ERICKA DEL CARLOS POINT OF VIEW
“NAGSIMULA ito matapos ng aksidente ni Zenrick.Nalumpo siya noon at ibig sabihin no'n ay hindi na siya makakasayaw kahit na kailan. Nawalan siya nang pag-asa, nasaktan siya. Pagsasayaw lang ang buhay ni Zenrick, doon lang siya magaling kaya talagang 'yon na ang buong buhay. Sinisi ko ang sarili ko dahil nailigtas nga niya ako pero siya naman yung naperwisyo.” Pagkwento sa amin ni Sister Margaret habang nakaupo kami sa pew ng simbahan. Nakaupo sa harap niya si Zenrick na nakikinig ng sobrang taimtim.
Nakatingin lang siya kay Margaret na tila ba ito ang mundo niya. Ibang iba ito sa tuwing tumitingin siya sa akin.
“Wala kang kasalanan doon Margaret,” sabat ni Kuya Hans sa kaniya.
“Meron!” sagot ni Sister Margaret sa kaniya.
“Ang laki ng kasalanan ko, hindi lang kay Zenrick kung ‘di maging sa Diyos rin. Lahat ng nangyari kay Zenrick kasalanan ko naiintindihan mo ba?! Kahit na nagmadre ako inuusig pa rin ako ng kunsensya ko kasi nawala siya!”sagot ni Sister Margaret at umiyak na ito.
“Wala kang kasalanan, niligtas kita kasi iyon ang tama, iyon ang pangako ko sa'yo diba? Kung tama yung naalala ko.” sagot ni Zenrick sa kaniya.
“Wala ka daw kasalanan sa nangyari, lahat ng ginawa niya para sayo. Ginawa niya iyon kasi pangako niya na poprotektahan ka niya,” sabi ko sa kaniya at mahina siyang ngumiti.
“Ngayon, paano ako konektado sa demonyong iyon?” tanong ni Zenrick sa kaniya.
“Paano daw po kayo nagkaroon ng koneksyon sa demonyo?” tanong ko sa kaniya.
“Nung hindi na nakalakad si Zenrick, gumuho ang mundo niya. Ballet and Jazz, iyon ang dalawang bagay na nagpapaikot ng mundo no’n. Everything was about it, and suddenly, he needs to forget about it. It killed him inside at wala akong magawa. Hanggang sa pumunta ako sa Dippaculao, nabanggit kasi ng Tita ko na may book of spells daw na lumalabas sa isang kweba doon pagsapit ng Good Friday at pwede kang humiling ng kahit na ano doon. I’m a weak human being, I got fooled and I did. I summoned a wish and it turns out that it was deal with a demon named Azazel at kapalit ng hiling ko ay ang kaluluwa ko,” pagkwento niya sa amin.
“And you did that para makalakad ako ulit?” sigaw ni Zenrick lights flickered and the candles are blew away pero sumindi din agad sila. Zenrick was not a normal being, at mas tumitindi ang lakas ng awra niya. Lumakas iyon mula ng makilala naming ang demonyo na ‘yon.
“Ginawa mo iyon para makalakad ulit si Zenrick?” I asked her at tumango siya sa akin at saka umiyak.
“I want to see him smile again, I want to see him live again. Gusto kong ibalik yung mga kinuha ko sa kaniya,” sabi niya sa akin. Hinawakan ni Zenrick ang ulo niya at dumaing siya na parang may masakit sa kaniya.
“Zenrick, anong nangyayari sa'yo?” tanong ko sa kaniya.
“Anong nangyayari kay Zenrick?” tanong ni Sister Margaret sa akin.
“I need to know everything, tell her to tell me the truth.”aniya at tumingin ako kay Sister Margaret.”Ano pa daw yung mga nangyari? Matapos mong humiling?” tanong ko sa kaniya.
