kaniya at pumayag naman ito. “Manang pakisabi sa gwardya ihanda ang sasakyan ko, pakikuha din ang car keys ko,” sabi ni Kuya Hans at tinulungan ko siyang alagaan ito. “May church dito na malapit lang, is it okay if I bring my sister there?”he asked me at tumango ako sa kaniya. “Mas maigi na ‘yon,” sagot ko sa kaniya. “Sasamahan kita, Kuya Hans!” dagdag ko pa sa kaniya. “Thank you…” he said at ngumiti siya sa akin. “Ericka, wag ka ng sumama napapahamak ka lang dito,” sabi ni Zenrick sa akin and I stopped. “Hindi pwede, kailangan kong samahan si Tanya…” sagot ko naman sa kaniya. “Ikaw ang dapat hindi sumama, mahihirapan ka,” sagot ko sa kaniya. “No, hindi ako mahihirapan. Remember what I said right? I wanted adventure and this is adventure. Being with you doing these stuffs is the adventure and I will keep on protecting you on this journey.” sagot niya sa akin at saka siya ngumiti. “And I'm a ghost as well,” dagdag pa niya sa akin. “Sino bang kausap mo? Let’s go!” saad ni Kuya Hans sa akin at inalalayan ako ni Zenrick at isinakay si Tanya sa sasakyan. Hinatid namin siya simbahan at tinanggap naman kami ng pari doon. Si Father Pio ang tumanggap sa amin at tinawagan niya ang bishop ng lungsod para tumulong sa amin mabuti at mababait sila at handang makinig. “Ano bang nangyayari sa kaniya? Kailan pa 'to?” tanong ng pari sa amin at tumingin ako kay Kuya Hans. “She turned 18 last year, doon na nangyari yung mga pagbulong bulong na sinasabi niya. Akala ko exhausted lang siya or was taking weeds or doing drugs and I never believed her. Akala ko nagkaka-mental problem lang siya not until she started screaming and crying like hell,” sagot ni Kuya Hans sa kaniya. “Sigurado ba kayong nasasapian siya?” tanong ng bishop sa min at tumango ako. ”Itim na nilalang, red eyes at saka black aura. It was evil at gusto niyang kunin si Tanya, nag-threat pa siya na isusunod niya ako at kanina Tanya tried to stab me. Yung maligno pinapatay niya mula sa loob si Tanya to get her soul,” sagot ko sa kaniya. “Demonyo ito hija, hindi kayang gawin ng isang simpleng maligno ang nangyayari sa dalagang ito,” sagot niya sa akin at nagsign of the cross siya at saka niya hinawakan si Tanya sa ulo biglaang nagising si Tanya. “Aaahhh!” sigaw nito at dinuraan niya ang pari sa harap niya. “Alagad ng walang kwenta!” sigaw ni Tanya and once again nakita ko ang demonyong ito na hindi pala maligno. Lapapit sana siya sa akin pero hinarangan siya ni Zenrick nagtitigan silang dalawa ngayon at naka-smirk naman si Zenrick bigla muling naglaho ang demonyong iyon at prenteng naupo si Zenrick, wag na kayong magtaka kung bakit siya nakapasok kahit simbahan ito. Pwede talagang makapasok ang mga kaluluwa sa simbahan lalo na kung hindi gano'n kalakas ang paniniwala ng mga tao sa paligid nito. Yung demonyo nga nakapasok diba? “Bakit naman susundan ng demonyo ang batang ito?” sabi ng pari sa amin at nagpunas siya ng mukha niya. “Father, nakakita po ako ng vision. Yung nanay ni Tanya binenta niya ito ang kaluluwa ni Tanya kapalit ang negosyo nila,” saad ko sa kaniya at tumingin ito kay Kuya Hans. “Mom, confirmed it. She is flying back to fix this things but I can't believe that she sold Tanya.” Sagot niya na para bang nanghihina ang loob niya. “Huwag ka na pong malungkot, isipin mo na lang gagaling din si Tanya,” sagot ko sa kaniya at saka siya tumingin sa akin.