ERICKA DEL CARLOS POINT OF VIEW
HINDI maalis sa isip ko ang mga pinagsasabi sa akin ni Zenrick.Ilang araw na akong tuliro at hindi makapagfocus dahil dahil doon. “Ano, Ericka. Maganda ba kung ito ang bilhin ko para kay Anthara?” tanong sa akin ni Marciel at nagising ako sa pagiisip ko.
“Ano ulit?” tanong ko muli sa kaniya at nakita kong may hawak siyang kwintas, sinamahan ko si Marciel sa mall. Matapos niyang gawing pera ang dahon eh nagpasama siya sa akin dahil sa gusto niyang bilhan ng regalo si Anthara. Nais na daw kasi niyang magtapat ng pag-ibig sa dalaga. Lumalalim ang tagalog ko sa engkanto na 'to.
“Tinatanong ko kung kanais-nais ba ito, Ericka?” tanong niya sa akin tiningnan ko ang kwintas na pendant na dahon. Tamang- tama engkanto siya, kaya dahon.“Maganda, sakto parang nire-represent niya yung puno kung saan ka nagtatago.” Sabi ko sa kaniya at natawa siya dahil doon.
“Napagtanto ko na ang dami kong sinayang sa pagtitig lamang sa kaniya, kaya ngayon ‘di ko na patatagalin pa ang oras. Magtatapat na talaga ako ng nararamdaman ko sa kaniya,” sagot niya sa akin.
“Diba? Kesa magulat ka at mag graduate na siya tapos bigla hindi mo na siya makita." Sabi ko sa kanya. "Oo nga no' ang mga tao ay nagtatapos sa paaralan na 'yon." Napaisip siya sa saglit at napabuntong hininga. "Mabuti talaga at dumating ka Ericka. Nabago mo ang aking isip."
"Bilhin mo na 'yan kasi tiyak kong magugustuhan niya 'yan.” Sabi ko sa kaniya at sinabi niya sa tindera na bibilhin na niya iyon at pinabalot na rin niya. Pinalagay niya sa magandang box at nagbayad pa talaga siya para doon.
“Alam mo ba napapansin ko, para ka yatang tuliro? Dahil ba ‘yan doon sa kasama mong multo?” tanong niya sa akin. Agad naman akong namula dahil doon.”Anong dahil sa kaniya? Eww, yung multong 'yon!” Depensa ko sa sarili ko. Tama Ericka, hindi ka ganito dahil sa multo na iyon.
“Huwag mo ng itanggi Ericka,” pang bubuyo niya sa akin.
“Hindi ko tinatanggi ano? Totoo naman na hindi ako magiging tuliro nang dahil sa kaniya Multo lang naman siya isang kaluluwa.” saad ko sa kaniya at saka ako umirap sa kaniya.
“Iba ang t***k ng puso mo sa tuwing andyan ang multong iyon at alam kong hindi 'yon dahil sa pangingilabot mo.” Sagot naman niya sa akin at kinuha na niya ang binili niyang necklace.
“Engkanto ako Ericka, kahit na kailan hindi ka pwedeng magsinungaling sa amin kasi sa oras na makilala ka namin, nalalaman na namin ang tunay na kulay ng puso mo.” Dagdag pa niya sa akin at saka ako bumuntong hininga.
“Sige na aamin na, medyo binabagabag nga ako ni Zenrick, naramdaman ko na 'to nung unang beses ko siyang nakita,” saad ko sa kaniya at saka siya nag-isip saglit.
“Ang kaluluwa ng binatang iyon, hindi siya isang kaluluwa. Sa tingin ko ay buhay pa siya,” saad niya sa akin at napatingin ako sa kaniya.
“Anong ibig mong sabihin?” I asked him back.
“Hindi siya elemento at lalong hindi siya espirito. Sa tingin ko Ericka, hindi siya namatay ng tuluyan at ikaw ang koneksyon niya sa totoong mundo upang makabalik siya.” Sabi niya sa akin at saka ako napatingin sa kaniya ngumiti siya sa akin.
“Kaya wag kang matakot na umibig sa kaniya. Sa tingin ko naman ay hindi mo pagsisihan iyon,” saad niya sa akin.
***
BUONG magdamag kong iniisip ang mga sinabi ni Marciel sa akin. Hindi pa patay si Zenrick. Malaki ang posibilidad na hindi pa siya patay.Bumangon ako sa aking kama at binuksan ang computer, nagresearch ako tungkol sa kaniya.