“Nakalakad si Zenrick noon.Surprisingly nung nagising siya ay parang walang nangyari na injury sa kaniya, nakabalik siya sa stage and he was even signed in to join Olympics. Nakatanggap siya ng invitation for NYADA, akala ko tapos na iyon kasi hindi na nagparamdam yung demonyo pero nagbago iyon nung 18th birthday ko. He showed up and he wanted to get me so I decided to runaway from Zenrick. Ayokong makita ni Zenrick yung paghihirap ko sa kamay ni Azazel,” aniya at saka siya bumuntong hininga.
“But he was able to feel that I am in pain, sinundan niya ako and he found me. In that cave, I was battling for survival even though I know that I have no chances of winning.”
“Hindi ko papayag na makuha ka niya sa akin, Margaret,”sabi ni Zenrick, duguan na si Zenrick at iyak ng iyak si Margaret.
“Hayaan mo na lang siya, kapalit ito ng hiling ko,” sabi ni Margaret sa kaniya.
“Hindi ka niya pwedeng makuha. Gagawin ko ang lahat maligtas lang ang kaluluwa mo. Hindi ako papayag na mapunta ka sa impyerno gaya ng sabi niya,” sabi ni Zenrick sa kaniya.”I don't want to see you suffer,” dagdag pa nito.
“He battled out with Azazel, hindi ko maalala lahat ng mga nangyari basta may isang sobrang puting liwanag ang dumating. Nakita ko na lang ang katawan ni Zenrick sa lapag, wala siyang malay pero unti unti rin siyang gumalaw, he turned on me. He was screaming hard, he was screaming as if life was leaving him and then I saw Azazel coming towards me and the light too. Pumunta siya sa katawan ni Zenrick, he was able to stop Azazel. They both disappeared in my eyes and I never saw Zenrick until then.”
“Zenrick was the reason why I'm still alive,” sabi ni Sister Margaret sa amin. "Walang maaring tumakas sa isang kontrata lalo na kung gawa 'to sa dilim." Dagdag pa niya. Biglaang humangin ng sobrang lakas sa loob ng simbahan. Napakalakas nito at nagsitumbahan ang mga santo na nandoon.
“Nandito siya,” sabi ni Zenrick.Tinago ni Kuya Hans si Sister Margaret sa likod niya at si Zenrick naman ay ganon din ang ginawa sa akin.
“Show yourself, you asshole!” sigaw ni Zenrick pero nakakakilabot na tawa lang ang narinig namin.
“Hindi ko hahayaan na matalo mo ako Zenrick,” sabi nito. Nabigla na lang kami ng lumutang sa ere si Sister Margaret at nagtitili ito.
“Bitawan mo ako, Azazel. Sa ngalan ng Panginoong Diyos bitawan mo ako!” sigaw ni Sister Margaret.
“Hindi totoo ang Diyos mo! Kaya mo nga naisangla ang kalulwa mo sa akin diba?” tanong naman ni Azazel sa kaniya at nagtatawa ito. Dinig na dinig namin ang boses niya, ang nakakatakot na boses nito.
“Just stop hurting Margaret, please? You've done enough, kinuha mo na ang kapatid ko!” sigaw ni Hans.
“Kasalanan 'yon ng nanay mong atrabida. Hindi ako kumukuha ng kaluluwang ‘di nakipag kasundo sa akin. It was your mother’s fault.” Sagot naman niya at tumawa ulit ito. "Alam niyo ba kung bakit hinayaan ng Diyos na i-alay ni Jephthah ang kanyang anak kahit na sigurado naman na ibibigay niya ang pagkapanalong inaasam nito?" tanong nito sa amin habang mahinang tumatawa.
"Kailangan niyang hayaan na matutunan ni Jephthah na hindi siya ang Diyos na inakala nito. Ganoon din ang sistema sa pagpasok sa kontrata sa mga katulad namin. Kailangan mong isipin kung handa mo bang i-alay ang kaya mong i-alay dahil oras na mahawakan mo na ang hiling mo. Kailangan mo ng sumunod sa ating usapan. Sa kaso nang kapatid mo Hans, at kay Margaret, iilan lang kayo sa mahigit libo- libong kaluluwa na gusto nang easy way out." Paliwanag niya sa amin.
"Stop with your bullshit!" Malakas itong tumawa.
“Zenrick, galit na galit pa rin ba sa akin? Atleast be thankful kasi dalawang beses muna tayo nagtagpo bago ko nabura ang ala-ala mo." Sabi nito muli nito sa kanya.
"Dahil sa hindi ko na pwedeng kunin ang kaluluwa ni Margaret, aasarin na lang kita Zenrick. Paano kung papiliin kita Margaret o Ericka?” tanong nito at tumawa siya.
“Sino ba ang pipiliin mong mabuhay?” tanong nito.
“s**t, Zenrick!” sigaw ni Kuya Hans.
“Do something, don't let him hurt one of them.” Dagdag pa nito napasigaw na lang ako ng pati ako ay lumutang na sa ere.
“Tulong! Bitawan mo ako!” sigaw ko pinipilit kaming hilain ni Kuya Hans pababa pero hindi niya kaya.
“Wag mo silang idadamay dito Azazel, tayo ang magkalaban!” sabi ni Zenrick.
“Nang dahil sa'yo nabulilyaso ang kaluluwa na para sa akin, napakapakialamero mo kasi at ng amo mo. Kung ‘di ka dumating nakuha ko sana ang destiny ko.”Sagot ni Azazel sa kaniya tuluyan na itong nagpakita sa amin.
Sobrang itim na nilalang na may nakakatakot na itsura, pula ang mga mata at amoy sunog siya. Samantalang si Zenrick naman ay may puting awra na lumalabas mula sa katawan niya. Puting awra na naghugis pakpak at ang isa naman ay parang espada.
Si Zenrick ba ‘yong anghel na tinutukoy ni Ka- Isko?
Anghel ba si Zenrick?
“Hindi ko siya amo, nagkasundo lang kami na dapat ang ginagawa sa isang katulad mo ay pinapatay,” sagot ni Zenrick sa kaniya ngumisi si Zenrick habang nilalaro ang hugis espada na liwanag na iyon.
“Nagkasundo o napilitang pagsibilhan para sa babaeng mahal mo?” tanong nito at saka siya naglakad sa palibot namin ni Sister Margaret at huminto siya sa harap ni Sister Margaret.
“Ang buhay mo bilang isang tao ay ang kapalit ng kaluluwa ng babaeng mahal mo. Pumayag kang maging hunter para lang masiguradong hindi ko mahahawakan ang kaluluwa ni Margaret. Sobrang nakakaiyak Zenrick. Ang romantic, kinikilig ako ng slight.” Sabi ni Azazel at tumawa ng nakakatakot ang demonyong iyon.
“Zenrick, bakit?” sigaw ni Sister Margaret habang umiiyak, mas lalong bumigat ang nararamdaman ni Sister Margaret, pakiramdam ko nagsisimula na naman s’yang sisihin ang sarili niya. Their love was great and real, it even conquered hell. Against Demons and with the force of Angels.
“It's because I love you, Margaret. I love you so much that I will do everything to save you.” sagot ni Zenrick.Ito ang buhay niya, ang dahilan kung bakit siya nasa mundong ito. Lahat ng ginagawa niya ay para lang kay Margaret iyon at ako, siguro parte lang ako ng isang chapter ng buhay niya. Ang tutulong para ipaalala sa kaniya ang nakaraan niya at siya naman, binuo niya ang kalahati ng buhay ko. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap kung ano ako, at ang dahilan kung bakit tumibok ang puso ko.
“Ililigtas ko kayong dalawa. Wala na siyang masasaktan na kahit na sino.” Sabi ni Zenrick. Pinatid niya ang itim na string na nagdudugtong sa kapangyarihan ni Azazel at sa pagkaka float namin sa ere.Parehas kaming bumagsak ni Sister Margaret sa sahig. Napahiyaw ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Sister, are you okay?” tanong ko sa kaniya.
“Oo, okay lang ako. Eh si Zenrick, anong nangyayari sa kaniya?” tanong niya sa akin.
“Nag-uusap sila, sabi nung demonyo pinagpalit ni Zenrick ang buhay niya bilang isang tao para iligtas ka lang,” sagot ko sa kaniya at muli siyang naluha.
“Bakit? Bakit niya ginawa iyon?” she asked me.
“Akala ko kapag binura ko ang ala–ala mo bilang sugo nang anghel na iyon ay tatahimik ang buhay demonyo ko, pero mali pala ako dahil matalino ang amo mo. Gumawa siya ng paraan para bumalik ‘yang ala-ala mo gamit ang babaeng ‘to,”sabi niya kay Zenrick. “Ang babaeng ito na naman…” dagdag niya at galit na galit na tumingin sa akin.
Ano bang problema niya sa akin?
Nag-smirk si Zenrick at nakita kong naging asul ang mga mata nito.
Anghel nga siya!
“Alam mo, kasalanan mo rin naman ito eh, nagpakita ka pa kasi sa akin,” sagot naman nito sa kaniya.
“Ngayon ihanda mo na ang kamatayan mo.” Sabi ni Zenrick at naglaban sila.Masyado akong nasisilaw sa liwanag na meron si Zenrick pero alam kong nagbubugbugan sila.
“Ang liwanag masyado,” sabi ni Sister Margaret sa akin. Maging pala sila ni Kuya Hans ay nakikita ang liwanag.
“Ericka, tumakas na kayo,” sabi ni Zenrick sa akin.
“Pero hindi kita pwedeng iwan,” sabi ko at nasuntok siya ni Azazel. “Madadamay kayo kapag hindi kayo umalis. Pakiusap, umalis na kayo susundan ko na lang kayo mamaya,” sabi niya sa akin.
“Zenrick, paan—”
“Hans! Umalis na kayo,” sabi ni Zenrick sa kaniya.At this point of time, si kuya Hans ang isa sa maswerteng nakakarinig kay Zenrick.
“Tara na!” sabi ni Kuya Hans sa akin at hinila niya ako palabas ng simbahan. Isang sigaw ang narinig namin at biglang nawala ang liwanag na meron si Zenrick.
“Si Zenrick!” dali-dali akong tumakbo para lapitan siya.
“Dito ka lang Ericka! Zenrick can handle himself,” suway ni Kuya Hans sa akin pero hindi ako nagpapigil bumalik ako sa loob ng simbahan at nakita ko siyang nakaluhod doon.
“Zenrick!” tawag ko sa kaniya at agad ko siyang inalalayan. Nawala na ang kulay asul niyang mata at putting awra.
“I guess I wasn't strong enough to defeat him,” sabi niya sa akin.
“Wag mo ng isipin na matalo pa siya, nailigtas mo naman na si Sister Margaret.”
“Pero ikaw, gusto ka niyang kunin. I need to defeat him to save you, Ericka,” sagot niya sa akin at napayuko ako dahil doon.
“Gusto ka niyang kunin ng dahil sa akin. I put your life into danger. He knows that you are f*****g important to me,” dagdag pa niya sa akin.
“Huwag mo ng isipin 'yon, malakas ka kay G, he will save you, us. Magpahinga na lang muna tayo.” Sagot ko sa kaniya at lumabas na kaming dalawa. Pinaalam ni Sister Margaret ang nangyari sa mga Mother Superiors niya kaya hinayaan kaming tumuloy doon kahit isang gabi lang.
Pinag-pray over pa kami ni Kuya Hans para sa protection, samantalang si Zenrick naman ay nakatingin lang kay Sister Margaret na parang gusto niya itong makausap. Matagal niya itong hindi nakausap kaya siguro ganoon, nasasabik siya sa babaeng mahal niya.
***
HINDI ako makatulog matapos ang nangyari sa amin kanina lang. Sobrang intense at puno ng aksyon para sa isang multo na katulad ni Zenrick. Naisip ko, ang lakas pala ng power love 'no? Kasi nagawa ni Zenrick na isakripisyo ang buhay niya mabuhay lang ng ligtas at hindi mapunta sa impyerno ang kaluluwa ni Sister Margaret.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Zenrick at kung paano siya nagkaroon ng powers para malabanan si Azazel.Siguro may kinalaman iyon sa pagkawala ng ala-ala niya. “Hindi ka rin ba makatulog?” tanong ni Kuya Hans sa akin at tumingin ako sa kaniya.Nakita ko siyang nilalaro ang cellphone niya.
“Oo, iniisip ko kasi ang nangyari kanina,” sagot ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga.
“Hindi kapani-paniwala ano?” He asked me at tumango ako sa kaniya. "Hindi ko alam na nagawa pala iyon ni Zenrick para kay Margaret. Talagang mahal na mahal nila ang isa't isa.” sabi niya sa akin at saka siya umupo.
“Bakit, hindi ba lahat ng tao kaya nilang magsakripisyo para sa mahal nila?” tanong ko sa kaniya.
“Ibahin mo si Zenrick, noong nasa dance school kami e ibang- iba siya. He was a very self centered person. Margaret had a difficult time loving him because of his ego and his pride. Kaya hindi ko lubos maisip na makakaya niyang isakripisyo ang buhay niya para dito,” sagot niya sa akin.
“Zenrick died because of his love for her,” dagdag pa niya sa akin at saglit kaming natahimik. “Sa tingin mo ba kung buhay pa si Zenrick ay babalikan pa rin niya si Margaret?” tanong ko sa kaniya at saka ko yinakap ang tuhod ko.
“Siguro, bakit mo natanong?”he asked me back.
“Kasi... kanina nakita ko kung paano niya tingnan si Margaret. Nakita ko yung mga titig niya, lalo na nung naalala na niya si Margaret. Kitang- kita ko ang pagmamahal.” sagot ko sa kaniya.
“You like him right?”he asked me back at dahan dahan akong tumango.I like him, I don’t just simply like him. I know that it’s something deeper than that.
“Si Zenrick, pinadama niya sa akin na hindi ako kakaiba kahit sobrang weird at abnormal ko dahil sa third eye ko. Akala ko ay ako lang ang pagtingin niya pero ang bigat pala ng nakaraan niya at hindi basta-basta dapat iwan iyon,” sagot ko sa kaniya.
“You liked a ghost,” sabi niya sa akin at saka niya ako tinawanan.
“Oo na, nagkagusto na ako sa multo pero alam ko naman na dapat kalimutan ko na lang itong nararamdaman ko eh,” sagot ko sa kaniya at saka ako nahiga sa kama ko.
“I actually thought that you like me.” Sabi niya sa akin at saka siya tumawa.“Alam mo feeling ko may jinx ako pagdating sa mga babae,” sabi niya sa akin.
“Jinx?”
“Lahat kasi ng babaeng nagugustuhan ko, nakakatuluyan ni Zenrick bandang huli. Second Lead Syndrome I guess,” sagot niya sa akin at saka siya tumawa ng mahina.
“Hindi ka nakakatawa kuya Hans. Pero may point baka ikaw ang Jisoo Philippine version.” Sabi ko sa kaniya at saka ko tinakpan ng unan ang mukha ko. Huwag ka ngang maging hibang Ericka, imposible ang gusto mong mangyari. May Margaret na si Zenrick at isa pa, Multo na siya.
***
(ZENRICK ADEL ST. CROIX’S POINT OF VIEW)
BUONG gabi kong pinagmamasdan si Margaret na matulog. Naging nakakapagod ang araw na ito kaya madali siyang nakatulog kanina. Habang pinagmamasdan ko siya ay nakaramdam ako ng pagsisisi.
“Sana maging tao na ulit ako para makasama na kita.” Sagot ko sa kaniya at mahina akong ngumiti.
“Kahit saglit lang Margaret, pero huli na para hilingin ko iyon. Wala na akong kawala sa misyon kong ito,” bulong ko muli at hinalikan ko siya sa ulo niya.