“Sigurado akong tantanan din niya si Tanya,” saad ko sa kaniya. Dinasalan ni Bishop at ni Father Pio si Tanya para maging payapa ito pero nagwala pa lalo si Tanya, they sprinkled holy water over her at nagwala ito na parang nasasaktan siya. Pinauwi ako ni Kuya Hans ng malapit na ang gabi at dapat daw hindi na ako madamay pa sa gulong ito pero sinabi kong babalik ako. Gusto kong makita si Tanya na gumaling dahil sa totoo lang kasi isa siya sa mababait sa akin at sumusubok na makipagkaibigan sa akin kahit sobrang weird ko. “My sister is a brat, pero hindi ko akalaing pagdadaanan niya to. Hindi kasi ako naniniwala sa kaniya sa tuwing sinasabi niyang may mga bulong siyang naririnig sa akin. Malala na pala pero binalewala ko pa.”Sabi niya sa akin habang pinapanood namin na matulog si Tanya. “Huwag kang mag-alala, naniniwala akong gagaling siya. Tanya is strong,” saad ko sa kaniya at ngumiti siya sa akin.”Tingnan mo ito nginingitian ka ngayon, bubugbugin ko yan,” sabi ni Zenrick sa akin at tinangka niyang abutin si Kuya Hans pero pinigilan ko siya. “Manahimik ka nga,” saad ko at tuimingin ako sa kaniya. “Ako ba yung pinapatahimik mo?” “Hindi ikaw, yung ghost na kasama ko. Medyo ano uhmm, mainitin ang ulo niya,” sagot ko at saka ko pinilipit ang kamay ni Zenrick. “Bakit? Aray! Anong ginagawa ko?”sigaw niya sa akin.Hans smiled a bit, siguro ay natatakot na siya sa kinikilos ko. “About that, I'm sorry kung pinagdudahan kita tungkol doon sa sinabi mo kay Tanya,” sabi sa akin ni Kuya Hans. “Okay lang 'yon, sanay naman na akong hindi kaagad pinaniniwalaan,” sagot ko naman sa kaniya at saka ako ngumiti sa kaniya.“And I realized, hindi ko pa pala nakukuha ang pangalan mo,” saad niya sa akin at tumawa ako. “Ericka, ako pala si Ericka,” sabi ko sa kaniya at inilahad ko ang kamay ko nagkamay kaming dalawa at nagngitian. “Aray!” saad ko ng tinabig ni Zenrick ang mga kamay ko. “Ano ba?! Nagkakamay kami tapos epal ka,” saad ko sa kaniya. “Bawal may ibang humawak sayo! Ako lang ang pwedeng humawak sa kamay mo!” sagot niya at siningkitan niya ako. “Uhmm.. Did I offend the unseen one?”he asked me at mas nanlisik ang mga mata ni Zenrick. “Anong unseen?! Hoy multo ako at hindi ako unseen! Nakikita nga ako ni Ericka e. Ang ibig sabihin e visible ako. Paano ako naging unseen?” sigaw naman niya at binatukan ko siya. “Tumahimik ka nga, magpakakamalaan akong baliw sa'yo eh,” saad ko sa kaniya at tumawa si Hans sa harap ko. “It must be hard dealing with those kind of creatures?”he asked me. “Creatures? Ako? Isang creature? Sa gwapong ko ‘to?! Oh my God! Anong klaseng kalokoha—“ “Shut up, Mumu!” singhal ko sa kaniya.Nagulat si Kuya Hans sa biglaang pagsigaw ko, I bring back my poise at saka bumuntong hininga. I smiled at him pero nanatili pa rin ang gulat sa mukha niya. “Hindi ikaw, yung Mumu…” saad ko sabay tirik ng mata kay Zenrick. “Dati mahirap pero ngayon hindi naman. Minsan nasa’yo rin kung papansinin mo sila lahat,” sagot ko sa kaniya at saka ako ngumiti sa kaniya.Nang mag 10 PM na ay napag-isipan ko nang umuwi.Habang paalis ako ng simbahan may bumusina sa akin,si Kuya Hans. “Hey, ihahatid na kita!” saad niya sa akin. “Wag na kuya kailangan ni Tanya ng bantay do'n.” Sagot ko naman sa kaniya. “I insist, ginulo ko ang buong araw mo. My sister almost killed you and I think I need to do this,” saad niya sa akin. “Wag kang sasama diyan,” pananakot ni Zenrick sa akin at sinamaan ko siya ng tingin. “Kuya, sigurado ka ba?”I asked him. “Oo, ihahatid na kita,” sagot niya sa akin. Napangiti ako sa kaniya at binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. Padabog namang sumunod si Zenrick na buong byahe nakatirik ang mata habang nakatingin kay Hans. “Ihinto mo na dito,” saad ko sa kaniya. “Okay, see you again Ericka,” saad niya sa akin. “Sige po, mag-ingat ka Kuya Hans!” saad ko sa kaniya at saka ako ngumiti. “Sige ngiti pa,” saad ni Zenrick at saka niya ako inirapan. “Ano bang problema mo ha? Ang bait bait nga nung tao eh,” saad ko sa kaniya. “Ewan ko sa'yo Ericka, tanungin mo ang sarili mo,” saad niya sa akin at saka siya biglaang naglaho sa harap ko.Napakamot naman ako ng ulo sa kinikilos niya.Bakit kaya ang init ng ulo niya kay Kuya Hans? Nagmamagandang loob lang naman yung tao sa akin. **** BINALIKAN ko si Tanya at nakita ko na ine-exorcise siya ng pari, puro sigaw ang naririnig ko at ang demonyo sa kaniyang tabi at lumalaban dahil sa sakit na nararamdaman nito.