May ilang mga litrato niya ang nakita ko, mukhang medyo sikat siya na ballet dancer. “You are fantasizing about me when I'm not around.” Biglaan siyang sumulpot sa harap ko na nakaupo pa talaga sa computer desk.
“Aysus maryosep!” sigaw ko sa sobrang gulat sa kaniya.Tiningnan niya ang pictures niya computer.
“If you want to look at me, you can ask me for permission. Handa naman akong manatili sa tabi mo para lagi mo akong matitigan. I can do shirtless requests 'too."Saad niya sa akin at saka siya kumindat sa akin. Mahina ko s'yang nabatukan dahil sa mga kalokokahn.
“Hindi kita tinitigan at mas lalong hindi ako nagfa-fantasize sa isang tulad mong mumu,” sagot ko sa kaniya at saka ako bumalik sa kinauupuan ko.
“Nakausap ko si Marciel kanina at sinabi niya sa akin na hindi ka daw elemento at mas lalong hindi ka espirito,” sabi ko sa kaniya.
“Multo ako, Ericka.”sagot niya sa akin.
“Si Marciel na mismo ang nagsabi sa akin na hindi ka nga ghost. Malaki ang posibilidad na hindi ka daw talaga patay. Paano kung comatose ka lang sa isang hospital tapos walang dumadalaw sa'yo?” sagot ko naman sa kaniya.
“Alam mo Ericka, masaya na akong pagala gala lang sa Pilipinas, at ayoko ng may maalala pa tungkol sa buhay ko noon. Masaya na akong maging multo.” Sagot niya sa akin at nagseryoso ang kaniyang mukha.”
“Zenrick, alam mo dapat seryosohin mo 'to! Paano kung buhay ka pa? Ayaw mo bang maranasan na maging buhay ulit?” I asked him.
“Patay na ako. Ang alam ko patay na ako.” Sagot niya sa akin at saka siya bumaba para umalis pero pinigilan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya.
“Pero ayaw mo bang alamin ang buhay mo Zenrick? Ayaw mo bang makilala yung sarili mo?” tanong ko sa kaniya at nilingon niya ako.
“Ako si Zenrick gwapo na hot pa at pinagkakaguluhan ng mga kaluluwang ligaw,” sagot niya sa akin at saka niya ako kinindatan.“Seryoso kasi ako,” angal ko sa kaniya. “At seryoso rin ako, patay na ako kaya nga ako multo diba?” tanong niya sa akin.
“Natatakot ka bang malaman ang totoo, Zenrick?” tanong ko sa kanya. Hindi siya nakasagot sa akin, nabalot ng lungkot ang kaniyang mga mata.
“Zenrick, sabi kasi ni Marciel, ako daw ang koneksyon mo para makabalik ka ulit sa mundong 'to. Baka kailangan kitang tulungang mag-cross over,” saad ko sa kaniya.“At saka naalala ko si Ka Isko, sabi niya may angel daw ako na tutulungan. Hindi kaya ikaw ‘yon?”
“Para kasi akong anghel sa kagwapuhan ko ano?” tanong niya sa akin. Nagsisisi ako at tinanong ko ‘yon. “Hindi, impossibleng maging anghel ka sa yabang mong 'yan. Vanity mo pa lang pang demonyo na! No! No! No!” pagtanggi ko sa kaniya.
“Grabe ka naman! Mabait ako kaya possible ‘yon. Pag angel ako gugustuhin kong maalala ang aking nakaraan. I might be the hottest angel alive,” bulalas niya sa akin.
“O' kaya baka kailangan kitang tulungan na maalala mo yung nakaraan mo or much better makabalik ka sa katawan mo,” sabi ko naman sa kaniya.
“Baka kasi buhay ka pa dahil para kang ‘di espirito at lalong ‘di ka naman daw lamang loob or whatsoever!” dagdag ko pa sa kaniya pero inirapan na lang niya at bigla siyang naglaho sa harap ko. Bakit ba ang hirap i-convince ng multong ito? Siya lang yata ang nag-iisang multo na ayaw mabigyang linaw ang pagkatao o dahilan ng pagkamatay niya. Kinabuksan, pumasok ako sa school dahil sa may exam ulit kami, malapit ng matapos ang sem at magsusummer na kaya rakrakan na ang peg namin, napuyat nga ako kagabi dahil sa paggawa ng assignments at pag-iisip kung ano ang mali kay Zenrick.
Gusto ko siyang tulungan pero ayaw niyang magpatulong.
“Ericka…” lumingon ako at nakita ko si Tanya sa aking likod na nakatingin sa akin, masyado siyang puyat at parang walang gana
.“Tanya, anong nangyari sayo?” tanong ko sa kaniya at saka siya tumingin sa paligid bago umupo sa tabi ko.
“Help me please?” She asked me at saka siya umiyak.
“Bakit may problema ka ba?” I asked her again pero mas lumakas ang iyak niya.
“It won't stop bothering me, lagi may bumubulong sa akin na isasama niya ako sa kung saan. Kailangan daw sumunod ng parents ko sa usapan nila. Ericka, I'm afraid.” saad niya sa akin.
“Ano bang ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya
“I tried to avoid it, always. Kaya nga akong laging napupunta sa loud places para hindi ko siya marining, pero mas lumala ito ngayon. No one believes me. Ericka, ikaw lang ang may third eye at alam kong nakikita mo yung sinasabi ko. The black man you told me about, won't stop bothering me,” sabi sa akin ni Tanya at biglang may sobrang itim na aura ang nagpakita sa likod niya.
An image of a black man, sobrang itim nito, naghahalo ang kulay ng balat niya at ang aura niya. Pulang-pula ang kaniyang mga mata nanlilisik itong tumingin sa akin tapos lumapit siya sa akin at inilapit niya ang mga mata niya.
“Wag kang makikialam dito, wag kang makikialam dito! Papatayin kita kapag makikialam ka!' sabi niya sa akin at napaaatras ako hinawakan ni Tanya ang kamay ko.
“He's here right?” She asked me.
“Tanya, ayaw niyang makialam ako galit na galit siya,” sabi ko sa kaniya.
“Ang akin ay akin!” malakas niyang sigaw at bigla siyang naglaho naging itim na usok siya na pumasok sa loob ng katawan ni Tanya.
“Ericka, tulungan mo ako. Gagawin ko lahat mawala lang ito sa akin,” sabi niya sa akin at biglaan siyang dumaing na parang nasaktan siya.
“Tanya, anong nangyayari sa'yo?” tanong ko sa kaniya pero daing lang siya ng daing na masakit daw ang kaniyang kaniyang tiyan.
“Tanya, sa tingin mo kailangan mo ng matinding tulong,” sabi ko sa kaniya pero nanatili lang siya sa pagdaing sa akin.
“Anong nangyayari kay Tanya?” tanong ni Cristine sa akin pero hindi ako nakasagot. “Dalhin natin siya sa clinic, masakit daw tiyan niya.” Sagot ko kay Cristine at pumayag naman ito.Nagpatulong siya sa iba naming male classmates na magdala kay Tanya sa clinic. Nauna sila Cristine sa clinic at nahuli naman ako pero sumunod ako para mabantayan ko si Tanya.
Grabe ang nilalang iyon, parang sobrang makapangyarihan niya. Panay multo lang kasi ang nakakatapat ko, minsan nasapian na rin ako ng maligno noong bata ako pero nilisan nito ang katawan ko ng pumunta kami sa pari ni mama, muntikan daw akong isama no'n sa mundo nila eh pero ng dahil kay Father Gino nawala sila. Naglalakad ako ng may maramdaman akong sumusunod sa akin napalunok ako.”Zenrick, ikaw ba yan? Kung susulpot ka, sumulpot ka na lang,” sabi ko pero walang sumumlpot o nagpakitang multo na nakaposing sa harap ko.
Nagpatuloy ang may sumusunod sa akin. “Ericka, Ericka..” napalunok ako sa mga narinig ko na tumatawag sa akin.
“Nakita din kita… sa wakas…” muling giit nito sa akin.
“Hoy!” biglaang sumigaw si Zenrick at nagpakita sa harap ko.
“Ay malignong pangit! Bakit ka ba sumusulpot sulpot ng ganyan Zenrick?!” sigaw ko at natawa naman siya.
“Ang gwapo ko naman yata para maging maligno,” sabi niya sa akin at saka ako nagkunot ng noo ko.
“Ikaw ba yung tumatawag sa akin ha?” tanong ko sa kaniya.
“Tumatawag sayo, hello? kakasulpot ko lang Ericka.” Sagot niya sa akin at saka ako bumuntong hininga.
“Kanina kasi may tumatawag sa akin na parang espirito eh,” sagot ko sa kaniya at naglakad kaming dalawa papunta sa clinic.Pagdating namin doon ay inaasikaso na si Tanya pero hindi na siya dumadaing, nakahiga na lang siya at tulala.
