XV. Curse

3752 Words
(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW) “Aaahh!” malakas na sigaw ng isang lalaki ang nadinig ko kaya akong biglaang napabangon. “What was that?” tanong ni Kuya Hans sa akin. Kilala ko ang sigaw na iyon.”Si Zenrick,” bulong ko sa kaniya at agad kaming lumabas, paglabas namin ay nakita namin ang dalawang madre na tumatakbo din. “Sisters, ano po bang nangyayari?” tanong ko sa kanila. “Nakarinig kami ng sigaw ng lalaki kanina at galing siya sa parke.” Sagot naman ng isang madre sigaw ni Zenrick yun ha? Paano nila maririnig ang sigaw ni Zenrick, ako lang ang nakakarinig sa kaniya at minsan nadidinig din siya ni Kuya Hans.Special power siguro iyon ng isang multo Tumakbo kami papunta sa parke at nakita namin si Sister Margaret na nakahiga at parang hindi na gumagalaw. “Diyos ko!” sigaw ng isa sa mga madre. “What happened?” tanong ni Kuya Hans at lumapit ito kay Sister Margaret. “Margaret,” bulong niya at saka ito umiyak. Patay na si Sister Margaret. “f**k, who did this?!” sigaw ni Kuya Hans.”Hindi ka dapat mamatay, no! Margaret please!” Pagmamakaawa ni Kuya Hans pero talagang wala na si Sister Margaret.Sinubukan kong hanapin ang kaluluwa niya sa paligid pero wala naman ito. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Zenrick na nakadapa sa ground. “Zenrick!” sigaw ko at saka ko siya nilapitan agad. “Boom!” biglang sumulpot ang demonyong iyon sa harap ko, Si Azazel at tumatawa pa siya. “Ericka, leave now!” Sabi ni Zenrick sa akin habang nasa ground siya tinulak ko si Azazel at agad na nilapitan si Zenrick. “Hindi na ba ako nakakatakot?” tanong niya at saka siya tumawa. “Sa halos daily na kita nakikita, hindi na ako natatakot sa'yo. Sawang sawa na ako sa baho mo, sunog!” sabi ko sakaniya at saka ko siya binelatan. “Anong ginawa mo kay Sister Margaret saka kay Zenrick?!” malakas kong tanong sa kaniya.Pinipilit kong pabangunin si Zenrick, hindi siya multo ngayon. Nahahawakan ko ang dugo sa kaniyang ulo at napahiran pa ang kamay ko noon. “Tanungin mo si Zenrick kung anong ginawa ko,” sabi niya sa akin. “Diyos ko, Sister Margaret kaawaan ka ng panginoon. Nawa'y sana kasama mo na siya diyan sa langit.” Dasal ng isang madre. Wala siyang ideya na may demonyong nanggulo dito binalik ko ulit ang tingin ko kay Zenrick. “Ano bang nangyari sa iyo? Bakit may mga sugat ka at saka bakit tao ka ngayon?” I asked him. “I just asked for a while, gusto ko lang makausap si Margaret pero iba ang nangyari namatay siya. Hindi ko siya nailigtas dahil ginawa akong tao. I was a demon hunter and I let her get killed by Azazel,”sagot niya sa akin at umiyak siya ng sobrang lakas. “Urgh, so romantic. Kinikilig ako…” bumalik ang atensyon namin kay Azazel na pinitik ang kaniyang mga daliri. “Ahh!” sigaw ni Zenrick ng madagdagan ang kaniyang sugat sa katawan.Nagkaroon siya ng malaking hiwa sa kaniyang dibdib tapos may bali din siya sa kamay at ribs niya. “Alam mo Zenrick, gusto na kitang patayin total tao ka naman ngayon at may natitira pa akong tatlong minuto para tapusin ka.Pero gusto kong makitang sisihin mo ang sarili mo at mamatay ka dahil sa pagkamatay ni Margaret. It was the sweetest way to get your celestial wings.” Sabi nito sa kaniya Kailan pa natutong mag-ingles ang demonyong ito ha? “You can never kill me Azazel, I will be the one who will kill you and I will make sure that Margaret will be your last victim. I will not let you touch anyone especially, Ericka.” Sabi niya at saka niya pinilit tumayo pero natumba lang siya. “Wag ka ng tumayo, you are weak as f**k Zenrick, Tao ka ngayon at hindi multo!”pagpapaalala ko sa kaniya. “Ang dami na niyang kinuha sa akin, I won't