“Ang lamig,” mahina niyang bulong at saka siya nagtalukbong. Naalala ko na ang lahat ng nangyari sa akin nung gabing kinukuha ni Azazel si Margaret, lahat ng iyon. Kung bakit ako nawala sa mundong ito, hindi iyon dahil sa namatay ako kung hindi dahil sa pumasok din ako sa isang deal.
I decided to become a demon hunter to prevent Margaret's soul from burning to hell. She's done a lot for me, hindi ko kayang mabuhay na parang walang nangyari gayong alam ko naman na ang laki ng sinakripisyo niya para lang makalakad ako. My Boss was an Angel named Castiel, he save me from being killed. I asked for his help to me save Margaret. He gave me this mission to kill Azazel and other demons who pollute people's mind but I failed. Ang naalala ko ay nagkaroon muli kami nang labanan. We tried to save a soul that made a deal with him but that's when he was able to get on me and remove my memories. He made me believe that I was a ghost, and that my abilities would only return once my memories came back. Yes, hindi ako anghel gaya ng una kong akala, I’m a hunter working under an angel who wants Azazel dead.
I'm happy that I met Ericka because she gave me the reason to live again. Ericka made me feel alive again. All those years that I’m living as a demon hunter, I felt dead. Why? because I can't be with Margaret again until Ericka came and made me alive again. She made my heart beat like a teenager and because of her, I had the strength to return in my past.
To return to Margaret.
God, I want to talk to Margaret even just for a while. Gusto kong sabihin sa kaniya na huwag niyang sisihin ang sarili niya dahil sa nangyari sa akin. I didn't die, I just turned into a celestial being invisible into other people's eyes.
Except for those special one like Ericka or to people that I want to see me.
Castiel told me before that not even mediums can see me, but in this case Ericka did and I don't know how did that happened but I don't care. What's important is that I found her in ghostly life and because of her, I found my past so that I can continue my life. While I was walking going back into the room, I saw a light.
“Castiel…” I whispered at mas lumiwanag iyon, at saka nawala. Then I saw a man, the same man that I bumped the last time.
“Naalala mo na ako, Zenrick,” sabi niya sa akin at saka siya ngumiti.
“Yeah, it turns out I really did had an amnesia because of Azazel,” sagot ko sa kaniya.
“Ngayong naalala mo na lang lahat kailangan mo ng tapusin ang misyon mo. Binigay ko sayo si Azazel pero hindi mo siya matalo-talo kahit ang lakas ng kapangyarihan na inatang ko sa'yo,” sabi niya sa akin.
“Patawad…” sagot ko sa kaniya.
“Kasalanan ko kung bakit, you have personal grudge on Azazel dahil sa nangyari sa inyo ni Margaret. Ginagamit niya ang connection mo kay Margaret to weaken you and manipulate you instead.” Sagot niya sa akin at saka niya ako nilingon.
“I don't want him to hurt Margaret anymore, kasalanan ko to kung hindi ko pinakita kay Margaret na mahina ako hindi sana niya maiisip na tawagin ang katulad ni Azazel,” sabi ko sa kaniya.
“Humans are weak but their faith in God will make strong,” sagot niya sa akin.
‘The father above made sure that Margaret will have her second chance despite of her sins, and also he made sure that Margaret will also give her self a chance to forgive herself,” sagot niya sa akin.
“Sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ko,” sabi ko sa kaniya at tumango siya sa akin. He gave me a warm smile as he sat down on a bench nearby.
“Castiel, can I ask for something?” I asked him.
“You want to talk to her right?” He asked me and I nodded at him.
“I just want to tell her how much I love her for the last time,” sagot ko sa kaniya.
“Because of your amnesia, ‘di mo pa kaya kontrolin ang powers mo. Hindi mo pa magawang maging visible without turning mortal. Okay I guess, I’ll help you.” He told me.
“I'll give you 10 minutes to become a human again but everything that will happen within that 10 minutes will not be under my control. So I ask you to be careful, you will be vulnerable when I will turn you back in 10 minutes.” Sabi niya sa akin and he touched my head, I felt a warm essence around me and he disappeared in front of me.