“Kuya Hans,”tawag ko sa kaniya at agad siyang lumapit sa akin para yakapin ako. He was nervous and scared. Natatakot siya para sa buhay ni Tanya. “Magiging okay naman ang kapatid ko diba?” he asked me. “Oo, magtiwala ka sa Diyos,hindi siya papayag na mawala si Tanya,” sagot ko sa kaniya at bumitaw siya sa yakap niya sa akin. “Tanya, my daughter!” pumasok sa loob ang babaeng medyo may edad na at maganda din siya.Agad niyang nilapitan ang nagsisigaw sigaw na si Tanya. “Kinukuha ko na ang usapan natin Esmeralda!” sigaw ni Tanya at tumawa siya, tumingin ako sa tabi ni Tanya at andoon ang itim na demonyo na nagmamanipula sa kaniya.”Hindi ako papayag na makuha mo ang anak ko!” sigaw nito sa demonyo na iyon. Kumalma si Tanya pero ngumisi ito. “Ang usapan ay usapan, magandang buhay kapalit ng anak mo. Iyan ang napapala mo sa pakikipag-usap sa isang demonyo,”saad nito at ngumisi siya. “Akin na si Tanya!” sigaw nito at biglang nag-release ng mahabang sigaw si Tanya, nag-sprinkle sila ng dasal at holy water dito pero hindi siya gumagana, hanggang sa tumahimik si Tanya.Pumikit ito at nanghina. “Tanya, darling…” tawag ng Mama niya sa kaniya pero nanatili lang itong nakapikit. Napatingin ako sa right side at nakita ko ang itim na demonyo, hawak na niya si Tanya habang umiiyak ito, lumabas ang kaniyang makinang na itim na pakpak, ang kalahati ng mukha nito ay biglang umayos, naging mukhang tao at ‘di halimaw. Nagtago ang isang mapanlilang na maamong mukha pero may masamang awra. May kahawig siya… Yung nasa panaginip ko. Ngumisi ito sa akin at naging sunog muli ang itsura niya, pulang mata at nakakatakot na awra. “Ericka, help!” umiiyak niyang pakiusap sa akin. “Tanya!” sigaw ko pero kinain na sila ng lupa. “Tanya, anak ko! Gumising ka!” sigaw ng mama niya at lumakas ang iyak nito maging ako napaiyak na.Wala na si Tanya, patay na siya at hindi ko man lang siya natulungan. “Tanya, Tanya wake up!” sabi ni Kuya Hans pero wala ng buhay si Tanya.Wala na siyang buhay at iyakan na lang ang namutani sa kwartong iyon. Dead on Arrival si Tanya sa hospital, at lumabas sa results na heart attack daw 'yon. Ngayon nakaburol na ang labi ni Tanya sa simbahan kung saan siya dinala. Katabi ko si Kuya Hans at ang Mama naman niya kasama ang Papa niya ay umiiyak sa gilid.  “Tanya, hindi ko alam na buhay mo ang gusto niya,” saad ng mama nito pero walang Tanya, wala ang kaluluwa ni tanya sa paligid. Kinain na ito ng impyerno. Kapalit ang kayamanan at magandang buhay, nawala si Tanya. Hindi ko akalain na mangyayari ito.May mga bagay talaga na kahit gawan mo ng paraan, pilitin mong takasan ay hindi mo malalagpasan, parang third eye ko lang kahit na anong pilit kong magpanggap na walang nakikita meron at meron akong nakikita.Hindi ako tatakasan dahil ako ang may abilidad na makarinig, makausap at makakita sa kanila pero sa nangyari kay Tanya. Kinukwestyon ko na ang kakayahan ko bilang isang medium. Siguro nga tama ang Ate ko, siguro dapat ko ng tigilan ang pagiging medium ko. Dapat alisin na ang third eye ko para hindi na ako makakita pa ng mga ganitong bagay.Nakakalungkot kasi kapag wala kang nagagawa, nakakalungkot kapag nare-realize mong wala ka palang kwenta. May humawak sa kamay ko at nakita ko si Zenrick na nakatingin sa akin. “You did your best,” saad niya sa akin pero pabalya kong inalis ang kamay niya. “Nawala pa rin siya kahit ginawa ko ang lahat,” sagot ko sa kaniya.                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD