(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW)
NAGMAMADALI akong bumaba at pinuntahan si Zenrick na hindi makagalaw sa ibaba.Hindi ko na nakita pa ang demonyo pagbaba ko, pero nakita ko si Zenrick na malapit nang makabangon. “Bwisit!” sigaw nitoat dahan dahan siyang tumayo.
“Zenrick!”tawag ko sa kaniya at agad ko siyang inalalayan.
“Mabuti hindi ka napa'no ng sobra, may masakit ba sa'yo?” tanong ko sa kaniya at saka ko siya hinawakan sa mukha pero inalis lang niya iyon.
“Why the hell did he know so much about me?!” tanong niya sa akin at mukha siyang litong lito ngayon.
“Bakit kailangan ka rin niya kunin? Bakit kailangan ka rin niyang kunin tulad niya ha?!” he asked me back at natigil siya.“May naalala ka na?” I asked him at umiling siya sa akin sinubukan ko siyang hawakan ulit dahil sa hindi siya kalmado pero mas nagmukha lang siyang tense.
“Hindi ko alam,” sagot niya sa akin at naglakad siya palayo. “Zenrick! Saglit lang, may naalala ka ba kahit kaunti?”tanong ko ulit sa kaniya pero mas lalo lang siyang naging tense.
“Zenrick, ano ba?! Sumagot ka nga ng maayos!”singhal ko sa kaniya at pinaharap ko siya sa akin pero isang umiiyak na Zenrick ang lumingon sa akin.
“Hindi ko nga alam kung ano ba tong naalala ko? Bakit kailangan kong maalala to? Ericka, ang sakit! Sobrang sakit!” sabi niya sa akin. Awa ang naramdaman ko sa kaniya nang makita ko siyang umiiyak.
“Bakit pakiramdam ko na lahat ay kinukuha sa akin? Bakit kailangang idamay ka niya?” sabi niya muli sa akin at yinakap ko siya. Wala akong magawa kung hindi ang yakapin lang siya. He was too fragile to cry, he doesn’t deserve to cry.
“Wala na siyang kukunin sa'yo ha kaya, please. H’wag ka ng umiyak Zenrick,” sabi ko sa kaniya at niyakap niya ako pabalik. Kahit pinagtitinginan ako ng mga tao dahil mukha akong baliw, wala akong pakialam doon basta ang alam ko kailangan ni Zenrick ang yakap ko.
“Nakita ko yung sarili ko, kalaban ko yung demonyong 'yon. Kinukuha niya si Margaret sa akin. Wala akong magawa noon kasi siya ang dahilan kung bakit ako nakalakad hanggang sa nawala si Margaret, nawala siya. Nawala siya sa akin…” sabi niya sa akin.
“Ericka kukunin ka rin niya sa akin,” sagot niya sa akin pero umiling ako. “Hindi niya ako kukunin sayo ha?” paninigurado ko sa kaniya.
“Baliw ba yung babae?Kanina pa siya may kausap pero wala naman oh.”
“Sayang maganda pa naman siya.”
“Aalamin natin kung anong nangyari kay Margaret at kung bakit ka nawala ha?” sabi ko sa kaniya.
“Hindi ka rin mawawala ng dahil sa akin diba?” tanong niya sa akin at tumango ako sa kaniya.
“Hindi ako makukuha nung demonyo na iyon at hindi rin ako mawawala,” sagot ko sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko ng sobrang higpit.
“Tama, hindi ka mawawala kasi hindi ko hahayaan na mangyari iyon,” aniya at hindi na niya binitawan ang kamay ko buong gabi.
***
BUMALIK kami ni Zenrick kay Hans para magtanong ulit tungkol kay Margaret. Para malaman ang katotohanan, para masagot ang tanong sa katauhan ni Zenrick, kahit ayaw niyang bumalik dahil inis na inis siya kay Hans ay pumayag rin siya. He had no choice, this will answer the questions on his identity.
“Hanggang doon lang sasabihin ko dahil iyon lang ang alam ko,” sabi ni Kuya Hans sa akin.
“Sige na, baka may alam ka lang kung nasaan si Margaret Abott.” pagpupumilit ko sa kaniya. “Sabihin mo na sa amin, please.”
“Wala nga akong alam,” pagpupumilit niya sa akin. Sa tingin niya at sa kilos niya ay alam kong may alam siya.
“Kuya please, para maliwanagan na si Zenrick.” Nakita ko ang pagbuo ng iritableng ekspresyon sa kaniyang mukha.
“Si Zenrick ang dahilan kung bakit nawala si Margaret!” sabi niya sa akin.
“So may alam ka nga?” I asked him.