let him touch you. Huli na si Margaret,” sabi niya sa akin at saka naging asul ang kulay ng mga mata niya.Slowly white aura started to cover up his body. “Alam mo kung ano ang mali mo Azazel, You chose to kill Margaret instead of killing me,” sabi niya dito. “Lalaban ka na ba, Zenrick?” “What do you think?”he asked him back.Tumingin ako kay kuya Hans at nakita kong dinala nila sa labas ang katawan ni Sister Margaret.Isusugod na nila ito sa hospital binaling ko ulit ang tingin ko kay Zenrick to see him changed a lot. He's like a warrior, blue eyes and slightly blonde hair.  Wings that is made of light and sword made of white light. He was good-looking as f**k sa ganyang get–up niya. Mukha siyang anghel? Is he the angel in the dark?  Sobrang iba sa normal lang na multong Zenrick, kaya pala iba ang lakas niya nung first encounter namin laban kay Azazel. He was strong pero nakalimutan lang niya iyon. Zenrick is Special, and here I am abnormal na may third eye. This ghost is not just like any other ghost, nagulat na lang ako ng tinulak ako ni Zenrick sa lapag. “Diyan ka lang sa likod ko.” Sabi nya sa akin at naglaban na silang dalawa. Para akong nanonood ng sine na may 4D effects, it was so effin' real, magkapantay lang ang lakas nila. “Pinatay ko si Margaret at wala kang nagawa.” Sabi ni Azazel sa kaniya and Zenrick punched him.Zenrick was losing his control, he was crying was while throwing some punches na hindi naman tumatama. “I'm going to make sure that you're dead after this.” “Subukan mo, killing me won't bring Margaret back. She's dead as fuck.” “Pero wala naman sayo ang kaluluwa niya.” Tutusukin na sana siya ni Zenrick nang kaniyang espada ng biglang nasa harap na ako ni Zenrick at nakatago sa likod ko ang demonyo. “ I don’t need her soul, what I need is this girl’s soul,” he chuckled. “Aaahh!” sigaw ko at agad na huminto si Zenrick. “Huwag mong idamay si Ericka dito, Azazel!” banta niya dito. Nanginginig ang luha ko sa takot dahil parang isang inches na lang ang layo ng espada ni Zenrick sa tiyan ko. “Damay na siya sa away natin, Azazel. She is the reason why your memories returned, so she needs to pay the consequences.A lot of consequences.” Aagot nito sa kaniya, hinawakan ni Azazel ang mukha ko at saka niya hinaplos.  “Alam mo ba naisip ko dati na dapat ‘yung original form ko na lang ang gagamitin ko at hindi yung sunog saka pangit para magwapuhan agad ‘yung mga business partners ko. I really don’t understand why Lucifer required me to look ugly as f**k when I’m handsome as hell… Sabaga this handsome face came from the old man above. Bitter siya.” sabi niya sa akin at pinunasan niya ang luha na tumutulo sa mga mata ko. Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko and I felt him sniff me. “Virgin blood,” he smirked. That made me shook in fear. “Don't you know that I find virgins attractive huh?” he asked me at hinawakan niya ang pisngi ko bigla siyang nabalot ng itim na usok at nagpalit siya ng anyo niya.Isang gwapong lalaki na parang artista ang dating. Bakit parang nakita ko na ang ganiyang mukha? Somewhere in my dream, I think I saw him. “Don't you dare touch her, Azazel!” banta ni Zenrick sa kaniya pero tumawa lang siya ng sobrang lakas. “But she's mine, she's already mine Zenrick,”sagot nito at saka niya hinalikan ang batok ko. Napasigaw ako ng sobrang lakas dahil sa init na bumalot sa aking katawan. Sobrang init nito at pakiramdam ko nasunog ang buong katawan ko dahil doon. “You’re mine from the start.  