Tumingin ako sa sarili ko at nakita ko ngang tao na ako. “Zenrick, ikaw ba iyan?” a soft voice whispered as if it was going to c***k. Lumingon ako and I saw Margaret looking at me, she was in awe and tears fell down from her eyes.
“Goodness gracious!” she exclaimed and she ran to hug me. Her warm hug, I never thought I'd feel it again.
“I missed you, My Magenta.” Bulong ko sa kaniya.
“Ako rin, Zenrick,” sabi niya sa akin at saka siya humiwalay sa yakap ko. “Paano ka nabuhay, I thought you were a gho--” she was stopped when her I kissed her soft lips. 10 minutes was very short but it was long enough for someone who signed up into immortality of being a Demon Hunter.
“I was and still a ghost, I only have a short time to tell you this.” sabi ko sa kaniya and I kissed her hand.
“I never thought that I will see you as a nun.”
“Zenrick, God gave me you. Sa dami ng nagawa mong kabutihan sa akin ito na lang ang maari kong gawing kapalit para sa pinakita niyang pagmamahal sa akin gamit ka,” sagot niya sa akin.
“Nang mawala ka sa kweba na iyon, I felt that life became so rude to me. Iniisip ko na ikaw na nga lang ang meron ako pero hinayaan ko pa na mawala ka. I am very weak and that weakness killed you but then I remembered that you saved me. God saved me through you,” dagdag pa niya sa akin.
“Patawarin mo ako kasi kahit wala kang ginawa kung hindi ang mahalin ka ay nilagay pa kita sa pahamak,” sagot niya sa akin.
“Hindi kita sinisisi sa kung ano man ang naging desisyon ko, nung araw na niligtas kita at nung malaman kong nalumpo ako dahil doon. Hindi ko iyon pinagsisihan, Margaret.”Hinaplos ko ang pisngi niya at ang luhang tumulo doon.
“But still, Zenrick I killed you.” She answered and burst into tears again.
“No, you didn't. Hinding hindi ko isisisi sa'yo ang pagkawala ko kasi hindi ako nawala ng basta basta na lang. I disappeared for a reason and that reason is my love for you. Paulit-ulit akong mamatay para sayo at kahit kailan at hindi ko iyon pagsisisihan.”
“Zenrick, I Love you. After all this years, ikaw pa rin ang mahal ko, I never thought na masasabi ko pa sa'yo ito,” she smiled saying those words at me.
“I Lov--” I was stopped when I saw her eyes widened.
“Ze-Zenrick,” she whispered my name and her knees weakens, her body became stiff and frozen.
“Margaret!” I screamed her name when I realized one thing, she's not breathing anymore.
She's dead.
“Hindi ba nasabi sa'yo ni Castiel na humans are weak and vulnerable, that's why demons use them to hurt God.”Tumingin ako sa harap ko and I saw that roasted demon, Azazel.
“What the f**k! What did you do?” I asked him.
“I'm just making sure that won't be able to kill me.” sagot niya sa akin.
“Akala mo hindi ako marunong mag-English ano?” tanong niya sa akin at saka siya tumawa.
“Damn! I will kill you Azazel!” sigaw ko sa kaniya at muli lang siyang tumawa saka siya naglakad palapit sa akin. I hugged Margaret's body tight. “Magenta, please... go back,” I whispered but she's gone, there was no sign of her life anymore.
“Babe please, Mabuhay ka!” pakiusap ko pero hindi na siya gumagalaw. “I will kill you!” sigaw ko sa kaniya.
“Then go ahead, kill me Zenrick because right now you are just a f*****g human. YOu’re a hunter who doesn’t to control your abilities because you forgot how.” sagot niya sa akin. Binitawan ko si Margaret at saka ko siya sinugod. I tried punching him but he was able to stop me. Throwing me into the ground, he came down on my level.
“I may not have Margaret's soul, but I'll be happy to add your celestial wings on my collection. What do you think?”he asked me. I groaned in pain as he tried to break my ribs and pushed me more into the ground.
“Stupidity and ignorance of love makes us Demons stronger than Angels,” dagdag pa niya sa akin.