“Ericka, nangako ako kay Margaret na wala akong pagsasabihan kung nasaan siya,” sagot niya sa akin. “So, alam mo nga. May gusto lang naman akong malaman sa kaniya eh, yung tungkol sa demonyo saka sa naalala ko.” Sagot ni Zenrick.
“Hans, wala naming masamang mangyayari kung sasabihin mo sa akin ang mga bagay na ‘yon. Kailangan ng kaluluwa niya ng sagot, kailangan naming malaman kung bakit ginugulo pa rin kami ng demonyong iyon at… kung bakit kilala no’n si Zenrick.” Paliwanag ko sa kaniya.
“Ipagpatawad mo, hanggang doon na lang ang mabibigay kong information,” sabi niya sa akin. “Paano kung si Zenrick mismo ang naghahanap kay Margaret?” sabi ko sa kaniya at napatingin sa akin si Hans.
“It's impossible. Patay na si Zenrick.”
“He's beside me right now, at wala siyang maalala sa nakaraan niya hanggang sa dumating ang demonyong iyon which caused him to remember some things that is questionable enough,” sagot ko sa kaniya at tumingin ako kay Zenrick.
“You’re kidding me right?” he asked me at umiling ako sa kaniya. “Konektado yung demonyo kay Margaret at Zenrick, alam ni Margaret kung bakit nawala si Zenrick kaya please, kailangan lang namin syang makausap. In this way, I can help him.” sagot ko sa kaniya.
“Pakisabi kay Zenrick na kung talagang gusto niyang matahimik na, tigilan na lang niya si Margaret.Nananahimik na yung tao.” Sagot niya sa akin at saka siya umalis.
“Please!” sigaw ni Zenrick at nagbukas patay ang ilaw sa salas pero hindi ito pinansin ni Kuya Hans. Sa halip ay tumayo ito at saka tumingin sa akin. “I still have a meeting to attend, magbibihis na ako. The door is free, you may leave if you wish.”Saad niya sa amin, sarado na talaga ang kaniyang isip at ayaw talaga niyang magbigay ng impormasyon.
“Ano bang problema mo ha? Gusto ko lang malaman kung anong nangyari! Kung bakit nangyayari ito?!” sigaw muli ni Zenrick at pinasara niya ang pintuan na lalabasan sana ni Kuya Hans.
“Kuya please, nagmamakaawa ako sabihin mo na kung nasaan si Margaret Abott,” sabi ko sa kaniya.
“Ano bang kailangan ni Zenrick ha? Pinahirapan na nga niya dati si Margaret tapos hanggang ngayong patay na siya gano'n pa rin?” tanong ni Kuya hans sa akin.
“Hindi ko siya gustong pahirapan, it was the last thing on my mind. I did everything for her, to protect her, but if I failed. I'm sorry but I won't let the same thing happen to Ericka,” sabi ni Zenrick.
'Sab—”
“I heard it,” sabi ni Kuya Hans sa akin at hinarap niya ako. Nanlalaki ang mga mata n’ya na tila ba ‘di siya makapaniwala. “Narinig ko si Zenrick. It’s his voice…” saad n’ya muli sa akin
“Paano mo siya naririnig?” nagawa ko pang itanong sa kaniya. I was in disbelief. Impossibleng madinig n’ya ng gano’n ka-claro ang mga sinasabi ni Zenrick.
“I don't know, I just heard him,” sagot naman nito sa akin.Napatingin ako kay Zenrick, Paano siya nadinig ni Kuya Hans? Pero hindi na ‘yon importante ngayon. In this way, they can talk personally. Napatingin ako kay Zenrick na puno ng pagtataka maging siya ay nagulat dahil may ibang nakarinig sa kaniya pwera sa akin.
“Nanahimik na si Margaret, guguluhin mo lang ang buhay niya kung babalik ka pa,” sabi ni Kuya Hans sa kaniya.
“Please, aalis din ako pag nalaman ko kung bakit ako kilala nung demonyong iyon, at kung bakit gusto niya ring kunin si Ericka,” sagot ni Zenrick.
“Kukunin niya si Ericka? Paano nangyari ‘yon hindi ba ‘yung mga nakikipagkasundo lang sa kaniya ang kinukuha niya?”
“I did a research about that demon. It’s name was Azazel the angel of dark wishes and desire, despair and death. Kinukuha niya ang mga souls ng nakipag kasundo sa kaniya. He was hiding in a shadow of a monster but once you decided to make a deal with him. He’ll show you his real self para ‘di ka na makawala pa sa kaniya. His real self was a seductive demon, hindi ‘yon balat kayo. Some says that he was an angel before kaya ganoon ang itsura n’ya and he use that on his evil ways. Nakakaakit s’ya para sa isang demonyo, hindi na magbabago ang isip mo dahil mahuhulog ka na sa patibong niya.” Paliwanag niya sa akin.
“Hindi ko alam pero binalikan kami ng demonyo at sinasabi niya na kukunin niya ako. Kung ‘di daw kami pinagbigyan ng langit. Pwes and impyerno daw ang gagawa no’n.”Sagot ko sa kaniya bumuntong hininga si Kuya Hans sa aming dalawa.
“Fine sasamahan ko kayo sa kaniya pero pakiusap,kapag nakuha niyo na ang gusto niyo, wag niyo na siyang guluhin. She’s already living in peace,” sabi niya sa akin.
“I promise Hans, hindi ko na siya guguluhin,” sagot ni Zenrick.
All this time, nasa isang kumbento sa Tagaytay si Margaret. Doon siya tumuloy matapos mawala ni Zenrick.Tinulungan siya ni Kuya Hans at sinuportahan ang mga pangangailangan nito hanggang sa makaya na niyang mag-isa. Bakit? Dahil may feelings pala si Kuya Hans kay Margaret, iyon din ang dahilan kung bakit protective ito sa kaniya.
“Magpapaalam lang ako kay Ate saka kukuha ng gamit, pumasok ka muna sa loob Kuya Hans,” sabi ko kay Kuya Hans.
“Sige,” simpleng sagot niya sa akin. Bumuntot sa akin si Zenrick at pumasok na kami sa loob.
“Aba, may kasamang pogi ang kapatid ko.”
“Thanks ate Ria, alam kong gwapo ako,” sagot naman ni Zenrick at nagpogi sign siya sa isang gilid. “Sino itong maputing lalaki sa tabi mo?” tanong ni Ate at kinurot ang singit ko sabay turo kay Kuya Hans.
“I'm Hans Mortel, kapatid ako ni Tanya.”
“Aray, gwapo din naman ako ha? Saka bakit kailangang sabihing maputi?” tanong ni Zenrick.
“Siguro dahil mas gwapo talaga ako sa’yo, at talagang mas maputi ako kesa sa’yo,” sagot naman ni Hans sa kaniya.
“Mas gwapo ako sa’yo, Ako ang pinili ni Margaret na mahalin imbes na ikaw,” sagot naman ni Zenrick. “And Ericka likes me too,” dagdag pa nito. Napamura si Kuya Hans sa hangin mabuti hindi narinig iyon ni Ate.
“Ay Oo, ikaw yung pogi doon sa burol. Condolence pala ha? Teka anong ginagawa mo dito kasama ang kapatid ko?” tanong ni Ate Ria sa kaniya.
“Teka, anong pogi diyan Ate Ria? Mas gwapo kaya ako diyan saka mas mabait ako—”
“Tumahimik ka nga diyan.”
“Ano?Pinapatahimik mo ko, Ericka?” tanong ni Ate sa akin at umiling ako.”Yung lamok Ate, pinapatahimik ko,” sabi ko sa kaniya at saka ko binugaw si Zenrick at sinampal sampal.
“Aray naman,” reklamo niya sa akin.
“Bakit mo nga kasama 'yan dito? Liligawan ka na?” tanong ni Ate sa akin.
“Actually, I need Ericka to come with me. Pwede ba siyang sumama?” Hans asked her and he smiled.
“Come with you? Omg! Saan iyan? Itatanan mo ba ang kapatid ko?” tanong ni Ate sa kaniya. “No, we just need to go somewhere and I need her,” sagot ni Hans sa kaniya at ngumiti muli ito.
“Oo Ate, pupunta sana kaming Tagaytay mamaya, pwede ba?” tanong ko kay Ate.
“Mamaya agad?” tanong ni Ate sa akin at tumango ako sa kaniya.
“Saglit lang naman kami doon,” sabi ko pa at ngumiti ako. Saglit na nag-isip si Ate Ria.
“Sige, pero bumalik agad ha?” sabi niya sa akin at saka ako nagmadaling pumunta sa kwarto ko para mag-impake, sumunod naman si Zenrick na nakatingin sa mga damit na nilalabas ko.
“Tsk,tsk. Cup B ka pala,” sabi niya sa akin at inangat niya ang b*a ko.
“Ano ba? Nagagawa mo pang mag ganyan eh hinahanap pa natin yung nakaraan mo,” sabi ko sa kaniya at inagaw ang b*a ko na hawak hawak niya.
“Ang liit naman ng panty mo kasya ba sa'yo to?' sabi niya at pinasok sa ulo niya ang panty ko ginawa pa niya tong sombrero.
“Ano ba?!” sigaw ko at inagaw ko ang panty ko sa kaniya pero parehas lang kaming nasubsob sa kama.
Nagkatinginan kaming dalawa. “Hindi ko hahayaan na masaktan ka ng demonyong iyon,” sabi niya sa akin at ngumiti.
“Alam ko at hindi ko rin hahayaan na saktan niya ang damdamin mo,” sagot ko naman sa kaniya. “Masakit pa rin ba yung katawan mo?” tanong ko sa kaniya.
“It disappeared when you hugged me,” sagot niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. “Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabuhay ulit, gusto kong makilala ka,” sabi niya sa akin.
“Gusto ko na maging totoo ako para mabigyan ako ng pagkakataong mahalin ka pero imposible kasi kaluluwa na lang ako,” dagdag pa niya sa akin at bumangon na siya at naupo sa gilid ng kama ko, bumangon rin ako.
“Pwede mo pa rin naman akong mahalin kahit kaluluwa ka lang.”
“Alam ko, pero mahirap. Gusto kong maging totoo para sa'yo,” sagot niya sa akin at tinawanan ko lang siya. “Saka mo na isipin 'yan. Ang atupagin natin ay ang paghahanap sa sarili mo. Kailangan nating malaman kung bakit ka nawala at kung ano ang kinalaman nung demonyong iyon sa'yo,” sabi ko sa kaniya. Pinasok ko na ang mga gamit sa bag ko at saka kami bumaba, naghihintay si Kuya Hans doon.
“Let's go!” aya niya.
Nagbiyahe kaming tatlo papuntang Tagaytay, si Kuya Hans ang nagdrive at kami naman ni Zenrick ay natulog sa may likod ng sasakyan. Hindi nagtagal dumating na kami sa loob ng kumbento.
“Dito muna kayo kakausapin ko lang siya,” sabi ni Kuya Hans sa amin at pumasok siya sa loob. Mamaya maya may malamig na hangin ang pumalibot sa amin.
“Wala na kayong magagawa,” sabi nito, yung demonyong iyon.
“Wag mo akong subukan Zenrick, baka baliin ko ang kasunduan na ginawa namin ng amo mo at kunin ko pa rin si Margaret at si Ericka sa'yo,” sabi nito at tumawa siya ng sobrang lakas.
“Magpakita ka duwag!” sigaw ni Zenrick sa amin pero natumba lang ang estatwa ni Mama Mary na nakatayo sa hindi kalayuan sa amin.
“Kailangan mo daw ako?” sabay kaming lumingon ni Zenrick. Nakita namin ang isang batang madre, kasing edad lang siguro siya ni Kuya Hans.
“Margaret…” sabi niya dito binitawan niya ang kamay ko at lumapit siya kay Margaret, tumulo ang luha niya at hinaplos niya ang pisngi nito. Nakita ko ang pagguhit ng kaniyang ngiti, isang ngiti na hindi ko pa nakitang binigay niya sa akin.
“Sabi ni Hans, may kailangan ka raw sa akin tungkol kay Zenrick?” tanong niya muli sa akin pero ang atensyon ko ay na kay Zenrick, pakiramdam ko ang bigat sa puso na makita ko na may ibang babae siyang tinitingnan ng ganoon. Kitang kita ko ang pangungulila niya.
“Naaalala mo na ba siya?” I asked him at tumango siya sa akin.
“Hindi lahat pero alam kong mahalaga siya sa kahit na anong bagay sa mundo.Kahit pangarap ko kakalimutan ko makasama ko lang siya,” sagot niya sa akin.
“Miss? Sinong kausap mo?” tanong niya sa akin. “Si Zenrick, natutuwa siyang makita ka.” Sagot ko sa kaniya at tumingin siya sa paligid. “Si Zenrick? Patay na si Zenrick…”
“Maaring Oo, maaring hindi. Pero nandito s’ya, at gusto niyang maalala ang nakaraan niya. Gusto ka n’yang makausap,” sagot ko sa kaniya.
“Anong gusto mong malaman tungkol sa kaniya?” seryoso niyang tanong sa akin at malamig na hangin ang pumalibot sa aming apat. “Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit siya nawala,” sagot ko sa kaniya.
“Pumasok tayo sa loob ng kumbento, sa may simbahan tayo mag-usap. Mas ligtas doon,” sagot niya sa akin at sinundan namin siya.
“Bakit mo ba gustong malaman ang nangyari sa kaniya?” she asked me.
“Baka kasi alam mo kung bakit siya ginugulo nung demonyong kumuha kay Tanya at kung bakit gusto niya akong ipalit sayo,” sagot ko sa kaniya.
“Buhay pa rin ang demonyong iyon?,” tanong niya sa akin.
“So konektado talaga kayong dalawa ni Zenrick sa demonyo?” tanong ni Kuya Hans sa kaniya.
“Hindi, nadamay lang si Zenrick dito. Ako ang tumawag sa demonyong si Azazel para tuparin ang hiling ko pero si Zenrick ang gumawa ng paraan para hindi niya makuha ang kaluluwa ko.”