And you will be mine, forever… We’re gonna have the paradise you desire in hell.” he whispered kasunod ng kaniyang tawa. Napahiyaw ako ng dahil sa sakit na nararamdaman ko biglaan akong tinulak ni Azazel sa lupa pero nasalo ako ni Zenrick may tiningnan siya sa batok ko. “f**k!” sigaw niya at masama niyang tiningnan si Azazel. “f**k you, Azazel!” sigaw ni Zenrick “I would love to do that with her, I want to f**k her.” sagot niya kay Zenrick at saka siya tumawa ng malakas. “How dare you mark her?” He asked him at tumingin ako kay Zenrick. “Anong ginawa niya sa akin?” tanong ko sa kaniya at hinawakan ko ang batok, pero paso ang nakapa ko sobrang sakit pa nito kaya mas lalo akong napaiyak. “Tanga, hinawakan mo agad kita mong bago pa. Edi mas umiyak ka sa hapdi niyan. Mga tao talaga, may pagka-inutin kaya ang bilis utuin,” Asar sa akin ng demonyong ‘yon at saka siya tumawa. “Anong ginawa mo?!” “From now on, my life will be intertwined with yours. If Zenrick tries to kill me you'll die instead.” Sabi niya and he disappeared. Sinubukan pa siyang habulin ni Zenrick sa pamamagitan ng pagtapon ng espada nito sa direksyon niya pero nawala na si Azazel. “Natatakot ako,” bulong ko sa kaniya sa gitna ng aking mga iyak. “Hindi ako papayag na masaktan ka niya Ericka ha? Hindi ko hahayaan na magaya ka kay Margaret. I will protect you no matter what it takes okay?” he asked me at saka niya ako yinakap ng sobrang higpit. *** “AYAW mo ba munang puntahan si Sister Margaret?” tanong ko sa kaniya habang ginagamot niya ang malaking paso sa leeg ko.Marka iyon na hugis triangle tapos may weird symbols na pang-evil talaga. “Wala akong lakas ng loob na puntahan siya,” sabi niya sa akin at kinuha niya ang bulak saka niya iyon binasa ng alcohol.”Ano bang nangyari kanina ha? Bakit namatay si Sister Margaret?” tanong ko sa kaniya. “Humiling ako kay Castiel ng 10 minuto para maging tao at makausap siya, Azazel used that to kill her. As a human being hindi ko naramdaman ang presensya niya,” sagot niya sa akin. “Aray…”daing ko ng madiin ang pag-pahid niya ng cotton sa aking batok. “Sorry…” sabi niya sa akin at tumingin ako sa kaniya. “Yung mga ginawa mo kanina, anong ibig sabihin no'n? Yung wings tapos yung blue eyes mo?” tanong ko sa kaniya at saka siya ngumiti. “It turns out that I'm a demon hunter,” sagot niya sa at saka siya tumawa. “Hindi ako nawala dahil sa namatay ako, I disappeared because I was turned into one,” sagot niya sa akin. “I lost my memory on a encounter with Azazel, binura niya ang ala-ala ko para hindi ko siya mapatay,” dagdag pa niya sa akin at hindi ako naka-imik sa kaniya. Nilagyan niya ng bandage ang sugat at niya hinipan. “It'll be fine,” sabi niya sa akin at siya naman ang tiningan ko. “Ikaw, may mga sugat ka kanina diba?” I asked him. “Gumaling din iyon nung bumalik ako sa pagiging hunter, you don't need to worry about it.” sagot niya sa akin.  “I'm sorry, napahamak ka ng dahil sa akin,” sabi ko sa kaniya.”Ako ang dapat na mag-sorry sayo, masyado kang naipit sa g**o ko. Ngayon, ginawa ka pang pain ni Azazel para lang hindi ko magawa ang misyon ko,” sagot niya sa akin. “He made his life connected with yours, Kapag sinaktan ko s’ya, mararamdaman mo ‘yon. Hindi siya mamatay agad pero ikaw dahil tao ka, Oo. Mapapahamak ka sa ginawa n’ya.”Dagdag pa niya sa akin at saka ako napayuko.Malaking g**o nga ang napasok niya ng dahil sa akin. Ayokong mamatay pero ayoko rin naman na mabuhay pa si Azazel dahil marami itong buhay na sinisira. “Im sorry ulit, imbes  sana madali yung misyon mo pinahi—” natigil ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. “Bakit?” bigla niya akong yinakap, ayan na naman ang puso ko. Imbes na hindi tama ang kiligin ngayon dahil sa nasumpa na ang kaluluwa ko eh kinikilig pa rin ako. “Hindi pa pala ako nakakapag-thank you sa’yo,” sabi niya sa akin. “Salamat, para saan?” I asked him again at lumakas ang t***k ng puso ko.  “For giving me a reason to live again,” dagdag pa niya sa akin. “I’ll make sure that, that reason will stay alive, I’ll protect you from everything that will harm you,” dagdag pa niya sa akin. *** TAHIMIK kaming pumasok sa simbahan nang iuwi ang mga labi ni Sister Margaret. Maraming nag-iyakan para sa kaniya, mabait daw kasi talaga ito at hindi nila inaasahan ang pagkamatay niya. Habang nagdadasal ang lahat ay dahan dahang lumapit si Zenrick sa kabaong niya, sumunod naman ako sa kaniya at nakita ko siya nakatingin dito. “Nandito ba yung gagong 'yon?” tanong ni Kuya Hans sa akin at tumango ako sa kaniya. “Tinitingnan niya yung kabaong ni Sister Margaret,” sagot ko sa kaniya.Inilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya. “Pakisabi sa kaniya, umalis na lang siya. Namatay si Margaret ng dahil sa kaniya,” sabi niya sa akin. “Tell him to make himself visible again so that I can punch him,” dagdag pa niya sa akin. “Walang kasalanan si Zenrick, gusto lang niya makausap si Margaret. Hindi niya gustong mamatay ito.” Sagot ko sa kaniya pero halata ang galit sa pinapakita niyang reaksyon. “I only have Margaret,patay na nga siya kinukuha pa niya sa akin.” “Hindi ko sinasadya na mamatay siya, I love her so much. Lahat gagawin ko para lang mabuhay siya but I failed, I'm sorry Hans.” sabi ni Zenrick sa kaniya. “Akala ko nung nawala ka kahit paano ay magiging akin siya,” sagot ni Kuya Hans sa kaniya. “But her heart always belongs to you, mas pinili niyang mag-madre kaysa bigyan ako ng pagkakataong mahalin siya ng higit sa pagmamahal mo,” dagdag pa nito sa kaniya. “And now, I just woke up at the fact that she died because of you, why does it always have to be you?” he asked and tears fell from his eyes. Hindi ko rin mapigilan ang malungkot, He loved her but she loved Zenrick. “I just don't want to hear your creepy voice anymore, please don't make your self audible or I will sprinkle holy water over you,” sabi ni Kuya Hans. “Kuya, wala namang may gusto nito eh,” sabi ko sa kaniya. “Margaret lived silently for years until he returned and killed her.” Sagot niya sa akin at saka siya nag-walk out sa loob ng simbahan susundan ko sana si Kuya Hans pero pumasok siya agad sa sasakyan niya. “Hindi ka naman galit sa akin diba?” tanong niya dito at nakarinig kami ng isang tawa, galing siya sa isang babae sa likod namin. “Wala akong dahilan para magalit sayo,” sabi ng babaeng iyon sa amin. Lumingon si Zenrick at nakita nga namin siya na papalapit kay Zenrick. Si sister Margaret, kahit kaluluwa na siya eh ang ganda pa rin niya. “I was the reason why you died,” sagot ni Zenrick sa kaniya. “I died happily because I was able to talk to you for the last time.” Sagot naman ni Sister Margaret sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya tapos nag yakapan silang dalawa. “Zenrick, gusto kong magpasalamat sa'yo kasi hindi nagdudusa ang kaluluwa ko ngayon,” sabi niya kay Zenrick. “My soul will go to heaven because of your love for me. I promise, once I reach heaven and had the chance to meet God, I'll tell him about the kindness you've done in my life. I'll ask him to give something special for you,” sabi niya kay Zenrick at nakita kong may isang napaka bright na liwanag na nagmula sa itaas. “Margaret,” tawag niya dito at ngumiti si Margaret. “Zenrick sana sa pagkawala, ko sarili mo naman ang intindihin mo ha? Puso mo naman ang ayusin mo, happiness mo naman ang hanapin mo.” sabi niya at saka ito tumalikod na. Hinabol siya ni Zenrick at yinakap niya ito. “I Love you, My Magenta.” “I Love you too, Mr. Black.” sagot nito and they shared their last kiss. Tuluyan nang kinuha ng liwanag si Sister Margaret.Ngumiti si Zenrick ng tuluyan nang nawala si Sister Margaret.“Susubukan ko maging masaya para sa'yo Margaret, but I will never forget the greatest love that we shared,” aniya. *** BUMALIK na kami sa Maynila kinabukasan. Hinatid ako ni Kuya Hans sa bahay namin saka siya muling bumalik sa Tagaytay para sa burol ni Sister Margaret. Pagdating ko sa bahay ay wala ang Ate, nasa trabaho na siguro siya. Pumasok ako sa loob at saka bumuntong hininga. Ang daming nangyari, parang ang hirap pananiwalaan ng mga iyon. Hinawakan ko ang batok ko at tiningnan ang marka na ginawa ni Azazel sa akin. “Paano ba ako makakawala sa sumpa mo?” tanong ko sa sarili ko. “There's no way you can get away with it.” Napalingon ako at nakita ko si Azazel nakaupo malapit sa bintana ng kwarto ko. “Kasi ayokong makawala ka sa akin. Akin ka kasi e, epal lang ‘yan father sa taas,” dagdag pa niya sa akin. “Anong ginagawa mo dito?!” sabi ko at kinuha ko ang dos por dos na nasa tabi ng lamesa ko. “Kapag sinaktan mo ako ikaw din ang kawawa, kaya ibaba mo na lang iyang dos por dos.” Sabi niya sa akin at saka siya lumapit sa akin para kunin ang dos por dos sa kamay ko, binalik sa pinag-kuhanan ko.  Agad ko siyang sinipa sa tiyan niya pero ako ang nakaramdam ng sakit na iyon. “Binalaan na kita diba?” tanong niya sa akin. Inayos niya ang bangles niya sa kamay niya at saka niya inangat ang aking pisngi. “Ginawa ko kasing destiny tayo para naman maging romantic ang buhay ko, nakakaboring ding maging demonyo,” sabi niya sa akin. “Ano bang kailangan mo at nandito ka?” tanong ko sa kaniya at saka ko pabalyang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. “Namiss kita kaya ako nandito,” sagot niya sa akin at saka niya nilibot ang sarili niya sa kwarto ko. “Umalis ka na! kung hindi bubuhusan kita ng holy water.” Sabi ko sa kaniya at inangat ko ang holy water na binigay sa akin kanina ni Sister Superior para sa protection ko. Ngumisi siya sa akin, galit… Iyon ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Para s’yang may tinatagong galit, at nais n’yang ilabas sa akin ang galit na iyon. “Hindi ako mamamatay gamit ang holy water, ikaw ang masusunog imbes na ako. Naalala mo bang pinag-intertwine ko ang buhay natin?”Sagot niya sa akin at saka siya humiga sa aking kama na tila ba pag-aari n’ya ‘yon. “Hindi ka ba nakuntento sa ginawa mo sa akin ha? Umalis ka na lang pwede ba ha?” tanong ko sa kaniya pero tinawanan lang niya ako. “Hindi pa ako nakukuntento, gusto ko nga maipit si Zenrick eh, yung tipong sasaktan ka niya para lang mamatay ako. Gusto kong makita iyon, gusto kong malaman kung anong mas mahalaga sa kaniya. Ang galit ba niya o ikaw na naging dahilan niya para mabuhay ulit?”he asked me. Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya at dahan dahang lumapit sa akin. “Gusto kong malaman kung anong meron sa’yo at gustong- gusto kong mahirapan ka.” sabi niya sa akin.  “Gusto kong malaman kung bakit mo ‘yon nagawa sa akin dati?” nakangiting tanong n’ya sa akin. “Anong ibig sabihin mo?” nanginginig kong tanong sa kaniya. Ngayon ko lang naman siya nakita at wala akong masamang ginagawa sa kaniya. Siya pa nga ang may masamang ginagawa sa akin. Inangat niya ang kamay niya sa aking pisngi at marahang hinaplos, he lifted my chin up at muli s’yang tumawa. Para s’yang nahihibang sa harap ko, pero at the same time, naawa ako sa lungkot at galit na nagtatago sa kaniya. I wanted to take it away for some reason. Para akong naawa sa isang demonyo. “Saka gusto ko ring malaman kung attractive pa ba ako,” dagdag pa niya sa akin at inilapit niya