“Ericka ano bang nangyayari kay Tanya bakit siya nagkakaganito?” tanong sa akin ni Cristine.
“May itim na halimaw na sumusunod sa kanya, at parang ayaw siyang tigilan.” Sagot ko naman at gumuhit ang kilabot sa mukha ni Cristine.
“Hala, nakakatakot naman 'yon. Paano ba mawawala iyon kay Tanya?” tanong niya sa akin at umiling ako sa kaniya.
“Hindi ko alam,” 'yon lamang ang nasagot ko sa kaniya at tumingin ako kay Zenrick na parang may tinitingnan sa paligid. “Hindi na ako pamilyar sa ganitong klase ng kaluluwa.” Dagdag ko muli.
“Sige, tinawagan ko pala kuya ni Tanya at pupunta na daw siya baka kunin niya si Tanya. Ikaw na lang ang magsabi sa kaniya ng tungkol sa nangyari ha?” tanong ni Cristine sa akin at tumango ako sa kaniya, dahil doon saka siya umalis kasama yung kaklase namin.
“Anong tinitigan mo diyan, Zenrick?” tanong ko sa kaniya.
“May iba tayong kasama dito, malakas pero hindi ko makita,” sabi niya sa akin.
“Pumasok sa loob ni Tanya kanina yung maligno baka yun ang nararamdaman mo,” sagot ko naman sa kaniya at tumabi siya sa akin. “Wag kang aalis sa tabi ko Ericka, pakiramdam ko mapanganib siya Maari ka niyang saktan,” sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
Para naman akong nakuryente dahil sa lamig ng kaniyang kamay. “Tanya! Tanya!” nakarinig kami ng boses ng lalaki na papalapit sa pintuan at pumasok ang isang lalaki na naka kulay asul na polo at itim na pantalon, maputi siya at makising din nakasuot pa siya ng shades at saka tumingin sa akin, tinanggal niya ito.
“Anong nangyari sa kapatid ko?” tanong niya at agad siyang lumapit kay Tanya na nakatulala.
“Yung maligno na nakasunod sa kaniya, pumasok sa loob niya tapos nakaramdam na siya ng sakit ng tiyan.” Sagot ko sa kaniya at tiningnan niya ako ng masama.
“Niloloko mo ba ako?”he asked me at umiling ako sa kaniya tumingin siya sa kapatid niya.
“Kuya, ayaw nga niyang tumigil. Bakit ayaw niyang maniwala?” saad ni Tanya at umiyak na ito, nagpakita muli ang maligno at nakangisi na ito ng nakakatakot habang nakatingin sa akin.Humawak si Zenrick sa kamay ko at biglang nawala ang ngisi ng maligno at naglaho naman ito.
“Tanya, ininom mo ba ang gamot mo bago ka umalis sa bahay?” tanong ng lalaki sa kaniya at tinulak siya ni Tanya ng malakas.
“Hindi ako baliw kuya!” sigaw nito at biglaang lumalim ang boses niya at saka siya tumawa tapos muling umiyak din.
“Nahihirapan na ako kuya, alisin niyo na ito sa akin! I’m sick of this kuya. Maniwala ka naman sa akin!”sabi niya at bigla siyang natulala ulit.
“Excuse me, totoo yung sinasabi ni Tanya meron talagang maligno kung ano man iyon,” sabi ko sa lalaki pero tiningnan lang niya ako.
“Siguro sa'yo nakukuha ng kapatid ko ang kalokohan na ito no? Ikaw siguro ang bad influence sa kaniya?”he asked me at umiling ako sa kaniya.
“Hindi, totoo ang sinasabi ko. Yung maligno gusto niyang angkinin ng buo si Tanya,” sabi ko sa kaniya pero inirapan lang niya ako.
"Wag ka ng lalapit ulit sa kapatid ko, you are bringing her into danger,” sabi niya sa akin at saka niya pinatayo si Tanya.
“Uuwi na tayo kailangan mo pang uminom ng gamot,” sabi naman nito.
“Aba, ang kapal ng apog no'n ah?” sabi ni Zenrick at nagteleport siya sa harap ng lalaki at tinitigan ng masama.
“Zenrick,” bulong ko at napatingin ang lalaking iyon sa akin.
“Bakit?” tanong ni Zenrick at sinenyasan ko siya ng manahimik na lang.