ang mukha niya sa akin. “Mas gwapo naman talaga ako kay Zenrick. Bakit ba mas gusto mo s’ya kesa sa akin? Being with me had a lot of benefits. Like, I can make your suffering a pleasure…” tanong niya sa akin at inilapit niya ang labi niya sa tainga ko. “I can make hell a living paradise for you... And my d**k is longer than his dick.” “f**k Off!” nakarinig kami ng sigaw, biglaang tumama sa pader ang likod ni Azazel at naramdaman ko ang sakit no'n. Napadaing ako ng malakas, nakita ko na lang si Zenrick na sinasakal si Azazel ng sobrang diin. “Calm down, Zenrick!” pag-awat niya dito. “I won't calm down until you die, shithead!” sagot ni Zenrick sa kaniya. Hinawakan ko ang leeg ko dahil pakiramdam ko mawawalan na ako ng hininga ko. “Ze- Zenrick…” bulong ko at tinuon niya ang atensyon niya sa akin. “Anong ginawa mo kay Ericka?”he asked him. “Naging destiny na kami, soulmates kung baga! Nakalimutan mo na ba?”sagot nito at saka siya tumawa.Binitawan ni Zenrick ang leeg niya at saka ako agad na nakahinga ng maluwag. Umuubo-ubo pa ako ng lapitan ako ni Zenrick at saka ako yinakap ng mahigpit. “Kapag sasaktan mo siya, I'll feel the pain,” sabi ko sa kaniya. “Kung para sa kaniya wala lang ang sakit, sa akin ay sobrang sakit.” “Nakalimutan ko ‘yon, he made your lives intertwined with that mark.” “Tama, kaya hindi mo na ako mapapatay!”Bulalas nito. “Buhay pa ako pero s’ya patay na.” “Ako, hindi kita mapapatay but other hunters will,” sagot ni Zenrick sa kaniya at muli itong tumawa. “Kaya nga mas lalong hindi nila ako mapapatay kasi wala kang magiging choice kung hindi ang protektahan si Ericka even if it means not letting me die.” Sagot nito sa kaniya at kinuha niya ang cutter na nakalapag sa tabi ng bag ko. Hiniwa niya ang pulso niya at ako agad ang nasugatan. “Aray,” sigaw ko at saka ko tinakpan ang dumudugo kong pulso. Hinawa niya ulit ang kabila pa niyang pulso at saka siya tumawa ng malakas. “Stop it, Azazel! Huwag mo nang idamay si Ericka dito please? Hindi na kita papatayin kung iyan ang gusto mo just remove this f*****g curse on her!” pakiusap ni Zenrick sa kaniya pero umiling lang ito.Sobrang daming dugo na lumalabas sa aking pulso. “Zenrick, ang tanging paraan lang para matanggal kay Ericka ang sumpa ko ay ang ibigay mo sa akin ang kaluluwa niya. Mahirap din kasi na mag-isa lang ako sa tahanan ko sa impyerno. I need a slave to bring me a euphoric pleasures. And she will be perfect…” malademonyo nitong saad sa kaniya. “Hinding – hindi ko siya ibibgay sa’yo! I’ll protect her!” “Zenrick… ang sakit…” natuon ang kaniyang attensyon sa akin. Pakiramdam ko mamatay na ako, nahihilo na rin ako. “Wag kang pipikit, dadalhin kita sa hospital. Hindi ka pwedeng mawala katulad ni Margaret.” Sabi niya sa akin at binalot niya ng tuwalya ang magkabilang kamay ko. “Nagseselos ako…” sabat ni Azazel. “Shut up you stinking demon!” sigaw ni Zenrick at saka niya ako binuhat pababa, hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Zenrick na nilapag ang katawan ko sa malambot na kama. “Stinking? Excuse me, honestly speaking, mas gwapo ako sa’yo…” “You'll be alright, I assure you,” sabi niya sa akin at hinawakan ko ang kamay niya. Inikot ni Azazel ang mga mata niya. “Talagang magseselos na ako, nakikipag-flirt ang destiny ko sa ibang lalaki,” sabi nito. “Natatakot ako,” bulong ko sa kaniya. “You don't need to be afraid, Ericka. I will protect you no matter what happened. Hindi ko hahayaang kunin ka rin sa akin.” bulong niya at saka niya ako hinalikan sa aking labi. “Awww this scene f*****g hurts! My evil heart is breaking…” pang-aasar ni Azazel sa gilid.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD